"Boss... mukhang hulog na hulog ka na kay Zora. Paano na si Cathy? Wala ka na ba talagang pakialam sa kaniya? Baka naman ginagawa mo lang panakip butas si Zora?" wika ni Andersen nang maupo siya sa harapan ni Brandy. "Wala na akong pakialam pa kay Cathy. Simula nang makuha ni Zora ang atensyon ko, parang bigla na lang nawala sa isipan at puso ko si Cathy. Kaya malabo ang sinasabi mong gagawin ko lang panakip butas si Zora. Iba na ang nararamdaman ko para sa kaniya," seryosong pahayag ni Brandy. "Pumapag- ibig ka na ngang talaga, boss! In love na ang boss namin!" mapanlokong sabi ni Archer sabay palakpak. Tiningnan siya ng masama ni Brandy. "Tigilan mo nga ako, Archer! Palibhasa kasi f uck boy kang hayop ka." Malakas na tumawa si Archer. "Grabe ka naman maka- f uck boy diyan! Isang ling