4

1212 Words
"Tahan na, pamangkin..." Panay pa rin ang iyak ni Zora nang makauwi siya sa bahay ng kaniyang tiyahin. Takot na takot siya at nanginginig ang kalamnan. Hanggang ngayon ay nangingilabot siya at pakiramdam niya nga, naririnig pa rin niya sa kaniyang likuran ang bulong ng lalaki. "Huwag kang mag - alala... mauubos din ang masasamang tao na iyan," dagdag pang sabi ni aling Bakekang. Tumigil sa pag - iyak si Zora. "Mauubos? Paano sila mauubos?" Tumikhim si aling Bakekang. "Sa barangay na ito, bibihira na lang ang ganiyan. Bihira na lang ang magkaroon ng krimen dito. Alam mo ba kung bakit?" "Bakit po?" "Kapag may naganap na krimen, kinabukasan makikita na lang ang masamang tao na iyon na patay na. Kung saan nakasemento ang katawan nito sa loob ng malaking drum. May tama ng bala. Gano'n," tila kinilabutang pagkukuwento ni aling Bakekang. Nanlaki ang mata ni Zora. "Po?! Patay? Pinapatay agad?" Mabilis na tumango si aling Bakekang. "Oo pinapatay agad! Kaya siguro natatakot din ang mga g ago dito na gumawa ng kagaguhan dahil talagang papatayin sila!" "Ano?!" Nakaramdam ng takot si Zora. Alam naman niyang may mga taong masasama talaga ngunit nakatatakot pa ring malaman na pinapatay lang pala ito kaagad. "Bakit hindi na lang ikulong? Patay talaga agad?" Nagkibit balikat si aling Bakekang. "Hindi namin alam. Basta, ang kumakalat na chismis, may hitman daw sa barangay nating ito. Siya ang nagbabantay sa paligid. At kung mapapansin mo, bawat sulok.... bawat kanto ng barangay na ito ay may CCTV. At ang sabi pa, iyong hitman na iyon ang nagbabantay sa CCTV kung saan nakikita niya ang bawat krimen! At pagkatapos, pupuntahan niya at papatayin agad! Nakakatakot pakinggan kung tutuusin pero kung iisipin mo, mapapanatili ang kaligtasan ng barangay dahil sa hitman na iyon. Kaya nga lang, kawawa iyong papatayin. Pero kasi kasalanan naman din no'n kasi gumawa siya ng krimen." Hindi nakapagsalita kaagad si Zora. Tumigil na siya nang tuluyan sa pag - iyak at saka inayos ang kaniyang itsura. Nakakakilabot naman pala sa barangay na ito kung totoong may hitman man! Kaso.... may magandang dulot din kasi mapapanatili ang kaligtasan ng mga tao. Ay ewan! "Kaya nga kahit gabi 'di ba may mga lumalabas - labas pa rin ng bahay. Kasi nga alam nila na kapag may masamang tao ang gumulo sa kanila, patay talaga ito," hirit pa ni aling Bakekang. Nangisay - ngisay naman si Zora. "Hay naku, tita! Nakakatakot pa rin! Ang lupit naman ng hitman na iyon! Walang awa rin! Kinilabutan talaga ako!" Naisip bigla ni Zora ang lalaking naka - face mask na nagligtas sa kaniya. Naisip niya ang malapad na likod nito na ang ibig sabihin lang, maganda ang katawan ng lalaking iyon. Iyon na kaya ang sinasabi ni tita Bakeks na hitman? Guwapo kaya ang lalaking iyon? "Matulog ka na, pamangkin at magpahinga. Ikalma mo ang sarili mo at huwag mo ng isipin pa ang nangyari kanina. Bukas baka makita na natin ang lalaking gumawa sa iyo no'n na patay na at nakalagay sa drum na may semento," sambit ni aling Bakekang bago pumasok sa kaniyang kuwarto. Napalunok ng laway si Zora bago mabilis na pumasok sa loob ng kaniyang kuwarto. Kinilabutan talaga siya sa sinabing iyon ng tiyahin niya. Masyadong brutal naman at kaawa - awa ang ganoong klaseng pagpatay! Pero kung hindi ako niligtas ng hitman na iyon, baka kanina pa ako patay! KINABUKASAN, nakita sa ilog ng barangay Tutan ang lalaking wala ng buhay. May tama ng bala ang ulo nito kung saan nakasemento ang buong katawan sa malaking drum at tanging ulo lang nito ang labas. "Hoy, Bakekang! May patay sa ilog! Nakalagay na naman sa drum! Ano kaya ang ginawa ng lalaking iyon? Bakit siya pinatay?" wika ng isang ale. "Oh talaga?" sabi naman ni aling Bakakeng. "Oo nga! Puntahan mo kung gusto mong makita!" Napalunok ng laway si Zora nang marinig niya ang usapan ng dalawa. Agad siyang lumapit sa kaniyang tiyahin upang makibalita pa. "Halika, pamangkin pumunta tayo sa ilog!" sambit ni aling Bakekang. Agad namang sumunod si Zora sa kaniyang tiyahin. Lakad - takbo ang ginawa nilang dalawa patungo sa ilog. Maraming tao na ang nando'n. Ang iba ay nag- vi - video pa at kumukuha ng litrato sa patay. Nanlaki ang mga mata ni Zora nang makita ang patay. Iyon ang lalaking lasing kagabi! "Ano, pamangkin? Siya ba ang lalaking muntik nang gumahasa sa iyo?" Mabilis na tumango si Zora. "O- Opo ... siya po..." Napatingin sa dalaga ang isang babae. "Muntik kang ginahasa ng lalaking iyon?" panunukoy niya sa lalaki sa drum. Agad na tumango si Zora. "Opo... kagabi po iyon no'ng papunta ako sa bayan. Humarang siya sa daraanan ko tapos tinutukan niya ako ng patalim sa leeg." "Naku! Kailangan mong pumunta sa barangay para sabihin kay kapitan Brandy ang nangyari sa iyo!" Nagkatinginan sina Zora at aling Bakekang bago sila nagtungo sa barangay. Nandoon ang ilang pulis upang hingin ang kaniyang salaysay. Nandoon na rin si kapitan Brandy. "Sabihin mo sa amin kung ano ang nangyari..." naunang sabi ni Brandy. Makailang ulit lumunok ng laway si Zora bago nagsalita. "Inutusan po kasi ako ng tiyahin ko na magpunta sa bayan kagabi. Tapos ayon po... humarang po siya sa daraanan ko at bigla niya akong tinutukan ng patalim sa leeg. Na kapag sumigaw ako o hindi sumunod sa kaniya, gigilitan niya raw po ako. Hanggang sa bigla na lang may humatak sa kaniya na matangkad na lalaki. Pinaalis niya rin po ako agad. Hindi ko po nakilala kasi madilim na doon tapos naka - face mask pa iyong lalaki." Nagkatinginan naman ang mga pulis. "Naku, kap! Iyon na yata ang sinasabi nilang bantay sa barangay niyo dito! Kasi tuwing may ganiyan sa ilog, may mga krimeng ginawa o kalokohan ito kaya pinapatay." Bumuntong hininga si Brandy. "Tama ka. At hindi ko rin alam kung ano ang magagawa ko lalo pa't muntik na pa lang magahasa ang isang residente sa barangay na ito..." Hindi na masyadong tinanong pa si Zora kaya naman nakauwi na rin siya kaagad. Sinabihan na rin siya ng kaniyang tiyahin na hindi na siya uutusan nito kapag gabi na. Pagsapit ng hapon, nagwalis sa kanilang tapat ng bahay si Zora. Habang sa loob ng kaniyang sasakyan, nakatingin sa kaniya si Brandy. Pinagmamasdan nito ang kaniyang galaw. Pinukol ni Brandy ang kaniyang tingin sa matambok na puwet ng dalaga pati na sa malusog nitong dibdib na bahagyang umaalog kapag naglalakad. "Hoy! Kung makatitig ka naman diyan, parang matutunaw na sa tingin mo iyong babae..." natatawang sabi ni Archer. "Tsk. Ewan ko sa iyo. Tinitigan ko lang naman siya. Wala naman akong ibang ginagawang masama.." sagot ni Brandy. Ngumisi si Archer. "May balak ka bang gawin sa kaniya? Balak mo ba siyang isama sa mga koleksyon mo?" Umiling si Brandy. "Wala. Iba naman siya sa mga babaeng nagiging koleksyon ko. Mga malalandi ang babaeng iyon. At sa tingin ko pa lang, mukhang wala pang karanasan ang babaeng iyan." "Mukha nga. At mukhang ikaw yata ang unang bibinyag sa kaniya kapag nagkataon..." Napailing na lang si Brandy bago pinaandar ang kaniyang sasakyan. Ang babaeng tinutukoy ni Archer ay ang mga babaeng nakakatalik ni Brandy kung saan pinapatay niya ang mga ito dahil ang mga babaeng iyon ay malalandi at may krimen ding ginawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD