5

1316 Words
"Hi, Brandy... you're so handsome talaga," malanding sambit ni Iza. Si Iza ay isang mayamang negosyante at magaling manloko ng tao. Yumaman siya sa panloloko ngunit hindi makulong - kulong dahil malakas ang kapit. Malandi ang babaeng ito at kung kani - kanino nagpapatira. Walang lalaking sumeseryoso sa kaniya dahil sa kaniyang kalandian. Tamad na tumingin sa kaniya si Brandy. "Tigilan mo ako, Iza. Alam kong guwapo ako at hindi mo na kailangang sabihin pa. Huwag kang papansin at t anga kung ayaw mong pasabugin ko ang utak mo." Malakas na tumawa si Iza. Akala naman niya, nagbibiro si Brandy. Wala kasing nakakaalam na ibang tao tungkol sa pagpatay ni Brandy sa mga babaeng malandi na may mga ginawang kalokohan. Ang nakakaalam lang nito ay ang kasama niya sa kaniyang grupo. "Napakasungit mo naman. Akala mo naman talaga, magagawa mo iyon sa akin...." Hindi na lang umimik si Brandy. Bagkus ay nilagpasan na lang niya si Iza at saka nagtungo na sa Royal Gear Company. Ang kompanyang pagmamay - ari nilang tatlo. "Kumusta, boss?" nakangising sambit ni Archer nang pumasok sa loob ng kanilang opisina si Brandy. "Bakit naman nakabusangot ang mukha mo, boss kapitan?" sambit naman ni Andersen. Silang tatlo ang miyembro ng X-Skull Syndicate na pinamumunuan ni Brandy - ang Mafia boss. At sina Archer at Andersen ang underboss kung saan may kaniya - kaniya silang tauhan. Marami silang koneksyon at bilyon - bilyon ang kanilang pera. Tahimik lang silang kumilos. At halos takot lahat sa kanila. Ngunit may isang grupo na gusto silang kalabanin dahil sa inggit nito sa kanila. Ang Red Wolves. "May problema ba, boss?" hirit pa ni Archer. Naupo si Brandy sa swivel chair bago pinukol ang tingin sa binata. "Wala naman. May nakasalubong lang akong malanding babae na mukhang gustong mamatay ng maaga..." Tumawa si Andersen. "Eh 'di patayin mo na! Ilan na ba ang babae mong napatay? Ang naging koleksyon mo?" Humawak sa kaniyang baba si Brandy. "Siguro... nasa fifteen na sila. Hindi naman ako basta - basta pumapatay eh. Kaso nga lang, mga makukulit at papansin. Kaya talagang dapat diyan, pinatatahimik na." Humagalpak ng tawa si Archer. "Sira ulo talaga ang boss natin. Nilandi lang, pinatay agad. Buti pa ako, binubugbog ko lang." Ngumisi si Brandy. "Kumusta naman kayo sa mga barangay niyo? May mga tarantado pa rin ba?" Tumango si Archer. "Oo mayroon. Nakakatuwa pa lang maging kagawad 'no? Tamang tambay lang sa barangay. Ikaw, Anderson? Kumusta ang pagiging tanod mo? Ang pangit naman ng posisyon mo! Tanod ang p uta! Hindi man lang gumaya sa akin na kagawad!" Tumawa si Andersen. "Ayoko nga! Masarap maging tanod 'no! Tamang ikot - ikot lang sa barangay para suwayin ang mga g ago!" Natatawang napailing na lang si Brandy. Limang taon na rin simula ng binuo niya ang kanilang grupo. Ginawa niya iyon dahil may kaniya - kaniya silang kaaway. At isa pa, simula pagkabata pa lang nila, magkakaibigan na sila. At kahit naman na mga mamamatay tao sila, matulungin naman sila sa mga taong nangangailangan. Kaya ang kani - kanilang barangay ay pinananatili nilang ligtas at payapa. Ngunit wala lang talaga silang awa sa mga kriminal. Talagang pinapatay nila ito. Hindi na nila binubuhay pa para hindi na makagawa pa ng krimen. SAMANTALA, nakaramdam na ng matinding pagod si Zora. May sakit kasi ang kaniyang tiyahin kaya hindi siya nito natulungan sa pag - aasikaso sa karinderya. Siya na ang nagbenta at naghugas pati na ang naglinis ng kalat. Kaya naman pagsapit ng gabi, pawisan at hiningal siya nang bahagya matapos niyang makapaglinis. Umupo siya sa isang tabi bago kumatok sa kuwarto ng kaniyang tiyahin. "Tita Bakeks, ibibili lang kita saglit ng gamot sa bayan. Bibilisan ko na lang para makabalik ako kaagad," sambit ni Zora dahil nang tingnan niya ang lagayan ng gamot, wala ng laman. "Sigurado ka ba? Magdala ka ng pamalo diyan para kung may haharangin ka ulit, hampasin mo. Dalhin mo iyong baseball bat diyan," sambit ni aling Bakekang. Tumango ang dalaga. "Sige po, tita. Para hahampasin ko na lang siya sa ulo nang magtigil." Kumuha ng pera si Zora bago kinuha ang basball bat. Nagpahampas - hampas pa siya sa hangin na tila ba nagpa- practice kung paano hahampasin ang masamang tao na lalapit sa kaniya. Pagkatapos ay mabilis na siyang naglakad patungo sa bayan. Nakarating naman din siya kaagad dahil malalaki at mabilis ang kaniyang hakbang. Dinamihan na niya ang gamot na binili niya para hindi na siya pabalik - balik. At sa kaniyang paglalakad pauwi, napansin niya na tila ba may sumusunod na sasakyan sa kaniya. Sinitsitan siya ng lalaki mula sa sasakyan ngunit hindi niya ito nilingon. Buwisit naman talaga, oo! Palagi na naman bang may eepal sa buhay ko? Mukhang gusto yata ng lalaking ito maging semento sa drum! Hindi nililingon ni Zora ang lalaki mula sa sasakyan na tumatawag sa kaniya. At hindi niya rin ito nabobosesan dahil binabalot siya ng kaba sa mga oras na iyon. Mahigpit ang hawak niya sa baseball bat habang naglalakad. "Psst! Sumakay ka na dito!" sambit ng lalaki. Punyeta talaga! Nakakainis! Humanda sa akin ang lalaking ito! "Hayop ka, ayaw mong tumigil ha!" Pumihit sa kaniyang likuran si Zora at buong lakas na hinampas ng baseball bat ang sasakyan. Nagulat siya nang makilala ang tao na sa loob ng sasakyan. Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa lalaking ito at tila ba umatras ang dugo sa kaniyang katawan. "Kapitan Brandy?!" Nabitawan ni Zora ang hawak niyang baseball bat at saka napaatras. Hiyang - hiya siya sa mga oras ka iyon at hiniling na sana lamunin na lamang siya ng lupa at maglaho. Oh my gulay! Ano ang ginawa ko? Ano ang katangahang ginawa ko?! Bumuga ng hangin si Brandy bago lumabas ng kaniyang sasakyan. Basag ang unahan ng sasakyan ni Brandy pati na ang ilaw nito. Napalunok ng laway si Zora kung saan tumulo ang butil ng luha sa kaniyang mga mata. "K- Kapitan... patawarin niyo po a - ako... hindi ko po s- sinasadya... Akala ko po kasi... masamang tao na naman ang sumusunod sa akin..." sunod - sunod na tumulo ang butil na luha ni Zora sa kaniyang mata. Nakapamaywang na nakatingin si Brandy sa kaniyang sasakyan bago pinukol ang tingin kay Zora. Napalunok siya ng laway nang makitang lumuluha na ang dalaga na tila ba nahabag siya kay Zora. At iyon ang unang beses na naapektuhan siya sa isang babaeng lumuluha bukod sa mahal niyang si Cathy. "K- Kapitan... s- sorry po..." sambit ni Zora sabay luhod. "Hoy!" Agad na itinayo ni Brandy ang dalaga at pinagpagan ang suot nitong pants na nagkaroon ng lupa dahil sa pagluhod nitong ginawa. "Hayaan mo na. Naintindihan naman kita. Sumakay ka na sa sasakyan. Para maisabay na kita pauwi sa inyo," kalmado sabi ni Brandy. Walang salita - salitang pumasok sa loob ng sasakyan si Zora. Wala siyang imik at nakayuko lamang. Ngunit pasimple niyang sinusulyapan si Brandy. Ang guwapo niya pala talaga sa malapitan... guwapo na... mabait pa! Nang makarating sila sa bahay ni aling Bakekang, nagpasalamat ng sobra si Zora. Ngunit bigla niyang naisip ang baseball bat ng kaniyang tiyahin na naiwan sa kalsada. "Saan ka pupunta? Akala ko ba uuwi ka na?" takang tanong ni Brandy nang makitang babalik si Zora kung saan niya naiwan ang baseball bat. Kumamot sa ulo si Zora. "Ah .... eh sorry po, kapitan. Naiwan ko po iyong baseball bat ni tita sa kalsada. Patay po ako sa tita ko kung hindi ko mababalik iyon." Napailing na lang si Brandy. "Bahala ka. Umpisahan mo ng maglakad dahil hindi na kita ihahatid pa. Medyo may pagkatanga ka rin pala," sambit ni Brandy bago pinaandar ang kaniyang sasakyan. Naiwan namang tulala si Zora dahil nagulat siya sa sinabing iyon ni Brandy. What the? Alam kong tanga ako sa part na iyon pero kailangan niya pa talagang sabihin na tanga ako? Medyo masakit magsalita si Kapitan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD