38

1305 Words

"Magandang umaga, mahal kong Zora..." magiliw na bati ni Brandy nang puntahan niya ang dalaga. Namilog ang mata ni Zora. "Wow! First time mo yatang nagpunta dito ng ganito kaaga!" Ngumisi si Brandy sabay hawak sa kaniyang baba. "Syempre, nagagalit ka na sa akin dahil tuwing hapon o gabi lang kita pinupuntahan. Kaya talagang nagising ako ng maaga para makita ka at makasama." Kinilig naman si Zora sa sinabing iyon ni Brandy kaya naman niyakap niya ito. "Ang sweet mo naman... Hindi ko akalain na ganiyan ka pala ka- sweet." Hinaplos ni Brandy ang makinis na mukha ng dalaga. Magaan ang pakiramdam niya sa mga oras na iyon. Iba ang sayang hatid sa kaniya ni Zora. Iba ang pakiramdam niya sa tuwing magkasama silang dalawa. Na para bang silang dalawa lang ang tao sa mundo. Na para bang wala sila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD