"So liligawan mo na si Zora?" tanong ni Archer matapos sabihin sa kanila ni Brandy ang balak nitong gawin. "Oo. Ngayon, hindi na ako papayag na hindi siya maging akin. Ayoko ng tumunganga na lamang," wika naman ni Brandy. Ngumisi naman si Andersen. "Grabe! Iba talaga ang nagagawa ng pag- ibig! Pero seryoso 'to, boss... sure ka na ba talaga diyan? Baka mamaya siya ang maging dahilan ng pagbagsak mo." Agad na umiling si Brandy. "Hindi mangyayari iyon. Hindi ako papayag." "Pero paano nga kung sakali? Syempre, puwedeng gamitin siya ng kalaban para pabagsakin ka. Alam nating matagal ng gustong isiwalat ng kalaban natin ang tunay mong pagkatao para kamuhian ka nila. Para magulo ang buhay mo. Nag- aalala lang kami sa iyo, boss. Iyan din ang iniisip kasi namin kaya hanggang ngayon, hindi pa k