6

1030 Words
"Bakit nakatulala ka diyan? Ano ang iniisip mo?" tanong ni Kristel kay Zora. "Wala naman. Napapaisip lang ako kung bakit napakayaman ni Kapitan Brandy..." Kumunot ang noo ni Kristel. "Oh bakit mo naman naisip iyon? Eh malamang, mayaman ang pamilya nila. Marami silang negosyo. At mayor pa ang daddy nila no'ng buhay pa ito." Ngumiwi si Zora. "Eh 'di ang ibig mong sabihin, kurakot ang daddy niya? Kasi mayor eh tapos maraming pera." Natawa si Kristel sabay palo sa dalaga. "Hoy! Wala naman akong sinabing ganoon! Syempre 'di ba kalimitan sa mga ganiyang tao, mga nasa politics eh mayayaman?" "Oo ganoon na nga. Ibig sabihin, kurakot si kapitan Brandy?" Malakas na tumawa si Kristel at muling pinalo si Zora. "Grabe ka naman sa kurakot! Eh ang bali - balita nga, kapag kulang ang budget sa barangay natin, naglalabas ng pera si kapitan! Siya mismo ang nagbibigay at tumutulong sa mga walang - wala dito! Akala mo ba maliit lang ang barangay natin? Ang lawak kaya nito! At madaming tao dito dahil kay kapitan. Kasi nga mabait siya at matulungin sa kapwa." Hinawakan ni Zora ang kaniyang baba na tila ba nag - iisip. "Parang si kapitan ano... Parang masyadong mabait?" "Oh ano naman? Ayaw mo ba ng mabait na kapitan?" Nagkibit balikat si Zora. "Hindi naman sa ganoon. Kumbaga, nakakapagtaka lang masyado ang kabaitan niya. Kasi parang iba talaga. Sa amin kasi walang pakialam ang kapitan namin. Sa una lang mabait. Noong kinakailangan niya lang ng boto namin. Pero no'ng naupo na, wala na. Kurakot pa. Pero si kapitan Brandy, ibang - iba siya 'no? Bakit kaya napakabait naman yata niya?" "Hay naku, Zora! Kung anu - ano ang iniisip mo. Hindi ka ba masaya na mabait ang kapitan natin dito? Iba siya sa lahat ng kapitan dito. Iyong mga tao nga sa ibang barangay, lumilipat dito eh. Kaya siguro ilang taon pa ang lilipas, dadami na ang tao dito. Kasi isipin mo, bibihira lang magkaroon ng krimen dito. Kasi alam mo naman ang nangyayari sa mga pasaway na mga tao na iyon, 'di ba? Natatagpuan na lang sa ilog na walang buhay at nakasemento sa malaking drug. Talagang pinapatay..." nananakot na sambit ni Kristel na palaki - laki pa ng mata. Humaba ang nguso ni Zora. "Kaya nga eh ... Nakakatakot din kung tutuusin. Isipin mo, papatayin ka agad. Wala ng kulong - kulong pang nagaganap. Buhay agad ang kapalit. Kaso nga lang, maganda naman ang epekto niya sa mga taong matitino dito. Talagang naliligtas sila. Malayo sila sa kapahamakan..." "Bahala ka nga diyan, Zora! Mga sinasabi mo parang wala namang ano!" Natawa na lamang ng mahina si Zora bago pumasok sa loob ng bahay ng kaniyang tiyahin. Ngunit bigla siyang natakam sa milktea kaya naisapan niyang bumili sa bayan. Habang naglalakad siya patungo sa bayan, nakita niya si Kapitan Brandy na may kausap sa cellphone. Hindi siya napansin nito kaya naman mabilis siyang naglakad patungo sa sasakyan ng kapitan at nagtago sa baba. "Ano? Pakilinis ang kalat. Ayoko ng kalat. At isa pa, siguraduhin niyong walang maiiwan na bakas. Sinusubukan nila ako. Puwes, magkakasubukan kami. Humanda sila sa akin," galit na sambit ni Brandy. Ha? Magkakaubusan? Ano ba ito? Lahi? Magpapatayan ba ang ibig sabihin ni kapitan? Hindi kaya killer itong si kapitan at kasabwat siya ng hitman sa barangay na ito? Katakot naman si kapitan ngunit maangas din at the same time! Nanlaki ang mga mata ni Zora nang makitang papasok na sa sasakyan si Brandy kung saan siya nagtatago. Binalot siya ng kaba at hindi alam ang gagawin. "Zora?" gulat na sambit ni Brandy nang makita ang dalaga. Napangiwi naman si Zora. "H - Hi Kapitan.... magandang gabi po." Umarko ang kilay ni Brandy. "Ano ang ginagawa mo diyan? Kanina ka pa ba diyan? Pinakikinggan mo ba ang sinasabi ko?" Mabilis na umiling si Zora sabay tayo. Ipinakita niya kay Brandy ang tsinelas niyang may tae ng aso. Tinapakan niya kasi ang tae ng aso sa kaniyang tabi upang may mapalusot siya. "Pasensya ka na, Kapitan Brandy kung nagtago ako sa gilid ng sasakyan niyo. Nakatapak kasi ako ng tae. Nahiya ako bigla kasi dumaan iyong kaibigan ko kaya nagtago ako dito..." Palusot niya sabay ngisi. Natatawang umiling si Brandy. "Alam mo, maganda ka sana kaso may pagkatanga ka. Hindi mo man lang nakita ang tae sa daanan mo? Nasaan ba ang mata mo?" "Nakakabit po." Natawang muli si Brandy. "Ano? Malamang nakakabit talaga iyan. Bakit hindi mo ginagamit ng maayos? Ang baho. Kadiri ka." "Grabe ka naman kung makapagsalita, Kapitan! Ikaw nga guwapo sana pero mukha kang killer!" Natigilan si Brandy sa sinabi ng dalaga. "A- Anong sinabi mo?" Tumaas ang kilay ni Zora. "Mukha ka pong killer. Kasi iyong awrahan niyo, pang malakasan. Iyong parang boss kayo, ganoon? Ang lakas ng dating! Maangas! Alam mo, kapitan gusto ko ng mga ganoon. Mga maangas!" masayang sabi ni Zora. Napalunok ng laway si Brandy sabay iling. Ngumisi siya bago bumaling kay Zora na abala sa pagtanggal ng tae sa kaniyang tsinelas. Mukhang isip ba ang babaeng ito pero mukha naman siyang matino. Iba siya mga babaeng nakakasalamuha ko. Hindi siya malandi. Tanga nga lang. "Ang baho." "Wala namang taeng mabango, kap. Kapag mabango tao mo, ibang klase ka na no'n. Hindi ka na tao," sambit ni Zora habang kinikiskis ang paa niya sa lupa. "Bakit kasi gabi na lumalabas ka pa? Nandito ka pa sa bayan?" tanong ni Brandy. "Gusto ko po kasi ng milktea. Hinanap bigla ng dila ko. At saka safe naman dito sa barangay, 'di ba? Kapag may humarang ulit sa akin, makikita na lang sa ilog nakasemento." Napalunok ng laway si Brandy. Kalmado lang kung magsalita si Zora habang abala sa kaniyang ginagawa. Ibang klase rin.. kung kausapin ako akala mo close kaming dalawa. Lakas ng tama ng babaeng 'to. "Ano? Dito ka lang? Uuwi na ako." Humaba ang nguso ni Zora. "Eh 'di umuwi na kayo bakit nagpapaalam pa kayo sa akin, kapitan? Hindi ko naman kayo jowa," sambit ni Zora bago lumakad paalis. Napaawang naman ang bibig ni Brandy habang nakasunod ng tingin sa dalaga. Ano raw? Sira ulo yata talaga ang babaeng iyon! Ibang klase kung mag - isip!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD