V.

1588 Words
CHAPTER FIVE MATAPOS nang masinsinang pag-uusap ay nagpaalam na rin si Luis Alfred dahil lumalalim na ang gabi. Hinatid ko naman siya sa gate. “Maraming salamat ulit, Attorney. Mag-iingat ka sa daan.” “Masanay ka nang tawagin ako sa pangalan ko, Hannah. I'm more than your lawyer now, right?” “Pero hanggang kailan?” “Hannah, kakasimula pa lang natin tinatanong mo na kung hanggang kailan tayo tatagal?” amused na sabi niya. “Attorney, pareho naman nating alam na pumayag ako sa kondisyon mo para tulungan kami,” sabi kong hindi napigilan ang pagtaas ng isang kilay ko. “Kaya nga kapag sinabi kong tawagin mo 'ko sa pangalan ko, susundin mo,” may diin naman niyang aniya. “Hindi ko alam na manipulative ka rin pala,” sabi ko at pinagkrus ang mga braso ko. “I am not. You submitted yourself, you have no choice. And please, unang araw pa lang natin mag-aaway na agad tayo? And besides, hindi naman nila kailangang malaman ang totoong dahilan. Kailangan lang na hindi maghinala ng kung ano ang Tita mo. Nakukuha mo ba ang punto ko?” Napamaang ako. This guy is impossible! “Kailangan mo nang umuwi, Luis Alfred.” “Good night, Hannah.” Nagulat ako nang bigla niya 'kong hapitin sa beywang at dampian nang mabilis na halik ang mga labi ko. “Call you,” sabi pa niya bago tuluyang sumakay ng kotse niya. Hindi ako nakapagsalita dahil na-distract ako sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. That was my first kiss! Pag-alis ng sasakyan niya ay bumalik na rin ako sa loob. Gagawin ko lahat ng gusto niya para lang tulungan kami. Nagsisimula pa lang kami. Marami pang mangyayari. At oo na, attracted na ako sa kanya. *** “WHERE have you been and why weren't you answering my calls?” salubong sa akin ni Mom nang dumating na rin ako sa bahay. “I apologize, Mom. Naka-silent ang phone ko. I had dinner with my girlfriend and her family,” I answered casually. Nanlaki ang mga mata niya in disbelief. “Girlfriend? Out of the blue, nagkaroon ka ng girlfriend? You got to be kidding me, son!” “Akala ko ba gusto niyo na 'kong magka-girlfriend? Ngayon namang meron na ayaw niyo namang maniwala.” “Hindi naman sa gano’n, hijo. Pero hindi ka man lang nagkukwento na may napupusuan ka nang babae? Oh, I'm hurt.” “Don't be, Mom,” at inakbayan ko siya. “Siguro masyado lang naging mabilis ang mga pangyayari. But I'll introduce you to her one of these days. You'll like her. She's one extraordinary woman. Parang ikaw.” “What's her name and where did you meet her? I suddenly became curious of this girl.” “Her name's Hannah, Mom. Na-meet ko siya sa exhibit ni Travis. She was intently looking at the painting na binili ko para sa'yo when she caught my eye. She is a college instructor and she's indeed attractive,” I told her, meaning all those words. “Do you love her, LA? I hope hindi ka katulad ng mga lalaki diyan na naggu-girlfriend lang just for fun.” “I love her as much as I love you. Satisfied?” “Very.” *** “FRIEND, kamusta 'yong lakad mo kahapon? Hindi mo na 'ko binalitaan pagkatapos, ah? Successful ba?” Sinalubong agad ako ng mga tanong ni Cheska nang magkita kami sa faculty office sumunod na araw. “Pasensiya ka na. Ang dami kasing nangyari nang tumuntong na 'ko sa teritoryo ni LA. Pero napapayag ko na rin siyang tanggapin ang kaso namin kahit hindi kami nakapagbayad nang buo,” nakangiting sagot ko naman. “Talaga? Buti naman! Ano'ng ginawa mo?” “Ayon, lumuhod ako sa harap niya.” Nanlaki ang mga mata ni Cheska. “Lumuhod ka?! As in, luhod talaga?” “Desperada na kasi ako,eh. Alam mo namang wala kaming dapat sayangin na panahon. Worth naman, eh. At least napabago ko ang isip niya.” “'Yon na nga ang nakakabilib do'n,eh. Napabago mo ang isip niya. Alam mo bang sabi ni Uncle kilala daw 'yang Attorney Alcaraz na hindi nagbabago ang isip kapag gumawa ng desisyon?” “Talaga?” “Oo. Halimbawa na lang, kapag tinanggihan niya ang isang kaso, kahit gaano pa kalaki ang ibayad ng kliyente sa kanya ayaw talaga niya.” “T-talaga? Kung ganun maswerte pala kami,” sabi ko na lang. Kung alam lang ni Cheska kung ano ang naging kapalit ng pagpayag ng LA na ‘yon. Pero hindi, hindi ko sasabihin sa kanya. Baka mag-alala lang sila ni Tita kapag nalaman nila. Siguro naman kapag naipanalo ni Luis Alfred ang kaso matatapos na rin 'to. *** PAKIRAMDAM ko namamalik-mata lang ako. Palabas na ako ng campus nang may mamataan akong pamilyar na kotse na nakaparada sa labas. Nakompirma kong kotse nga iyon ni LA nang bumaba ang windshield niyon at nakita ko siya sa driver seat. “Hi, girlfriend.” “LA,” anas ko. “Ano'ng ginagawa mo dito?” “Sinusundo ka. Pauwi ka na, 'di ba? Wag ka nang mag-commute. Sakay na.” What is he up to this time? Sumakay ako sa tabi ng driver seat at ilang sandali pa palayo na kami ng campus. “Saan tayo pupunta?” tanong ko. “Sa bahay. May gagawin kang pabor sa 'kin. Ipinagpaalam na kita sa Tita mo kaya hindi na siya mag-aalala.” “Tinawagan mo siya?” “Kinausap ko siya nang personal. Pinuntahan ko siya sa flowershop niya para pag-usapan ang filing of complaint. Guess what, we're almost there.” “Mabuti kung gano’n.” “Are you hungry?” “No, I'm fine.” “Sa bahay na lang tayo kakain kung gano’n.” Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa bahay nila. Hinawakan niya ang kamay ko. Walang tao sa sala. Ang hirap talagang tumira ang iilang tao sa napakalaking bahay dahil mahirap para sa kanila ang magkita-kita. “LA, nasaan ang Mom mo?” tanong ko. “Nag-out of town. May edad na rin kasi siya kaya madalas siyang makipagbonding sa mga kaibigan niya. Advice na rin ng doktor. Let's go upstairs.” Pumasok kami sa kwarto niya. Sa sobrang lapad, it looked like an apartment at may sarili siyang kitchen. Ano ang gagawin namin dito? “May inihanda akong mga damit para sa'yo. Go and take a shower,” sabi niya. Natigilan ako. “Sandali, ano'ng ibig mong sabihin? Bakit kailangan kong magshower? Hindi ba pwedeng pagdating ko na lang sa bahay?” “Hannah, why don't you obey first before you complain? There's the shower, just make it quick at lalabas muna ako.” Hindi na ako nakapaghirit ng panibagong tanong dahil mabilis niya 'kong tinalikuran at tuloy-tuloy na lumabas. “Okay, fine!” Napalunok ako nang makita ko ang damit na gusto niyang ipasuot sa 'kin. It was not just white but see-through! Three-fourth ang sleeve niyon at hanggang itaas lang yata ng tuhod ko. Buttoned pa ito. Akala ko ba labas ang s****l matters sa kasunduan naming dalawa? Bakit napaka-daring naman yata nito? “When you dress up, don't wear your bra,” narinig kong sabi niya. Nakabalik na siya kung gano’n. Ay, teka! See-through na nga itong pinasuot niya tapos hindi pa ako magba-bra? “Luis Alfred, do you really expect me to wear this?! Damit ba ng desenteng babaeng 'to?” reklamo ko na naman. “Why don't you just obey first before you complain? Uulitin ko na naman ba?” sabi niyang iritado na ang tono. Kung hindi lang para sa pamilya ko, hinding-hindi ko talaga gagawin ito. Pikit-mata kong isinuot ang damit. Inisip ko na lang na maliit na sakripisyo lang ito para tulungan niya kami. Luis Alfred Alcaraz, pagsisisihan mo 'to! Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Isinara kong mabuti ang damit at kung pwede nga lang sanang hilahin ko ang damit pababa para lang hindi ma-expose ang mga hita ko pero baka mapunit lang sa sobrang nipis ng tela. Bagay naman sa akin sabi ng salamin pero mali,eh. Hindi naman ako 'to. Hindi ako ganito manamit. Kaysa magsuot nito sa harap ng maraming tao, magpapalamon na lang ako sa lupa nang buhay. Lumabas na ako ng banyo bago pa niya ako masabon nang bongga. Nakaupo siya sa tabi ng piano habang nakakrus ang mga braso. Kung may piano siya sa kwarto niya, ibig sabihin ba niyon marunong din siyang tumugtog? Nailang ako nang tumayo ako sa harap niya. Nakita kong natigilan siya napako ang tingin niya sa akin. Kumabog ang dibdib ko. Nakakapanghina ang klase ng titig niya at hindi ko malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya nang mga sandaling 'yon. Bakit hindi na lang niya sabihin agad ang sunod kong gagawin para matapos na 'to? Napatikhim siya. “Buti naman nagkasya sa'yo,” sabi niya at humakbang palapit sa 'kin. “In the piano.” “Ha?” “Pumwesto ka sa piano,” at hinila niya 'ko. “A-ano'ng gagawin mo?” “Sumunod ka na lang kasi.” Oh, no, please! Wag 'yong gano’n. I'm already twenty-five pero hindi pa 'ko handa sa ganito. Gagawin ko lang 'yon kasama ang lawfully-wedded husband ko! Luis Alfred, attracted lang ako sa'yo but that doesn't mean na ibibigay ko sa'yo ang sarili ko! Magkakamatayan muna tayo! Hindi mo makukuha sa 'kin 'to! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD