IV.

2172 Words
CHAPTER FOUR “HANNAH, pwede ka bang makausap kung hindi ka nagmamadali?” tanong sa 'kin ni Tita isang umaga nang matapos na kaming mag-almusal. “Oo naman, Tita. Tungkol po ba saan?” “Marami na 'kong mga natawagan pero ang lahat sa kanila nagdadalawang-isip tanggapin ang kaso natin at hindi ko alam kung bakit.” Hindi ko alam kung ano ang iri-react ko. Ang sabi kasi ni Tita sa kanya ko na raw ipaubaya ang paghahanap ng bagong abogado. “Tita, kung nahihirapan kayo, ako na lang po ang bahalang maghanap. Magpapatulong na lang ako kay Cheska.” “Hindi ko na alam ang gagawin, hija. If only we are richer enough, we could hire Attorney Alcaraz that easily,” malungkot na sabi ni Tita. “Tita,” sabi ko at hinawakan siya sa braso. Isang desisyon ang nabuo ko at hindi pwedeng hindi ko ito panindigan. “Leave it to me this time.” “Ano'ng ibig mong sabihin?” “Mababawi rin natin ang mga kinuha sa atin ni Tita Sylvia. Sige na po, mauuna na 'ko.” “Mag-iingat ka.” “Kayo rin po.” *** “PANG-ilang beses nang inquire ni Thesa De Vera ito? About eight? Wow. Okay, thanks, Ivan,” at ibinaba ko na ang cellphone ko. Si Ivan ang kausap ko. Naging kaklase ko siya way back in high school at may-ari rin sila ng isang lawfirm. Ilang beses daw nag-inquire ang Aunt ni Hannah para humingi ng tulong sa kaso nila laban sa asawa ng namayapa nilang ama pero hindi sila pinagbigyan. Siguro nagtataka na sila kung bakit wala man lang mai-recommend na abogado ang lawfirm. Hindi dahil sa walang available kundi dahil sa hinaharangan ko. Hinaharangan ko kasi kung may gusto man akong humawak ng kaso nila, ako lang 'yon. Kapag naging desperate na si Hannah, babalik siya ulit at kakausapin ako. Magmamakaawa siya at gusto ko siyang makitang ganoon. Eversince that night sa exhibit ni Travis, hindi na siya nawala sa isip ko. May isang beses pa na nakagawa ako ng isang artwork na siya ang subject ko at hindi ako nahirapan. The picture was her, staring up at a painting, just like the first time I saw her. I only based from my memory. I wish the next time I would paint her, nakaharap na siya sa canvass. ***       KAPAG wala pa akong napapayag na abogado na tanggapin ang kaso namin, wala na talaga akong choice. Nasa faculty office kami ni Cheska at kanina pa kami naka-telebabad at tumawag kami sa lawfirm na pinagtatrabahuan ng uncle niya. “I'm sorry, hija, hindi ko linya ang falsification cases. I'm into moral rights,” sabi ng huling abogasong nakausap namin. Bakit gan'on? Kung hindi unavailable, hindi naman linya ng mga available. Nauubos na ang pasensiya ko. Talagang wala na 'kong choice. “Kailangan ko na 'tong gawin, Cheska. Bahala na.” “Friend, gusto mo samahan kita?” “Salamat na lang pero hindi na kailangan. Kakayanin ko 'tong mag-isa.” “I'll be praying for you, Friend. Wag kang susuko.” Hinintay kong matapos ang klase ko at lumakad na sa pakay ko. Pupuntahan ko si Luis Alfred Alcaraz sa mismong bahay niya. Hindi ko alam kung tama ba iyon dahil sa pagre-research namin nakuha ang address niya pero bahala na. Kakapalan ko na ang mukha ko tutal naman malaki naman ang  nakasalalay dito. Oo. Pupuntahan ko sa bahay niya si Luis Alfred Alcaraz at wala na itong atrasan pa. Ibinaba ako ng taxi sa isang magarang bahay sa loob ng isang sikat na subdivision. Hapon na n'on. Sana naman matiyempuhan ko siya.Napahugot ako ng hangin bago nagdoor bell. Ilang sandali pa, may lumabas na katulong at pinagbuksan ako.  “Magandang hapon po,” bati ko. “Magandang hapon din, hija. Ano ba ang kailangan nila?” “Ahm, ito po ba ang bahay ni Attorney Alcaraz?” “Si LA 'ka mo? Tamang-tama nandito siya.” “Gusto ko sana siyang makausap kaya lang wala naman po akong appointment sa kanya. Ayos lang po ba?” Ngumiti siya sa 'kin. “Hindi naman siya busy,eh. Pasok ka muna.” “Marami pong salamat.” “Ano ba ang trabaho mo at ganyan ang suot mo?” tanong niya habang papasok na kami sa magarang bakuran. Nakasuot kasi ako ng kulay blue na blouse at itim na slacks at itim na flat shoes na siyang uniform namin ni Cheska bilang faculty. “College instructor po ako. Nagtuturo ako ng Filipino at Communication Arts.” “Marangal na trabaho kung gano'n, nakaka-proud naman para sa isang magulang.” “Salamat po, Manang Lourdes. Kaya lang naulila na po kami kaya hindi na nakikita ng mga magulang ko.” “Ganoon ba? Nakakalungkot naman.” “Okay lang po 'yon. Wala na rin naman akong magagawa,eh. Pero alam ko proud sila kaya masaya na rin po ako.” “Mabait kang bata, Hannah. Maghintay ka na lang dito sa sala at tatawagin ko lang si LA.” Tumango ako at nagpasalamat. Ang akala ko aakyat siya sa taas pero lumabas uli si Manang Lourdes ng main door. Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng bahay nila at hindi ko maiwasang malungkot. Naalala ko na naman ang dati naming bahay hindi dahil sa karangyaan kundi dahil sa mga memories naming pamilya. Sila ang dahilan kung bakit ako nandito. Hindi dapat ako mabigo. “Miss De Vera, this is a surprise.” Napatayo ako nang pumasok si Luis Alfred. “Attorney Alcaraz.” Sa'n siya nanggaling at ano ang ginawa niya? May mga patak siya ng pinta sa suot niyang puting T-shirt and ripped jeans. He didn't look like a lawyer. He looked…hot. Napagalitan ko ang sarili ko. Ano ba 'tong inisip ko? “What is it this time?” “G-gan'on pa rin, Attorney. Ang tungkol sa kaso namin.” “So, may nalikom ka nang half a million?” “Unfortunately, wala.” “Then why are you here? I told you hindi nagbabago ang desisyon ko. Insulto 'yon sa propesyon ko.” “I'm so sorry, Attorney, pero kasi desperado na 'ko. Nakikiusap ako, tulungan niyo lang kami sa kaso, mababayaran ka rin namin as soon as mabawi  namin ang mga kinuha ng madrasta ko. Please, Attorney, kahit magkano.” “Nagsasayang ka lang ng oras, Hannah. Walang mapupuntahan ang pag-uusap nating ito.” He turned his back on me. Hindi pwede! “Attorney,” I said as I dropped on my knees. Nagulat siya sa ginawa ko. “Ano'ng ginagawa mo?” “Kahit ano handa kong gawin mapapayag ka lang na tulungan kami. Kahit ang lumuhod pa gagawin ko, Attorney, tulungan mo lang kami.” *** “YOU really are desperate, aren't you?” I told her. But in my mind I'm rejoicing. Things are going the way I wanted it to be. Kaunti na lang. “Tell me, ano ba ang dapat kong gawin para tanggapin mo lang ang kaso namin? Hindi kami pwedeng magsayang ng oras. Kailangan naming mabawi ang mga kinuha sa amin bago pa niya malustay ang pinaghirapan ng mga magulang namin. Attorney, please.” I saw a tear fell from her eye and damn it, wala naman sa plano ko ito. May kung ano'ng kumurot sa 'kin at hindi ko maintindihan kung bakit parang bigla ko na lang siyang gustong sunggaban, yakapin at patahanin siya. No way, kailangang hindi magbago ang plano ko. “Tumayo ka, Hannah, it's so inappropriate,” malamig kong sabi. “Do you really think na mababago mo ang isip ko?” “I hope so, Attorney. I told you, gagawin ko ang lahat,” and she carelessly wiped the tears from her beautiful face. Mariin akong napapikit. I can't bear to see any woman crying, not even my mom, not even this lady in front of me. “Stand up, Hannah. Pahihirapan mo lang ang sarili mo.” “Handa akong mahirapan para lang mabawi lahat.” “Willing kang gawin kahit lagpas sa limits mo?” “Wala akong pakialam kahit magsakripisiyo pa 'ko. Mas mahalaga sa akin ang pinaghirapan ng mga magulang ko.” Nilapitan ko siya at umuklo sa harap niya. I held her chin and caught her eyes. “Be sure to mean what you say, Hannah. Wala kang aatrasan at paninindigan mo ang sasabihin mo.” She swallowed. “Kahit ano, tulungan mo lang kami.” “Alright. Tutulungan kita, hahawakan ko ang kaso mo, ipapanalo ko pero 'yon ay kung ibibigay mong kapalit ang sarili mo.” Natigilan siya. “What?” “Hindi ka makakapagbayad ng hinihingi kong halaga kaya ikaw na lang ang hihingin kong kabayaran.” Her lips parted. Darn it, I could kiss those lips forever! *** AKO, bilang kabayaran sa pagtanggap niya ng kaso namin? Ano'ng gusto niyang mangyari? Hindi, dangal na lang ang meron ako! “Don't get me wrong, Hannah. Mali ang iniisip mo. I don't mean any s****l matters when I said ikaw ang hihingin kong kabayaran. You're far from the desirable type,” sabi pa niya nang hindi agad ako nakasagot. Namula ako pero somehow nakahinga ako nang maluwag. Mali ang iniisip ko, mabuti na lang. Iyon nga lang nainsulto ako sa huli niyang sinabi. I'm not the desirable type raw. Palaging sinasabi ng mga magulang namin na maganda raw ako at maswerte ang lalaking mamahalin ko. Kung gano'n nagsisinungaling lang ba sila? Mas gusto ko pa rin silang paniwalaan. Mas importante naman daw na mabuti ang kalooban kaysa panlabas na kagandahan. “K-kung gan'on ano ang gusto mong mangyari?” “Bakit, pumapayag ka na?” “Gusto kong malaman, Attorney.” “Tumayo ka at sasabihin ko sa'yo.” Hinawakan niya ang mga kamay ko at inalalayan akong tumayo. The touch of his hands brought strange feelings to me. “'Wag mo na ulit gagawin 'yon, una sa lahat. Maupo ka nga.” Hinawakan niya pa rin ang kamay ko kahit sa pag-upo. “Let's have a deal, then. Tatanggapin ko ang kaso niyo and in return, gagawin mo lahat ng gusto kong ipagawa sa'yo at hindi ka mag-aalinlangang sundin ako. Nagkakaintindihan ba tayo?” “S-sa paanong paraan?” “You'll find out in the next coming days. Iyon ay kung gusto mo talagang mabawi ang mga kinuha sa inyo ng madrasta niyo.” “I don't have a choice, do I?” “So?” Sabi ko naman gagawin ko ang lahat kaya bahala na. Napahugot ako ng hangin. “Pumapayag na 'ko, Attorney, kung maipapangako mong mababawi namin ang mga kinuha sa amin ng madrasta namin.” “You're one exceptional woman, Hannah. Napabago mo ang isip ko. Nice one.” Hindi ko alam kung compliment ba 'yon, o ano. Ang alam ko lang, mababawi na rin namin ang mga kinuha sa amin ni Tita Sylvia. “M-maraming salamat, Attorney.” “Hintayin mo 'ko rito, ihahatid na kita sa inyo para makausap ko ang Tita Thesa mo.” “O-okay.” Sinundan ko siya ng tingin habang paakyat siya sa grand staircase ng bahay. Ano ba ang meron sa lalaking 'yon at na-attract ako sa kanya? *** “YOU should remember that what we had talked about ay mananatili lang between the two of us. Hindi pwedeng malaman ng Tita mo, ng kapatid mo o kahit na sino. Let them think na I'm doing this as a part of my job. Did I make myself clear, Hannah?” sabi pa niya habang nasa biyahe na kami. “But what if magtanong siya kung papaanong tinanggap mo ang kaso namin?” “Ako na ang bahala do'n. Magtiwala ka lang sa 'kin, Hannah.” Magtiwala ako sa kanya? Dapat nga ba? Luis Alfred Alcaraz is definitely a dangerous attractive lawyer. Hindi siya ang tipo na madali kong pagkatiwalaan. *** “TITA,” bungad ko kay Tita Thesa nang makita kong naghahanda na sila ni Helga ng hapunan. “Hannah, bakit ngayon ka lang? Tamang-tama kakain na.” “Tita, may kasama po ako.” “Talaga, sino?” Nagulat si Tita nang lumitaw si Luis Alfred sa likuran ko. “Attorney Alcaraz, this is a surprise!” “Good evening, Miss De Vera.” “Halika, come join us for dinner, Attorney.” Tumuloy na kami sa dining area. “You can just call me LA, Miss De Vera. Nagmumukha tuloy akong matanda.” “Well, LA, then. Bakit ka nga pala napadalaw?” “It's about your case Hannah told me.” “Wow, really? I can't believe it. Let's talk about it over dinner, then.” Nginitian ako ni Tita at ni Helga. Alam kong nabuhayan din sila ng pag-asa kagaya ko. “Halika na,” sabi ko sa kanya. “Sure.” Naghila ako ng silya pero inagaw sa 'kin ni Luis Alfred iyon. “Ako na,” sabi niya. “T-thanks,” nautal kong tugon. Nasulyapan ko pa si Helga na napangiti na tila kinikilig. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD