THIRD PERSON'S POV Kandrick just scoffed "Why would I?" he asked his mother like what is the sense of running after her? To comfort that woman? He won't do that. Wala siyang balak habulin si Aya dahil para na rin niyang inamin na nagkamali siya ng sinabi at sumobra sa pananalita. Pero hindi nga ba, Kandrick? Nahampas siya ng Mama niya kaya bahagya siyang umilag sa pagka-gitla. "Habulin mo at mag-sorry ka sa bata! Masiyadong matalas iyang dila mo. Tao ko iyong pinapasok dito tapos uuwi na masama ang loob?" Sarkastiko lang siyang natawa. "Anong gagawin ko pagkatapos? Susuyuin ko? Kung alam niyo lang ang takbo ng isip ng babaeng iyan." Sa ganitong sitwasyon importante pa rin sa kanya ang magiging resulta ng gagawin niya kung susundan niya ito at kakausapin hindi malabong bigyan nito iyo