Kahit na ano pang sabihin niya hindi niya mababago ang kagustuhan ko. Ang dami ko nang hirap, ang dami-dami ko nang ipinunla, kaya nasisiguro ko na aanihin ko rin balang araw ang mga bunga, at walang iba kundi siya, siya ang magiging bunga ng lahat ng 'to. Kandrick Del Fuego, you are only mine. Akin lang, akin, sa akin! Subukan lang na mayro'n umagaw sa iyo sa 'kin ewan ko na lang dahil mula ulo hanggang kadulu-duluhan ng kuko mo sa paa ay akin. "Whatever you say doesn't change my mind, my love... I'll do everything I want, even if that displeases you..." I stepped forward to come closer to touch his cheek but he just pushed my hand away. Pagak naman akong natawa sa ginawa niya. "Suplado," pilya ko pang bansag sa kanya. Hindi naman nakakunot ang noo niya, seryoso lang ang mukha niyang