"Umuwi ka pa, at may gana ka pa talagang umuwi." Mula sa hagdanan ay tinatahak ni Mommy ang mahabang baitang pababa na suot ng mahabang hanging white dress na hanggang talampakan ang haba at tanging mapupula niya lang na mga paa na alaga footspa ang nakalabas suot ng kanyang gucci slippers. Kadarating ko lang ng bahay at sinabi ko kay Helena na h'wag aalis sa tabi ko at kung ano man ang marinig o makita niya, ipikit at isara niya lang ang kanyang mata at tainga. "Of course, this is my house too," may pamimilosopo kong sagot dahilan para ngisihan lang ako ng pababang si Mommy. Inutusan ko si Yaya Melda na dalhin ang bag ko sa kwarto ko. I'm still wearing my clothes from yesterday so I didn't bother to hug or kiss Mom's cheek because she will surely push me away. "Iyan ba ang Mama mo, Mi