Pinagbuksan na nga nila ako ng rehas at pagkalabas na pagkalabas ko nag-unat na muna ako saka ko hinarap ang Officer na nagngangalang Owen. Tinuro ko sa kanya ang presong si Helena. "I'll also pay for her bail, lalabas din siya kasama ko." Bakas naman ang gulat sa mukha ni Officer Owen nang sabihin ko iyon kaya nang dumako ang tingin niya kay Helena ay mula ulo hanggang paa niyang tiningnan ito. "Pati 'tong magnanakaw na 'to ilalabas?" Natawa pa siya nang patuyang itanong iyon na kung siya ang masusunod hindi niya ito para palabasin. Humalukipkip ako at tiningnan ang officer na ito. "Ako ang magbabayad para makalabas siya at pangako kong hindi na siya kailan man mumurwisyo sa iba dahil balak ko siyang ampunin." Napaawang naman ang bibig ng Officer sa pagkakataong ito. "Aampunin?" Hind