Hindi ko namalayan nakangiti na pala 'ko habang pinagmamasdan ang gwapong mukha ng future husband ko kahit ang sunging-sungit niya pang magsalita.
Napadako naman ang tingin nila sa akin nang mapansin nila ang pag-ngiti ko at pareho pa silang nawirduhan.
"Anong nginingiti-ngiti mo, Aya? Makukulong ka na lahat-lahat nakakangiti ka pa?" bugnot nang tanong ni Jarren.
Pero tinaasan ko lang siya ng isang kilay, pinalis ang ngiti ko sa mukha at mataray siyang tiningnan. "Pake mo? Ikaw ba ang makukulong?" pa-angil kong tanong sa 'di pagka-alintana sa sitwasyon ko.
Sa gilid si Kandrick ay nakatingin lang sa akin sinusuri ang iniistilo kong ugali kaya naman napa-tikhim ako dahil nakalimutan kong kailangan ko nga pala mag-bahave, magpa-impress.
Pero paano ko nga ba iyon gagawin gayong nasa kulungan nga ako? Hindi pa man din ako sanay na umasta sa hindi ko naman paguugali. Ito na ako noon pa.
Kung nagpapakabait naman ako para tuloy mayro'n ibang tao ang sasapi sa akin kung magkakataon. Kaya ano kayang gagawin?
Jarren groaned because of my rude behavior. Parang gusto niyang sabihin 'respetuhin mo 'ko, pulis ako rito' pero 'di talaga siya umubra.
I heard Kandrick sighed like he's stressed to something that is giving him a headache so suddenly I feel worried so I couldn't help not to ask him with my concern expression.
"Hey, you okay?" Nahawakan ko pa siya sa braso niya. Ohh... ang tigas. I got distracted a bit. Dinadama ko ang matigas niyang braso. Ma-muscles.
Nangunot naman ang noo niya at dumako sa kamay kong nakahawak sa kanya at agad na tinabig ang kamay ko, pagalit pa talaga kaya nagulat pa ako at sinasabi ng tingin niyang 'h'wag mo 'kong hinahawakan.'
"Is there no one told you that touching someone without their consent, is a crime Miss Laviñez?" he sounds offended by what I did.
Ako naman itong napahiya. Bakit ko nga ba siya hinawakan? Concern lang naman ako dahil muka siyang na-stress at ayoko siya makitang nagiisip ng ganoon.
"You seem stressed so I feel worried that you are thinking something stressful so—"
"My thoughts don't concern you," he cut me off in the middle of my sentence. His facial expression is kinda rough and hard but it looks so expressive.
Pinakikita niya na ayaw niya lang talaga sa mga katulad ko, so I feel kinda offended dahil kitang-kita iyon sa mga kilos at sa mga mata niya, higit sa mga pananalita niya sa akin.
Pero sino nga ba namang matutuwa sa ginawa ko, malamang wala. He's an officer so he needs to act like one. Trabaho niya ang manghuli o mang-disiplina sa mga taong lumalabag sa batas.
Pero kahit masungit siya mahal ko pa rin siya at hinding-hindi magbabago iyon ano mang mangyari. Kahit anong sabihin niya hindi ko didibdibin dahil may likod naman ako kaya bakit ko dibdibin? Hindi ako mahinang nilalang.
"Ikaw ang dahilan ng stress dito, Aya. Nagtatanong ka pa talaga kung ba't ganoon ang ekspresyon ng pulis gayong ikaw itong lumikha ng problema rito," sabat ni Jarren.
I look at my cousin's side eyed with my sharp eyes like I want to murdered him right away because he's interrupting my moment with Kandrick and wanting to say that he better shut his mouth or else I'll punch his face.
I'm kinda violent, right? Yes, I am.
"Psycho," I heard Kandrick said in a whisper that took back my attention to him. Rinig na rinig ko iyon!
"What did you say?" My eyebrows frows because I dislike what he just said and wanting him to say it again. Clearly.
He just shrugged his shoulder a bit. "I didn't say anything, it's just your imagination." He turned his back at me without excusing himself.
Rude exit. Tsss!
Pumunta siya roon sa desk officer na kausap ko kanina at may sinabi roon nang iniwan na muna niya kami rito sandali ng pinsan ko na problemadong nakamaywang na lang at hihimas-himas pa ng baba.
"Pipiyansahan na kita kung ayaw mong mag-overnight dito sa kulungan. Ang kasong isasampa sa iyo haharapin mo sa hearing at mahirap pakiusapan iyan si Del Fuego dahil mahigpit at istrikto talaga iya—"
"Ayokong mag-piyansa," putol ko sa dire-diretso niyang pagsasalita at mula sa pagkakatingin ko kay Kandrick binalingan ko siya. "Narinig mo 'ko? Ayokong mag-piyansa."
Napaawang ko ang bibig niya sa gulat at hindi makapaniwalang napatitig na lang sa akin hanggang sa ilang saglit lang biglang nangibabaw ang boses niya sa prisinto.
"Nababaliw ka na ba?!" Kitang-kita ang gigil niya sa akin. "Pipiyansahan ka na ayaw mo pa??"
Napatingin sa direksyon namin ang lahat ng taong nandidito ganoon din si Kandrick na nangunot ang noo sa narinig pero nanatili roon sa officer's desk pero ang mata at atensyon ay nasa amin ng pinsan ko.
"Ikaw lang ang nakilala kong violator na nahuli pero gustong-gusto pa! Hindi hotel ang kulungan Ayana Amelia! Baka lang 'di mo alam at lunod pa iyang utak mo sa alak?" Nakalimutan na ata niyang pulis siya sa tono niya kung paano na niya ako ngayon kung kausapin.
"Hindi naman," tabang kong sagot at bored siyang tiningnan sabay halukipkip sa harap niya. "Kaya ko nga 'to ginawa dahil ito talaga ang plano ko tapos magiging kontrabida ka lang sa landas ko? Baka gusto mong may kalagya ka?" Nginisihan ko siya, ngising tabang at iritable.
Muling umawang ang bibig niya at hindi makapaniwalang tumawa at unti-unti rin sumeryoso halatang napipika na sa akin.
"Saan ka nakakita ng pulis binabantaan ng sariling pinsan? Ako may kalalagyan sa iyo? Tinutulungan ka na nga—"
"Sinabi nang hindi ko kailangan ng tulong eh!!" Tumaas na ang boses ko dahil ako na ang napipika sa kakulitan niya at pinanlakihan siya ng mata.
"Hindi ka makaintindi?" Huminahon din ang boses ko pero naroon pa rin ang gigil. "H'wag mo akong pakialaman. Kaya ko lumabas dito kung gugustuhin ko kahit walang tulong mo. Sa ngayon hayaan mo lang ako rito, ginawa ko ito kaya haharapin ko ang problemang ginawa ko. Nam yasno?" (Are we clear?)
Napatiim bagang na lang siya at ang ilong nag-umusok na lang at wala nang nagawa. Hindi ko alam ba't pa niya pinoproblema ang problema ko gayong wala naman siyang kinalaman dito at hindi ko naman siya dinadawit.
I hate shouting, I used to be chill but sometimes I'm short tempered lalo kapag paladesisyon ang kausap ko sinabi ko na ngang ako ang bahala sa sarili ko. Nasigawan ko pa tuloy.
"Tapos na ba kayong magtalo?"
Hindi ko namalayang nakalapit na pala ulit sa amin si Kandrick kaya napaayos ako ng tayo ko sabay ayos ng buhok.
"You two are making scenes here, wala tayo palengke kaya walang lugar para dito ang pagiging taklesa." Nang sabihin niya ang salitang taklesa, sa akin siya tumingin.
It's okay, insult me and say anything you want I won't mind hindi ako masasaktan.
"Pasensya na, pare. Sobrang pasaway nitong pinsan ko, sinabi ko papiyansahan siya pero ayaw niya dito lang daw siya." Natawa na lang si Jarren sabay hilot sa noo sa problemang bigay ko.
Nagtataka namang tiningnan ako ni Kandrick. "Ayaw mong papiyansa? Bakit?" Muling nangunot ang noo niyang lagi namang nakakunot.
Dahil lang naman sa iyo kaya ayaw kong magpapiyansa. Pero siyempre hindi ko iyon sinabi.
"Well..." Lumikot ang mata ko at nag-isip ng pwedeng irason. "I want to spend time here," with you. "To pay what I've committed," I reasoned out.
Napatawa siya bigla at nahilot ang gitnang ilong. "Ngayon lang ako nakakita ng violator na dito sa prisinto diretso dinala pero parang gustong-gusto pa," komento niya.
"Sinabi ko na rin sa kanya iyan kanina," bagot namang sabat ni Jarren habang tabang na nakatingin na lang sa akin.
"Pero ikaw, kung iyan ang gusto mo wala namang pumupilit sa iyo magpiyansa ka o hindi tuloy ang kasong ipapataw sa iyo," may riin niyang sinabi na ikinangiti ko lang kaya mas lalo lang silang nawirduhan sa akin.
"Go ahead, I will gladly accept it," I said with a chick expression. Makasama lang kita kaya kahit pagiging prisoner gagawin ko kahit hanggang kulungan susundan kita.
Napahiniksik na lang sa akin si Jarren na tila basang-basa niya na ang nasa isip ko at ang tingin niya gustong sabihin na nababaliw na nga talaga ako pero 'di na lang niya isinatinig at mula ulo hanggang paa pakutya na lang niya akong tinapunan ng tingin.
Umamba naman akong sisipain ko siya pero agad na tumikhim si Kandrick kaya hindi ko na tuloy nagawa at napa-irap na lang ako
kay Jarren sa inis ko dahil sinasadya talaga ako inisin nitong pinsan kong 'to.
Hindi ito manalo-nalo sa pakikipagtalo kaya binubugnot niya ako sa ganitong paraan. At bigla namang nagsalita ulit si Kandrick.
"Sumunod ka sa 'kin, may iilang bagay lang akong gustong itanong sa iyo," utos niya na may pagyayakag at tinalikuran na kami at nag-tungo sa isa pang officer's desk na malamang iyon ang pwesto niya.
"Uuna na 'ko, Aya. Kung ayaw mo talaga papiyansa, h'wag. Basta ginawa ko ang p'wede kong itulong sa iy—"
"Lumayas ka na lang h'wag ka nang babalik," pagtataboy ko na sa kanya hindi pa man siya tapos magsalita at iniwan na siya roon na napabusangot ns lang ang mukha at mukang gustong-gusto akong tirisin.
Wala na akong narinig pang salita mula kay Jarren pero alam kong asar na asar ito sa akin.
He wouldn't help me because he's concerned, it's because he's worried about everyone's reputation and as if I care? I wouldn't give them a damn.
Sumunod na nga ako kay Kandrick sa desk nito na naghihintay sa pag-lapit ko habang may ngiti ako sa mukhang hindi ko maiwaglit-waglit dahil sa tuwa.
Ito ang unang beses na makakausap ko siya ng solo... matagal at personal kaya walang mapagsidlan ang saya na nararamdaman ko.
Hindi ko naman alam na sunod na sunod pala ang kalalabasan ng plano ko ayon sa gustong-gusto kong mangyari. I'm giggling excitedly while I'm walking towards him and I subconsciously bit my lower lip.
Here I come baby boy...