CHAPTER THREE

2472 Words
Yumuko ako kasabay ng nagtaas-baba ng balikat ko at unti-unting tumawa kahit wala namang nakakatawa kaya nagkatinginan sila inaasta ko at lumikha ng ingay ang pagtawa ko. Nakatingin lang sila sa akin, si Kandrick napatiim bagang na lang at unti-unti rin naman ako tumigil at tiningnan sila isa-isa, pero kay Kandrick tumagal ang tingin ko at humakbang ako ng isang hakbang lang para mas lapitan siya sabay itinaas ko ang dalawa kong kamay. I voluntarily give wrists for him to arrest me. "Ang dami mong sinasabi. Why don't you arrest me, Mr Officer? Nang sa prisinto mo na lang ako kastiguhin?" Ngumisi pa ako ng mapang-inis at mukang nainis ko nga talaga siya dahil halatang 'di niya iyon nagustuhan at isang insulto para sa kanya ang utusan ko siya. Hindi siya nagsalita at kumuha nga siya ng posas na nakasabit sa baywang niya at nagulat ako nang may karahasan niyang hinawakan ang isa kong pulusuhan at bahagyang pinilipit ang braso ko na ikinabigla ko saka niya ako patalikod na pinosas sabay idiniin niya ako sa sasakyan ko kaya napa-igik ako. Hindi pala igik iyon kundi paungot na ungol ang lumabas sa bibig ko at malinaw na malinaw iyon sa pandinig nilang lahat. "Ahhh... hmmm... dahan-dahan naman Mr. Officer! Masakit po... masiyado ka namang wild," maharot kong sinabi na may lamyos doon sabay kagat ng ibaba kong labi at mahinang napahagikgik. Naramdaman kong mas dumiin pa ang hawak ni Kandrick sa kamay kong ipinosas nya dahil ginalit ko lang siya lalo. Oh! Hmmp! I imagine myself f*ck by him from behind kaya nag-si-tikhiman sila nang muli nilang narinig ang inda ko pero para sa nakakarinig malaswang pakinggan dahil pa-ungol iyon. Halos gusto kong matawa kahit si Vanessa pinanlakihan ako ng mata sa ginagawa kong kalokohan na mukang naka-recover na siya mula sa biyaheng langit kanina. "Keep your mouth shut," he said in gritted teeth with authority and his tone seems disliked my moaning protest. I just chuckled when he pulled me away from my car harshly but my naughty smile never left my face until he walked me to the police mobil and push me harshly inside. "Can't you be gentle even a little? I'm still a woman!" I complaints by his being harsh on me. Patulak niya kasi akong isinakay dito kaya sumubsob ako sa upuan. "Kung katulad mong babae, hindi sa iyo bagay tratuhin ng malumanay," matapos niya iyong sabihin napapitlag na lang ako nang pasalampak niyang isinara ang pinto. Why he so mad? Natawa na lang ako kahit hindi ako komportable sa posisyon ko. Ang kamay ko nakaposas sa likod ko kaya hindi ako nakaupo ng maayos. Salbaheng lalaki, pwede naman iposas ako paharap bakit patalikod pa talaga? Pero kahit ganito ang estado ko ngayon hindi ko naman pinagsisisihan itong kalokohan na ginawa ko dahil umpisa lang ito na talaga ang gusto kong mangyari. I relaxed myself and crossed my legs and cracked my neck, medyo nangalay. Dumako naman ang tingin ko sa tabi ko nang biglang bumukas ang pintuan dito at sumakay ang galit na si Vanessa. "Oh? Are you okay now—" "You b*tch! B*tch ka talaga eh 'no?! Akala ko katapusan ko na kanina!!" nanggagalating sambulat niya sa akin kaya hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sana. Inirapan ko lang siya at pagak na natawa. Pinasadahan ko siya ng tingin at mukang ayos naman na siya. Hindi na siya maputla, nanumbalik na ang kulay niya hindi kagaya kanina na parang kailangan na ng medic. "Sa nakikita ko, buhay ka pa naman? Kaya anong problema?" pa-inosente kong sinabi kaya pinanlakihan niya ako ng mata. "BUHAY PA NAMAN?!" galit niyang bulalas "SANA NARIRINIG MO IYANG SINASABI MO MATAPOS MO ILAGAY SA ALANGANIN ANG BUHAY KONG BALIW KANG BABAE KA!!" Sa itsura niya parang gusto na niya akong suntukin pero hindi niya ginawa. Tumawa lang ako sa kabila ng galit na ipinakikita niya batid kong hindi naman big deal sa akin ang ginawa ko kasama siya. Nagmaneho ako ng full speed, pero wala naman akong balak i-asidente kami at 'di naman ako bibirit ng alanganin at ganoon kabilis kung alanganin din ang kalsada. I'm still a pro driver. "Ikaw naman, parang iyon lang," pambabaliwala ko sa panghihimutok niya kaya muka na siyang maiiyak dahil hindi ko talaga alintana ang nararamdaman niyang takot kanina at kasalukuyang galit. "Hindi ko alam paano ba kitang naging kaibigan Ayana Amelia. Wala ka talagang ginawang matino, puro na lang trouble ang idinulot mo sa akin simula pa noon makilala kita!" paglalabas niya pa ng sama ng loob at nagpapadyak na lang dahil hindi niya ako masaktan. I look at her side eyed. "Do you want me to apologize, hmm?" I asked her with my sweet soft spoken voice to relax her. "I'm sorry babe, I was just having fun." I chuckled. "Having fun?!" Her nose suddenly flared. "Having fun pala sa iyo ang ilagay ako sa alanganin at panganib! Kamuntikan na ako Amelia! Kamuntikan tayo tumilapon sa sky way! Kung hindi ka pa nag-preno naging aalaala na lang sana tayo!" "O? Hindi naman tayo naging aalaala mahal pa rin tayo ni Lord binigyan niya ng isa pang pagkakataon mabuhay tayo kaya mag-relax ka na. Promise hindi ko na ulit gagawin iyon." Balak ko pa sana itaas ang kanang kamay ko para mangako kaso nakaposas nga pala 'ko. "Wala na akong tiwala sa iyo! Alam mo hindi ka dapat dalhin sa prisinto, mental na dapat! I told the police officers that my friend is such a f*cking crazy as* and she should be in the mental not in the jail!" she yelled. I raised my one eyebrow. "You told them that?" I asked with a hint of disappointment at the same time. She's my friend but she wants me to go to a mental institution. "Yes!!" she answered without thinking twice. "Sinabi ko iyon! Sigurado kapag nalaman na naman ito ng pamilya mo at ng pinsan mo—" "Come on," I cut her off feeling bored in her wrath. "Ano namang magagawa nila?" I asked sarcastically and rolled my eyes. "Tingin mo ba talaga mapipigilan nila ako sa gusto ko?" Sa pagkakataong ito nag-seryoso na ako. "Simula pa noon, sino bang nakapigil sa akin sa mga gusto kong gawin sa buhay ko?" Ngumisi ako. "Wala." I scoffed. "You are childish as ever, Aya." "Call me anything you want Vanessa. As if may pakialam ako? I don't mind whatever you say nor whatever they say." "Ang importante lang talaga sa iyo ay ang mga bagay na gusto mong makuha, hindi mo iniisip kung may maaapektuhan ka ba," saad pa niya pero sa mahinahon nang boses. Napagod na kasisigaw. Sumandal ako at tumanaw na lang sa labas. Bakit kaya hindi pa kami umaalis? Ang tagal naman ata nilang dalhin ako sa prinsinto? At mga kalalaking tao mga nag-chi-chismisan pa talaga sa labas? "Lahat naman ng bagay may solusyon sa problema." Iyon ang katwiran ko. "At itong problemang ginawa ko panandalian lang naman at makakalimutan din naman mga tao kinalaunan. Kaya ang mahalaga masaya ako ss buhay ko." "Kahit may naaapektuhan ka na? Kahit na ikakadisgrasya mo na? Iyon ba ang masaya para sa iyo?" panguusig niya pa sa akin na akala naman niya tatalab sa 'kin. "Saka para lang sa kaalaman mo, hindi lahat nakakalimutan ng mga tao. Mayro'n diyan sa kanila tumatatak, at nagiging ganoon na ang imahe mo sa kanila dahil iyon ang ginusto mo ipakita," sinabi pa niya. Suminghal ako. "Para namang may pakialam ako diyan sa mga sinasabi mo?" Tiningnan ko lang siya ulit ng sa mata ko lang at hindi inihaharap ang mukha ko sa kanya. "Ako na 'to, kaya ba't ako kikilos ng naaayon sa kagustuhan ng ibang tao? Para ano, para i-please lang sila?" I scoffed with a chuckle but there's no hint of humor in it. "Wild at adventurous talaga ako kahit noon pa kaya anong magagawa ba nila?" Ako pa mag-a-adjust to meet their expectations from me? Kapal. I shifted on my seat and I looked outside the window. Nabanas ako bigla at sinalakay na ng iritasyon. I know what she's pointing out na 'di ko na naman binigyan ng kahihiyan ang buo kong pamilya at iisipin na naman ang sasabihin ng ibang tao dahil isa akong dakilang trouble maker lang naman ng pamilya. Pero wala akong dapat patunayan sa mata ng iba, o sa mga mata ng karamihan dahil ang mahalaga lang naman sa akin makuha ko ang inaasam ko sa ano pa mang paraan. Saka wala naman akong nadisgraya, oo nalagay ko sa alanganin ang buhay namin ng kaibigan ko pero buhay pa naman kami. Tss! They're just overreacting somehow. "AMELIA!" Mabilis naman akong napalingon sa kinauupuan ko rito sa prisinto katabi ko si Vanessa nang marinig ko ang galit na boses ng pinsan kong si Jarren na tinawag ako. Kapapasok niya lang ng prisinto at naabutan niya akong kinakausap ng isang officer para sa iilang detalye habang nag-ta-type ito sa computer para sa isasampang kaso sa akin. Suma tutal ay may tatlong kaso ang isasampa nila na kailangan kong harapin na kung tutuusin naman kayang-kaya tapalan ng pera pero hindi ko ginawa. Malawak ko namang nginitian ang papalapit kong pinsan at hindi ko alintana ang galit na mukha nito at naguusok na ilong. "Hi! Cous—" Kaso'y natigilan ako nang lagpasan niya ako at unang nilapitan ang desk officer. "Sir!" Tumayo pa ang nagngangalang Borris na desk officer nang makita siya sabay semi-pormal na sumaludo sa isa't isa. Nagpamaywang ang pinsan ko na tila kay laking problema nitong binigay ko sa kanya at nahagod ang sariling baba saka nagsalita. "P'wede bang mahiram 'to saglit? Kausapin ko lang," pasintabi niya kay Mr Officer Borris na agad naman nitong pinahintulutan. "Sige ho, Sir. Pero sandali lang at baka masilip tayo ni Sir Del Fuego. Sila kasi ng team niya ang bumabol diyan kay Ms beautiful kaya hindi niya palalagpasin ang kasong ito." Napasagitsit si Jarren at napapikit sabay dumako sa akin at hinila ako patayo palayo mula sa desk at kay Vanessa. Nasasaktan ako kaya nagpumiglas ako. "Ano ba Jarren! Parang hindi ka pinsa—" "Ano na namang kahihiyan 'to, Aya?" nagpipigil ng galit niyang tanong kaya 'di ko naituloy ang sasabihin ko. "Reckless driving, and over speeding because you are under the influence of alcohol, really? Gawain ng matinong babae iyon?" Hindi na maipinta ang mukha niya sa pinaghalong galit at pagkadismaya sa akin. "Galing pa ako sa kabilang departamento namin sa kabilang bayan at dali-dali akong pumarito dahil nabalitaan kong may ginawa ka raw kalokohan at sa akin talaga nila una na ipinaalam dahil napag-alaman nilang pinsan mo 'ko!" he shouts in a whisper preventing to make commotions. "Baka nakakalimutan mo na ang bawat miyembro ng pamilya mo may reputasyon iniingatan? At ano na lang sasabihin sa iyo ng ibang tao—" "Kayo lang naman ang may reputasyong iniingatan," putol ko sa pananalita niya at naguumpisa na akong marindi sa dami niyang sinasabi. "What I did wasn't concerns any of you, at ano naman pakialam mo? Edi itanggi mong pinsan mo 'ko, problema ba iyon?" pabalang kong sagot sa kanya. "Kung nababahala kang makaka-apekto ito diyan sa pagiging pulis mo pwes h'wag kang makialam." Pinandilatan ko pa siya ng mata. He scoffed and he took a step forward at matapang ding nakipag-salubungan ng tingin sa akin. "What's your reason why you did that? You did that on purpose, right? Is it still because of him? Siya na naman ba ang dahilan ng kabaliwan mong 'to? Na pati ba naman kaibigan mo dinamay mo pa sa kat*ngahan mo?" I half smiled sarcastically and I took another step forward too and I looked at him sharply. "Alam mo naman pala kaya bakit mo pa tinatanong?" balik ko namang tanong. "Kung ako sa iyo h'wag ka na lang makialam dahil hindi ko naman sinabing i-involve mo ang sarili mo rito sa kalokohan ko. Walang nagsasabing makialam ka, itanggi mong pinsan mo ako, at lumayas ka rito," saad ko pa at sa itsura niya ngayon kung hindi lang ako babae at kung hindi niya lang ako pinsan kanina pa niya ako napatulan. "Are you guys done talking?" Natigilan kaming pareho ni Jarren sa paguusap nang marinig namin ang malagong na boses ni Kandrick. Nasa likuran siya ni Jarren at ako naman ay nakaharap sa banda niya. Nakatingin siya sa akin na tila sinusuri ako kung may problema ba dahil kita niya ang hindi maipintang galit sa mukha ko ganoon din sa awra at mukha ng pinsan ko na napahilamos na lang para palisin ang galit sa mukha bago ito tuluyan na humarap sa kanya. "Kandrick," pormal na tawag ni Jarren dito 'di na sila sumaludo pa sa isa't isa magkanggo lang sila halos. Lumapit siya sa kaibigan sabay inakbayan. "Long time no see, hindi ko naman alam na sa ganitong pangyayari pa tayo ulit magkikita." Sarkastikong ngumising aso lang si Kandrick at parehong humarap sa akin. "Me too, hindi ko alam na pinsan mo pala 'to at kaya pala pamilyar kanina, huli na bago ko pa siya mamukhaan." Tumikhim si Jarren. "Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa pare. Baka p'wedeng ma-arbor ko ang kaso nitong pinsan ko na 'to baka pwede nating pagusap—" "Hindi pwede, pasensya ka na rin Pare," putol ni Kandrick sabay tapik sa balikat nito 'di pa man tapos na magsalita ang pinsan ko. "She committed multiple violations, so no." Umiling pa siya bilang tanggi pa sa pabor na hinihingi nito. "Para ka namang hindi kaibigan niyan—" "May lugar para sa tinatawag na pagkakaibigan. Ang ginawa ng pinsan mo hindi p'wedeng palagpasin dahil sa pansarili niyang kapabayaan. Kilala mo 'ko, basta mali, mali sa 'kin kahit pinsan mo pa iyan." Imbis na malungkot ako dahil hindi ako makakalusot sa kasong ipapataw sa akin hindi ko maiwasang nakaramdaman ng tuwa dahil nakaka-turn on lalo siya sa ma-autoridad niyang paninindigan. "Her car was at the highest fullest speed, na hindi magagawa patakbuhin ng matino ang utak. Luckily pare-pareho naman din kaming ligtas matapos ng ginawa naming pag-habol sa kanya na kamuntikan din naming ika-aksidente," paglalahad pa niya. "Kamuntikan na rin silang lumipad sa sky way ng kaibigan niya kung hindi naagapan kung hindi pa sila sinalubong ng mga back up, malamang sa malamang diyan wala na iyang pinsan mo kung nagkataon kasama ang kaibigan niya kaya ma-swerte pa rin sila," dagdag pa niya at ako itong hindi naka-imik ng siya na ang nagsasalita. Ni pangangatwiran hindi ko nagawa, hindi ko ginawa dahil natutuwa ako kinakausap niya ako... ang saya kong pakinggan ang boses niya kung paano niya ipamukhang mali ang ginawa ko, kahit pa may pasaring siyang insulto sa akin, ay ayos lang dahil mali naman talaga ako kaya dapat niya lang ako pagsabihan. At ang tanging pagalit lang ni Kandrick Del Fuego ang tinatanggap ko, wala nang iba pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD