"You still have the guts to smile like that?" he asked when I got close to his table. Tinuran niya ang silya sa harapan. "Upo."
Basta utos mo, susunod agad ako. Kaya agad nga akong naupo hindi alintana ang tono niya sa akin basta masaya ako kaharap ko siya success ang plano iyon nga lang dito ako tutulog sa prisinto pero ayos lang iyon basta siya ang makikita ko.
"Masaya lang ako, Sir," I said with giggling so he gave me that weird look but I still remain to act like he's my happy pill.
Kahit hindi ko kita ang sarili ko alam kong kasalukuyan nangniningning ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya sa ganitong kalapit na distansya.
Tumikhim siya at halatang naaalibadbaran na naman siya sa akin. "Masaya? Bakit ka naman masaya?"
"Well..." Lumikot ang mga mata ko at nag-isip ng isasagot. "First time ko sa kulungan so this is a new pace of experience. You know, Mr. Officer I'm really an adventurous and I love adventure—"
"Hindi ko tinatanong," putol niya sa kalagitnaan ng pagsasalita ko so I shut my mouth so my lips turned into a thin line and zipped it.
"Isa lang ang tinanong ko ang dami mo nang sinabi, hindi ako interesado sa hobbies mo at mas lalong wala akong pakialam," dagdag pa niya.
Napahiya man hindi ko na lang pinansin. Kagaya nga ng sinabi ko kahit na anong sabihin niya o ibato niya sa akin kahit na habang buhay siyang mag-sungit handa ko baliwalain basta masaya lang ako makausap siya.
He took a deep breath like something in his mind bothering him. My face softened seeing him thinking deep like he's stressed or kinda upset but I'm sure he wouldn't share it with me.
"Ngayon lang kami naka-encounter ng tulad mong masaya pang makaka-experience siya makulong. Hindi ka ba aware na mahirap sa kulungan at nagagawa mo pa ipakita na nag-e-enjoy ka sa sitwasyong ito?" may panguusig sa sinabi niyang iyon.
Sumandal siya sa swivel chair at humalukipkip at mapanuri akong tiningnan. "Kahit gaano ka pang ka-adventurous na tao, kung matino ang pag-iisip mo, maiisip mo na simula pa lang hindi na magiging maganda ang lagay mo rito bago mo pa gawin."
Hindi ko maintindihan ang ipinararating niya. Sarado ang isip ko sa mga oras na ito katititig sa kakasigan niya. Lipad na lipad lang ang pakiramdam ko habang salita siya nang salita.
"Ikaw lang ang nakilala kong makukulong na ang saya pa at higit, ayaw magpa-piyansa." Napasinghal siya sa kakatwang isiping iyon.
"Tell me honestly Ms Laviñez, was it because you were drunk or you did that on purpose?" he asked and it seemed like he wanted to confirm something.
I laughed a bit. "What do you mean?" Sa lahat ng sinabi niya iyong tanong lang ang naintindihan ko.
Is he doubting me na sinasadya kong magmaneho ng ganoon kabilis? Well, hindi naman ako para umamin, it still remains that I was under the influence of alcohol.
Alangan sabihin ko na sinadya ko para magpapansin sa kanya. He will surely get mad at me and sue me for being his stalker.
He took a deep breath and shifted from his seat and he directly looked at my eyes. "Your friend, Vanessa confessed to me something. And guess what? I really don't like the idea of having a stalker. Hindi mo ba nasip na pwede kitang kasuhan?"
Ako naman ay napaawang ang bibig at natigilan 'di ako nakagalaw sa kinauupuan ko. Vanessa? Really? Ikinanta ako ng sarili kong kaibigan?!
Luminga ako at hinanap si Vanessa sa paligid pero wala na ito. Humanda ka sa aking babae ka! Nilaglag mo 'ko!
"Pinauwi ko na siya kanina pa," saad niya na alam na si Vanessa ang hinahanap ko at kita niya ang gigil sa mukha ko.
"Really, Ms Laviñez? You are obsessed with a police officer?" He laughed a bit in sarcasm like he couldn't believe it and for him this is freaking insane.
Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko dahil sa pagkapahiyang nararamdaman. Parang may kaibigan ata akong gusto kong i-salvage pag labas ko rito.
"I really can't believe this, I have a stalker, huh? For almost a year already?" he said cockily. and chuckled in a distasteful way.
"Halos isang taon mo na raw akong sinusundan at sinadya mo pa talaga ilagay sa panganib ang buhay niyo alang-alang lang sa pagpapapansin sa akin ayon sa nakarating sa akin."
Sa talang buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng pagkapahiya na katulad nito. Wala ito sa plano! I want to make a smooth bond with him!
Wala sa plano kong ipaalam na matagal ko na siyang sinusundan dahil ayoko naman din na magmukang desperada sa paningin niya kanya kahit iyon naman talaga ang totoo... na desperada ako.
"Hindi ko alam na hahantong ka sa ganito, Ms Laviñez para lang makuha ang atensyon ng isang lalaki handa mo ipahamak ang sarili mo at nandamay ka pa," saad pa niya na tabang na tabang.
Itinagilid niya ang ulo niya at kumuha ng isang ballpen at nilaro-laro, pinalipat-lipat niya sa gitna ng kanyang mga daliri.
Habang ako naman ay hindi ako maka-imik, hindi alam ang isasagot o idadahilan mula sa kinauupuan habang magkasaklob ang aking dalawang palad at napayuko na lang hindi makatingin sa kanya ng diretso.
"Kung sa ibang lalaki siguro na tulad mong may tama sa utak baka p'wede pa nga na ma-appreaciate niya iyung pagsunod-sunod mo sa tao at ikatuwa niya rin ang ginawa mo na pagmamaneho nang ganoon para lang mapansin ka pero sa katulad ko... pasensya ka na, hindi tulad mo ang tipo ko at lalong hindi ko gusto ang ginawa mo."
Sa lahat ata ng sinabi niya doon ata ako nasaktan... pinakang-nasaktan. Napakurap ako at nakaramdaman ng panginginit ng magkabilang mata ko. Hindi ko ata ito napaghandaan.
Hindi ko rin naman kasi inaasahang didiretsuhin niya ako ng ganito, kasalanan ito ni Vanessa! Ang akala ko alinsunod na talaga ito sa plano ko pero mali ako, ito ang napala ko sa huli dahil sa pakikialam ng kaibigan!
Lumapit pa siya sa akin at dumukwang sa lamesa para sabihin pa ng harap-harapan ang gustong sabihin.
"Ayoko sa may sayad, thanks but no thanks for admiring me from afar. Pero hindi talaga, Miss Laviñez... wala kang kadating-dating sa akin, wala." May diin sa pagkakasabi niya at gustuhin ko man mag-walk out, 'di p'wede nasa prisinto ako.
I sniffed to prevent myself from crying, kahit may luha nang nanginglid pero hindi ko ito hinayaang bumagsak. Ang sabi ko ay hindi ako masasaktan sa kahit anong sasabihin niya pero nasaktan ako roon. Talaga.
Pasimple kong pinahid ang namuong luha pero hindi ko ipinakitang umiiyak ako. Hindi ako iyakin pero sa kasamaang palad ay nagawa niya sa sakit niya manalita.
Diretso, walang preno.
"I... was just desperate so I did that," I said admitting my mistakes out of desperation.
Tumango-tango siya at muling sumandal sa swivel chair na kinauupuan. "Pero kahit alam mong mali, ginawa mo pa rin."
"Yes, dahil desperada na nga ako—"
"Hindi dapat," mariin niyang putol sa pagsasalita ko. "Hindi gawain ng isang disenteng babae ang ganoon. Tingin mo makukuha mo ang atensyon ko katulad ng gusto mo mangyari sa pamamagitan nito?" Pagak pa nga siyang natawa. "Nakuha mo nga naman, pero pati galit ko kuhang-kuha mo rin."
Napakurap ako at nataranta sa takot na lalo siyang magalit at kainisan ako. "Sorry... na..." I sincerely apologize and I bowed my head playing the nails of my fingers.
"Paano na lang kung may nangyaring masama sa inyo ng kaibigan mo dahil sa kalokohan mo at sa pagiging makasarili mo? If other people find out why you did that, sa tingin mo ba hindi ako maaapektuhan dahil malalaman nila na lalaki pala ang dahilan at walang iba kundi ako iyon na wala namang kaalam-alam sa katarantaduhan ito?" saad niya sa mahabang litanya at napasinghal siyang muli at hindi makapaniwalang tiningnan na lang ako.
Kitang-kita ang pagka-irita niya sa akin, ang sama ng timpla niya pero hindi naman siya masama kung tumingin pero ramdam na ramdam ko pa rin ang namuo niyang galit sa akin.
"A stupid girl drunkly drove so fast with the highest speed because she just wanted to get noticed by her crush police officer who was just working on his posting that time. Hindi ba napaka-pangit tingnan at kung pakikinggan?" patuya niya pang paglalarawan kung sakali.
Hindi ko na alam ang sasabihin... siya lang ang nakapagpatiklop sa akin ng ganito ni hindi ko magawang mangatwiran at ang pananalita niya masiyado matatas kaya nahahabag ang pakiramdam ko.
Idiin ko ang kuko ko sa palad ko habang pinakikinggan ang mga sinasabi niya habang nanatiling nakayuko.
"Bakit hindi ka makapagsalita?" tanong niya na inuusig ako habang nilalaro ang ballpen sa kamay at tabang na nakatingin sa akin.
Pinapanuod niya lang ang pananahimik ko. "Did you swallow your tongue? Samantalang kanina, h*yup mo kung kausapin ang pinsan mo na ang gusto lang naman tulungan ka at linisin ang kalat na ginawa mo," pagalit niya pa.
Ni sa magulang ko hindi ako nakaramdam ng ganitong konsensya kapag pinagagalitan ako noon kahit hanggang ngayong tungtong ko sa ganitong edad, sa kanya lang. Grabe magpagalit, inuusig talaga niya ako.
"What an attitude for a beautiful woman. Kung anong ganda, siyang sama naman," he said with so much dismay but wait—did he say beautiful? He called me beautiful?
Sa kabila ng pagkahabag na nararamdaman ko biglang nahaluan ng tuwa at lahat ng mga pagalit niya agad kong nalimutan.
"Do not smile like an idiot," saway niya sa akin kaya nanumbalik ang malungkot kong mukha. Pero ang loob ko'y natutuwa.
It means... he noticed my features... nagandahan siya sa akin kahit tingin niya sayas ako at masama ang ugali ko base sa unang impresyon niya sa akin.
Dahil doon naka-isip tuloy ako ng magandang sabihin bilang sagot sa lahat ng mga sinabi niya. Nanatili akong nakayuko at nagsalita.
"Alam ko pong nagkamali ako, Mr. Officer..." pag-amin ko sa ginawang kasalanan. "Pero nagawa ko lang naman iyon dahil... dahil—"
"Dahil desperada ka nga, nasabi mo na iyan."
Umayos ako ng upo at tiningnan siya ng mabuti. "Gusto kita... gustong-gusto talaga kita—" Natigilan ako nang tawanan niya lang ako. Ang lakas ng tawa niya kaya napatingin sa direksyon namin ang nandidito.
"I'm sorry Ms Laviñez even I want to thank you nor appreciate your admiration you feel for me sorry but I can't." Umiling siya. "Ni hindi ko magawang matuwa." Napahiniksik pa siya at ipinakikita kung gaano siyang naalibadbaran sa pag-amin ko.
Ako naman ay hindi na nakakibo pa... pahiyang nakatingin na lang sa kanya. It was my wrong choice of words... ang t*nga ko lang hindi ko pinag-isipan mabuti ang sasabihin ko.
Kahit siguro sino magagalit dito sa ginawa ko, may gusto nga ang babae sa iyo pero ang ginawa naman ay maling-mali kaya hindi talaga ma-a-appreaciate nino man.
Kaya kailangan ko bumawi.