"Vicente," tawag ni Kandrick sa pangalan ng kasamahan. Kasama rin nila ito sa kaninang panghuhuli sa akin.
Agad naman itong lumapit at tumalima. "Sir."
"Ikulong na 'to tutal gustong mag-overnight dito sa kulungan," utos ni Kandrick at sandali niyang hinarap ang computer at may tinipa roon.
Pero tumingin na muna sa akin ang pulis na nagngangalang Vicente saka nito ibinalik ang tingin kay Kandrick.
"Sir? Ikukulong ho 'to? Mukang mayaman ah? Bakit hindi na lang magpiyansa, saka pinsan ito ni Sargeant Laviñez, hindi ba?" tanong nito kaya napa-irap tuloy ako.
Marunong pa siya ayoko nga sabing magpiyansa. Hindi ko alam nakatingin pala sa akin si Kandrick kaya huling-huli niya ang ginawa kong pag-irap kaya napatikhim ako at umayos ng upo diretso na ang tingin sa kanya sa harap.
Napa-iling lang siya at bumaling kay Vicente. "Ayaw niyang magpapiyansa, ayaw rin niya magpatulong sa pinsan niya. Gusto niya gawing hotel ang kulungan kaya pagbibigyan natin."
Manghang dumako naman muli ang tingin sa akin ni Vicente. "Wow! May maganda pala kaming bilanggo ngayong gabi."
Dumila pa ito at dinalaan ang ibabang labi na tila may masarap na putahing ihahain sa kanila. Pinag-salop pa talaga ang dalawang palad sabay pinakiskisan at pinagmuka ang sariling nasasabik sa kung ano.
Samantala, sinamaan ko naman siya ng tingin kasabay ng pangungunot ng noo ko. Kapag talaga mga pulis karamihan mahilig sa mga babae ngunit wala naman lalaking hindi mahilig kahit na anong propesyon pa iyan basta lalaki mahilig iyan sa binukang perlas.
Maliban na lang sa isang taong kilala ko na ngayon ay nasa harapan ko na, si Kandrick na hindi ko malaman kung maalam ba ito lib*gan, dahil wala pa akong nabalitaang naging girlfriend niya recently pero I have the list names of all his ex's. And they were few, kaunti lang. Walang fling, at lahat sila'y natawag na girlfriend.
At isa lang ang ibig sabihin no'n hindi siya mahilig makipag-laro. Pero napapaisip ako, single siya ngayon may higit isang taon na kaya ano kaya ang ginagawa niya kapag kailangan na niyang... hmm... you know mag-release?
I'm curious because he doesn't even hire a pro*titute to warm his bed, kasi kung meron dapat alam ko iyon. Kaso wala. So he only use is his hand... his callous hand.
"Tumigil ka Vicente," mariin saway ni Kandrick sa kasamahan kaya naman napaayos ito ng tayo at napahawak na lang sa batok.
"Pasensya na Sarge, nagbibiro lang naman ho ako," hinging dispensa nito at napakamot na lang sa ulo.
Bumaling naman sa akin si Kandrick mula sa pagkakatingin niya kay Vicente. "Natakot ka ba sa kanya?" tanong niya sa akin. Ohh... why did he ask?
Umiling ako. "Hindi naman," sagot ko at binalingan ang Vicente na ito at tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at tumigil sa mukha niya. "Even though he's ugly, 'di naman siya nakakatakot."
Hindi ko naman inaasahan ang biglang pag-tawa ni Kandrick so I take a look at him with amusement. I noticed how he looks so sexy while he's laughing at my words na hindi ko naman pinag-isipan.
Si Vicente naman ay halatang nainsulto sa sinabi ko. "Sinong pangit?" Naasar ko ata ito.
Tinaas ko ang kamay ko at nag-peace sign and I smile sweetly. "It's not my intention to insult you, so pardon me."
Bahagya niya akong dinuro. "Pasalamat ka maganda ka saka pinsan ka ng mataas na pulis sa kabilang departmento kung hindi—"
"Sir naman..." malambing kong putol sa kalagitnaan ng pagsasalita niya. "I already apologize so don't make it a big deal, okay?" Ngumiti akong muli.
"I don't want to get mad so don't talk to me that way and don't point your finger at me baka bukas paggigising mo'y wala ka nang daliri, sige ka. Uso ang nuno, naniniwala ka ba roon?" Pagak naman akong natawa sa reaksyon nito na biglang 'di na maipinta.
Kagaya ng mga taong unang beses ko pa lang nakakausap iisa lang sila ng nagiging reaksyon sa tuwing nagsasalita ako. They always make these weird expressions on their faces and it looks like there's something in my words giving them creepy feeling so in the end they only choose to shut up.
"Go back to your desk, Vicente ako na nga lang ang bahala rito," saad ni Kandrick na may himig ng iritasyon at pinabalik na nga si Vicente na hindi na nakasagot sa akin.
Sinundan ko na lang ito ng tingin hanggang makalayo at makalablik sa sariling lamesa pero ngumiti pa 'ko at kinawayan ito kaya lalo lamang silang nawirduhan sa akin.
"Ms Laviñez, tinatakot mo ang mga officers ko rito," pamamaratang niya kaya naman napaawang ang bibig ko, napahawak sa dibdib at umarteng na-offend sa bintang niya.
"Woah? What did I do?" I asked in my innocent tone but I'm aware what he's pointing out so I chuckled. "Ikaw naman Sir, pati pakikipagusap ko binibigyan niyo naman ng ibang kahulugan. Wala akong sinabing masama," I proved.
Tumayo na siya mula sa swivel chair kaya napatingala ako sa kanya. "Tumayo ka na at doon ka na sa selda," pagpapatayo niya na sa akin kaya tumayo na nga ako nang may ngiti sa aking mukha.
Nauna siyang naglakad kaya nagkaroon ako ng pagkakataon pagmasdan ang malapad niyang likod, he's bulky but yummy.
I smirked and I put my hands behind my back and held it together and so I started to sing humming sounds while I'm slowly walking following Kandrick and everyone in here looked at my direction with their weird stares at me after hearing me humming.
Kahit si Kandrick napatigil sa paglalakad at nilingon niya ako at saktong pagharap niya ay salubong na ang dalawa niyang kilay.
"Could you stop?" he told me to stop.
Natawa na 'ko. "What? What's your problem? I'm just humming," I asked and reasoned out like there's nothing wrong with this. I am just happy.
Kung kanina ay nakaramdam ako ng pagdadamdam sa ipinakita niyang ugali pero ngayon parang nasanay na ako agad sa kanya ng ganoon kadali at nanumbalik din agad ang normal na mood ko at nang maalala ko rin kung bakit nga ba ako nandidito.
"Ipapaalala ko lang sa iyo na ito ay kulungan," batid na wala akong dapat ikatuwa o ikasaya rito.
"Oh? And so?" I showed him that I really doesn't care at all. And it's my pleasure to be here with him so I can see him this close even just for tonight.
Hindi na lang siya nagsalita at muli na lang niya akong tinalikuran. Hindi niya pipilin ang makipagtalo sa akin dahil baliw ang tingin niya sa akin. Siya, baliw na nga kung baliw that's his opinion anyway.
Muli na lang siyang naglakad kaya sumunod na nga ako sa kanya. My mouth curved into an O... the jail is yucky, huh? And smelly.
"Don't you clean?" I asked roaming my eyes around the jail area where the inmates are.
Men and women are separated of course and I noticed that they all look unshowered, unbathed and whatever you call it. Mukang maasim. I just sighed. Tatagal kaya ako rito nang kahit isang oras? Tingnan natin.
He turned to me with eyebrows furrowed. "What?" he asked in irritation as if what he heard is kinda insulting.
"Your precint is dirty, so I asked, don't you clean here? And look at those inmates they look mabantot." Inilagay ko pa ang hintuturo ko sa ilalim ng ilong.
"Para tuloy gusto kong mag-donate sa kanila ng you know, soap? Shampoo, body scrubber para magmuka silang fresh kahit preso sila," I said with my nasal voice with bubbly offerings.
He looks so irritated by my complaints and suggestions so he closes his eyes tightly like he's suppressing his temper. He looks having a duel in his inner self preventing himself from saying something improper.
"Kung hindi ka makakatagal p'wede ka naman magpiyansa, pakakawalan kita. Hindi mo na kailangan pang insultuhin ang lugar pati ang mga preso," casual niyang sinabi pero halata namang naiinis siya sa kaartehan ko.
I pout. "Nagtanong lang naman ako, Sir. Bakit minasama mo na?" Inirapan ko siya sabay humalukipkip.
Nandito pa kami sa labas ng selda hindi pa niya ako ipinapasok sa loob. Hindi pa kami tapos mag-usap.
"Because you keep on complaining, marumi, mabaho pero gusto mo naman manatili rito kaya ano bang gusto mong mangyari?"
"Oops! Wala akong sinabing mabaho, I only said it's 'dirty'," I corrected him pero mabaho rin talaga rito so tama rin siya.
He hissed like he has no time for this. Binuksan na niya ang rehas gamit ang isang susi mula sa sandamakmak na susing hawak at binuksan para sa akin.
Nimuwestra niya pa ang kamay niya batid na pumasok na ako. "Pumasok ka na mahal na prinsesa," pagpapapasok niya na sa akin sa loob.
Umakto rin naman ako na may invisible na mahabang palda at pabukang hinawakan ang magkabilang gilid at nag-ala prinsesang nag-bow pa. "Salamat mahal kong prinsipe." Nagawa ko pa nga siyang kindatan bago tuluyang pumasok sa loob.
Pumasok ako na may malawak na ngiti sa mukha at nagawa ko pang batiin ang mga nariritong babaeng preso.
"Magandang gabi, bago niyo akong kabilanggo rito pero bukas ay lalabas rin ako kaya sana maging mabuti at mabait kayo sa akin habang nandidito ako," saad ko na may ngiting banayad.
Natawa naman sila at wala namang mga sinabi kaya hinarap ko na ngang muli si Kandrick na hindi pa pala umaalis, muka pang naka-t*nga sa akin at 'di malaman kung ano ang pintang gagawin sa mukha.
Hindi niya alam kung siya ba ay matatawa, maiinis, o mapipikon na lang talaga sa akin kaya idinaan niya na lang sa pag-singhal.
"Crazy," he said and just shook his head like I'm the weirdest person he ever knew.
Humawak ako sa rehas at tiningnan siya mula sa labas. Nguso at ilong ko lang ang nakalabas sa pagitan ng mga bakal na ito.
"Sir, I wanna eat. Maggagabi na. Can you buy me food for my dinner?" I said ordering him to buy me some in my sweet and cute voice not minding what he just said.
"Pulis ako hindi utusan," saad niya, refusing to buy me at akmang aalis na nang pigilan ko siya at hinila sa mahaba niyang manggas.
"Sir! Wait!" Napatigil ko naman siya sa pag-alis. "Hindi ka ba naaawa? I said I'm hungry and I'm your prisoner so I'm under your responsibility."
His eyebrows furrowed and he harshly removed my hand from his sleeves.
"Nakakahiligan mo nang hawak-hawakan na lang ako basta," pagalit niya. "Ginusto mo rito kaya bukas paglabas mo saka ka na kumain. Magutom ka."
Nopaawang na lang ang bibig ko sa sinabi niya at wala na akong nagawa kundi ang sundan na lamang siya ng tingin palayo at bumalik na nga siya roon sa kanyang office desk.
How cruel... I just pout feeling hungry. Really.