My stomach is growling, nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan. Kung tutuusin ako rin naman ang may gawa kung bakit ba ako nagugutom ngayon at walang makain.
I look at the prisoners eating their dinner using hands without proper hygiene. Kahit gutom ako hindi ko magawang maglaway habang pinapanuod silang kumakain ng dinalang pagkain ng mga pamilya nila.
Very unhygienic the way they eat.
I just sighed. I'm hungry.
"Miss, gutom ka na?" tanong ng isang babae na mukang iaalok ang kinakain niya. "Meron pa akong natirang kanin at ulam dito, hindi ito nagalaw. Gusto mo?" What a nice person offering what she has.
Ngumiti ako at umiling. "No thanks, yes I'm hungry but I can't eat that. That's your food," I refused in a nice way. Hindi ko lang masabi hindi ko gusto ang kinakain niya.
"P'wede h'wag ka mag-english, Miss? Hindi ka kasi namin naiintindihan," sabat naman ng isang mukang kaibigan ng nang-alok.
"Ang sabi ko gutom ako pero hindi ko p'wedeng kainin iyan dahil sa iyo iyan," pananagalog ko na para maintindihan.
"Ah..." Panabay pa silang tumango-tango.
"What's your name?" tanong ko doon sa babaeng nang-alok ng pagkain niya.
"Ako?" Turo nito sa sarili.
Tumango ako. "Yes, ikaw, at ikaw rin," tukoy ko rin sa kaninang nagsabi naman na ako'y magtagalog dahil hindi nila naiintindihan ang ingles. "Anong pangalan niyong dalawa?"
"Ako si Maura at ito naman si Helena," pakilala ng nag-alok ng pagkain at ipinakilala na rin ang kaibigan.
Nangalay ako sa pagkakaupo ko sa malamig na semento kaya umayos ako at niyakap ang dalawa kong tuhod habang nakasandal sa mismong rehas.
Dinaan ko na lang sa pakikipag-kwentuhan ang pagka-inip ko rito. "Ano naman kaso niyo bakit kayo nakulong? At gaano na kayo katagal dito?"
"Itong si Helena nagnakaw sa isang mini grocery store kasi walang-wala. Ipinakulong ng may-ari. Ang kaso ko naman nakasaksak ako at isang linggo pa lang ako rito pero sa susunod na linggo ililipat na nila ako sa City jail ng Comoro habang nililitis ang kaso ko," sagot ni Maura na ikinagulat ko.
Sa kaso niya ako naging interestado. Nanaksak siya? Pero muka namang wala sa itsura niyang gagawa ng ganoon. Pero ika nga, wala sa itsura iyan.
"You killed someone?" I asked in amusement.
Tumango siya. "Oo... asawa ko. Nang babae eh. Hindi ko na nakayanan matapos lahat ng sakripisyo, paghihirap ko sa ilan taon naming pagsasama hindi niya nakita lahat-lahat ng iyon tapos nagawa pang nambabae. Kaya ayon sinaksak ko."
Imbis na matakot ako sa kanya at mangilag dahil sa nagawa niyang krimen nagawa ko lang tawanan at naging interesado sa kwento ng buhay niya.
"It's quite shocking... you killed your husband? How brave you are. Siguro punong-puno ka na nga kaya mo iyon nagawa," komento ko at sinadya kong pagmukain na naiintindihan ko siya.
Ganoon niya siguro kamahal ang asawa niya kaya lahat ng pagtitiis ay ginawa niya na at dahil sa matinding galit niya at halo-halong emosyon ay hindi na niya na-kontrol pa ang sarili.
Idagdag pa na mukang mahal na mahal pa niya ng husto ang asawa. Kung hindi ay hindi siya makakapagtiis ng ganoon at hindi niya magagawa iyon. Ngumiti ako at umisod pa paabente para medyo lumapit pa sa kanila.
"Kwentuhan mo pa 'ko, what happened before that? Nahuli mo sa akto? You know, believe me or not naiintindihan kita kasi ako may mahal akong lalaki, mahal na mahal ko siya ang kaso ay hindi niya iyon alam. Siguro kung ako nasa sitwasyon mo, lumalandi pa lang tatanggalan ko na ng paa, para 'di na makalakad at makapambabae."
Nagkatinginan naman silang dalawa, tila may mali sa sinabi ko habang ngiting-ngiti pa 'ko at ang mga mata ko ay nakangiti rin nang sabihin ko iyon. Parang mukang mas natakot pa sila sa akin dahil kita nila kaya kong totohanin.
"H-Hindi ko naman kayang gawin iyan. Nagawa ko lang iyon sa asawa ko dahil sa matinding galit pinagsisisihan ko naman na iyon, walang gabi o oras na hindi ko iniyakan ang krimen na nagawa ko lalo na nasa labas pa ang baby ko, nasa pangangalaga siya ng mga magulang ko habang ako nandito sa loob." Naluha siya nang ilahad niya ang kalagayan.
"You have a baby?" I asked to my surprise and I felt a little bit sad for her innocent child. "How old is she? Or he?"
"Kaka-one year old niya pa lang... babae." Yumuko siya at napaluha pa nga. Napaawa naman ako sa kanya. "At dumedede pa siya sa akin kaso dahil nga nandito ako, wala akong magawa."
"Is there something I can do for your baby?" Halatang nagulat siya sa tanong ko.
"Hindi ako nakakaintindi gaano ng ingles pero ang pagsasalita mo naiintindihan ko... ang bait mo para mag-alok ng maitutulong," pagak pa siyang natawa but her joy is obviously genuine.
"Hindi ako mabait," I denied her impression of me. "I just asked and wanted to offer some help because I'm concerned about your baby."
Lumapit siyang bigla sa akin at lumuhod sa harap ko kaya nangunot ang noo ko dahil sa gulat din.
"Hindi ko iyan tatanggihan Miss... kahit panggatas at pang-diaper lang—"
"Paglabas ko bukas," saad ko hindi pa man siya tapos magsalita. "Just give me your full adress so I can send kids stuff for your baby."
Pinagdaop niya ang dalawang palad at pinagkikiskisan para ipakita ang lubos na pasasalamat sa akin at umiyak sa tuwa at akmang hahawakan pa niya sana ako.
"Salamat Miss! Salamat—"
"Uh, oh! No, no, no! Don't touch me with your dirty hands." I distance myself from being touched by her.
Agad din naman siya lumayo sa akin. "Sorry!"
Tumikhim ako. "Okay nang nagpasalamat ka h'wag mo lang akong hahawakan. Hindi ka pa nahuhugas ng kamay may kanin-kanin pa iyan." Nakakamay silang kumain tapos ihahawak sa akin.
"Ayos na, go back where were you," utos ko na humalik na siya sa pwesto niya kanina at bumalik na nga.
"Salamat talaga, Miss. Hulog ka ng langit," pasalamat pa niya pero hindi ko na siya pinansin at bumaling naman ako sa nagngangalang Helena.
"Ikaw naman? What's your problem? Is there anything I can do for you?" I asked her too because they are friends, alangan isa lang tulungan ko.
"Pakitagalog Miss, hindi ko talaga ma-gets eh." Napakamot siya sa ulo hindi niya talaga maintindihan alin man sa mga sinasabi kong hindi tagalog.
"Ano namang problema mo sa buhay? Baka may maitulong din ako sa 'yo," pananagalog ko ulit. Sanay naman akong mag-adjust at unawa ko kung hanggang saan lang ang abot ng kanilang utak.
"Tutulungan niyo rin ako?" Parang hindi pa siya makapaniwala at mukang nahihiya pa.
"Hindi ba nagnakaw ka sa grocery store? Anong ninakaw mo?" tanong ko handa rin siyang bigyan.
"Palaman lang saka tinapay..." sagot niya na mukang hiyang-hiya talaga sa nagawa kaya tumagal ang tingin ko sa kanya at unti-unti akong tumawa.
"Palaman at tinapay? Iyon lang?" patuya kong tanong. "Nagpakasira ka sa ganoon?"
Napa-iwas naman siya ng tingin. "Kapag kumakalam na ang sikmura mo at wala ka pang mapagkukunan makakagawa ka talaga ng masama."
"Wala ka bang trabaho? Bakit hindi ka dumiskarte? Marami naman marangal na trabaho diyan sa tabi-tabi kaya ba't naman pagnanakaw pa? P'wede kang pumasok na labandera, kahit nga mag-asin bote ka wala naman masama," saad ko na may suhestyon pa.
Hindi siya naka-imik, baka trabaho na niya talaga ang pagnanakaw. She's a thief kaya wala siyang maisagot sa akin.
I took a deep breath and rolled my eyes. I crossed my arms and looked at her eye to eye pero hindi talaga siya makatingin. She's obviously guilty for committing a theft.
"Ito ba ang unang beses na ginawa mo iyan?" tanong ko. Kung hindi ang sagot niya ibig sabihin trabaho na niya talaga ang magnakaw.
Umiling siya. "Hindi ito ang unang boses."
Tumango-tango ako. "I see... hindi ito ang unang beses mong magnakaw pero ito ang unang beses mong nahuli, tama?" Parang nangangastigo ang dating ko.
Tumango lang siya bilang sagot.
"Gusto mo pa bang mabago ang buhay mo?" tanong ko kaya napatingin na siya sa akin.
"Kung bibigyan ako ng pagkakataon ay bakit hindi, tutal... gusto ko humanap ng marangal kaso wala akong alam na trabaho eh."
Gosh, this human.
"Sa madaling salita, wala kang alam?" diretsuhan kong tanong. "Ano lang ba ang natapos mo?"
"Grade 3..." nahihiya pa niyang sagot.
Oh! Now I know. Bigla tuloy akong naawa. Kaya naman pala, at naiintindihan ko na ngayon kung ba't din siya kapos.
"Now I understand, gusto mo bang maging katulong sa bahay namin?" alok ko at kita sa mukha niya ang pagkagulat.
"I-Ipapasok niyo akong trabahante? S-Sa bahay niyo mismo?" tanong niya at hindi makapaniwala. Kahit si Maura bakas ang tuwa para dito.
"Tumango ako."Yes, ayaw mo?"
"Gustong-gusto!" Nanabik siya sa tuwa.
"Bukas lalabas din ako, magpi-piyansa ako idadamay ko na rin ang paglabas mo tutal wala namang serious case na ipinataw sa iyo, sadya na ipinakulong ka lang."
Sa tuwa niya ay napatayo siya at akmang yayakap sa akin pero agad kong hinarang ang kamay ko batid ko na h'wag siyang lalapit!
"I don't need your hug!" I shoo her away.
Napaatras naman at medyo napahiya. "Sorry, Miss! Natuwa lang kasi talaga ako, maraming salamat! Maraming salamat sa ibibigay mong tiwala sa akin, pangako hindi ko sisirain ang tiwalang bigay mo."
"Salamat lang sapat na h'wag nang hahawak." Nataasan ko siya ng isang kilay. Ipinakita kong ayaw ko nang hinahawakan ako naka-reserve lang ako kay Kandrick at ang binatang iyon lang ang p'wedeng humawak sa akin.
Pero sa kabilang banda kaya ko ito tinulungan dahil naniwala naman ako na kahit gaano pa ka-pangit ang background ng isang tao malaki pa rin ang tiyansang magbago. So I supposedly give a hand.