Namalisbis ang mga luha ni Alelie mula sa mga mata nito pagkarinig ng kwento ng kanyang Kuya. Alam niya sa sarili niyang kung kailan nagsisinungaling ang kanyang kapatid, at naniniwala siyang frame up nga ang nangyari. Ang masaklap napakalaking halaga ang kinakailangan upang makapagpiyansa si Aries. Or worst, mabubulok ito sa kulungan dahil malaking tao nga ang nakabangga nito. Binalaan na din siya ng isang babaeng pulis na uso ang salvage sa loob ng selda lalo na kung mabigat na tao ang siyang konektado.
"Paano na Kuya?" bulong ni Alelie habang sumisinghot.
Umiiyak din si Aries.
"Gusto ko ng magbago, Alelie kaya lang nakialam ang tadhana. Hindi ko ito kagustuhan, nangako ako kay Inay na magbabago na ako kung kaya't hindi ginawa ang ibinibintang nila sa akin. Tulungan mo ako, please? Ayokong magtagal dito sa loob lalo na kung mailipat ako sa City jail." Pagmamakaawa ng binata.
Ang galit ni Alelie sa kapatid nito ay napalitan ng awa lalo na sa kanilang Ina kung malalaman nito ang buong katotohanan. Ang alam ng kanilang Ina ay kagaya lang ng mga nagdaan na kaso ang siyang naisampa kay Aries. Usually pinapagalitan ni Alelie ang kanyang Kuya sa tuwing dadalawin niya sa kulungan at pipiyansahan. Kakamot ito sa ulo, hihingi ng tawad sa kanila na nakaluhod pa saka mangangako. Subalit iba ngayon, ramdam ni Alelie ang takot ng kanyang kapatid sa problemang kinasusuungan nito ngayon. Ramdam din niyang inosente ang kanyang kapatid, maaaring ayaw lang ng grupo na tumiwalag ang kanyang Kuya kaya gumawa nang paraan ang lider nila upang mas malugmok si Aries at hindi ito makakawala pa.
"Kuya, magsabi ka sa akin ng katotohanan, umamin ka sa akin huwag na huwag kang magsisinungaling." Muling bulong ni Alelie.
Nag- iingat ang dalaga na baka may makarinig na tauhan ng grupong sinamahan ng kanyang Kuya.
"Illegal ba ang gawain ng grupong sinamahan mo? Umamin ka, para alam ko ang ginagawa ko!" mariing wika ng dalaga.
Napayuko si Aries at dahan-dahang tumango. Nasapo ni Alelie ang sariling bibig saka umiiling-iling.
"Bakit ka pumasok sa kanila gayong alam mong illegal pala?" sumbat ng dalaga.
"Sabi nila look out lang ako, kaya pumayag naman ako. Taga- timbre lang ako kung mag parak na darating 'yon lang!" Katwiran ni Aries.
"Kahit na, illegal pa rin ang ginawa mo! Tingnan mo ngayon ang ginawa nila sa'yo? Imbes na tutulungan ka hindi dahil sila ang nagsampa ng kaso laban sa'yo!" sabi ni Alelie na nagngitngingit.
"Patawarin mo ako, sa kagustuhan kong makaipon agad para maipagamot si Inay pikit mata akong pumasok sa kanilang grupo." Naiiyak na namang sagot ni Aries.
Napabuga nang hangin si Alelie saka ito napakurap-kurap. Naiiyak din siya sa totoo lang, matapang siya subalit kung kapamilya na niya ang naghihinagpis, lumalambot siya.
"Wala na tayong magagawa pa, narito na ito. Kukuha ako ng public Attorney para sa mga mahihirap upang may magtanggol sa'yo sa korte. Kung ano lang ang sasabihin niya sa'yong gagawin mo, sundin mo siya." Wika ni Alelie.
"May nagpunta na rito noong isang araw pagkalipas ng ilang oras bumalik hindi raw niya ako matutulungan ayaw daw niyang madamay. Nakatanggap siya ng death threat kaya umayaw!" pahayag ni Aries.
Hindi nakapagsalita agad si Alelie, hindi talaga basta-basta ang nakabangga ng kanyang Kuya. Ano ang kanyang gagawin? Mababaliw na yata siya this time kung anong solusyon sa kanilang problema. Paano kung sila naman ang makakatanggap ng death threat na iyon? Maatim niya bang pabayaan ang kanyang Kuya na mabulok sa kulungan at matatagpuang patay sa isang araw? Hindi, dahil inosente ang kanyang Kuya kung kaya't lalaban siya para rito kahit ang kapalit ay siya.
"Sige, Kuya dadalawin kita ulit sa isang araw. Magdasal kang makakahanap ako ng solusyon para makalabas ka, at talasan mo sana ang iyong pakiramdam lalo na sa gabing ikaw ay matutulog. At higit sa lahat, magdasal ka Kuya walang imposible sa kanya." Saad ni Alelie.
"Sige, ikumusta mo na lang ako kay Inay. Mag- iingat rin kayo huwag kang magpapagabi masyado sa daan, Alelie." Naiiyak na naman si Aries.
Tango lang naisagot ni Alelie sa Kuya nito dahil naiiyak na din ulit siya. Hindi niya kayang magtagal doon at pinapanood ang kapatid nitong nakapiit na wala namang kasalanan. Mabuti sana kung kasalanan niya at pababayaan niyang pagbayaran nito ang nagawa subalit inosente ito nararamdaman niya. Hindi namalayan ni Alelie na dinala siya ng kanyang paa sa resto bar kung saan siya nagta- trabaho. Mamayang gabi pa sana siya papasok dahil nagpaalam siyang half- day siya ngayon.
"Als, narito ka na pala! Akala ko ba mamayang gabi ka na lang papasok?" puna ng beki na si Devie.
Noon lang nagbalik ang diwa ni Alelie dahil nakalutang lang ito ng ilang oras. Tahimik itong naupo sa stool saka tumalungko.
"Anong nangyari sa'yo at parang nagkahiwalay na yata ang katawan mo at ang iyong kaluluwa?" tanong pa rin ni Devie.
Maya-maya pa'y umiyak na si Alelie, habang umiiyak ay naikwento nito ang napag-usapan nilang magkapatid. Saka humingi si Alelie nang tulong kay Devie dahil ito ang palagi niyang takbuhan kapag may problema siya.
"Ikinalulungkot kong hindi kita matutulungan this time, Alelie. Gustuhin ko man, hindi ko kaya ang halagang sinasabi mo. Suntok sa buwan na makahanap tayo ng ganoong kalaking pera na tanging bilyonaryo lamang ang may kaya." Malungkot na sagot ni Devie.
Mas lalong napaiyak si Alelie, alam naman niya iyon subalit nagbakasakali lamang ang dalaga.
"Baka may kilala kang mayaman na naghahanap ng kasam- bahay papasok ako." Wika ni Alelie.
"Kung kasam- bahay madami pero ang tanong papayag ka silang pautangin ka ng ganoong kalaking halaga na baka tumanda ka na hindi ka pa bayad?" saad ni Devie.
Laglag ang balikat ni Alelie sa narinig nito dahil may punto rin si Devie.
"Kahit ano gagawin ko, Dev. Maging alipin man ako, papayag ako basta ligtas lang na makalabas ng bilangguan ang kapatid ko." Desperadang sabi ng dalaga.
"Sure ka ba? Itatapon mo ang buhay mo para sa kapatid mo? Paano na si Rain kapag nagbalik siya sa'y?" paninigurong tanong ng beki.
Natigilan si Alelie, si Rain na kanyang nobyo nangibang bansa dahil sa sama ng loob nito sa kanya. Imbes na ito ang asikasuhin niya hindi dahil mas inuuna niya ang kanyang pamilya, nagtampo ang binata at nagpaalam na mangibang bansa muna habang hindi pa siya handa.
"Malabo na kami, Dev. Kaya wala nang saysay ang buhay ko, mas mawawalan ng saysay ito kapag napahamak ang Kuya ko." Garalgal ang boses ni Alelie.
Niyakap naman ni Devie ang dalaga at pinatahan. Ganoon din ang ginawa ni Adelfa, bestfriend ni Alelie nang makita niya itong umiiyak.
"May suggestions lang ako Alelie kung papayag ka ha? Naalala mo ba ang sinabi ko sa'yong bilyonaryo na mahilig sa mga young and fresh pagkatapos ay wala ng kasunod? Kung gusto mo puwede ko siyang kausapin at sabihin ang problema mo baka sakaling papayag siya kapalit ang katawan mo." Saad ni Devie kapagkuwan.
Tumingin si Alelie kay Adelfa, kay tagal niyang pinaka-ingat- ingatang kayamanan niya mapupunta lang sa wala. Anong sakit para sa kanya na nanatiling malinis at hindi nagpatalo sa maraming tukso, ibibigay niya lang pala nang ganoon lang? Naramdaman ni Alelie ang kamay ni Adelfa na tumapik sa kanyang balikat.
"Magsasakripisyo ka rin lang sagarin mo na. Hindi sa itinutulak kita pero sa panahon ngayon hindi ka uusad kung hindi ka magpa- practical. Isipin mo ang pamilya mo, besh pero sa'yo pa rin ang desisyon." Sabi ng dalaga.
Gustong pumalahaw nang iyak si Alelie, dahil sa paghihirap ng kanyang kalooban. Kalakip ang mga hinanakit niya sa buhay, mga sinisi niya kung bakit ganoon ang klase ng kanilang pamumuhay. Subalit kaya niya bang maging ibang Alelie para sa kanyang pamilya?