Malalakas ang kabog ng dibdib ni Alelie habang nakaupo sa loob ng magarang silid. Yes, pumayag na siyang gamitin ng isang bilyonaryo at bago iyon ay ang kanilang pag-uusap. Nasabi na kasi ng manager niyang si Devie ang kanyang problema sa nasabing bilyonaryo. Tanggal ang tapang niya, ang kanyang mga pangako sa sarili na magkakaroon siya ng masayang pamilya balang araw. Na malinis siyang haharap sa altar kasama ang lalaking magiging asawa niya.
Napaigtad si Alelie nang bumukas ang pinto, iniluwa doon ang isang mahigpit anim na talampakang lalaki na parang boksingero ang lapad ng katawan nito. Nakasuot si Alelie nang mask para naman suspense ang reveal ng kanyang identity. Tumikhim ang lalaki at lumapit ito sa dalaga, nahigit ni Alelie ang kanyang hininga dahil tunay ngang Adonis ang nasa kanyang harapan. Madalang siyang humahanga sa isang lalaki but this time gusto niyang magbunyi dahil hindi patapon ang kanyang iaalay na katawan dahil kaakit-akit ang bilyonaryo.
"Have you decided about this? Any regrets?" tanong ng lalaki.
Napapikit si Alelie, ang boses ng lalaki parang may mahikang napapatayo nito ang kanyang mga balahibo at kay sarap sa taingang pakinggan.
"Miss Alelie?" ulit ng lalaki.
Napatikhim din si Alelie upang mawala ang nagbara sa lalamunan nito.
"Y- Yes! At wala akong pagsisihan," nautal pang sagot ng dalaga.
"Ano nga ulit ang mga kondisyones mo? Alam mo bang hindi basta-bastang babae ang ikinakama ko? She must be very pure clean," saad ng lalaki.
Buonh tapang na nagtaas ng noo si Alelie.
"Gusto kong makalaya ang kapatid ko sa kulungan kapalit ang katawan ko." Aniya.
Bahagyang tumawa ang lalaki.
"Desperada ka kung ganoon, are you belong to the group of never been kiss and never been touched?" Wika nito.
"Yes, I am Mr. Billionaire! Huwag kang mag-alala kahit nagkaroon ako ng nobyo hanggang halik lang kami 'yong mababaw na halik." Matapat na sagot ni Alelie.
Which is true naman, kaya nga nagtampo sa kanya ang boyfriend niya. Nag-abroad ito para mawala ang hinanakit nito kay Alelie at upang hindi ito matuksong muli na angkinin ang dalaga.
"Oh... how long?" Taas ang kilay ng lalaki.
"Matagal na at malayo siya sa akin," malungkot na wika ni Alelie.
Nagkibit-balikat ang lalaki.
"Medyo mabigat ang kaso ng kapatid mo, at hindi sapat ang virginity mo bilang kabayaran." Tahasang wika ng lalaki.
Napakurap-kurap si Alelie pero hindi ito nakasagot.
"But...dahil napatunayan kong you're pure may offer ako sa'yo to make it close this deal." sabi ulit ng lalaki.
"A- Ano 'yon? Sabihin mo, I'm willing!" matapang na tugon ng dalaga, desperada na nga talaga siya.
Nakapag-desisyon na siya, ilang ulit din niyang pinag-isipan ang kanyang gagawin. For her family's sake, she's willing to do everything.
"You're virginity is the downpayment, to be my slave is the full p*****t. Agree or not? Plus, may benefits ka pang makukuha if ever." Pahayag ng lalaki.
Alelie was shocked, makakaya niya bang maging isang slave ng bilyonaryo?
"Your benefits are, the wealthy of your family secured. I will marry you, be my fake wife and obey whatever I want you to do. That's simple, and the choices is yours. If ayaw mo naman just let me know quick, I will send you home right away!" saad ng lalaki.
Tumulo ang mga luha ni Alelie nakailang hugot ito ng kanyang hininga. Ang mga kondisyones ng lalaki, nakakalula nat nakakatukso. Alam nitong sakto sa kanyang mga pangangailangan, what would be her choice?
"I'm a-agree!" nanginig ang boses ni Alelie.
Maluwang na napangiti ang lalaki.
"Take of your mask now," utos nito.
Dahan-dahan namang inalis iyon ni Alelie, her hands are shaking including her whole body. Palunok- lunok din ito saka napasinghot.
"Don't cry, ayoko ng babaeng iyakin. Walang namatay kaya huwag kang iiyak, Alelie. Hindi ako nagkamali, you're the girl that my brother always gossip to me. Call me, Monroe!" turan ng binata.
"Brother?" ulit ni Alelie.
"You will know soon, this time sign this document!" sagot ni Monroe.
Noon lang napansin ni Alelie na nakalapag sa lamesitang maliit malapit sa kanila.
"You can read if you want," muling sabi ni Monroe.
"No need," mabilis na sagot ng dalaga at walang pag-aalinlangang pinirmahan nito ang nasabing dokumento.
Tumayo naman si Monroe at kinuha iyon lumapit sa may pintuan at kumatok. Agad bumukas ang pinto kasabay ang pag-abot ni Monroe sa document. Dalawang lalaki ang nakita ni Alelie na nasa labas ng pinto, pagkatapos ay muling humarap si Monroe sa kanya nang maisara ang pinto.
"Stand up," utos ng binata.
Tumayo naman si Alelie.
"Turn around, three times!" muling utos ni Monroe.
Sumunod lang si Alelie.
"Perfect body, I like it! Nakakapagod maghanap ng perfect fake Wife." Bulalas ni Monroe.
"Ha?!" naguguluhang nasabi ni Alelie.
"You will know soon, baby!" nakangising sagot ni Monroe.
Hindi sumagot si Alelie, napagmasdan na lamang nito ang kaakit-akit na bilyonaryo. Iyon na lang ang nakapagpapagaan sa loob ni Alelie, atleast guwapo ang kukuha ng kanyang virginity.
"Rest yourself, babalikan kita this midnight. At bukas, mag-uusap tayo ulit I have an urgent meeting ngayon." Saad ni Monroe .
Tumango lamang si Alelie, past seven pa lang. Ibig sabihin may five hours pa siyang virgin, pagkatapos no'n alipin na siya ni Monroe.
"I gotta go!" narinig ni Alelie na sabi ni Monroe.
Muling tumango si Alelie, naumid na yata ang kanyang dila. Pagkasarado ng pinto ay saka lang nakahinga si Alelie. Subalit agad ding naluha nang maalala niya si Aries at ang kanyang Nanay.
"Patawarin niyo ako sa gagawin ko!" bulong ni Alelie sa kanyang sarili habang lumuluha.
Saka na lang ang kanyang pagsisisi, ang mahalaga sa kanya ngayon ay mailigtas ang kanyang Kuya sa tiyak na kapahamakan kasama na ang kanyang pamilya. Alam niyang anumang oras ay malalaman ng kanilang Ina ang buong katotohanan sa kanyang Kuya. At alam din niyang anumang oras ay manganganib ang kanilang mga buhay mula sa grupong napasukan ng kanyang kapatid.
Isang mahinang katok ang siyang nagpalingon kay Alelie sa may pinto. Mabilis niyang sinulyapan ang malaking orasan sa may wall, alas nuebe y media pa lamang. Akala niya ay midnight na, kumabog pa naman nang malakas ang kanyang dibdib. Tumayo si Alelie upang buksan sana iyon subalit kusa namang bumukas ang pinto kasunod ang dalawang babaeng naka-uniporme ng pang-katulong. Alanganing ngumiti si Alelie, yumukod naman sa kanya ang dalawa.
"Ahm...ano 'yan?" tanong ni Alelie sa mga natakpang pagkain na tulak-tulak ng dalawa.
"Dinner po ninyo bilin ni Senyorito!" sagot ng isa.
"Ah... salamat," kiming tugon ni Alelie.
"Sige po!" sabi naman ng isa at iniwan na sa harapan niya ang mesang may trolls.
Mapait na napangiti si Alelie, natatawa siya sa kanyang kalagayan. Para siyang mabibitay na kailangang pakainin muna ng masasarap. At dahil gutom na rin ang dalaga ay nilantakan na niya ang mga pagkain.
"Infairness, masasarap!" bulong niya sa sarili sabay dighay nang matapos itong kumain.
Muling may kumatok kasabay ng pagbukas ng pinto, ang dalawang katulong kanina ulit ang siyang pumasok.
"Tapos na po kayo?' tanong ng isa.
Tango lang ang isinagot ni Alelie.
"Kukunin na po namin ito," sabi naman ng isa sabay tulak sa mesang may trolls.
Hindi pa nakakalabas ang dalawa ay siya namang pagpasok ng dalawa pang babae na may hawak ng damit na naka- hanger. Pansin ni Alelie, kulay pink ang uniporme ng mga katulong ni Monroe.
"Ano 'yan?" tanong naman ni Alelie sa dalawang pumasok.
"Damit daw po ninyo, bilin ni Senyorito. Isuot na po ninyo pagkatapos niyong mag- shower. Papasok po dito 'yong mag- aayos sa inyo." Sagot ng babaeng maikli ang buhok.
"Ha?! Naku, hindi na huwag niyo na akong ayusin ako na ang bahala sa sarili ko." Tanggi ni Alelie.
"Bilin po kasi ni Senyorito!" katwiran naman ng isa pa.
"No need, bigyan niyo na lang ako ng make up kit okay?" pagpupumilit ni Alelie.
"Sige po!" sang-ayon din ng dalawa at nagpaalam na ang mga ito kay Alelie.
Napabuga naman nang hangin si Alelie ng mag-isa na lamang siya sa loob ng kwarto. Sobra namang arte ng Monroe para sa mga babae nitong ikakama. Hindi niya inaasahang ganoon kagalante ang isang bilyonaryong kagaya ni Monroe. Walang nagawa si Alelie kung hindi magtungo sa bathroom upang mag- shower. Pagkatapos noon ay isinuot nito ang isang black sexy dress lingerie at strapless iyon. Kita ang kahubdan ng katawan ni Alelie, at kahit sino ay maaakit sa napakaganda niyang katawan.