C- 1: The problem
Natigilan ang isang babae sa pagpasok nito sa loob ng kanilang payak na bahay. Dinig niya sa pinto pa lang ang panaghoy ng kanyang butihing Ina. Galing ang babae sa pinapasukan nitong resto bar at tapos na ito sa kanyang trabaho. Full time ito sa nasabing resto bar at konti lang ang pahinga nito sa hapon bago bumalik ng gabi sa naturang lugar. Na kalimitan ay mga naglalandian ang laman ng resto bar na iyon lalo sa gabi, kaya mababa ang tingin ng mga tao sa kanila na nagtatrabaho doon. Akala kasi ng ibang tao, lahat ng mga nandoon sa resto bar na iyon ay maruming babae na. Hindi nila alam ay isa ang babae sa malinis pa rin kahit na nagtatrabaho ito sa naturang resto bar na pinasimple lang ng may- ari para hindi ma- raid pero sa kailaliman ng gabi ay may milagrong nangyayari sa loob niyon.
"Inay?" wika ng babae habang nakatayo sa likod ng Inang umiiyak.
Hindi lumingon ang matanda, pinilit nitong hindi kumawala ang kanyang hikbi.
"Hindi niyo na po kailangan na magkunwari, dinig ko po kayo kanina pa. Kanina pa ako sa labas ng pinto," muling wika ng babae.
Sukat- doon ay biglang yumugyog ulit ang balikat ng Ginang pero nanatiling nakatalikod ito sa anak.
"Ano po bang problema?" tanong ng dalaga.
"S- Si Aries anak!" nautal pang sagot ng Ginang.
"Napaano po si Kuya?"
"Hinuli ng pulis kanina, akala ko kung ano nang ginagawa niya dahil humahangos itong dumating." Saad ng Ginang.
Napapikit ang dalaga, hindi lang iyon ang unang beses na nahuli ang kanyang kapatid. Hindi alam ng dalaga kung hanggang kailan magtitino ang kapatid niya. Nagagalit siya subalit kinalaunan ay tinutulungan naman niya ito alang- ala sa sakitin nilang Ina.
"Ano raw ba ang kaso niya?" may inis sa boses ng dalaga.
Humarap ang Ginang sa anak nito.
"Alelie anak," ani nito.
Hindi sumagot si Alelie, padabog nitong inilapag ang kanyang shoulder bag at sapatos. Saka pabagsak na naupo sa kanilang upuan na gawa sa kawayan. Napabuga nang hangin si Alelie, pagod siya at problema na naman ang bumungad sa kanya. Tumabi naman ang Inay nito saka hinawakan ang kamay ng dalaga.
"Anak, nakikiusap ako sa huling pagkakataon baka naman matulungan mo ang iyong Kuya." Pakiusap ng Ginang.
"Inay, hanggang kailan ba magtatanda si Kuya? Palagi na lang ako ang tagasalo ng problema niya! Paano naman po ako, ni hindi ko nva naasikaso ang sarili kong buhay dahil sa pamilyang ito!" marahas na sagot ng dalaga.
Napahikbi ang Ginang.
"Pasensiya ka na anak, kung hindi lang ako naging sakitin hindi ko iaatas ang lahat sa'yong balikat. Hayaan mo, ako na lang ang gagawa." Malungkot na tugon nito.
Lumambot naman ang mukha ni Alelie, biggest weakness niya talaga ang kanyang Ina. Kahit nahihirapan ito o sinasabi niyang susuko na siya, ayaw na niya ay sige pa rin basta't para sa kanilang Ina. Maagang namatay ang kanilang Ama, kung kaya't mag- isang silang itinaguyod ng kanilang Ina. Maaga rin silang natutong magtrabaho upang matulungan ang kanilang Ina kahit papaano kaya lang ibang landas yata ang natahak ng kanilang Kuya na lagi namang nahuhuli ng mga pulis.
"Pasensiya na po, pero lubog na lubog na po ako sa resto bar alam niyo po 'yan. Kung makakaya ko ang bail niya ngayon tutulungan ko po siya. Pero kung hindi ko kaya, pasensiya na po kayo kailangan niyang pagbayaran sa loob ng bilangguan ang kanyang nagawa." Paliwanag ng dalaga.
Mas lalong naiyak si Aling Laura dahil nag- iisang anak niyang lalaki si Aries. Subalit kilala niya ang kanyang mga anak, alam niya kung nagsasabi ang mga ito ng katotohanan o nagsisinungaling sila. At naniniwala ang Ginang na inosente ang kanyang anak na binata sa pagkakataong iyon.
"Dadalawin ko po siya bukas at itatanong kung puwede siyang mag- piyansa kahit saglit. Uutang na naman ako sa manager namin paglabas niya, magtatrabaho na siya doon para makabayad." Wika ni Alelie upang kahit papano ay gumaan ang loob ng kanilang Ina.
"Salamat anak! Ikaw na lang ang aking maasahan," sagot ni Aling Laura at niyakap ang kanyang pangalawang anak.
Totoo ang sinabi ng Ina ni Alelie, siya lang talaga ang maaasahan nito. Dahil siya ang may matinong trabaho kahit na kinukutya ito ng ibang tao. Ang kasunod niyang si Aira ay nag- asawa na rin dahil nahihirapan na ito sa kanilang sitwasyon. Good thing dahil mabait ang napangasawa nito kahit na mahirap lang din atleast, construction worker ang hubby niya. Habang ang kanilang bunso na si Aileen ay nasa senior high pa lamang, at siya ang nagpapaaral dito. Kung kaya't ganoon na lamang ang paghihigpit nito sa kapatid at araw-araw niyang pinapaalalahanan ito sa hirap ng kanilang buhay. Para nang sa ganoon, hindi liliko ang landas ni Aileen at makatapos ito ng kanyang pag-aaral. Kahit tatanda na siyang dalaga basta makatapos lang ng pag-aaral ang kanilang bunso para naman matitikman din ng kanilang Ina ang salitang kaginhawaan kapag nangyari ang lahat ng iyon.
Hindi naramdaman ni Alelie ang salitang pahinga dahil mas lalo itong napagod sa nalamang problema nila na hatid ng kanilang Kuya. Kung puwede lang sanang magtakwil ng kapatid ay noon pa niya sana ginawa.
"Parang hindi bongga ang beauty mo today, Als?" tanong ng kanilang manager na beki at siyempre kaibigan na rin nila.
Napabuga nang hangin si Alelie.
"May problema na naman kasi sa bahay," matamlay na sagot nito.
Tumaas ang kilay ng beki.
"Let me guess, ang Kuya mo na naman ano?"
"Paano mo nalaman?" gulat na tanong ng dalaga.
Napaismid naman si Devie, ang dakilang beki na may- ari ng resto bar.
"Kalat na ang balita day! Akala ko alam mo na,"
"Na ano?"
"Sure ka hindi mo pa alam?" nakadilat pa ang mata ni Devie nang lingunin niya si Alelie.
"Magtatanong pa ba ako kung alam ko na? Tinanong ko si Inay kanina iba naman ang isinagot niya sa akin." Medyo inis na wika ng dalaga.
"Als, 'yang kapatid mo pinagbintangan ng isang grupo na nag- double cross at tinangay ang blue diamond!"
Napaawang ang labi ni Alelie, hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. At hindi rin nito sukat-akalaing napakalaking problema pala ang kinasangkutan ng kanyang kapatid. Ang buong akala niya ay kagaya lamang nang mga nauna na puwede na itong lumabas kapag naka- piyansa.
"Hindi magagawa ng kapatid ko ang mga sinasabi mo!" umiiling-iling na sagot ni Alelie sa sinabi ni Devie.
"Bruha kahit inosente pa ang Kuya mo, ang problema rito malaking tao ang nakabangga niya. Paano kung maraming koneksyon sa loob ng kulungan at ipapatay si Aries?" turan naman ng beki.
Nahilo at nawindang si Alelie sa kanyang mga nalaman.
"Sindikato ba? Paano mo nalaman?"
"Iyong kalaban kasing grupo ng kinasangkutan ng Kuya mo, regular costumer natin dito. Kung matapang ang apog mo, bakit hindi mo siya lapitan tutal magkalaban sila ng amo ni Aries?" Saad ni Devie.
Alelie was stunned. Hindi nito alam ang kanyang gagawin at iisipin sa mga sandaling iyon.
"Kaya lang baka hindi mo pa nakita ang taong tinutukoy ko kasi tumatawag lang siya rito if may kailangan. Kapag kailangan niya nang kalaro at virgin ang gusto nito, alam mo na!" Muling sabi ni Devie.
Napalunok si Alelie, kapag nalaman ng kanilang Ina na ganoon ka-grabe ang sitwasyon at kinasasangkutan ng kanilang kapatid baka himatayin pa ito. Maaari ring mapadali ang buhay ng kanilang Ina dahil sa paghihinagpis at sobrang kalungkutan kapag nagkataon. Ano ang gagawin ni Alelie upang masolusyonan ang kanilang problema sa pagkakataong iyon?