Tabitha's POV
Tumawag ako ng barangay na agad namang sumaklolo sa akin. Dinala sa presinto ang baliw na nakapasok sa loob ng apartment ko. Binihisan muna ito ng mga barangay staff bago inilabas ng bahay dahil burles na burles ang tinamaan ng lintik.
"She's my girl!" nagpupumilit na sigaw ng lalaki sa mga police officer na humahawak ng kaso namin habang ginagamot ang duguang ulo nito.
"I am not!" malakas na tutol ko. Ang siraulong 'to mapaggawa ng kuwento!
"Baby, what's this? If you're mad at me you don't have to this, we can talk about it, babe..." baling nito sa akin na kinalaki ng mga mata ko. Malungkot ang tinig nito na tila nakikiusap sa nobyang nagmamarakulyo. How dare him!
Napapailing naman ang mga police officer pati na ang woman's desk officer na nakaalalay sa akin. Tila naniniwala sila sa lahat ng sinasabi ng lalaking 'to. Sino nga ba namang hindi? Eh, hindi naman talaga siya mukhang may sapi. Sa totoo nga niyan parang pamilyar siya sa akin. Para bang nakita ko na siya sa kung saan. Oh, well lahat naman ng guwapo feeling ko nakita ko na sa past life ko.
Mestiso ang lalaki, makinis ang balat na parang laging nakalubog sa gatas. Mukha ring ang lambot ng buhok nito, matangos ang pinong ilong, kulay green ang mga mata, mapupulang labi, at may dimple pa kapag napapangiwi dahil sa kirot ay lumalabas ang biloy.
May isang imaheng nabubuo sa aking isipan. Imaheng bumabalik dalawang gabi na ang nakakaraan. Sa lob ng bar, sa labas ng ladies room, sa jaguar, kuwartong madilim--- s**t!
Muli akong napatingin sa lalaki. Nakatingin din ito sa akin. Kitang-kita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya. Halos hindi iyon umangat pero alam na alam kong isang ngisi ang ibinigay niya sa akin. Alam na kaya niyang natatandaan ko na kung sino siya? s**t talaga!
Bigla-bigla pinagpawisan ako ng butil-butil nang ma-realize ko kung bakit parang pamilyar siya sa akin.
Hindi ko siya nakilala kanina dahil iba ang ayos niya ngayon. Nang makita ko siya sa club naka-gel ang buhok niya samantalang ngayon ay nakasabog ang bangs nito sa noo. Wala rin ang hikaw nito sa kanang tainga. At imbis na corporate suit ay sweatshirt shirt at maong na pantalon ang suot niya. Hindi rin loafers ang sapin niya sa paa kundi kulay puting snickers.
Napalunok ako nang sunod-sunod.
"Are you okay now, baby? Nahimasmasan ka na ba?" tanong niya sa akin na may kakaibang tono. Nakakapangilabot at hindi ko maintindihan kung bakit may kakaibang epekto iyon sa sistema ko.
"Neng, ba't di na lang kayo mag-usap ng boyfriend mo? Inaabala niyo pa kami," baling sa akin ng police officer. Clearly, mas naniniwala sila sa baliw na ito.
"Hindi ko ho siya boyfriend!" Di ko napigilang di singhalan ang police officer na mukhang na-offend sa pagsigaw ko. "H-hindi ko po talaga siya boyfriend..." mahinang bawi ko.
Napabuntong-hininga naman ito saka binalingan ang lalaking tapos ng gamutin ng isa pang police.
"Hijo, nagsasabi ka ba talaga ng totoo? Paano mo naman mapapatunayan na nobya mo nga 'tong si Ineng?"
"You can check my phone." Bahagya pa nitong itinagilid ang sarili para ituro ang likurang bulsa ng suot nitong sweatpants.
Napakunot naman ang noo ko at nakasunod ang mga mata sa bawat kilos ng police officer na kumuha sa cellphone nito. Medyo lumapit pa ako ng kaunti para makiusyoso sa cellphone. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko ang lock screen ng cellphone ng binata.
Ako yon, at siya. Nakaakbay siya sa akin habang nakaupo sa driver seat at ako naman ay sa shotgun seat. Medyo mapungay na ang mga mata ko roon. Nakadikit ang pisngi niya sa pisngi ko-- teka, bakit di ko maalalang nag-picture kaming dalawa? Kailan nangyari 'yon? Ba't di ko maalala? Di kaya photoshop yon? Sinilip ko uli. Hindi e, ako talaga 'yon--
"Mukhang nagsasabi naman ng totoo itong si totoy, neng," masama ang tingin na sabi sa akin ng police officer na may hawak ng cp. Nanlaki ang mga mata ko sa pictures na ngayon ay tinitignan niya. Ako uli, at ang baliw na lalaki. Sa ibabaw ng kama. Nakadantay ako sa braso niya habang natutulog. Hanggang balikat lang ang picture pero kahit sinong makakakita n'on ay iisa lang ang iisipin, nakahubad kami!
"E, k-kasi..." kusa na akong tumigil sa pagsasalita. Paano ko ba ipapaliwanag na wala kaming relasyon ng lalaking ito pero may nangyari sa amin, sa paraang hindi ko made-descriminate ang sarili ko? Nakagat ko na lang ang pang ibabang labi ko at muling tinitigan nang masama ang lalaking naglagay sa akin sa ganitong sitwasyon.
Nagkagulo sa bukana ng prisinto. Sabay-sabay kaming napalingon, at napasinghap.
Doon naman dumating ang isang lalaking mukhang nasa early 30's na mukhang modelo imbes na lawyer gaya ng pakilala nito.
Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Hiniling kong sana'y bumuka na ang lupa at lamunin ako ng buhay. Pero hindi mangyayari 'yon kaya mas malakas ang urge sa akin natumakbo na lang palabas ng presinto, na hindi ko magawa dahil nakaharang sa daraanan ko ang mga police.
Kinausap ng lawyer na nagpakilalang Xerxes Moretti ang mga police officer.
Nanlalamig ako. Nagpapawis ng malala samantalang nakatutok naman sa amin ang wall fan. Pakiramdam ko anumang oras mabubuwal na ako sa pagkakatayo sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko tuloy malaman kung natatae ba ako o naiihi. Minabuti ko na lang na magpaalam sa isang officer na magbabanyo.
Sa gilid ng mga mata ko nakita kong napalingon sa gawi ko ang baliw na lalaki. Nakasunod ang mga mata nito sa bawat galaw ko. Mas lalo ko tuloy binilisan ang paglalakad ko dahil parang puputukan na ako ng pantog. Nakakakaba naman kasi ang mga titig niya.
Nang marating ang banyo sa tabi ng opisina ng hepe ay agad akong pumasok at nagbawas. Daig ko pa ang nabunutan ng tinik. Kahit papaano ay tila gumaan ang pakiramdam ko. Pero muli lang akong pinanginigan ng kalamnan nang malala kung sino ang lalaking iyon.
Ang daming tanong ang naiisip ko. Paano niya nalaman ang bahay ko? Paano siya nakapasok sa kuwarto ko? Saka bakit siya umaakto na parang may relasyon kami? Ginagantihan niya ba ako? Pero wala naman akong ninakaw sa kanya. Hindi ko rin naman siya pinilit.
Napapitlag ako nang may kumatok sa pinto.
"May tao!" sigaw ko. Tinapos ko na ang ginagawa ko saka lumabas.
Laking gulat ko na sa paglabas ko ng pintuan ay nakatayo na roon ang lalaki at nakangiti sa akin.
"What took you so long, babe?" tila ulirang boyfriend na tanong niya sa akin.
Teka ano nga ba uli ang pangalan niya? Wala akong maalala.
"Puwede na tayong umuwi, babe. Naipaliwanag ko na sa kanila na nagkaroon lang tayo ng misunderstanding. Naunawaan naman nila na minsan kayo talagang mga babae kapag tinotoyo--"
"Hep!" awat ko sa kung ano pa mang sasabihin niya. Parang biglang nawala ang lahat ng kaba ko at napalitan ng inis sa mga lumalabas sa bibig niya. Nakakapikon kasi ang trip ng lalaking to. Ano ba talagang problema niya.
"Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na wala tayong relasyon--" kusang tumigil ang bibig ko sa pagsasalita at bahagya pang napaatras ang ulo ko ng bigla na lang siyang dumukwang sa mukha ko. Halos wala ng isang dangkal ng baby ang layo ng mukha naming dalawa.
Tumatama na sa mukha ko ang mainit at mabango niyang hininga.
"Gusto mo bang ipakita ko pa ang video nating dalawa?" mahinang sabi niya na halos kami lang dalawa ang nakaririnig.
Malakas akong napasinghap at mabilis na nanlaki ang mga mata ko sa pinaghalot gulat at takot. "A-anong v-video...?" kinakapos ng hininga na anas ko.
Kinalkal ko sa isip ko kung gumawa ba kami ng s*x video? s**t, wala akong maalala na may hawak siyang cellphone habang nag-aanuhan kami sa kama... pero paano ba ako makakasigurado? Paano pala kung may mga hidden camera doon? Ganoon ang mga napapanood ko sa TV. May mga camera sa ilaw na nasa kisama, sa likod ng salamin, sa lampshade. Paano kung mayroong ganoon sa silid at...
Hindi ko napigilan ang mapaautangal ng iyak na mukhang ikinabigla nito. Mabilis kasi itong napatuwid ng tayo at nanlaki ang mga mata. Napalingon pa ito sa mga tanong napalingon sa gawi namin nang malakas akong napaiyak.
"Hayup ka!" iyak ko. "Isusumbong kita sa inay ko, hayup ka!"
Anong mukhang ihaharap ko sa inay kung sakaling ikalat ng lalaking ito ang scandal naming dalawa? Wala man akong masyadong natatandaan pero ang detalye ng mga pinaggagawa namin sa kama alam na alam ko. Mahihiya si Lexi Lore!
"Hey..." anito. Hindi malaman kung paano ako patatahanin.
"Hushh, baby... it's okay." Hinapit niya ako papalapit sa kanya at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Hindi lang basta subsob ang ginawa ng walanghiya nang mapansin nitong balak kong kausapin ang women's desk officer na papasok rin ng banyo, nginudngod ako ng impakto! Hawak nito ang likod ng ulo ko habang ang isang kamay naman nito ay nasa likuran ko.
"Mmmmm!" muffled na tili ko sa dibdib niya pero hindi niya ako pinansin. Sa inis ay kinagat ko siya.
"Aw, s**t! Mother... sucker!" gigil na mura nito na hindi malaman kung ngingiti o ngingiwi dahil may dumaan na naman sa gilid namin. Naramdaman ko ang pasimpleng pagsabunot nito sa buhok para ilayo ako sa dibdib niya. Mas lalo naman akong nanggigil at kakagat pa sana ng mas mariin nang bigla ako nitong kilitiin sa tagiliran dahilan para hindi ko nagawa ang maitim kong balak.
"You little wildcat..." paos na anito habang nakakunot ang noo at amused na nakatingin sa akin.
Sisinghot-singhot na tiningnan ko siya nang masama. Iniangat ko ang dalawang palad ko sa dibdib niya para sana itulak siya pero gawa ata sa asero ang dibdib nito kaya ni hindi man lang ininda.
Yumuko ang magagandang pares ng kanyang mga mata sa mukha ko. Agad na lumambot ang ekspresyon niya nang makitang basa ng luha ang mga mata ko.
"Chiquita, I don't want to hurt you or intend to hurt you; could you please come to your senses and talk to me about our problem right now?" anito na walang kasing lambing na boses na naghahatid sa kanya ng kakaibang kilabot. Kilabot na gumagapang sa king katawan na may hatid na kakaibang kuryente.
"I... I..." hindi ko magawang buuin ang sasabihin ko dahil sa nerbiyos, takot, galit, kakaibang hatid ng mga tingin niya sa akin. Ni hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya nang matagal.
"You what, chiquita? Tell me..." malambing na pang-e-engganyo nito sa akin.
"I..."
"Mhm?"
"I..."
"Go on..."
"I don't even f*****g know you!" I screamed at him.
Napangiwi naman ang mapulang mga labi nito pero pagkuwan ay ngumiti na naman ng pagkatamis-tamis.
"You have a lifetime to know me, chiquita..."
Lord, tabang, lakas po ng sapak niya!