SAN NIYA KO BALAK DALHIN?
At paano ko kaya makukuha ang cellphone niya nang hindi niya namamalayan? Kailangan ko 'yon para mabura ang kung ano mang video na sinasabi niya.
Pero pa'no ko naman kaya magagawa 'yon? Daig pa niya ang isang five years old na spoiled brat, napakaligalig.
Ilang beses ko nang sinasabi at paulit-ulit na pinaliliwanag na wala kaming relasyon. Na ang nangyari sa amin ay walang kahulugan.
Di-ni-dismiss niya lang lahat ng sinasabi ko mula pa kanina. Kung ano-ano ang tinatanong na wala namang kabuluhan, nandiyang itanong kung nagugutom daw ba ko, kung nauuhaw, naiihi, kulang na lang itanong niya kung kamusta na ba paghinga ko. Nakakainis pa dahil talagang feeling niya boyfriend ko siya.
Kung sa ibang sitwasyon siguro kikiligin at mapa-flatter ako, pero hindi ko magawa. Naki-creepy-han ako sa kanya kahit pa napaka-cute niya. Kahit pa ang bango-bango niya. Kahit pa ang guwapo rin ng lawyer niya na ngayon ay driver namin.
Wala akong nagawa nang igiya niya ako palabas ng presinto. Wala rin namang saysay kung makikipag-argumento ako. Di naman naniniwala ang mga pulis. Paniwalang-paniwala sila na may relasyon nga kami ng lalaking katabi ko ngayon sa backseat dahil sa mga picture na ipinakita nito sa presinto kanina.
Naisip ko rin na kailangan kong makipaglaro sa trip ng buang na 'to hangga't hindi ko pa nabubura ang kung ano mang video namin na meron ito. Napasulyap ako sa kanya na prenteng nakaupo habang may kinakalikot sa cellphone nito.
Ang tagal kong pinag-iisipan ang susunod kong gagawin para makuha ang cellphone niya kaya hindi ko na napansin na nakatingin na rin siya sa akin. Ngpaplipat-lipt ang tingin niya sa akin at sa hawak niyang cellphone na pinagnanasahan kong hablutin.
"Gusto mo?" alok niya sa akin na ikinagulat ko.
Nagningning ang mga mta ko't sunod-sunod na tumango. Akma kong kukunin ang cellphone niyang nakaumang sa akin nang bigla niya iyong ilayo.
"Luh, asa ka," nakakalokong anito sabay ngisi.
Napanganga ako sa inasal niya. Aning-aning talaga! Sarap niyang dibdiban sa likod. Anong klaseng tao ba 'tong kinasabitan ko. Umakma ako ng sapak sa kanya ngunit hindi ko rin iyon natuloy dahil may bumngga sa tagiliran ng sinasakyan namin. Malakas akong napasigaw. Mahigpit naman akong niyakap ng katabi ko kasabay ng hindi mabilang na pagmumura nito.
Mariin akong napapikit at napakapit na lang din nang mahigpit sa damit ng nakayakap sa akin. Parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko sa lakas ng kabog niyon habang umuugong sa aking tainga ang ingay ng mga nag-uumpugang bakal at mga nagngangalit na gulong sa kalsada.
Mariin ko lang ipinikit ang aking mga mata at hindi nagtangkang dumilat kahit na anong mangyari.
Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari. Nagising na lang ako sa isang magaang na haplos sa aking pisngi. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Bahagya pa akong nasilaw sa liwanag ngunit agad iyong naharangan ng isang anghel. Nag-aalala ang guwapong mukha ng anghel habang nakatingin sa akin. Isang ngiti ang kumawala sa aking mga labi. Bahagyang kinilig sa guwapong nasa harapan ko.
"Oh, thank God, you're still alive, Chiquita." Mariing pinikit nito ang mga mata at tumingala sa taas. Bumadha ang relief sa kanyang mukha.
Bangag pa ako sa hindi ko malamang dahilan kaya naman nang hawakan niya ang magkabila kong pisngi at lusubin ng halik ay nagpaubaya ako. Ninamnam ko ang malambot na labi ng anghel na humahalik sa akin.
Ang init ng halik na pinagsasaluhan namin dahilan para kumawala ang isang impit na ungol mula sa akin. Mukhang nanggigil naman ang ang anghel na humahalik sa akin kaya marahan nitong kinagat ang pang ibabang labi ko.
"You scared me," anito na humihingal pa.
Ha? Sa'n ko naman siya natakot? Masyado ba kong naging agresibo? Dapat pala pabebe lang na kiss ang itinugon ko sa kanya kasi nga anghel siya baka pang-wholesome lang yung alam niya.
"I want to f**k you right now, right here, chiquita..." humihingal na bulong nito. Idinikit niya pa ang noo sa noo ko.
Luh, f**k daw? Ang wild naman ng anghel na 'to. Napahagikgik tuloy ako.
Umangat ang mukha ng anghel at may ngiti sa mga labing nakatunghay sa akin habang nakakunot ang noo.
"But we need to move. Baka maabutan nila tayo," dugtong nito na nasa mukha pa rin ang amusement habang pinanonood akong humagikgik. "Did you hit your head, chiquita? You look like-- oh f**k! s**t, they're here." Tinakpan ng malalaki nitong palad ang bibig ko para pahintuin ako sa paghagikgik.
Kinarga niya ko na para bang walang bigat ang katawan ko. Para akong sako ng bigas sa balikat niya. Dahil sa bilis nang pagkilos niya'y para na rin akong dinuduyan hanggang sa hilahin ako nang hindi mapigilang antok.
Nanaginip ako at ang panaginip ko ay parang nanonood ako ng pelikula hindi masyadong malinaw ang mga eksena. Siguro kakanood ko ng mga action movie kaya pati sa panaginip ko nakakakita ako ng mga nagbabarilan. Na as if on que may isang magarang kotse na huminto sa harapan namin at basta na lang akong ipinasok sa backseat ng walang pag-iingat. Pero parang totoong-totoo ang paniginip ko lalo na nung nalaglag ako sa kinahihigaan ko dahil bigla na lang nag-preno ang kinalululanan ko. Tumama ata ako sa kung saan dahil kadiliman na naman.
Sa muling pagdilat ko lumipat na naman ang lokasyon ng panaginip ko. Naka-pasan ako sa likod ng isang lalaki na maputi at mabango ang leeg habang tumatakbo sa kalagitnaan ng gubat.
Shit na panaginip to ang tagal namang matapos. Bakit ba hindi pa ko magising-- "Putanginaaaa!" malakas na mura ko kasabay ng panlalaki ng mga mata ko nang malaglag kami sa bangin. Damang-dama kong muntik ng humiwalay ang puso ko sa katawan ko nang magpagulong-gulong ako sa dalisdis hanggang sa tumama ako sa matigas na bagay.
NAGISING ako sa tunog ng alarm clock. Nakapikit na kinapa-kapa ko ang alarm na nasa bedside table sa tabi ng kama ko. Pero di ko makapa. Wala akong mahawakan. Minulat ko ang isa kong mata at bumungad sa akin ang karagatan. Ang klamanteng alon at malamig na simoy ng hangin. Ang maaliwalas na tinig pati na rin ang katamtamang sikat ng araw.
Napasinghap ako nang malakas. "Deads na ba ko?"
Namatay ba ko sa panaginip ko at ngayon nasa paraiso na ko? Kinuha na ko ni Lord? At teka... si Lord ba yung umaahon sa dagat? Naka half naked, may sibat na hawak sa kaliwang kamay at malaking isda sa kanan. Ang guwapo naman ni Lord...
"Oh, no..." ungol ko habang lumilinaw na ang bathalang umahon mula sa dagat. Nangingintab ang buong katawan dahil sa mala crystal na tubig alat na tinatamaan ng liwanag ng araw na tumutulo sa katawan nito.
Hindi pa ko patay. Pero mukhang makakapatay ako. Bumangon ako sa kinahihigaan ko at hindi ko na hinintay na makalapit nang tuluyan ang bathala-- este ang baliw na lalaking perwisyo sa buhay ko!
Yumuko ako para dumakot ng buhangin saka bumwelo at ubod lakas na ibinato iyon sa lalaki, pero kamalas malasan lang sumaboy sa mukha ko ang buhangin dahil ang hangin ay papunta sa gawi ko. Kandaubo ko. Lintik. Di ko malaman kung anong uunahin ko, kung uubo ba muna o aalisin ang mga buhagin sa mata ko.
"Mi amore!" sigasing nang lalaki tinakbo ang ilang dikpang layo namin saka ubod ng dramatikong inalalayan ako. "Ano bang ginagawa mo sa buhay mo? Dati ka bang tanag, mi amore?"
Kahit di ko siya nakikita alam kong natatawa ang hinayupak na to. Sarap yakapin sa leeg.
"Halika ka nga. Ikaw talaga kung ano-ano na lang naiisipan mong gawin." Hinila niya ko pabalik sa kama na parang isang bata. Di naman ako makatutol dahil feeling ko bulag na ata ako.
Pinagpagan nito ng malambot na tela ang mukha ko. Binuksan pa ng kaunti ang mga mata ko para ihipan. Tumama naman sa akin ang mabango at mainit niyang hininga. Bigla parang nakalimutan ko kung bakit ako napuwing, pati yung galit ko kanina parang di ko na maalala.
"Be careful not to rub your eyes too hard; you might scratch your cornea. What would I do if you couldn't see me anymore? How would you appreciate all this handsomeness? I'd be heartbroken," seryosong komento nito habang maingat na inaalis ang mga tirang buhangin sa mukha ko.
Mangiyak-ngiyak ako sa sakit ng mata ko pero parang naiibsan ng lambing sa boses niya. Nang kaya ko na marahan akong dumilat. At mukhang wala naman na ang mga buhangin sa mata ko kahit ramdam ko ang pamamasa ng mga mata ko.
Naduling ako sa sobrang lapit ng mga mukha namin. Ilang inch na lang magdidikit na yung dulo ng ilong ko at ilong niya. "U-umusog ka nga..." parang pusang angal ko. Tuluyan nang lumipad yung matinong ako, napalitan na ng malanding version.
"We're on an isolated island where it's just the two of us," sagot nito na ang mga mata ay hindi inaalis ang tingin sa mga labi ko. Kitang-kita ko rin ang pag taas baba ng adams apple niya. Ang kamay niyang kanina'y nasa mga pisngi ko ngayon ay bumaba na sa leeg ko, marahang humahaplos ang hinlalaki sa parte ng leeg ko kung saan nagbibigay ng kakaibang init. Init na kumakalat sa buong katawan ko na siyang nagpapahirap sakin para huminga nang maayos.
"Where we can do all the things we desire to do to each other..."
"T-things... to do? A-anong gagawin?" naguguluhang tangong ko. Nag rarambulan na ata ang mga intestine ko sa loob ng tiyan ko.
"Anything we want... like..." pambibitin nito.
"L-like?" Ang bilis-bilis na ng t***k ng puso niya. Parang kakawala na anumang oras. Kalat na kalat na kasi ang init sa buo kong katawan at parang gusto ko nang sunggaban ang mga labi niyang hindi ko malaman kung hahalikan ba ako o hindi.
"Mmm..." eratikong pag-hum nito habang may nakakaakit na ngit sa mga labi. Tila tinutudyo akong sabihin ang naiisip kong mga gagawin namin.
"Ano nga..." angal ko sa pambibitin niya at nakakahiya man, tunog pabebe ako!
Medyo lumayo siya sa akin at sinalpak sa mukha ko ang nahuli niyang isda kanina.
"Like cooking this fish together and savoring every bite just the two of us!"
Oh s**t, naalala ko na uli pala kung bakit ako galit kanina. Sinapak ko siya.
KAHIT may black eye sa mata nakangiti pa rin ang herodes. Parang di bumulagta kanina. Kumurot siya ng isda at iniumang sa 'kin. Inis na tinapik ko ang kamay niya. Nasa harap sila ng bonfire na ginawa nito. Gabi na kaya kalat na ang dilim sa palgid. Natatakam ako sa isda lalo at ang bango-bango niyon habang nakadarang sa apoy kanina. Hindi kasi ako kumain kaninang tanghalian dahil nilibot ko ang kaya kong libutin dito sa islang kinaroroonan namin pero napagod na ko't lahat ni wala kahit maliit na bangkang puwedeng gamitin para makaalis. At mukhang totoo nga ang sinasabi ng lintik, mukhang kami nga lang talagang dalawa ang naririto, kaya pano ako hihingi nang tulong?
Nagdesisyon na lang akong bumalik kanina bago pa dumilim dahil baka maligaw pa ko sa gitna ng gubat. Naupo na lang ako sa buhangin. Tumanaw sa dalampasigan at pinanood ang paglubog ng araw. Hanggang sa dumilim na at ayain niya ko sa bonfire para ihawin ang isdang nahuli niya noong pahapon na. Hindi na ko nag-inarte pa dahil nakakaramdam na ko ng gutom.
"Kailan mo 'ko balak iuwi, ha? Alam mo bang kidnapping 'to?" singhal ko sa kanya. Muli niyang iniumang ang isda kaya napilitan akong isubo yun muli.
"Chiquita, ayaw mo ba kong makasama?" tanong nito muling kumurot ng inihaw na isda at muling sinubo sa akin. Pero sa pagkakataong iyon tumigil ang hinlalaki nito sa labi ko at marahang dinama yon. May init sa mga mata nito na parang nagpipigil lang.
"Bakit ko naman gugustuhing makasama ka? Sino ka ba? Di nga kita kilala!"
"Kaya nga dito muna tayo para kilalanin mo ko ng husto," chill na sabi nito at kumindat pa.
"Ayokong kilalanin ka! Ayoko sa 'yo!"
"No, you're not. Of course you like me, you want me." Itinuro pa siya nito gamit ang hintuturo nito saka itinuro ang sarili para i-emphasize ang nais ipahiwatig.
Mabilis namang nag-init ang magkabilang pisngi ko sa pinahihiwatig nito. "No, I'm not!"
"Mi amore..." naiiling na natatawang anito habang hindi maalis ang ngiti sa mga labi, "you little hypocrite," anito na para ba akong batang nahuli niyang nagsisinungaling. "Tsk, tsk, tsk..."
Binitawan nito ang hawak. Hinila nito ang kamay ko at para akong batang kinandong. Mabilsi na ipinulupot nito ang braso sa baywang ko.
"A-ano b-ba..." angal ko pero nagsisimula na namang maging marupokpok. Bakit ba ang bilis matorete ng mga atom at molecules ko sa katawan? yung init ng katawan niya naghahatid ng init sa katawan ko. Parang laging may pinupukaw sa akin ang lalaking ito.
A desire... isang desire na parang addiction na mahirap iwasan.
"I know you want me, chiquita, I know you do, I feel it. Every fiber of your body says it. So let's put an end to this hypocrisy. Let's surrender to our desires and revel in each other's bodies."