Chapter 2

2538 Words
Tabitha's POV Masakit at parang binibiyak ang ulo ko nang magising ako sa sinag ng araw na sumisilaw sa mga mata kong tila may buhangin. I groaned nang maramdaman kong hindi lang ulo ko ang masakit. Masakit rin ang buo kong katawan lalo na ang nasa gitna ng mga hita ko. Para akong binugbog ni Pacman. Dama ko ang pamimintig ng bawat himaymay ng katawan ko. Then, naalala ko kung bakit masakit ang buo kong katawan. Nakipag-s*x nga pala ako kagabi, sa lalaking di ko naman kilala para lang gantihan ang taksil na ex-boyfriend ko. Kinapa ko ang sarili kong damdamin kung mayroon ba kong pagsisising nararadaman pero wala naman. My first experienced last night was amazing, yung tipong ikukuwento ko sa mga magiging apo ko, gano'n ang feels. Maingat akong bumangon at inalis ang brasong nakapulupot sa baywang ko. Mag-uumaga na nang tigilan naming dalawa ang isa't isa. Pareho kasi kaming hindi maawat tikman ang isa't isa. Sa parte ko, sinulit ko na ang lahat dahil alam kong baka iyon na ang huli, ah no, hindi baka, sure akong iyon na ang huli dahil hindi naman na ako babalik sa bar na iyon. Hindi na kami magkikita ng lalaking tila anghel na natutulog sa tabi ko. Bahagya pang nakabukas ang labi nito at mahinang naghihilik. Hinila ko ang kumot at dahan-dahang kinumutan ito. Kagabi ang unang beses na nakipag one night stand ako pero alam kong hindi kasama sa one-nigt-stand rule ang cuddling, lalo na ang pagkukumot sa naka one night stand mo. Hindi ko lang mapigilan dahil after all, this man sleeping, and the one popped my cherry did a very good job last night. Bumuntong-hininga ako at bumangon na. Hinanap ko ang mga hinubad ko. Napangiwi na lang ako nang makitang punit-punit ang blouse ko. Kaya pala parang magic kagabi na ang bilis niyang nahubad ang damit ko, winasak naman pala. Kinuha ko na lang ang white polo niya since siya naman ang nakasira ng damit ko, aarburin ko ang damit niya. Tahimik akong nagbihis at inayos ang sarili ko. Pagkatapos ay lumabas ako ng unit na kinaroronan ko. Nang nasa elevator na 'ko saka ko lang napagtanto na nasa isang mamahaling condotel pala ang unit ng lalaki, at hindi lang basta unit kundi pent house ang tinutuluyan nito. Naalala ko ang jaguar na sinakyan namin kagabi. Bigatin talaga siguro ang naka-pop ng cherry ko. Nag-abang ako ng taxi at nagpahatid sa apartment na tinutuluyan ko. Mag-isa lang ako sa apartment dahil nasa Batangas ang Inay ko. Dito kasi ako sa Manila nakakuha ng trabaho. Wala rin naman akong kamag-anak dito kaya minabuti ko na lang na umupa ng apartment. Na noong una ay tinutulan ng inay ko. Nag-iisa lang kasi akong anak at dalawa na lang kami ni inay na magkasama sa buhay. Bata pa ako nang mamatay ang tatay ko. Di rin naman kami tanggap ng pamilya ng tatay ko dahil ayaw nila sa inay. Pero pinaglaban ni tatay ang inay kaya nabuo ako. Tumunog ang telephone kaya nilapitan ko iyon habang hinuhubad ang strap ng heels ko. "Hello, ineng?" ang inay niya. "Ang aga niyo na man hong tumawag?" tanong ko sabay sulyap sa orasan. Napangiwi ako nang makitang alas dos na ng hapon. "Ano gang maaga ang sinasabi mo riyan? Hoy, Tabitha, saan ka ga nanggaling at tila ngayon ka laang nakauwi ng bahay mo? Aba'y kanina pa ako tawag nang tawag sa lintik na telepono mo dahil hindi kita makontak sa cellphone mo ah!" talak ng inay ko. Parang lalong sumakit ang ulo ko sa tinis ng boses ni inay. "Hello, inay? Inay? Choppy ho kayo--" "Cha-chap-chap-in ko ang leeg mong babae ka. Huwag mo akong daanin sa kalokohan mo!" sermon nito. "He-he kung lulusot laang ho," natatawang biro ko saka agad na naghagilap ng maidadahilan. "Ala'y kilala niyo ga si Darlen? Birthday ho no'n kahapon e, nagkasarapan sa pagbabarik doon na ako natulog sa kanila kaya ngay-on laang ho ako nakauwe." Sana lang kagatin ng inay ang dahilan ko. "Naku ka, Tabitha ka, umuwi ka na laang dine kung puro barkada ang inaatupag mo--" "Ala ang inay!" reklamo ko. Bugnot na napakamot na lang ako sa noo ko. "Para namang ang taas ng sahod riyan." "Aanhin mo pa ga ang malaking sahod wala ka namang binubuhay?" "Ay siya, inay, ako'y liligo na may duty pa ako sa pharmacy ngay-on," aniko na hindi na hinintay ang isasagot nito. Napasandal na lang ako sa sofa pero muli ring napabalikwas ng bangon. Naiwan ko ang cellphone ko! Napatapik na lang ako sa noo ko. Hindi naman mamahalin ang cellphone ko pero nandon kasi yung mga pictures namin ni Joel... napabuntong-hininga ako. Ngayong humupa na ang alak sa katawan ko naalala ko na naman si Joel. Kahit galit ako sa kanya hindi naman agad mabubura ang tukmol na 'yon sa puso ko dahil totoo ko naman talaga siyang minahal. Naiisip ko tuloy kung ibinigay ko kaya agad ang gusto niya, lolokohin niya pa rin kaya ako? Minabuti kong tumayo na lang at maligo para alisin ang mga agiw sa utak ko. Masakit pero sabi nga ng inay, lahat ng sugat ay naghihilom kahit gaano kalalim. Siguro, in time, makakalimutan ko rin si Joel. MAAGA AKONG pumasok ngayong araw para bawiin ang absent ko kahapon. Hindi na kasi ako pumasok dahil mas minabuti kong ipahinga ang katawan ko. Uminom rin ako ng pain reliever matapos kong mag-shower ng maligamgam na tubig. Kahit papaano ay nawala na ang discomfort na nararamdaman ko. Naabutan ko pa si Darleen, ang kahalili ko sa maliit na pharmacy na pinapasukan ko. "Hoy, loka, wala ka kahapon ah, extended ba ang pre-honeymoon niyo?" tukso nito sa akin. Alam ni Darleen ang tungkol sa anniversary 'gift' ko kay Joel. Kasama ko pa nga siyang namili ng lingerie. Nakasimangot na naupo ako at nilagay ang bag ko sa ilalim ng estante. "Break na kami," aniko. nanlaki naman ang mga mata ni Darleen dahil sa sinabi ko. "Why, oh why? Jutay ba? Di ka na satisfy?" natatawang sunod-sunod na tanong nito. "Hindi ka pa ba uuwi?" aniko na hindi pinansin ang mga tanong niya. Umirap si Darleen saka nginisihan ako. "Nope. Nakakaamoy ako ng chismis kaya hindi ako aalis hangga't wala kang iniispluk sa akin." Naipaikot ko na lang ang eyeballs ko ceiling wards dahil sa sinabi niya. "Chismosa." Excited namang naupo sa harapan ko si Darleen. Wala pa namang costumer ngayon kaya petiks pa kami. Humugot naman ako nang malalim na paghinga bago sinumulang magkuwento ng nangyari mula sa pagkahuli ko kay Joel hanggang pagpunta ko sa bar. Hindi ko lang isinama yung tungkol sa pakikipag one night stand ko. "Gago pala yang jowa-jowaan mong mukhang bangus na hilaw," gigil na ani ni Darleen. "Mabuti na rin na hindi mo pa man nabibigay ang bataan e, nakita mo na ang tunay na kulay ng ulupong na 'yon. Kuuu 'wag lang siyang papakita sa 'kin titiradurin ko siya!" "Sus hayaan mo na siya." "Ay, taray, naka-move on agad?" Tinasan niya ako ng kilay. Nagkibit ako ng balikat. Sa ginawa ko kagabi para na rin akong nakaganti kay Joel kaya kahit papaano hindi ako nakakaramdam ng guilt sa pakikipag one night stand ko. At sa naranasan ko kagabi hindi naman nakakapagsisi dahil kakaibang experience 'yon, na babaunin ko hanggang tumanda ako. Umalis na rin si Darleen at ako na lang ang naiwang naka-duty sa pharmacy. Naging abala na rin ako dahil dumagsa na ang mga bumibili. Alas singko ng hapon ng may isang delivery food galing sa isang mamahaling restaurant. Biglang kumabog ang dibdib ko sa kaba. Di kaya kay Joel galing 'to? Nakikipagbati? Pero napakaimposible naman. Sa tagal naming magkarelasyon ako lagi ang sumuuyo sa kanya kahit kasalanan naman niya. At napakakunat ng ulupong na 'yon, hindi yun gagastos ng ganito kamahal. Pero... grabe din naman kasi ginawa niya sa 'kin, nahuli ko ba naman siyang may ka-chukchakang iba. Baka nga sa kanya 'to galing? Malungkot na napabuntong-hininga ako. Kung kay joel nga ito galing, at kung gumastos nga siya ng ganito kamahal malamang na alam niya sa sarili niyang malaki ang kasalanang nagawa niya, kaya bakit ako matutuwa? Itinulak ko palayo sa 'kin ang paper bag. Hindi ko maaatim na lunukon ng literal ang peace offering niya. Sinagad niya masyado ang pagmamahal ko. Pinunasan ko ang isnag pirasong luhang bumagsak sa mata ko sabay irap sa pagkain. Tumayo ako at dinampot ang paper bag. Lumabas ako ng pharmacy saka tinungo ang pulibing laging nakatambay sa labas ng pharmacy at ibinigay ang pagkain dito. Laking tuwa ng matandang nanlilimos sa ibinigay ko. At least, kahit papaano, may napasaya si Joel, hindi nga lang ako. Bumalik na uli ako sa loob at kinain ang scramble egg at kanin na baon ko. Mas kaya kong lunukin ang baon ko kaysa lunukin na naman ang pride ko. I'm pass through that parang overnight bigla akong nag-marture, or siguro nauntog na ako sa katangahan ko. Anyways, I'm gonna move on with my life kahit masakit pa rin. Dumating na ang closing. 12am ay nagsasara na ako. Si Darleen naman ang nagbubukas ng pharmacy mamayang 6am. Tuwing tanghali naman ay dumarating ang may-ari na si Mr. Kanlaon para i-check ang inventory ng nagdaang araw. Dalawang taon na ako rito at kahit minimum ang sahod ay napagkakasya ko naman. Malaking bagay na may sariling pinagkakakitaan ang inay ko sa amin dahil sarili ko na lang ang binubuhay ko. Kung tutuusin kahit hindi naman ako magtrabaho mabibili ko ang gusto ko at makakakain ako ng apat na beses sa isang araw. Pero ayaw kong mburo sa probinsiya kaya nakipagsapalaran ako dito sa Manila. Kinawayan ko ang security guard ng building kung saan nag-re-rent ang may-ari ng Pharmacy. Maglalakad pa ako papunta sa kanto kung saan ang sakayan ng jeep pauwi sa apartment ko. Habang naglalakad bigla akong nailang. Para kasing may mga matang nakatingin at sumusunod sa akin. Nagpalinga-linga ako sa paligid. May mangilan-ngilang tao at vendor pa namang naroroon kaya kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko. Kung meron mang gagawa ng hindi maganda sa akin dito, mabilis akong makasisigaw para humingi ng tulong. Minabuti ko na lang bilisan ang lakad ko. Kinapa ko rin ang pepper spray sa loob ng bag ko. Pero hanggang makasakay ako ng jeep wala namang nangyari sa aking masama. Medyo nakahinga ako ng kaunti. Nang bumaba ako ng jeep sa kanto ng eskinita kung saan ang apartment ko bumalik na naman ang pakiramdam na tila may nakatingin sa akin. Kabado na ako at naging handa dahil madilim sa eskinita na lalakaran ko. May humawak lang talaga sa akin hindi ako magdadalawang isip na spray-an ng pepper spray ko. Pero salamat naman hindi ko na kinailangang gamitin ang pepper spray ko nakarating ako nang matiwasay sa apartment ko. Agad kong ni-lock ang pinto saka lang ako nakahinga nang maluwag. hindi na 'ko kumain dahil kumakain na ko sa pharmacy bago ako umuwi. Nag-half bath lang ako at nagpalit ng pantulog. Siniguro ko munang naka-lock ang mga bintana at pinto bago ko pinatay ang mga ilaw. Maliit lang naman ang apartment ko dahil nag-iisa lang naman ako. Iniwan ko lang bukas ang night lamp saka nahiga na. Mabilis akong nakatulog para lang magising sa mabalahibong bagay na nakadagan sa hita ko. Mayroon ding mabigat na kung ano sa sikmura ko na nagpapahirap sa akin para makahinga ng maayos. Nabubugnot na babangon sana ako pero pinigilan ako ng kamay-- kamay! Nawala ata lahat ng antok na nararamdaman ko nang mapagtantong may kamay at hitang nakadantay sa akin. Umungot rin ang nagmamay-ari ng mga kamay at hita na iyon na tila naistorbo sa pagtulog. Pinipilit akong muling isiksik sa katawan nito. Isang nakakatulig na tili ang kumawala sa aking bibig. Ubod lakas din akong nagpapasag para lang makakawala sa nakayakap sa akin. Dahil sa mahimbing na pagtulog nagulantang naman ang lapastangan na nakikitabi sa akin sa kama ko. Mabilis kong kinapa ang sarili. Wala namang nahubad sa akin. Hindi rin ako nakakaramdam ng kahit anong discomfort na tanda na ginalaw ako ng estrangherong ito. "Babe?" anitong antok na antok pa. Madilim sa loob ng kuwarto ko at tanging night lamp lang na kakarampot ang ilaw ang dahilan kumbakit kahit papaano ay naaaninag ko ang lalaki. Malaking lalaki ito halos sakop na nga nito ang double size bed ko. "What's wrong?" malat na tanong nito. His bedroom voice is masculine and familiar. Parang narinig ko na sa kung saan. "S-sino k-ka?" nanginginig ang boses na tanong ko. Kumapa-kapa ako sa paligid, naghahanap ng puwedeng ipanglaban oras na kumilos ng hindi kaaya-aya ang lalaking nakahiga sa kama ko. "P-paano ka nakapasok dito?" Shit, bakit wala man lang akong makapa. Gusto kong takbuhin ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Shock na shock ako halos hindi na ako makahinga sa sobrang kabog ng dibdib ko. "Why are you awake? Nanaginip ka ba? Bad dreams? Come here, I'll hold you until you fall asleep again." Inang ko po. May saltik pa ata ang siraulong to. Napapalunok na nagbilang ako sa isip. tatakbuhin ko ang pintuan saka mabilis na lalabas para makahingi ng tulong. Isa... dalawa... "Baby...?" bakas na ang pagkainip sa tinig ng lalaki. Tatloooooo! hiyaw ko sa isip saka lakas loob na inilang hakbang ang pintuan. Halos wasakin ko ang seradura kakapihit pero hindi nagbubukas saka ko naalalang kapain ang mga security lock na ikinabit ko. Ngayon ko pinagsisisihan na marami akong nailagay na double lock. Naiiyak na nahigit ko ang aking hininga nang maramdaman ko ang paghawak ng malalaking kamay sa baywang ko. Mariin akong napapikit at nagsumiksik sa pintuan. Nanginginig ang buo kong katawan. Mamamatay na ba ako? "Hey... you're shaking. Was it a bad bad nightmare? Calm down, chequita..." Niyakap niya ako mula sa likuran. Damang-dama ko katawan niya dahil wala siyang suot na kahit ano. May tumutusok rin sa likuran ko. Inayyyy... kapag nakaligtas ako, inay, uuwi na ako diyan promise... Sana pala nakinig na lang ako sa inay. Sana pala hindi na lang ako nakipagsapalaran dito sa Manila. Diyosko, hindi nga ako namatay sa dengue at bulutong mukhang sa mga kamay ng baliw na 'to ako mamamatay. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa maramdaman kong umangat ako sa sahig. Kinarga ako ng lalaki at inilapag sa kama. Mabilis naman akong naupo. Nakaramdam ako nang kaunting pag-asa nang lumakad papunta sa switch ang lalaki. Mabilis kong dinampot ang night lamp at nang humarap ito ay mabilis kong sinugod saka ubod lakas na hinampas sa ulo niya ang night lamp. Basag ang night lamp ko sa gilid ng ulo niya at handle na lang ang natirang hawak-hawak ko. Kumalat na ang liwanag sa buong silid ko dahil nabuksan na niya ang switch ng ilaw kanina. Nakakiling ang ulo ng lalaking nasa harapan ko. Nakakunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay na nagtatakang nakatingin siya sa akin, na parang takang-taka sa ginawa ko. Napaatras ako nang iangat niya ang kamay at idampi sa ulong hinampas ko. Napasunod naman ang tingin ko sa kamay niya hanggang sa tignan niya ang basang likidong nakapa nroon, dugo. "Baby?" nalilitong tanong nito. Hahakbang pa sana ito papalapit sa akin pero gumewang na ito at mayamaya ay bumagsak na sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD