KABANATA 4

3584 Words
Kabanata 4 [LJ's POV] Nagka-titigan kami ni Rain. Sinusukat ko kung siryoso ba siya o nag-bibiro lang. Hindi ko kayang maka- sama ng isang buwan ang lalaking 'to! Hangga't maaari ayokong mag-tagpo ang mga landas namin. Ni ayaw kong mag-kita kami, mag-kasalubungan o ano pa man. Hindi ko naman ipagkakalat yung nakita ko! I'll keep my mouth shut kahit nakaka-usig ng konsensya! "Are you damn serious?" Nanunukat kong tanong sa kaniya. Bumalik siya sa pagkakaupo at dumekwatro. He even crossed his arms on his chest. His cold eyes darted on me and it's enough to make me shiver.  "Do I look like I'm kidding here?" He said in his cold voice. Napa-lunok naman ako. Damn! So, siryoso talaga siya? Nah! I can't bear to be with this man! Feeling ko kapag sumama ako sa kaniya may kinalaman na din ako sa ginawa niyang krimen kagabiat ayoko ng ganoon! Why do I need to be in this situation! Nakakainis! Wala naman akong kinalaman sa nangyari kagabi. Sadyang nasaksihan ko lang kung ano yung nangyari. Oh please, help me to get out of this situation! Ang mali ko lang naman ay nakipag-negosyo ako sa lalaking 'to na huwag ipag-sabi ang kung ano mang nakita ko kagabi. Urg!  "Ano bang gusto mong gawin ko para tigilan mo ako? Look Rain, ilang beses ko na ba sinabi sayong tatahimik ako sa nakita ko kagabi? Hindi ako mag-iingay, hindi rin ako magsu-sumbong sa pulis!" Giit ko dito. Hindi talaga ako papayag sa gusto nito. No way! Hindi siya sumagot. Nanatili lang siya nakakatitig sa akin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya. Wala akong ideya. Ang hirap niyang basahin. Walang pinapakitang expression ang mukha niya, miski ang mga mata niya ay nanatili lang ding malamig at walang emosyon na makikita mula dito.  This guy is so damn mysterious! "Kung wala ka nang sasabihin pa, aalis na ko. May klase pa ko. At huwag mo na ulit ako lalapitan pa. This is our last conversation. If you excuse me." Yun lamang at iniwan ko na siya. Dire-diretso akong lumabas ng library at nag-lakad patungo sa klase ko. Napa-hawak ako sa aking dibdib. Sa totoo lang, kanina pa ang lakas ng t***k nitong puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro sa kaba at takot na dulot ng presensya ni Rain. Sa buhay ko dito sa SCU, ngayon ko lang na-encounter ang isang Rain Park. Hindi ko siya kilala at hindi ko rin siya nakaka-salubong dito sa school. Ni hindi ko nga alam na nag-eexist pala ang tulad niya eh. Unang beses ko lang siya na-encounter kahapon at talaga namang ang ganda pa talaga ng una naming pagki-kita. Please take note of the sarcasm okay? Akala ko ignorante lang siya, yun pala may tinatago rin siyang ugali na hindi mo mahahalata sa hilatsa ng kaniyang mukha.  But looks can really deceive people. Mukha lang isang maamong tupa si Rain kung titignan pero ang totoo niyan isa siyang nakakatakot na tupa na umaatake sa kapwa niya. At aminado akong isa ako sa mga na-deceive niya. And now he wants me to be with him para masigurado niyang mananahimik ako tungkol sa nasaksihan ko. Hindi na yun kailangan dahil mananahimik ako. Hindi ako magisasalita dahil alam ko kung anong kaya niyang gawin if ever na mag-ingay ako. Alam kong pinaglalaruan lang ako ni Rain. And I absolutely don't want to play his effin games.  "Lj? Are you okay?" Bungad na tanong ni Marie Claire sa akin pag-upo ko sa katabing silya niya dito sa classroom namin. Wala sa sariling tumango ako. This is not so me. Masyado ata akong naaapektuhan ng Rain na yon. C'mon Lj pick up yourself. "Are you sure? May masakit ba sayo?" Tanong uli ni Marie Claire at halatang-halata sa boses niya ang pag-alala. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Giving her an assurance that I'm totally ok. [Xander's POV] Napa-tingin ako nang narinig kong bumukas ang pinto at pumasok si Rain. Pakiramdam ko'y biglang lumamig ang paligid nang pumasok siya. His eyes are very cold and he's not wearing any emotion. The usual Rain pero pakiramdam ko'y hindi maganda ang mood niya. Iba ang pagkakalamig ng mga mata niya. Very cold and dark. "What's up?" Bati ko sa kaniya at hinagisan ko siya ng isang lata ng beer na nasalo naman niya. Agad niya iyong binuksan. He sits on the couch while drinking his beer. "Not in the mood?" Tanong ko sa kaniya ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Sa halip ay tumungga lang siya sa kaniyang beer. Well, ganito naman siya parati, so, let him be.  It's just that, I'm wondering what happened. May nangyari ba habang wala ako? Actually, kakapasok ko lang ngayon dahil kababalik ko lang galing sa isang misson na pinadala ako nitong si Boss Rain.  "Louise Jadelyn Min." Narinig kong sambit niya. Nag-takan naman ako. That's a girl's name, right? Who the f**k is that Louise? At nakaka-gulat lang dahil ito ang unang beses na nag-banggit si Rain ng pangalan ng isang babae. "Louise what? Who is she?" Takang tanong ko sa kaniya. Inihinto ko ang ginawa kong paglalaro ng NBA at binaling ko sa kaniya ang buong atensyon ko. I'm f*****g curious right now! Dalawang araw lang ako nawala and yet parang ang dami ko agad na-missed out! Seriously?! This f*****g crazy! May babae bang kinagigiliwan itong boss ko? Aba kung ganoon edi ayos! Wala pang nagiging girlfriend 'tong boss ko kaya naman laking-tuwa ko talaga kapag nalaman kong babae ni Boss Rain yang si Louise Jadelyn.  Anyway, nalimutan kong mag-pakilala. I'm Xander Clifford Del Valle and I'm Rain's best friend. I know a lot about him, even his dirty job. Isa akong gangster, kagaya ni Rain at ako ang kaniyang kanang-kamay.We're running an underground group, isa sa mga pinaka-sikat na grupo dito sa bansa. I'm a good guy, don't worry, but Rain is worst than me. He can kill without second thought. "She's playing hard to get huh?" He said as a devilish smile crept on his face. Napakunot-noo ako. Tangina wala akong maintindihan! Nababaliw na ba 'tong kaibigan ko? Atsaka playing hard to get yung babae? Don't tell me, nililigawan na niya agad? Potek!! Kailangan lang palang mawala ako para magka-love life itong kaibigan ko eh! "Huh?! What are you talking about Rain?" Takang-takang tanong ko sa kaniya. Ibinaling niya ang tingin nya sa akin at pagka-tapos ay ngumisi siya. Sa paraan niyang iyon, alam ko na. May gusto na naman siyang ipagawa sa akin. Anak ng tupa! Kakauwi ko lang talaga eh! Pwede bang time first muna? Hihinga lang! Anak ng tupa itong si boss eh! May inilabas siyang litrato mula sa bulsa ng slacks niya at inihagis iyon sa akin. I look what's on the photo at nakita kong stolen shot iyon ng isang babae. The girl was smiling widely at a girl wearing nerd glasses. I think this is Louise Jadelyn Min that he was talking about. "Help me to convince her to be with me." He said. Sa tono palang ng boses ni Rain ay alam ko ng may binabalak siya sa babaeng ito. At kung ano man iyon ay hindi ko alam. Hindi ko mabasa si Rain ngayon. Anong meron sa babaeng 'to at ginugusto siya ni Rain maka-sama? Ganoon ba talaga niya kagusto ang babaeng ito para humingi pa ng tulong ko? Pakiramdam ko hindi girlfriend ang gustong gawin ni Rain sa babaeng 'to. It's more than that.  "Rain what are you planning?" Direktang tanong ko sa kaniya. He shrugged his shoulders as he calmly rested his back on the sofa.  "She's somewhat interesting. Hmm." Sagot nito. At ngayon ko lang siya nakitang naging interesado sa isang babae. Nakaka-pagtaka talaga. "No more questions Xander Clifford Del Valle, just help me with this, okay? We'll do whatever it takes to convince her." He said in an authoritative voice. A grin flashes on his lips while his eyes are looking mischievously at the photo.  Napa-iling na lang ako at napa-tingin din sa litrato ng babae. He leaves me no choice. Hindi ko alam kung anong gusto at plinaplano ni Rain sa babaeng 'to. Just be ready Louise, hindi ka titigilan ni Rain hangga't di ka niya nakukuha. "Anyway, how's your mission?" Tanong niya maya-maya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya habang pinapaikot ko ang lata ng beer sa aking kamay.  "Ayos boss. Naka-kuha ako ng impormasyon tungkol sa leader ng Aces." Saad ko habang may malawak na ngiti sa aking mga labi. Tumango naman si Rain at sinenyasan akong ipagpatuloy ang sinasabi ko.  "Mukhang mapapa-dali lang ang paghi-higanti mo, Rain dahil andito lang sa eskwelehan natin nag-aaral ang anak ng leader ng Aces. She's about your age and currently in 3rd year college." Dagdag ko.  Eto kasi ang mission na pinagawa sa akin ni Rain. Ang alamin ang lahat ng tungkol sa leader ng Aces, ang grupo na kaaway ng grupo namin ni Boss. Hindi lang dahil sa mortal na kaaway namin ang grupo nila kaya kami nagha-hanap ng impormasyon tungkol sa kanila. It's more than a feud between the two most notrious group in the underground world.  At sa pagha-hanap ko, nalaman kong dito rin pala sa SCU nag-aaral ang anak nito at kasing edad lang din namin. Sayang nga lang dahil babae, chix sana kaso anak ng kaaway ni Boss.  "Do you know her name?" Tanong niya habang ang mga mata niya ay naka-pako sa lata ng kaniyang beer.  "Marie Claire. Marie Claire Clemente."  [LJ's POV] Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil totoong may kailangan na akong daanan sa Library ngayon. Naalala ko na naman tuloy. After ng scene namin ni Rain kahapon sa library ay mag-hapon ko na siyang hindi nakita sa school and it's good thing actually. Naging mapayapa ang kalooban ko kahit papaano. Medyo nakaka-recover na din ako sa mga nangyari. Gusto ko na rin bumalik sa normal. Feeling ko ang abnormal ko ngayon kasi ang gloomy-gloomy ko eh! Huhuhu. Pag-dating ko sa library ay agad kong hinanap ang librong kailangan ko at umupo sa isang bakanteng table pagka-hanap ko. Mamaya pa papasok si Marie Claire since mamaya pa ang klase namin. Sadyang maaga lang talaga akong pumasok. Tahimik akong nagbabasa nang may biglang umupo sa bakanteng upuan sa tapat ko. "Hi." Natigil ako sa pagba-basa at nag-angat ng tingin. Bumungad sa akin ang isang gwapong lalaki na may pagka-singkit ang mga mata. Matangos ang ilong at may mapupulang labi. Ay pak! Ang gandang simula naman nito para sa umaga ko! Bakit parang ang dami naman atang gwapo dito ngayon sa SCU? Ngayon ko lang kasi nakita ang isang 'to. Transferee kaya siya? "H-hi?" Naiilang na bati ko rito. Syempre ang rude naman kung hindi ko susuklian ang ginawa niyang pag-bati sa akin 'di ba? He smiles at me, showing his set of dimples. Sumingkit pang lalo ang mga mata nito sa ginawa niyang pag-ngiti. Halaaaa ang cuteee! Mapapa-kanta ka ng Chinito sa lalaking ito eh! "Mag-isa ka lang?" Tanong nito na nag-pangiwi sa akin. Ay turn-off! May pagka-bopols si koyang chinito. Kita naman niyang mag-isa lang ako dito tapos magta-tanong pa siya. O baka naman may six sense itong si kuya? Tapos naniniguro lang siya na mag-isa lang talaga ako at walang kasama dahil may nakikita siyang katabi ko? Eeeeeh ang creepy naman! "Anong sa tingin mo?" Papilosopong sagot ko dito. Tila nabigla naman siya sa inasta ko kaya napa-kamot siya sa kanyang ulo. "Oh, I see. Anyway, I'm Xander Clifford Del Valle. Nice to meet you, Louise." Pagpapakilala niya sa akin. Nabigla naman ako. Teka paano niya nalaman ang pangalan ko?! Napakunot-noo ako. Stalker ko ba 'tong lalaking 'to? Tila nabasa naman niya ang nasa isip ko dahil biglang nag-bago ang ekspresyon ng mukha niya. From a charming chinito, to a mischievous one. "I'm Rain's best friend." He smirks. Nabato naman ako sa kinauupuan ko. Just hearing his name was enough to make me feel tensed and cold! This guy is that guy's best friend, so, therefore, he knows something about what happened that night. And maybe andoon din siya at nakita niya ko ngunit hindi ko siya nakita. Is my speculations are right?! "So, you're Louise Jadelyn Min huh? You look more beautiful in person than in that picture. Hmm." He said. He's still smirking and it's creeping me out! No doubt na mag-best friend nga sila ni Rain! They are both good-looking creatures with devil personalities! "W-what do you need from me?!" Medyo pasigaw na tanong ko sa kanya. My heart is beating loudly out of nervousness. Buti na lang at medyo malayo kami sa librarian at wala pang estudyante kaya walang nakakarinig sa amin. Urg! Gusto ko na umalis dito. Parang pinagsisisihan kong pumasok ako ng maaga. Bakit ba ganito? Lagi ko na lang pinagsisihan ang mga bagay na ginagawa ko? Gaano ba katangkad si pagsisisi at laging nasa huli?! "I'm just doing him a favor." Anito at prenteng sumandal sa upuan with his arms crossed on his chest. "Look, I really don't know what happened between you and Rain at kung bakit siya interesado sa'yo. But..." He paused for a moment at direkta niya kong tinitigan sa aking mga mata. So, mali ako ng hinala kanina? He's clueless. Wala siyang kaalam-alam sa ginawa ng kaibigan niya at kung paano ko ito nasaksihan. Pero bakit siya andito at anong favor ang pinagsa-sabi niya? And what just he said? Rain is interested in me? Oh, c'mon mamon! He's just fooling around me! Ano bang akala ng Rain na iyon sa akin?! Laruan niya?! Porket alam niyang siya yung nasa upper hand ay gaganituhin niya ako?! Baka nakakalimutan niyang kaya kong isumbong sa pulis ang ginawa niya! At baka nakakalimutan ko rin na once na gawin ko iyon ay kaya niya akong patayin. Urg! Nakaka-inis naman! Lumipat na kaya ako ng school? O kaya umuwi na lang ako sa Korea? "A litte piece of advice, hindi titigil si Rain hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. What he wants, he gets, and he wants you. So, prepare yourself dahil any minute, gagawa siya ng paraan just to have you." Anito. Napa-higpit naman ang kapit ko sa librong hawak ko. Nagpupuyos sa galit ang kalooban ko sa mga narinig ko. What he wants, he gets?! Damn it! Hindi sa lahat ng oras makukuha niya ang gusto niya! The world doesn't revolve just around him. Damn that Rain Park! Acting all so mighty! "Pag-isipan mong maigi, Louise. Rain is much worse than you think." Anito at nag-paalam na itong aalis na. Pag-alis nya ay nabitawan ko ang librong hawak ko kasabay ng pag-alpas ng mga luha sa mga mata ko. This is so damn frustrating! Oh God help me! ... Mabilis na lumipas ang mga araw and tama nga si Xander. What Rain wants, he gets. Dahil sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos lagi siyang sumusulpot and doing stupid things para sirain ang araw ko. Hindi ko alam sa lalaking iyon kung bakit gustong-gusto niya akong makuha. I mean, ano bang gusto niyang mangyari? Mananahimik naman ako. Wala siyang dapat ikabahala, hindi niya ko kailangan bantayan. Naaapektuhan na ako sa mga ginagawa niya. Andoon yung may inutusan siya para buhusan ng pintura ang scooter ko. Halos mangiyak-ngiyak ako ng makita ko yun. Dinala ko pa yun sa carwash para lang malinisan. May araw din na may inutusan siya para buhusan ako ng isang baldeng malamig na tubig. Batuhin ako ng crumpled paper, lagyan ng sandamakmak na langgam ang bag ko, lagyan ng bubblegum ang upuan ko at kung anu-ano pang pang-bubully ang inuutos niya. May mga oras na parang gusto ko na lang sumuko at sumunod sa kaniya. Pero no! I'm not that stupid! Siya tong stupido na hindi marunong makaintindi na ayaw ko sa kaniya at sa gusto niang mangyari! And he's so f*****g stupid and childish! He would go that far just to have me?! Akala ko ba gangster siya?! Bakit ang galawan niya pang-stupido?! He's getting on my f*****g nerves! Konti na lang talaga at makaka-tikim na yang Rain na iyan sa akin.  "Lj are you alright?" Tanong sa akin ni Claire. Sa araw-araw din na ginawa ng Diyos, yan ang palaging tanong sa akin ni Claire. Saksi siya sa mga araw-araw na pambub-bully ni Rain sa akin. She even get mad at Rain dahil sobra na raw. Like, IKR. Yes, alam ni Claire ang mga panggugulo sa akin ni Rain. Kinuwento ko sa kaniya, maliban doon sa part na nasaksihan ko. I told you, I'll keep my mouth shut. "Yeah. Sanay na ako." I answered. She handed me a handkerchief at tinanggap ko naman iyon. Pinunasan ko ang uniform kong natapunan ng Mango Shake. I wonder kung isa din ba yun sa utos ni Rain o hindi. "Sobra na talaga yang Rain na yan. I wonder kung alam ba ng mga fans niya ang kademonyahan niya." Naiinis na saad ni Claire. "Syempre hindi." Tipid kong sagot at tinignan ko siya. She sighs. "Kung ako sayo, sinusugod ko na yang Rain na yan." Anito. Umiling naman ako. No, bahala siya sa buhay niya. Gawin niya kung anong gusto niya hanggang sa mag-sawa siya. "Hayaan mo siya. Magsasawa din ang lalaking yun. Lalabhan ko na lang 'tong panyo mo Claire." Ani ko pagkatapos at ibinulsa ko ang panyo. Inaya ko si Claire sa favorite coffee shop namin at umorder lang kami ng inumin pagkatapos ay lumabas na din kami. Naglalakad kami ni Claire sa hallway habang nagkekwentuhan nang may biglang bumangga sa akin dahilan upang tumapon ang iniinom ko sa uniform ko. Pinagtinginan tuloy ako ng mga estudyante. Pangalawa na 'to sa araw na 'to! "What the!" Naibulaslas ko. Ano ba naman! Another pangbubully na naman ba 'to ni Rain! Hindi ba niya talaga ako titigilan! "Oh, I'm sorry." Hinging paumanhin nung nakabunggo sa akin. Nabato ako nang marinig ko ang boses na yun. I know that voice! Hindi ako pwedeng mag-kamali! Dahan-dahan kong tinignan ang lalaking nakabunggo sa akin only to find Rain looking at me puckishly. Kasama niya si Xander na naka-titig lang kay Claire. This asshole! Sa wakas nagpakita na siya at nagkaroon na siya ng tapang para siya mismo ang humarap sa akin at gumawa ng ikasisira ng araw ko. He's staring at me with a smirk plastered on his face. Huh! Akala naman niya matatakot niya ako sa pagngisi-ngisi niya. No way! Nakipag-tagisan din ako ng titig sa kaniya. Isang matalim na tingin ang pinukol ko sa kaniya. Alam niyo kung nakakamatay lang ang tingin baka bumulagta na 'tong si Rain eh! Maya-maya lang ay nilagpasan na niya kami and grr lang! He even bumped my shoulders! Talaga naman!!! Asshole! "Lj ako na sasapak sa lalaking yun!" Gigil na saad ni Claire at akmang susugod na siya nang pigilan ko. Umiling ako sa kaniya. "Bakit?! Ano hahayaan mo na lang talaga siya na ganyan-ganyanin ka?!" Naiinis na singhal nito sa akin. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. "Of course not. I am not Louise Jadelyn Min for nothing." Ani ko. Ubos na ubos na ang pasensya ko sa lalaking 'to. I've had enough! Hinubad ko ang sapatos ko at masama ang tingin na inasinta ko si Rain. It's payback time, stupid gangster. "I hate you Rain!" Sigaw ko at buong pwersa kong binato ang sapatos ko papunta sa kaniya. Napa-singhap ang mga estudyanteng naka-saksi sa ginawa ko dahil saktong tumama ang sapatos ko sa likod ng ulo ni Rain. Miski si Xander ay nagulat din at hindi niya alam kung anong gagawin niya. Nanatiling nakatalikod sa kinatatayuan ko si Rain. Eto iyong pangalawang beses na binato ko siya ng sapatos at talaga namang huwag niya pa akong tigilan dahil sa pangatlong beses talagang hindi na sapatos ang ibabato ko sa kaniya. "You're such an asshole! You would go that far just to convince me?! Seriously?! Ano ka bata?! Elementary student?! Damn it Rain! Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo. I've had enough, you punk! Sinagad mo yung pasensya ko! Ano bang laro ang gusto mo huh?! Can't you see? Ayoko makipaglaro sa tulad mo! Please, stop pestering me!" Galit na galit na sigaw ko. Taas-baba pati ang dibdib ko sa tindi ng galit na nararamdaman ko.  Lahat ata ng hinanakit at galit na inipon ko sa ilang araw niyang pamemeste sa akin ay nilabas ko. I don't care kung after nito ay pagchichismisan na naman ako o kaya hindi rin ako magtataka isang araw may mag-lock sa akin sa banyo! Binato ko lang naman ang campus heartrob namin. But who cares! Damn it! Unti-unting lumingon sa akin si Rain, wearing his famous cold stare. Eto na naman. Hindi ko maiwasang lamigin sa mga titig na ibinibigay niya sa akin. Why does he have such effect on me? Bumaling ang katawan niya sa direksyon ko at nangunot ang noo ko nang unti-unti siyang lumakad palapit sa akin. Naririnig ko pa ang iilang bulungan sa paligid ko. He stopped right infront of me. His eyes are still cold and his face is void of any expression. Eto na naman, I can't read him. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa kaniyang utak. "You want me to stop pestering you?" He asks coldly. Matapang naman akong tumango kahit na nanliliit ako dahil sa katangkaran at mga titig na binibigay niya sa akin. My knees suddenly get wobbly.  Nagulat ako nang biglang yumukod si Rain at inilapit ang mukha niya sa akin. Naiatras ko ang mukha ko kasabay nang panglalaki ng mga mata ko. "Then be my girlfriend."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD