Kabanata 3
[Lj's POV]
"I-ikaw?" Naitanong ko sa nanginginig at hindi makapaniwalang boses.
I stared at his handsome face with my mouth and eyes wide open. I couldn't believe that this handsome guy in front of me is a killer. A f*****g killer! For real!
To think na hinahanggaan pa ng maraming kababaihan itong lalaking 'to sa school namin. But little they know that they are idolizing a demon.
He looks like a fallen angel. A Dark Angel perhaps.
"Yes. It's me. Why? You can't believe eh?"
He said with a grin on his face.
Napakurap-kurap ako at naalala ko ang unang beses na nagka-harap kami kanina sa school. Ignorante na nga mamatay tao pa. Hindi ko talaga sukat akalain na ganito ang ugali ng isang 'to. Wala sa hilatsa ng kaniyang mukha na kaya niyang gumawa ng isang karumal-dumal na krimen.
Oo, gwapo siya. He got all the looks, okay. Pero sa likod ng gwapo niyang mukha, nagta-tago ang isang kriminal. Hindi niya deserve lahat ng kababaihan na umiidolo sa kagaya niya.
"Hey! Why are you crying?" Gulat niyang tanong.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Why am I even crying? Maybe because of the fear I am feeling right now. Because of what I saw awhile ago. The scene keeps running in my mind. Paulit-ulit. Parang sirang plaka!
"I-I h-hate y-you... Oh my God! I hate you!" I said while crying.
Tila nagulat siya sa aking sinabi at bigla siyang napa-atras. Ganon din ako na napa-hakbang ng isa paatras sa kaniya.
I can't stand looking at this man. He's unbelievable! Hindi ko alam na may mamamatay tao pala na estudyante sa school namin!
"What?!"
He said at nangunot ang noo niya.
Umiling ako at pinunasan ko ang luha ko.
God! I can feel my knees and my hands shaking.
"I said I hate you! Huwag na huwag kang lalapit sa akin!"
I yelled at him and I immediately turn my back at him and run towards my motor.
Pag-sakay ko sa motor ko ay halos hindi ko magawang ipasok ang susi sa susian dahil sa panginginig ng kamay ko.
Tuloy-tuloy pa din ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi. Yung eksena kanina ay hindi maalis-alis sa aking isipan. Hindi ako yung namatayan, absolutely, hindi ko kaano-ano yung taong pinatay ni Rain. But for f**k's sake! Paano na lang yung pamilyang naiwan nung taong pinatay niya? Hindi ba niya naisip na baka pamilyadong tao yung pinatay niya? May asawa't anak? Paano na lang yung mag-ina niya 'di ba? Urg! Paano rin kung ito na lang pala ang tanging bumubuhay sa pamilya niya? Ano na lang ngayon ang mangyayari sa kaniyang mga naulila?
Bakit ganoon? Bakit kailangan niyang kumitil ng buhay dahil lang sa hindi niya nakuha ang sagot na gusto niya mula rito? Hindi ba siya nako-konsensiya sa ginawa niya? Bakit parang wala siyang kagatol-gatol na patayin ang lalaking iyon? Sana na ba siya sa mga ganitong gawain?
Ang dami kong tanong sa aking isipan na alam ko namang si Rain lang ang tanging makaka-sagot and damn it! This is so frustrating!
Then I remember something awful. A little girl who's sitting on the floor while crying her heart out.
It's Claire. My best friend.
Her mother died in front of her. Nilooban ang bahay nila at pinatay ang nanay niya dahil sa panlalaban nito sa mga kriminal. And as her bestfriend, masakit para sakin ang makitang nasa ganoong sitwasyon si Claire.
Painful memories...
Hanggang ngayon hindi ko pa din nasususian ang motor ko dahil sa labis na panginginig ng kamay ko at panlalabo ng mga mata ko dahil sa luha. Hindi ko alam kung bakit ganito ako ka-epektado. Tila ba mato-trauma ako sa napanood kong eksena.
Bigla ay nabitawan ko ang susing hawak ko. Napa-sigaw ako sa inis. Gustong-gusto ko na umalis dito! Gustong-gusto ko na umuwi! Ayoko na rito. Talagang nag-sisisi ako kung bakit hindi pa ako umuwi agad. Sana bukas ko na lang kinuha yung mga gamit ko sa locker. Sana sumabay na lang ako kay Claire kanina.
Bumaba ako sa aking motor at yumukod upang kunin ang susi. Napa-sigok na ko sa sobrang iyak ko.
"So, you're still here." Isang malamig na boses ang narinig kong nag-salita mula sa aking harapan. Bigla akong nanigas sa aking kinapwe-pwestuhan. Automatic na huminto ang luha ko at higit na higit ko ang aking paghinga sa takot.
Kilala ko ang boses na yun. Hindi ako pwedeng mag-kamali.
"Hmmm, and here I thought you're already gone. Hindi pa pala." Anitong muli. Ramdam ko ang malakas na pag-t***k ng aking puso. Ni hindi ko magawang gumalaw o tignan siya dahil natatakot ako. Takot na takot ako.
Paano kung bigla na lang niya akong saksakin 'di ba? Of course, witness ako sa krimeng ginawa niya and criminals doens't let their witness go, right? Hindi hahayaan ng isang 'to na umalis ako dahil alam kong baka mag-sumbong ako sa pulisya.
"Get up, woman." Utos nito sa akin ngunit hindi ako sumunod. Nanatili akong naka-yukod at nanginginig habang hawak ko ng mahigpit ang susi ng motor ko.
"Hndi ka ba talaga tatayo?" Tanong nito at nagulat ako ng yumukod din ito sa aking harapan.
Magkalapit na magkalapit ang aming mga mukha at mula sa liwanag ng buwan kitang-kita ko ang gwapo nyang mukha.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na isang gangster ang lalaking 'to. Hindi halata sa hilatsa ng mukha nya. Suplado kasi ang bakas ng mukha nito at sabi ko nga kanina, hindi mahahalatang gumagawa ito ng mga karumal-dumal na gawain.
"Why are you crying? Does that gay related to you?" He asked me, pertaining to the guy he killed. Mabilis akong umiling. Hindi naman talaga kaya miski ako ay nagtataka kung bakit ako umiiyak ng ganito.
Marahil siguro dala ng takot at kaba kaya umiiyak ako. Sino ba namang hindi 'di ba? Naka-panood ka lang naman ng isang murder case and to think that the murderer was right in front of you was enough reason to make you tremble in fear.
"Oh, I see." Anito at binigyan ako nito ng maka-hulugang tingin. Napa-singhot naman ako at napa-iwas ng tingin sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang panginginig ng katawan ko. This man is giving me creeps.
Maya-maya ay naramdaman kong tumayo na ito at nagulat ako ng hilahin ako nito patayo. Napa-igik ako dahil medyo masakit ang pagkaka-hila nya.
"B-bakit?" Tanong ko sa nanginginig na boses. Tumingin ito sa akin at pagkatapos ay hinawi nito ang may kahabaan nitong buhok.
"Go home now and don't you ever utter a word about what you saw tonight. Are we clear?" He said in a very cold voice. At sa sobrang takot ko ay napa-tango-tango na lang ako.
Bigla akong napa-atras at napa-upo sa motor ko nang bigla lumapit ito sa akin. Magkalapit muli ang aming mga mukha at konti na lang ay maaabot niya na ang aking labi.
"You know already what will happen to you if ever you speak up." He said dangerously at napa-tango naman ako ng sunod-sunod.
Sa paraan ng pagkaka-sabi niya ay parang buhay ko ang magiging kapalit kapag sinabi ko ang tungkol sa nakita ko ngayong gabi. It's like I'm having a f*****g bargain with a devil himself.
"Good. You may go now and remember what I f*****g tell you about this shit." Yun lamang at mabilis na itong nag-lakad palayo sa akin. But before he really got away, muli siyang tumigil sa pagla-lakad at nilingon ako.
Napa-awang ang mga labi ko when his dark brooding eyes, darted at me. Kitang-kita ko sa liwanag ng buwan kung paano tumalim ang mga titig niya sa akin. It's cold and dangerous. Nakaka-pangilabot. Pakiramdam ko tumatagos ang mga titig niya sa katawan ko.
Napa-buga na lang ako ng hagin at napa-yuko nang tuluyan nang umalis si Rain. This is crazy! Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Unang araw pa lang ng klase pero ang dami na agad nangyari!
Pakiramdam ko ang malas-malas ng third year college life ko!
...
"Lj? Are you okay?" Tanong ni Marie Claire sa akin habang nagmimiryenda kami dito sa coffee shop na nasa loob ng school namin.
Napatango naman ako at tahimik na tumingin sa bintana. Good thing may bakanteng table dito na malapit sa bintana.
"Kanina ka pa tahimik. Are you sure you're okay?" Anito at muli akong tumango. Okay lang naman talaga ako. It's just that wala lang ako sa mood mag-salita o ano. Siguro dahil sariwa pa kasi sa ala-ala ko ang mga nangyari kagabi. Ni hindi nga ako naka-tulog ng ayos dahil doon. Kada pipikit kasi ako ay bumabalik sa isipan ko ang nasaksihan ko.
And I don't know why, pero hindi ko rin maalis sa isipan ko kagabi kung paano ako titigan ni Rain. It's bugging the hell out of me and it is so damn frustrating!
Speaking of Rain, buti na lang at hindi ko pa ito nakikita mula kanina. Ayoko kong makita siya. Huwag naman sanang pag-tagpuin ang aming mga landas. Malaki ang SCU at hindi naman siguro kami magkikita sa laki ng school na 'to 'di ba?
"Kanina ka pa din tulala. Anong nangyarei sayo? May problema ka ba?" Alalang tanong ni Marie Claire sa akin. Tumango muli ako. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Marie. Siguro nanawa na ito kakatanong sa'kin dahil puro pagtango lang naman ang sinasagot ko.
I sigh at the back of my mind. I'm sorry Claire pero wala talaga ako sa mood mag-salita ngayon. Alam kong naninibago si Claire dahil ngayon lang ako nagkaganito pero hindi ko maiwasan lalo na't feeling ko talaga ay nagkaroon ako ng trauma.
Maya-maya ay napag-desisyunan na namin ni Claire na lumabas ng coffee shop. May mga klase pa din kasi kami at ilang minuto na lang malapit na itong mag-simula.
Tahimik kaming naglalakad sa hallway ng school nang matanaw ko si Rain. Napa-hinto ako habang nanglalaki ang mga mata ko.
Shit naman!! Kakasabi ko lang na ayoko siyang makita. Todo hiling pa ako na sana huwag pag-tagpuin ang mga landas namin pero kasalungat pa ng hinihiling ko ang nangyari. Ano nang gagawin ko?!
"Lj?" Tawag sa'kin ni Claire pero hindi ko siya pinansin. Nakatuon lang ang mga mata ko sa papalapit na bulto ni Rain at bumilis ang pag-tahip ng puso ko ng magkasalubong ang mga tingin namin.
Parang ipu-ipo na bumalik sa aking mga ala-ala ang mga kaganapan kagabi. Sa sobrang kaba ko ay napa-iwas agad ako ng tingin at mabilis na binalingan si Claire.
"Ah Claire mauna ka na sa room. May dadaanan lang ako sa library, mauna ka na." Saad ko at mabilis na kong tumalikod upang mag-lakad palayo.
Rinig ko ang pag-tawag ni Claire sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko at dahil yun kay Rain. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba kapag nakikita ko siya. Mabilis akong tumungo sa library at pumasok doon. Napa-buga ako ng hangin pagka-upo ko sa isang bakanteng lamesa na nasa may bandang dulo.
Kinakabahan talaga ako sa tuwing nakikita ko si Rain. Pakiramdam ko kasi ay ako ang next target nya. Natatakot ako. Pero bakit ganoon? Para siyang maamong tupa kapag andito sa school. Ibang-iba sa Rain na nakita ko kagabi. His eyes were still cold like an ice, pero iba na ang awra ng mukha nito kumpara kagabi. Para bang wala siyang pinatay sa itsura niya ngayon. He's calm and confident, na para bang hindi siya makukulong sa ginawa niya.
Ewan ko kung bakit hinahangaan ito ng marami? Dahil ba sa kagwapuhang taglay niya? Oo na, gwapo talaga si Rain. Makalaglag panty yung kagwapuhan niya, okay! Ang daming humahanga sa kanyang kababaihan pero hindi naman dapat siya hangaan. Kung malalaman lang ng mga fans niya ang katauhan ni Rain sa kabila ng gwapo nitong mukha.
"Iniiwasan mo ba ko?"
Napa-sigaw ako sa gulat ng may biglang nag-salita sa aking likuran. Dahil doon ay napatingin sa akin ang iilang estudyante na nasa loob ng library at napa-galitan din ako ng librarian. Todo hingi naman ako ng paumanhin at nangakong hindi na mauulit.
"A-ano ba! Huwag ka ngang manggugulat!" Bulong ko at nang tignan ko kung sino iyon ay nanglaki ang mga mata ko.
Si Rain! Anong ginagawa niya rito? Sinusundan niya ba ako?
"Did I surprise you?" He asked as he sit in front of me. Napa-tingin naman ako sa kanya and I chew my bottom lip.
"Ano bang ginagawa mo rito?" Mahinang tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin and he shrugged his shoulders.
"I saw you making your way down here, so I followed you. But, are you avoiding me?" Saad nya. Napamaang naman ako at hindi ko alam kung anong isasagot ko.
Sinusundan nga niya ko at totoo naman, iniiwasan ko siya. Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin yun dahil baka hindi nito magustuhan kapag sumagot ako ng oo.
Pero ano naman dito kung iniiwasan ko nga siya, 'di ba? As if naman may pake 'tong lalaking 'to.
"H-hindi. H-Huwag mo na nga akong sundan. Huwaag ka mag-alala hindi ko naman ipagkakalat yung nakita ko." I said as I let out a tired sigh.
Napatango-tango naman ito at bored na tumingin sa akin. Napataas ako ng kilay. Bakit ba hindi pa ito naalis? Ano ba talagang kailangan ng isang ito sa akin?
"Bakit?" Tanong ko sa kanya. "What if I don't?" He asked.
Napakunot noo naman ako. Anong ibig nitong sabihin?
"Ha?! Ano bang kailangan mo sa akin! Mananahimik naman ako. Layuan mo ako! Ayokong mapalapit sayo!" Naiinis na bulong ko sa kaniya. Gustong-gusto ko nang singhalan ang lalaking 'to pero hindi ko magawa dahil nasa library kami. Tiyak na mapapagalitan na naman ako kapag nag-ingay ako.
Umayos naman ng upo si Rain atsaka biglang naging blangko ang ekspresyon ng mukha nito.
"That's my point. I just want to make sure that you will behave remain silent about what you saw last night that's why I'm here, checking up on you. And besides..." Tumayo ito at biglang yumukod dahilan upang magkapantay ang aming mga mukha.
Sa gulat ko ay napa-atras ako habang nanglalaki ang mga mata ko.
"A-and what?" Nauutal kong tanong sa kanya.
He smirked at me, and base on the grin plastered on his face, alam kong hindi maganda ang susunod na sasabihin niya.
"I want you to stay with me for one month." He with finality in his voice, but I can clearly see him smirking.
Napa-nganga ako sa sinabi niya. Teka lang huh. Ano daw? He wants to stay with me for one month? Bakit?! To make sure ba na hindi ako magsa-salita? Urg!!! Kailangan pa ba yon?
Atsaka to be honest, hindi ko alam kung kakayanin kong maka-sama ang lalaking 'to sa loob ng isang buwan. Nakaka-inis!
Bakit pakiramdam ko biglang gumulo ang tahimik kong mundo?!