KABANATA 7

2922 Words
KABANATA 7 Xander Clifford's Point of View "f**k!" Agad akong napa-tingin sa pintuan nang marinig kong may pumasok at pabalya na isinara ang pinto. To my surprise, I saw Rain entering the room with his forehead creased and annoyance is written all over his face. Ano naman kayang nangyari sa isang 'to? Mukhang badtrip ang lolo niyo. "Yo, what's up?" Alanganing bati ko sa kaniya pagka-tapos niyang umupo sa sofa. He really looked pissed. "Damn! Why did she cry?" He muttered. Nangunot naman ang noo ko. Tangina! Gustong-gusto kong mag-usisa na kaso ayokong mai-buntong ni Rain ang inis niya sa akin. "And who's that f*****g guy with her? Urg! It's really irritating the f**k out of me." He added then he lay his head on the sofa and closed his eyes. Anak ng! Nakaka-curious naman! Ano bang nangyari dito kay Rain at mukhang badtrip na badtrip siya? Atsaka sino ang tinutukoy niya? Is he referring to Lj? Malakas ang hinala ko na may kaugnayan kay Lj ang pagka-badtrip ni Rain ngayon. Pero ano kayang nangyari? Mukhang pikon na pikon siya eh. "Wha---" Handa na sana akong mag-usisa nang biglang mag-salita si Rain. "Anyway, how was your task going so far?" Bigla niyang tanong sa akin. Ang kaninang inis na boses ay mabilis na napalitan ng isang baritono at maawtoridad na boses. "So far so good, boss. Bantay-sarado ko si Clemente." Saad ko kay Rain. Nag-mulat naman ito ng mga mata at malamig na tumingin sa akin. Hindi ko naman maiwasang hindi panlamigan sa mga titig na binibigay niya. Anak ng putakte! Bakit naman kasi ganito maka-tingin itong si Rain? Sa kaniya lang talaga ako kinakabahan ng ganito eh. Putcha! "Make it sure, Del Valle. I didn't gave you this task just to flirt with the future heiress of Aces." Malamig pa sa patay na saad niya sa akin. Bigla naman akong napa-lunok sa sinabi niya. Putcha! Bakit bigla akong kinabahan? Kinabahan ako para kay Claire, hindi para sa sarili ko. Tangina! Inaatas ni Rain ang task na bantayan ko ang mga galaw ni Marie Claire Clemente. Nalaman namin na ang babaeng kasama lagi ni Lj at ang anak ng leader ng Aces ay iisa. Sinadya kong mapa-lapit kay Clemente dahil inaatas nga siya sa akin ni Rain upang bantayan, pero ngayon, tangina, hindi ko alam bakit bigla akong kinabahan. Putcha Xander Clifford! "Huh? Hindi noh. Grabe ka naman mag-isip sa akin boss!" Pagbi-biro ko kay Rain kasabay nang isang pekeng tawa. Awtomatikong umangat naman ang kilay nito sa akin. "I know you from head to toe, Del Valle. Don't let your guard down and be fooled by that girl." He hissed. Napa-ngiwi na lang ako. Am I letting my guard down? Hindi naman pero tangina lang kasi. Ilang linggo ko palang nakikilala si Claire pero ibang-iba siya sa tatay niya. Sa ilang linggo pagsama-sama ko sa kaniya upang palihim siyang bantayan ay unti-unti ko siyang nakilala. She's so angelic. Well, sometimes, she's hard to get a hold of, but Claire is one of a kind. She may look tough on the outside but she's soft inside. Hindi na ako magta-taka kung bakit naging mag-kaibigan sila ni Lj. That girl also had a tiger-liked attitude. "I have one more task for you, Del Valle." Saad ni Rain sa akin. Tumingin ako sa kaniya at kita kong umayos siya nang pagkaka-upo. "What is it?" Biglang sumiryoso ng husto ang mukha ni Rain. Kita ko rin ang bahagyang pag-igting ng kaniyang panga. Oh! He's back on being pissed again. Putcha! Sino bang Poncho Pilato ang nang-inis dito kay Rain?! "Dig some information about that Maverick." He said in greeting teeth. My forehead immediately creased. Sino bang Maverick yan?! Una si Lj ang pinagkaka-interesan niya, ngayon naman 'yong Maverick. Potek! At bakit ako na naman? Ang dami naman naming tauhan, bakit ako na naman ang inutusan niya? Nas-stressed na ako dito kay Rain. Hindi na ako nagka-lovelife dahil sa kaniya. Paniguradong marami ng kababaihan ang umiiyak at nasasawi sa pag-ibig kakahintay sa kagwapuhan ko. Tsk. "Hehe bakit ako, boss? Hindi ba pwedeng si Lance naman?" Saad ko. Si Lance 'yong isa naming kasama sa grupo. Kung ako ang kanang kamay ni Rain, ay siya naman ang kaliwa. Magaling sa technology si Lance kaya siya ang hacker at taga-data and system breach namin. Sumama naman agad ang mga titig ni Rain sa akin. Putcha! Sabi ko nga ako na eh. Ako na lahat. "Sabi ko nga ako na." At peke akong tumawa. Napa-irap naman si Rain at muling sumandal. "Pero sino ba itong Maverick na 'to at pinagdi-diskitahan mo boss?" Usisa ko. Kanina pa talaga ako nacu-curious kung sino ba talaga iyong Maverick na iyon at kung anong ginawa niya kay Rain at pikon na pikon ito. "He's Lj's friend, I think." He said. Then I remembered something. I think, I already saw this Maverick guy. Parang nakita ko na siyang kasama ni Lj sa Library? If I'm not mistaken. "And I think Lj has a f*****g crush on that bastard." He hissed. Bigla namang nanglaki ang mga mata ko. So, what's his deal about it then? Don't tell me nagse-selos siya? Woah! I thought he was just toying with Lj. Why the f**k he is acting like a jealous s**t? "So, what do you want me to do him?" I asked. Tumingin naman sa akin si Rain. "Just dig some information about him." Tumango-tango naman ako. Hindi talaga ako maka-paniwala sa kinikilos ni Rain ngayon. Simula nang makilala niya ang Lj na iyon ay pansin ko ang unti-unting pagba-bago sa mga kilos niya. I've known Rain eversince we were kids at ngayon ko lang siya nakitang nagka-ganito nang dahil lang sa isang babae. Ngayon lang din siya nagka-interes and I hope that his interest with her will not make the other one suffer. Magulo ang buhay namin, lalo na ang kay Rain and I don't want Lj to get involved. Masiyado pang magulo ang lahat para umibig. It will surely make the other one suffered if ever. And it's a big no for me. Pero siyempre ang desisyon pa rin ay manggagaling kay Rain. If he can't helped his self falling in love with Lj, then so be it. Alam ko namang p-protektahan niya si Lj if ever man, but I just hope that Lj will feel the same way about him. Masiyado nang madilim ang mundo ni Rain and as his partner/best friend, ayokong mas lalo pang dumilim ang buhay niya kung hindi siya matatanggap at mamahalin ng unang babaeng mamahalin niya. Rain may look unbearable and unbreakable outside, but he's more than that on the inside. He deserves more, more than our dark world. "And one more thing." He said. Ano na naman? Marami naman kaming tauhan bakit ako na naman?! Puro ka-gwapuhan ko na lang ata ang nakikita nitong si Rain eh. "Check Lj if she's okay. f**k why the hell did she f*****g cry?" Napipikong saad niya. Napa-iling na lang ako. "Okay." Mukhang umiibig na ang isang bato na si Rain Park. I just hope that they will not end up hurting each other. Louise Jadelyn's Point of View "Hey Lj. Stop crying." Pang-aalo ni Claire sa akin habang hinahagod niya ang aking likod. Kanina pa ako iyak ng iyak dahil sa pesteng dilim na iyon na si Rain. Naiinis ako sa kaniya! Bakit niya sinabing girlfriend niya ako sa harap mismo ni Maverick?! Hindi ba niya alam na gustong-gusto ko ang taong iyon and now what?! I just blew my chance on him. "Ano ba kasing nangyari?" Claire asked me. Andito kami ngayon sa garden at kanina niya pa ako pinapatahan. But I just couldn't. "I just blew my chance on Maverick!" I said between sobs. Naiinis talaga ako! Ang tagal ko nang pinapangarap si Maverick tapos mawawala lang sa isang iglap dahil demonyong Rain na iyon! Isa talaga siyang dilim sa buhay ko! "What? Why?" Kunot-noong tanong ni Claire sa akin. Kaya naman inihayag ko ang buong detalye nang nangyari kanina habang wala siya. Hindi rin naman daw siya pinuntahan ni Maverick kanina. Siguro mag-isa na lang itong kumain. Kawawa naman ang Maverick ko! Kasalanan talaga lahat ito ng dilim na iyon eh! "Talagang gagawin niya ang lahat maging girlfriend ka lang niya huh. How bold of him." Naiiling na pahayag ni Marie Claire sa akin. Napa-nguso ako habang pinupunusan ko ang mga luha ko. "Buwisit talaga ang dilim na iyon! Ayaw niya akong tigilan." Naiinis na reklamo ko. Tumitig naman sa akin si Marie Claire. "Ano ba kasing ginawa mo sa kaniya at hinahabol-habol ka niya?" Takang tanong niya sa akin. "Did you do something wrong to him? Or dahil ba sa binato mo siya ng sapatos the first you met each other?" She added. Natahimik naman ako. As much as I wanted to spill Rain's murderous crime, I can't. Nangako ako kay Rain na hindi ko ipagsa-sabi ang nakita ko and I don't want to break my promise. I know what Rain is capable of. Nako-konsensiya ako sa naulilang pamilya ng lalaking kinuhaan ni Rain ng buhay, but I really just can't spill his tea. I'm sorry. "W-wala. Siguro dahil sa binato ko siya ng sapatos." Pagsi-sinungaling ko at kinagat ko ng marahan ang ibabang labi ko. Bumuntong-hininga naman si Claire. "Napaka-babaw para ganyanin ka niya. He's so immature." Ismid niya. Hindi na lang ako umimik. Hays talagang pinag-sisihan ko pa rin hanggang ngayon kung bakit ako nagpa-iwan that time. Nasaksihan ko tuloy ang isang bagay na hindi ko naman dapat masaksihan. "What are you two doing here?" Nagulat kami ni Claire nang biglang may nag-salita sa likuran namin. Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko. "Xander." Patukoy ni Claire sa taong dumating. Lumingon ako and I saw Xander standing behind us with two carton of juice on his hand. "Oh." Atsaka niya ibinigay ang isa sa akin at ang isa ay kay Claire. Kinuha ko naman iyon at nagpa-salamat habang umupo naman si Xander sa tabi ni Claire. Napa-nguso ako. Naging close na talaga silang dalawa. I don't know how it happens but I'm just glad that Claire starting to open up her self to somebody else. I just hope that Xander has a good intension with my best friend. Kung hindi, talagang babalian ko ng buto ang lalaking 'to kasama ng dilim niyang kaibigan. "I heard about the news. Congrats." Ani Xander at ngumisi siya sa akin. Sumimangot naman ako. "Tss tigilan mo ko Xander baka maibalibag kita ng wala sa oras." Angil ko kay Xander na napa-ngiwi sa sinabi ko. "Mas nakaka-takot ka kaysa kay Rain. Tsk." Aniya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Huwag mo ngang binabanggit sa akin ang pangalan ng dilim na iyon." Angil kong muli sa kaniya. Natawa naman siya sa sinabi ko. "Wait. What did you call him?" He asked in between laugh. "Dilim." Simpleng sagot ko. Humagalpak naman ng tawa si Xander. Nagka-tinginan kami ni Claire at napa-kibit-balikat na lamang. Anong nakaka-tawa sa dilim? Nababaliw ata itong si Xander eh. Parehas sila ng kaibigan niyang dilim na may saltik sa ulo. "Damn! Rain will surely get shocked to hear that." He said, still laughing. "He already heard me calling him that way," I said. Agad na napa-tingin naman sa akin si Xander. "And what was his reaction?" He asked. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maalala ko kung paano mala-kulob na sumigaw si Rain kagabi sa galit nang tawagin ko siyang dilim. "He got mad and growl like a wolf." I said, chuckling. Muling tumawa si Xander. Si Claire naman ay biglang bumaling sa akin. "What? Mag-kasama kayo kagabi?" Gulat nitong tanong sa akin. Bigla naman akong natigilan. Oops! Oo nga pala't hindi alam ni Claire na pumunta ako sa bahay ni Rain kahapon upang alagaan ang dilim na iyon. I guess I'm busted! Tumingin ako kay Claire at alanganing tumawa habang si Xander naman ay napa-ngisi. "Louise Jadelyn Min! Anong ginawa mo sa bahay ni Rain Park kagabi?" Naniningkit na mga mata na tanong ni Claire sa akin. "Huh? Wala noh!" Mabilis na sagot ko. Tumawa naman si Xander. "Rain had a fever and as his girlfriend, it's Lj's responsibility to take of her boyfriend." He said, smirking. Halos hindi namana ko maka-paniwala sa narinig ko. Girlfriend? Hindi ako girlfriend ng dilim na iyon noh! Bakit?! Hindi naman ako pumayag ah! Rain just declared it without my permission! Parang hindi naman kumbinsido si Claire dahil naniningkit pa rin ang mga mata nito sa akin. Ngumuso ako. "Marie Claire Clemente totoo ang sinabi ni Xander. Rain called me yesterday to cook for him. He's too weak to make food for himself that's why he asked me to come over." Pag-amin ko. Mas lalo namang sumingkit ang mga mata ni Claire sa akin. "And when did you start caring about him? Akala ko ba ayaw mo sa kaniya. Kanina lang umiiyak ka dahil wala ka ng chance sa kakambal ko, then malalaman ko inalagaan mo pala si Rain kahapon. Ano ba talaga Louise Jadelyn huh?" Asik sa akin ni Claire. Bigla namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Claire. "Hey! I still like Maverick! It's just that I feel bad about Rain kaya pinuntahan ko siya kahapon." I feel bad because he clean his huge house all alone! Nako-konsensiya pa rin ako duh! "Wait. Who is Maverick?" Takang tanong ni Xander. "My twin brother na matagal ng gusto ni Lj." Sagot naman ni Claire. Napa-tango-tango naman ito. "Oh, I see. Damn!" Pagka-tapos ay bumuhanglit ng tawa si Xander na ipinag-taka naman namin ni Claire. Kanina pa tawa ng tawa itong si Xander. Nababaliw na ba ang isang 'to? "What's funny?" Takang tanong ni Claire. Umiling naman si Xander habang pinupunasan niya ang iilang luha sa kaniyang mga mata dahil sa labis na pag-tawa. "Nothing. f**k. We're hitting two birds in one stone, I see." He whispered. What does he mean? Mag-tatanong pa sana ako nang biglang tumayo na si Xander. "I'll go ahead, ladies. May klase pa ako. I'll see you two around." Paalam niya sa amin. And before we can say anything ay nag-lakad na paalis si Xander. He's still laughing like a psycho. Ano naman kayang nakaka-tawa sa nalaman niyang kapatid ni Claire si Maverick? Weird. But back to the main topic, my heart still aches to know that Maverick thought I'm already in a relationship with that Rain Park. Humanda talaga sa akin ang Rain Park na iyan! Gusto niya pala ng laro! Then, I'll give him the game he wants to play. Someone's Point of View "Boss nahuli namin ang isang 'to na nagma-manman sa labas." At itinulak papasok ng isa kong tauhan ang isang gwapong binatilyo, dahilan upang bumagsak ito sa carpeted floor ng aking opisina. "Tangina kailangan talaga itulak! Kapag nasugatan ang gwapo kong mukha, humanda kayo sa akin." Asik nito sa aking mga tauhan. Naka-gapos ang dalawang kamay nito sa kaniyang likuran kaya naman hirap itong maka-galaw. "Tauhan ka ng Black Alpha?" Tanong ko sa kaniya. Ang mga siko ko ay naka-tukod sa aking lamesa habang malamig na naka-tingin sa lalaking naka-upo sa sahid. Ngumisi naman ang lalaki. "Halata ba?" Maangas nitong sagot sa akin. I smirked. Black Alpha really got guts huh. "Umayos ka ng sagot sa boss namin, bata!" At akmang susuntukin na sana ng tauhan ko ang binatilyo nang pigilan ko ang mga ito. "Let him be." Utos ko. Nginisihan naman ng binatilyo ang mga tauhan ko. "So, mukhang pinadala ka ni Rain dito para manmanan ako." Naka-ngising pahayag ko sa binatilyo. Hindi naman ito sumagot kaya nagpa-tuloy ako. "Too bad I caught you. Do you think your boss will come to your rescue?" Nang-aasar na tanong ko sa kaniya. Pero imbes na matakot ay nagawa niya pang ngumisi sa akin. Agad na nangunot ang noo ko. "That's what you thought." Naka-ngising bulong niya. And before I can make my move, the guy immediately throw a smoke grenade, covering the whole room with huge and thick smoke. Nagka-gulo ang mga tauhan ko at miski ako'y hindi rin maka-anig sa kapal ng usok na bumabalot sa buong kwarto. "I'm not Lancelot Axel Monteverde for nothing." Mabilis akong bumaling sa aking gilid at nakita ko ang binatilyong tauhan ng Black Alpha na naka-ngisi sa akin habang pinapakita niya sa akin ang isang flash drive na hawak niya. Pagka-tapos ay mabilis itong tumungo at tumalon sa bintana na nasa likuran ko lamang. Agad na nang-laki ang mga mata ko. How come?! "Nasaan na iyon?" Rinig kong saad ng mga tauhan ko. Habang ako ay bahagyang naestatwa sa ginawa ng binatilyong iyon. Paano niya nagawa iyon?! Damn that bastard! "Boss naisahan tayo!" Saad sa akin ng mga tauhan ko. Agad na naikuyom ko ang mga kamao ko. Lintik na Black Alpha yan! Hindi talaga sila kumukupas. Mula noon hanggang ngayon. At isa palang Monteverde ang isang iyon. Mukhang napa-laki at sinanay ng maayos ng mag-asawang Monteverde ang anak nila para ito ang pumalit sa pwesto nila sa Black Alpha. Napa-ngisi ako at maya-maya lang ay napa-bunghalit na rin ng tawa. Mag-mula sa mga magulang hanggang sa mga anak huh. I see. Mukhang nakuha din ng boss nila ang galing at talino ng mga magulang nito. This is exciting. "Boss hahabulin ba namin?" Tanong ng mga tauhan ko. Tumingin ako sa kanila at ngumisi. "Don't. Let him be." Sagot ko. Aapila pa sana ang tauhan ko nang muli akong mag-salita. "Instead, I have a task for you." I said, smirking. "Follow Rain Park and know his whereabouts."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD