KABANATA 6

4439 Words
KABANATA 6 Louise Jadelyn's POV Naka-nguso ako habang naka-patong ang aking ulo sa lamesa dito sa library. Pilit ko mang ibaling ang atensyon ko sa librong binabasa ko ngunit pilit pa ring pumapasok sa aking isipan ang impormasyong sinabi ni Xander sa akin.  Nilagnat si Rain Park dahil nilinis niya ang buong bahay nila. Ang pagka-laki-laking bahay nila ay nilinis niyang mag-isa. Aish! Bakit naman kasi hindi na lang siya kumuha ng home cleaning service, 'di ba? Talagang siniryoso niya ang paagli-linis sa malaking bahay na iyon.  Ewan ko kung bakit pero inuusig ako ng aking konsensiya. Bakit parang kasalanan ko pa nilagnat ang lalaking iyon dahil sa pagli-linis? Urg!! "Aish! Buwisit talaga yung lalaking iyon. Akala ko naman matiwasay at payapa na ang buhay ko, iyon pala ay hindi." Naiinis na bulong ko sa aking sarili at ganoon na lang ang gulat ko nang saktong pag-angat ko ng aking ulo ay tumambad sa akin si Maverick.  "Oh my God!" Naibulaslas ko sa gulat. Ang lapit kasi ng mukha niya sa akin. Kitang-kita ko tuloy kung gaano siya ka-gwapo.  Meet Maverick Chaim Clemente, ang gwapo at crush na crush kong kakambal ni Marie Claire. I met him when Marie Claire brought me to their house para ipakilala sa pamilya nila. We were just in high school then when I first met him and believe me or not, I kinda got love at first sight with him. Who wouldn't? He has this charming and vibrant around him. Parang lumiliwanag ang paligid sa tuwing nakikita ko siya. He has a pair of amber almond-shaped eyes. A straight nose, and a symmetrical pink lips. Mala-boy next door ang datingan niya kaya naman nabihag niya agad ang aking puso.  He's every woman's dream at isa na ako sa mga nangangarap na mapa-sa akin siya.  "Lost in your own thoughts, huh? Sino ba yang nangbu-buwisit sa'yo?" Natatawang pahayag niya habang umuupo sa kaharap na upuan ko.  Hindi naman agad ako nakapag-salita. Busy pa ako sa pag-titig sa kaniyang gwapong mukha. I really love it when he smiles. Pati kasi kaniyang mga mata ay ngumingiti rin kasabay ng kaniyang mga labi. It makes him look like more charming.  "Earth to Lj?" Nabalik ako sa reyalidad nang biglang ikaway ni Maverick sa aking harapan ang kaniyang kamay. I blink for a second and found him laughing at me, amusement is written on his face. I flushed.  Nawawala talaga ako sa aking sarili kapag kaharap ko si Maverick. I have been into him since I was in my first year of high school and this crush of mine has been growing inside me as time goes by.  He's my ultimate crush, my one and only.  "Mukhang matindi ang ginagawa ng taong nambu-buwisit sa iyo ah." He chortles in a breathy way. Napa-simangot ulit ako ng maalala ko si Rain. Aish! "Sinabi mo pa." Naka-simangot na bulong ko. Narinig ko naman ang mahinang pag-tawa niya.  Ganito si Maverick. He always smiles whenever he's with us. He always has this bright and lively aura with him. Kaya din siguro ang daming babae ang nahuhumaling sa kaniya, dahil bukod sa napaka-bait at napaka-gentleman man niya, ay napaka-charming din ng dating niya. It's refreshing and yes, warmth. Bonus pa iyong matalino siya at magaling mag-laro ng basketball. Malayong-malayo sa Rain Park na iyon na hindi ko alam kung anong meron sa kaniya at bakit nagkakandarapa ang mga kababaihan sa tulad niya. Tsk! Kung malalaman lang talaga nila na isang gangster ang lalaking hinahangaan nila! Well, sabihin na nating gwapo talaga si Rain. Oo na, gwapo talaga siya okay! Aminado naman akong gwapo si Rain. Compare to Maverick, bad boy ang datingan ni Rain na talaga namang plus pogi points sa mga kababaihan, pero urg! He's attitude and over all personality sucks! Iyon ang nilamang ni Maverick sa kaniya.  Aish! Pero bakit nga ba kinukumpara ko si Rain kay Maverick?  "Sino ba yang nangbubuwisit sa'yo?" Maverick asked me. And I just frown. "Nevermind. Hindi mo rin naman siya kilala kahit sabihin ko sa'yo." And I sneered.  Maverick just let out a heartily chuckles as he shook his head on me.  "How are you? Long time no see. Kinda busy these past few days eh." He said. Tinignan ko naman siya. Sa pagkaka-alam ko kasi ay busy siyang mag-training para sa darating na National Championship. "Yeah, I know and I'm fine. Kamusta pala ang training?" Tanong ko naman sa kaniya.  Bumuntong-hininga naman siya at halata ang pagod sa kaniyang mukha. Siguro todo-ensayo sila. And as a team captain, alam kong nasa kaniya ang pressure. Hays kawawa naman ang Maverick ko.  "So far so good. Nakaka-pagod pero kaya naman." At isang matamis na ngiti ang binigay niya sa akin. Hindi ko rin maiwasang hindi mapa-ngiti. This is what I like about him. He's always positive about everything and he's also very hard-working. Napaka-swerte ng mga ka-team mate niya sa kaniya.  "Don't forget to take some rest," I said as I look at him worriedly. Ngumiti naman si Maverick sa akin, flashing his set of pearly white teeth. "Thank you for being so thoughtful. And yes, I'll find time to take some rest." Aniya.  Umiling naman ako habang nangingiti. "Wala iyon. Tiyak na mag-aalala si Marie Claire kapag nalaman niyang pinapabayaan mo ang sarili mo." Sa kanilang dalawa kasi, si Marie Claire ang matanda ng ilang minuto. At simula ng mawala ang kanilang ina, naging responsibilidad na ni Marie Claire na asikasuhin si Maverick at ang papa niya.  Marahan namang tumawa si Maverick. "Yeah, I know." Saad niya. Nagka-titigan lang kami at napa-ngiti sa isa't isa.  Iba talaga yung pakiramdam ko kapag kasama ko si Maverick. Ang gaan-gaan lang sa pakiramdam. Pakiramdam ko gumaganda yung paligid ko at lumiwanag kapag andiyan siya. Lalo na kapag ngumingiti siya, ang sarap sa pakiramdam. Para akong lumulutang sa mga ulap sa tuwing kasama ko si Maverick.  Pero talaga namang kapag may liwanag, meron ding dilim at ang dilim na iyon ay walang iba kung hindi si Rain Park.  Napa-igtad kaming parehas ni Maverick nang biglang tumunog ang aking cellphone. Napa-tingin tuloy ang mga iilang estudyante na andito sa library at naniningkit na naman ang mga mata ng librarian habang naka-titig rin sa akin.  Nahihiyang napa-yuko na lang ako habang kinukuha ko ang aking cellphone. Unknown number iyon. Sino naman kaya ang talipandas na tumatawag at sumira sa titigan namin ni Maverick?! Alanganin naman akong tumingin kay Maverick na tila ba humihingi ako ng paalam na sasagutin ko lang ang kung sino mang Poncio Pilato na ito.  Ngumiti naman si Maverick sa akin at tumango. "Sige na sagutin mo na muna." Alanganin lang akong ngumiti sa kaniya at sinagot na ang tawag.  "Hello?" I whisper.  "What took you so long to answer your goddamn phone?" Isang baritonong boses ang narinig ko mula sa kabilang linya. Napa-kunot-noo ako. Kilala ko na ang boses na 'to.  Sino? Edi ang dilim na si Rain Park! Urg! "Paano mo nakuha ang number ko?" Mahinang asik ko sa kaniya. Bumaling ako kay Maverick at nakita kong naka-titig siya sa akin kaya naman alanganin ko siyang nginitian.  "I have my ways, woman." Siryosong saad ni Rain sa kabilang linya. Grr! Panira talaga ng araw 'tong lalaking 'to eh. Marinig ko lang ang pangalan o boses niya ay talagang nasisira na ang araw ko.  Magsa-salita na sana ako nang marinig kong umubo si Rain. Naalala kong may sakit nga pala ito. Bigla na naman tuloy akong nakaramdam ng konsensiya. Bakit ba ako nako-konsensiya eh hindi ko naman kasalanan na nilinis niyang mag-isa ang pagka-laki-laki nilang bahay? I bite my lower lip out of guiltiness.  "A-ano bang kailangan mo?" Mahinang tanong ko. Rain cleared his throat first before speaking.  "Can you come over and bring me something to eat? My fever has worsened and I can't bear to cook on my own right now." He said. His voice is a little bit hoarse and I can feel his weakness.  I sigh. Sino ba naman ako para tumanggi? I mean, pagbi-bigyan ko ang isang ito ngayon dahil may sakit siya.  "Sige. What do you want to eat?" I asked as I started cleaning up my things. Nagta-taka naman akong tinignan ni Maverick. Urg! Minsan na nga lang kami mag-kita ulit ni Maverick tapos heto't aalis pa ako huhu.  "I want a chicken soup." Tumango naman ako kahit hindi niya nakikita. Hmm chicken soup. Pwede ko siyang ipagluto na lang non. Bibili na lang ako ng ingredients.  "Okay. What else?" I asked. Baka kasi may gusto pa siyang ipabili eh.  "Nothing else. Just come over quickly. Bye and take care on your way here." At bago pa ako maka-sagot ay binaba na ni Rain ang tawag. Napa-iling na lang ako. May pagka-bastos din talaga itong si Rain noh? "You're going already?" Takang tanong naman ni Maverick sa akin habang isinusukbit ko ang aking bag sa aking balikat. Tumango naman ako sa kaniya. "Oo eh. Ah may inuutos kasi si ate sa akin." Pagsisinungaling ko. Alangan naman sabihin kong mag-aalaga ako ng may sakit ngayon. Ayokong malaman niya na nauugnay ako kay Rain.  Mukhang hindi naman nakakaabot pa sa kaniya ang balitang kumakalat tungkol sa amin ni Rain at huwag naman sana. Ayokong ma-misunderstand ni Maverick ang bagay na iyon. Gustong-gusto ko talaga si Maverick and I don't want to blew my chance on him.  "Ganoon ba? Do you want me to accompany you? Hatid na kita." Alok niya at sabay na kaming tumayo. Napaka-gentleman talaga niya. Mas lalo akong nahuhulog. Umiling naman ako kahit gusto kong maka-sama pa siya. "Hindi na, Mav. Dala ko naman yung scooter ko atsaka baka may practice ka pa." Saad ko.  Lumakad na kami palabas ng library. "Nah, it's okay. Makakapag-hintay naman ang mga team mates ko and I think pabor sa kanila na matagalan ako sa pag-balik dahil masyado na kaming nabubugbug sa training. Kailangan din nilang makapag-pahinga." He said and smiles at me. Ngumiti naman ako. "I know, pero promise huwag na. Mag-pahinga ka na lang din, okay? Sige na mauna na ako, baka hinihintay na ako ni ate." I said as I gave him a fake smile. Hinihintay na kasi ako ng dilim. Iyon sana ang gusto kong sabihin.  Maverick flashes me a knowing smile as I wave good bye to him. Dumiretso na ako sa parking lot at sumampa sa aking scooter. Tanda ko naman yung daan papunta kela Rain kaya kumpiyansa akong hindi maliligaw.  I started the engine and drive down the streets on my way to the nearest grocery. Bumili lang ako ng mga ingredients para sa chicken noodle soup na hinihiling ni Rain at ng iilang snacks for me. Bumili na rin ako ng fever cooling patch in case na mataas nga ang lagnat ni dilim.  Pagka-tapos mamili ay dumiretso na ako sa bahay ni Rain. Mabilis lang akong nakarating sa bahay ni Rain dahil hindi naman iyon kalayuan sa grocery na pinag-bilhan ko. Pinark ko lang ang motor ko sa tapat ng gate nila at bumaba na. I just stared at the house with a huff for a minute before going inside.  Namangha naman ako pag-pasok ko. Ibang-iba na ang itsura ng bahay noong una at huli ko itong makita. No more cobwebs on the ceiling and the furnitures aren't cover with white cloth anymore. Rain really outdone this one huh.  Urg! Eto na naman iyong konsensiya ko. Malay ko ba kasing siryoso talaga siya noh! Anyway, nasaan na ba ang lalaking iyon? "Rain?" Tawag ko sa pangalan niya. Napa-igtad naman ako ng may biglang may mag-salita.  "How long will you stare there like an idiot?" Napa-tingin ako sa hagdanan at nakita ko doon si Rain naka-tayo habang naka-simangot na naka-titig sa akin.  I frown. Maka-idiot naman 'tong isang ito, akala mo hindi siya nanghi-hingi ng pabor sa akin! Eh kung umuwi na kaya ako at pabayaan na lang siyang magutom. Tsk! Pasalamat siya mabait ako at nakakaramdam ako ng konsensiya kahit hindi naman dapat.  "Oh nakaka-tayo ka naman pala? Bakit pinapunta mo pa ako dito?" Masungit na tanong ko sa kaniya habang bitbit ko ang mga pinamili ko.  Para bang hindi naman niya inaasahan ang sinabi ko at bahagya siyang nagulat. He narrowed his eyes on me. "I didn't say that I cannot stand nor walk, I said I can't cook on my own." And he shot me a glare.  Napa-irap naman ako. "Whatever! Saan ba ang kusina huh? Ang bigat nitong dala ko  duh!" Asik ko sa kaniya. Narinig ko naman ang bahagya niyang pag-ismid sa akin. "Over there." Atsaka niya tinuro ang isang pasilyo. Inismiran ko lang din siya at tumungo na ako roon.  Malinis na kusina ang tumambad sa akin pag-pasok ko. Walang kahit na anong hugasin or kalat man lang ang makikita. Wow malinis din naman pala sa bahay ang lalaking ito eh. Buti naman kung ganoon.  Inilapag ko na ang pinamili ko sa counter at isa-isang inilabas iyon mula sa paper bag. "Anong ginagawa mo rito?" Masungit na tanong ko kay Rain nang mapansin kong pinapanood niya ako mag-handa ng aking lulutuin. "This is my house. Am I not allowed to dawdle here?" Pilosopo niyang sagot sa akin. Tinigil ko naman ang paghi-hiwa ko ng manok at pinukulan siya ng isang masamang tingin.  "May sakit ka 'di ba? Umakyat ka nga sa kwarto mo at mag-pahinga!" Asik ko sa kaniya. Hindi naman siya sumagot at sa halip ay tumititig lang siya sa akin.  Eto na naman yung kakaibang pakiramdam ko sa tuwing ginagawa niya ito. Iba talaga ang naidudulot ng mga titig niya sa akin. Hindi ko ma-explain ng maayos yung feeling but it sure does give me some chills all throught out my body. Nanunuot sa kasuluk-sulukan ko ang mga titig niya. Urg! Minsan ang creepy nitong si Rain! I know how dangerous of a person he is, that's why I can't help but feel uneasy around him.  "Tsk. Just hurry up. I'm f*****g hungry." Anito at lumabas na ng kusina. Tignan mo itong lalaking 'to! Hindi ko talaga mabasa kung anong tumatakbo sa utak niya! Ang hirap-hirap niyang basahin.  Napa-iling na lang ako at bumalik na sa aking ginagawa. Gusto ko na rin umuwi kaya bibilisan ko na. Ayoko mag-tagal dito noh! Ayokong mag-tagal sa tabi ni Rain. Iba talaga ang pakiramdam ko kapag nasa paligid ko ang lalaking iyon. Ilang minuto lang din ang lumipas ay natapos na ako mag-luto. Napa-ngiti naman ako dahil naaamoy ko ang chicken soup na niluto ko. Ang bango-bango! Pati tuloy ako ay nakakaramdam ng gutom. Pero hindi! Sa bahay na lang ako kakain. Ayokong bawasan ang niluto ko para may kakain pa si Rain kung sakaling magutom ulit siya. Kakayanin naman siguro niyang mag-init ng pagkain 'di ba? At para hindi na rin ako pumunta dito.  Pagka-tapos kong ihanda ang food tray ni Rain ay umakyat na ako sa kaniyang kwarto. Kaso may problema. Hindi ko alam kung saan ang kwarto niya. Tatlong palapag kaya ang bahay na ito at hindi ko alam kung saang floor ang kwarto ng lalaking iyon.  "Aish! Pahirap talaga sa buhay ang lalaking iyon!" Naiinis na bulong ko sa aking sarili. I just let a huffed and make my way to the second floor.  Malawak na sala na may engrandeng piano sa gilid ang tumambad sa akin pag-akyat ko. Ang ganda pala talaga ng bahay na ito. Kaso nakaka-lungkot isipin na sa laki ng bahay na ito, isang tao lamang ang naka-tira.  I wonder what happened to Rain's family? Nasaan na kaya ang mga magulang ni Rain at bakit mag-isa lang siya dito? Atsaka bakit kaya napabayaan ang bahay na ito noong unang dating ko dito? Siguro nasa abroad ang mga magulang ni Rain.  Napa-kibit balikat na lang ako at nagpa-tuloy na ako sa pag-iikot sa pangalawang palapag ng bahay. Pumasok ako sa isang pasilyo na may naka-hilerang tatlong pinto. Eto na siguro yung mga bedrooms. Pero saan naman kaya dito ang kwarto ni Rain? Nag-lakad pa ako hanggang sa makakita ako ng isang pinto na bahagyang naka-uwang. Sumilip ako roon at laking tuwa ko nang makita ko si Rain. Siguro sinadya talagang iwan ni Rain na naka-bukas ang kaniyang pinto para mahanap ko ang kwarto niya.  May tinatago rin palang kaunting kabutihan ang lalaking ito eh. Napa-iling na lang ako habang nangingiti. Kumatok ako ngunit wala akong nakuhang sagot mula kay Rain kaya naman tumuloy na ako sa kaniyang kwarto.  Pag-pasok ko sa loob ay makapal na kurtina agad ang bumungad sa akin. Ang kapal nung kurtina niya na talaga namang nahaharangan ang sinag ng araw. Wala tuloy liwanag ang kwarto niya. Tapos puro itim at puti pa ang kulay ng mga gamit niya. Anak ba ng dilim itong si Rain? Para siyang takot na takot sa araw. O baka naman bampira iton si Rain?  "Rain,  kumain ka na." Aniya ko pagka-tapos kong ilapag ang tray ng dala kong pagkain sa bedside table niya. Naka-higa si Rain sa kaniyang kama at mukhang naka-tulog siya sa kakahintay ng kaniyang pagkain.  Napa-tingin ako sa naka-higang bulto niya at ewan ko kung bakit pero napa-titig na lang ako sa mukha niya. Ang gwapo pala talaga niya. Ang haba ng mga pilikmata niya, ang tangos ng ilong, at mapupulang mga labi.  Nakakatuwa lang isipin na mukha siyang anghel kapag tulog pero kapag nag-mulat na siya ng mga mata, kikilabutan ka sa mga titig na ibibigay niya. Hindi mo nga aakalaing kaya palang pumatay ng isang 'to eh. Sa gwapo niyang 'to? Wala sa hilatsa ng mukha niya na kaya niyang gumawa ng mga ganoong bagay.  Hays. Looks can really be deceiving, huh? "Ang gwapo mo sana kaso--" "Kaso ano?"  Nanglaki ang mga mata ko nang biglang mag-salita si Rain kasabay ng unti-unti nitong pag-mulat. Agad na bumungad sa akin ang kaniyang itim na mga mata. Ang mga pares na mga mata niya na ang lalim kung tumingin. Nakaka-lunod.  "Kaso ano, babae?" Rinig kong sabi ni Rain. Napamulagat ako at agad na umayos ng tayo. Umiwas rin ako ng tingin.  Shocks. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang lakas ng t***k ng puso ko.  "Hoy babae kinakausap kita!" Singhal ni Rain sa akin. Bumaling ako sa kaniya at sinimangutan siya. "Ang gwapo mo sana kaso sama ng ugali mo!" Aniya ko. Tsk! Bakit kasi gumising pa 'tong lalaking 'to eh. Sana matulog na lang siya ulit.  Napansin ko namang sumama ang titig niya sa akin dahil sa sinabi ko pero siyempre, hindi ako nagpa-tinag at sa halip ay pinanglakihan ko lang siya ng aking mga mata na tila ba hinahamon siya.  Inalis naman niya ang mga tingin niya  sa akin at napa-iling na lamang. Akala ata ng Rain na 'to maaapektuhan ako ng mga titig niyang iyon. Oh well, yes, it does affect me, but, I won't give him the satisfaction!  "Oh kumain ka na at uuwi na ako pagka-tapos." Saad ko atsaka ko inabot sa kaniya ang niluto ko. Umupo naman siya sa kaniyang kama at nangunot na lang ang noo ko ng hindi niya pansinin ang mangkok na inaabot ko. "Bakit? Ayaw mo bang kumain?" Takang tanong ko kay Rain.  Tumingin naman siya akin. "Feed me." He said. At halos mapa-nganga ako sa sinabi niya. Siryoso? Ako na nga ang nag-luto kailangan ako pa ang magpa-kain sa kaniya. Aba sinuswerte siya!  "Bakit kailangan subuan ka pa?! May kamay ka naman!" Asik ko. Rain crosses his arms over his chest as he gave me a tight-lipped look. Aish! Nakakatakot talaga kapag ganito siya tumingin eh. Feeling ko any minute mawawala ako sa mundong 'to.  "Oo na! Aish!" I said as I gave him an annoyed huffed. "Good." At nakita kong ngumisi si Rain. Talaga naman eh! Sabi na nga ba't inaasar lang ako ng lalaking 'to!  Wala akong nagawa kung hindi umupo na lang sa kama at pakainin ang dilim este si Rain. Maganang kumain naman ang huli. Parang ilang araw siyang walang kain.  Pagka-tapos kumain ay pinainom ko siya ng gamot at muling pinahiga. "Mag-pahinga ka lang tsaka uminom ka ng gamot every 4 hours para bumaba yang lagnat mo." Paalala ko sa kaniya. "Are you going home?" Tanong naman ni Rain sa akin. Tumango-tango ako habang nililigpit ko ang pinagkainan ni Rain.  "Yeah. Gabi na rin at may gagawin pa akong assignment." Sagot ko. Binitbit ko na ang tray pagkatapos at humarap kay Rain. "O'siya bababa na ako at aalis pagka-tapos kong hugasan ang mga 'to." Paalam ko sa kaniya. Hindi naman kumibo si Rain at sa halip ay naka-titig lang ito sa akin. Nag-taka naman ako. "Bakit?" I asked. Umiling naman si Rain. "Nothing. Do you want me to call Xander to get you home?" He asked. Agad naman akong umiling. "No need. Dala ko naman ang scooter ko." Sagot ko sa kaniya at binigyan siya ng isang kiming ngiti.  Tumango-tango naman siya. Nag-paalam lang ulit ako kay Rain atsaka tumalikod upang tunguin ang pinto. Ngunit bago pa man ako tuluyang lumabas ay muli akong bumaling sa huli. "What?" Takang tanong ni Rain nang mapansin niyang huminto ako.  Ngumiti naman ako sa kaniya na ikinanuot ng kaniyang noo. "Nga pala may nakalimutan akong sabihin. Para gumaling ka ng tuluyan, maging mabait ka. Pinagpapala ni Lord ang mga mababait." I said, grinning. "Iyon lang. Ba-bye dilim! Pagaling ka!" At hindi ko na hinintay pa ang reaksiyon niya at mabilis na akong lumabas.  Natawa na lamang ako ng marinig kong malakulog na sumigaw si Rain sa galit. Huh! Akala niya siya lang ang marunong mang-inis ah!  What goes around comes back around, baby! Bumaba na ako at tumungo sa kusina ng may ngiting tagumpay sa mga labi. Hinugasan ko lang ang mga pinag-gamitan ko at ang kinainan ni Rain bago umuwi.  Pag-labas ko ng gate ay tumingin muna ako sa malaking bahay ni Rain at ngumiti. "Get well soon, dilim."  ... "Lj!" Napatigil ako sa pagla-lakad nang marinig kong may tumawag sa akin. Lumingon ako at laking tuwa ko nang makita ko si Maverick na naka-ngiting tumatakbo palapit sa akin.  Ahhh! Buo na agad ang araw ko. Ang gwapo-gwapo niya talaga kahit pawisan siya at halatang galing sa practice nila.  "Hi Mav!" Bati ko sa kaniya pagka-lapit niya. He gave me a warm smile. "Hi. Kumain ka na?" Tanong niya sa akin. Umiling naman ako. "Hindi pa. Ikaw ba? Pawis na pawis ka teka." Saad ko at agad kong kinuha ang panyo sa aking bulsa upang iabot iyon kay Maverick.  Napa-tingin naman si Maverick sa panyo ko na tila ba hindi niya inaasahan iyon pagkatapos ay naka-ngiting kinuha niya iyon sa akin. "Thanks." He said. Naka-ngiting umiling naman ako sa kaniya. "Anyway, tara kain tayo. Tamang-tama lunch time na rin." Aya niya sa akin.  Well, sino ba naman ako para tumanggi sa grasya 'di ba? Minsan ko lang maka-sabay kumain si Maverick. Buti na lang talaga nag-paiwan si Marie Claire sa room dahil busy pa ito sa research paper niya kaya kaming dalawa lang ni Maverick ang magkasabay na kakain. I'll consider this once in a lifetime opportunity as  a date! "Let's go then. Bet you're already hungry from the practice." Natatawang pahayag ko sa kaniya. "You're right. I'm pretty hungry." He said, chuckling. "Tara." At inakbayan na niya ako papunta sa canteen.  Napa-yuko naman ako habang kagat-kagat ko ang ibabang labi ko para itago ang kilig na aking nararamdaman. Grabe! Ang bango-bango ni Maverick kahit pawisan siya kanina. Nakaka-in love yung amoy niya.  "Where are you taking my girlfriend?" Nabasag ang pagde-daydream ko nang marinig ko ang baritonong boses na iyon.  Tumigil kami ni Maverick sa pagla-lakad at lumingon. At napa-lunok na lamang ako ng makita ko si Rain na malamig na naka-tingin sa aming dalawa ni Maverick.  "Who's? Lj?" Takang tanong ni Maverick kay Rain pagka-tapos ay tumingin ito sa akin. Napa-ngiwi naman ako. Diyos ko! Bakit kailangan mangyari 'to? Masisira pa ata ang once in a lifetime chance ko. Huhu! "Sino pa ba?" At bago pa ako makapag-react ay mabilis na akong hinatak ni Rain papunta sa kaniya. Maverick look at us quizically.  Shocks! Gusto ko na lang magpa-lamon sa lupa! Bakit ganito? Sirang-sira na iyong chance ko kay Maverick huhu! "Lj? Is this true? May boyfriend ka na?" Maverick asked me, totally confused. Hindi agad ako maka-sagot. Gusto kong sumagot ng hindi. Gusto kong sabihin na hindi ko boyfriend ang lalaking 'to. Si Maverick lang ang gusto kong maging boyfriend. Pero paano ko gagawin iyon kung andito si Rain at ramdam ko ang madilim na awra na bumabalot sa kaniya? Katakot huhu.  "I think my girl is too shy to speak about us. But yes, it's true. We got together just last week. Right, babe?" And Rain narrowed his eyes on me. Giving me a look that I should agree with what he said.  Bumaling ako kay Maverick na taka pa ring naka-titig sa amin ni Rain. I sigh at the back of my mind as I nodded my head neglectfully.  "Oh! Is that so? Why you didn't tell me earlier?" Natatawang pahayag ni Maverick sa amin. Bakit ganoon? Parang masaya pa siya na malaman niyang may boyfriend na ako. Hindi ba't dapat malungkot siya? Pero bakit din naman siya malulungkot? As if naman may gusto si Maverick sa akin. Hays Lj! Hindi na lang ako sumagot at sa halip ay binigyan ko na lamang siya ng isang pekeng ngiti.  "O'siya hindi ko na kayo gagambalain pa sa lunch date niyo. Una na ako, Lj. Si Claire na lang aayain ko kumain. Congrats sa inyo!" He said, gleefully. Ngumiti lang si Maverick sa amin ni Rain at tumalikod na ito papunta kay Claire.  Habang tinitignan ko si Maverick palayo ay hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Habang palayo ng palayo si Maverick, pakiramdam ko palayo na rin ng palayo ang pangarap ko at ang taong matagal ko ng palihim na iniibig. Wala na. Wala na talaga akong pag-asa kay Maverick.  At lahat ng ito ay kasalanan ng lalaking nasa tabi ko.  "Let's go woman. I'm pretty hungry." Aya sa akin ni Rain. Inalis na niya ang pagkaka-akbay niya sa akin at naunan nang lumakad papunta sa canteen pero hindi ako sumunod. Nanatili lang akong naka-tayo habang tikom ang mga labi. Napansin ata ni Rain na hindi ako naka-sunod sa kaniya dahil huminto siya at tumingin sa akin.  "Hey ---" Nahinto siya sa pagsa-salita nang makita niya akong umiiyak. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Sorry, pero hindi ko maiwasang hindi maluha sa sama ng loob.  "Why are you crying?" Gulat na tanong ni Rain sa akin. Tumingin ako sa kaniya at isang masamang titig ang binigay ko.  "I hate you, asshole." At walang anu-ano, mabilis na akong tumakbo palayo sa kaniya.  I hate you, Rain! I super hate you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD