KABANATA 2

2065 Words
[Louise Jadelyn’s POV] “Lj! Bakit mo ginawa ‘yon?” Hindi maka-paniwalang tanong ni Claire sa’kin habang nasa loob na kami ng library. “Nainis ako eh. Napaka-arogante niya kasi.” Sagot ko habang hindi naka-tingin sa kaniya. Busy kasi ako sa pagpupunas dito sa mantsa na nasa uniporme ko. Nakakainis naman eh! Need ko pa tuloy ‘to ipa-laundry dahil grabe yung pagka-mantsa niya. “Loko ka talaga! Paano kung mabukulan yun? Or worse mag-karoon siya ng hemorrhage?” Tarantang tanong ni Claire sa’kin. I frown as I look at her. “Ang oa mo bess! Hindi naman ganoon kalakas yung pagkaka-bato ko atsaka isa pa magaan lang yung sapatos ko!” Saad ko sa kaniya. “Sssh!” Napa-tingin naman ako sa librarian na sumaway sa’min. Hehehe masyado palang napa-lakas yung boses ko. Tumingin ako kay Claire. “Atsaka mukha namang matigas ang ulo non kaya kahit batuhin ko pa ata ng bato ‘yon, hindi iyon tatablan.” Pilyang saad ko. “Lj!” And Claire narrowed her eyes at me. Napa-hagikhik na lang ako. Minsan talaga ang sarap ding asarin nitong si Claire. Feeling ko naman hindi nabukulan yung isang ‘yon sa ginawa ko, hindi rin siya magkaka-hemorrhage dahil magaan lang naman ang sapatos ko. Atsaka deserve ng lalaking ‘yon ang ginawa ko. Napaka-arogante eh! Akala mo kung sino! Pagka-tapos kong batuhin ng sapatos yung lalaki kanina ay umalis na din ito agad at hindi na niya ako pinatulan pa. Aba dapat lang! Siya naman ‘tong may kasalanan. Ang kapal na ng mukha niya kung papatulan niya pa ako noh! Nanumbalik sa’kin ang mukha ng lalaking arogante na ‘yon. He wears a cold expression and a pair of deep-set eyes. It’s blank and brooding. Nakaka-intimidate siya kung tumingin. And his nose? It’s straight and a bit aristocratic. His lips were form in a thin straight line. At yung jawline niya? Yeah, it’s perfect. Napaka-manly ng dating niya. Yung buhok naman niya ay may kahabaan ngunit bumagay sa hugis ng kaniyang mukha. Ang gwapo niya. Sa totoo lang muntik na akong matulala sa ka-gwapuhan niya. Alam niyo kung hindi lang siya arogante baka naging crush ko pa iyon eh! “Iniisip mo siya noh?” Narinig kong saad ni Claire sa’kin. Napa-maang naman ako sa kaniya. “Huh? Hindi noh. Never!” Tanggi ko kahit halatang-halata naman ako. Ngumiti naman ng nakaka-loko si Claire sa’kin. “Sus! Na-gwapuhan ka noh?” I frown as I averted my eyes from her. “H-hindi ah. Chaka niya!” Tumawa na lang si Claire at nag-focus na ito sa pagba-basa. Isang oras lang ang naging free time namin kaya after namin tumambay sa library ay dumiretso na kami sa pangalawang subject namin for this day. Naging mabilis lang ang takbo ng unang araw ng klase namin. Wala naman masyadong nangyari except na lang talaga doon kay arrogant guy. Nag-paalam na si Claire na mauuna na siya sa’kin umuwi dahil maaga raw siyang dinaanan ni Mang Ben, yung family driver nila. May kukunin pa kasi ako sa locker ko kaya pinauna ko na lang siya. Nakaka-hiya naman kasing pag-intayin si Mang Ben. Nasa locker room na ako ng biglang sumara ng kusa yung pinto. Kunot-noo akong nag-lakad sa may pintuan atsaka pinihit pa-bukas ang doorknob. “Huh?” Laking pagta-taka ko ng ayaw bumukas nung pinto. Parang may naka-harang na kung ano mula sa labas upang pigilan ito sa pag-bukas. “Hey! May tao ba diyan? Can you please open the door?!” Sigaw ko as I tried to open the door again but to no avail. Sino naman kaya ang Poncho Pilato na nag-sara ng pinto at nag-lagay ng harang sa labas? May nangt-trip ba sa’kin?! “Serves you right, b***h! Masyado kang pa-cool ah! Sino ka ba sa tingin mo para batuhin ng madumi mong sapatos si Rain?” Narinig kong saad ng isang boses ng babae sa labas mg pinto. Nangunot ang noo ko. Huh? Sino si Rain? Nababaliw na ba ang isang ‘to? “What are you talking? Wala akong kilalang Rain! Pwede ba buksan mo ‘tong pinto?” I said as I bang the door to open. “Hindi mo kilala si Rain?” Hindi maka-paniwalang tanong nung babae sa labas. Parang gusto ko manapok ng tanga. Magta-tanong ba ako kung kilala ko si Rain? Haler! Kaunting common sense naman! “Look okay! I don’t have any idea on who you are talking about. Wala akong kilalang Rain kaya pwede paki-buksan yung pinto?” Saad ko habang pinipigilan ko ang sarili kong masigawan ang kung sino man ang nasa likod ng pintong ‘to. “Huh! Maang-maangan ka pa diyan! Are you trying to look cool to us? Siya lang naman yung binato mo ng sapatos kanina b***h!” Naiinis na sagot nito sa’kin. Oh! Rain pala ang pangalan ng lalaking ‘yon? Akala ko arrogant eh. “Manigas ka diyan sa loob! Bukas ka na makaka-labas! Stupid!” At bago pa ako makapag-react ay naka-rinig na ako ng mga papalayong yabag.  “H-hey!!! Open the damn door you b***h!!” At pinagkakalampag ko na yung pintuan. Wala na! Talagang lumayas na yung babaitang nag-lock sa’kin dito. Ano ba naman?! Bakit naman ganito ang first day ko?! s**t naman! Parang ang malas-malas naman ng unang araw ng semester na ‘to! Naiinis na tinadyakan ko na lang ng malakas yung pintuan. Naiiyak na ako kasi gusto ko ng umuwi atsaka natatakot na ako dito. Kinuha ko yung phone sa bulsa ko at halos mawalan ako ng pag-asa nang makita kong walang ka-signal-signal dito sa loob. “Urg! Nakakainis naman. Sana hindi na lang ako pumunta rito.” Parang bata na nagmamaktol na sabi ko. I pouted my lips as I roam my eyes at the room. Nagha-hanap ako ng pwede kong pag-labasan. And I thank God because I can see an open window na alam kong kasya ako. Kailangan ko lang ng matutungtungan. Humanap ako ng mga bagay na pwede kong tungtungan. Pinag-patong-patong ko yung mga upuan na nakita ko para gawing tungtungan. At nung alam kong abot ko na yung open window ay kinuha ko na ang mga gamit ko at mabilis na umakyat. Laking tuwa ko nang maabot ko na yung open window. Una ko munang itinapon palabas ang mga gamit ko at pagka-tapos ay tsaka ko binuhat ang sarili ko paakyat. Kaya mo ‘to Lj! You’re a strong independent woman ‘di ba? “Yes!” Napa-hiyaw ako sa tuwa nang tuluyan akong maka-akyat. Makaka-labas na ako yehey! Pero ganoon na lang din ang pagka-lula ko nang makita ko kung ganoo kataas ang babagsakan ko. Jusme! Mabubuhay naman siguro ako dito ‘di ba? Aish bahala na nga! Basta maka-labas lang ako dito. Tinignan ko ang damuhan na babagsakan ko at kagat-labing tumalon na ako. Pumikit na lang ako at dumaing ng bumagsak ang pwet ko sa damuhan. s**t! Feeling ko nagka-pilay ata ako huhu. Ang sakit! Hinimas-himas ko ang aking likuran habang kinukuha ko ang aking gamit. Sinubukan kong tumayo at napa-ngiwi na lang ako ng maramdaman kong parang napilayan ata ako. “What a day, Lj!” Buntong-hininga ko. Sinukbit ko na ang bag ko sa aking balikat habang iika-ika akong nag-lakad. Ang sakit ng paa ko, ang sakit ng pwet ko, at ang dumi ng uniporme ko. May mas imamalas pa ba ako ngayong araw? Nag-lakad na ako papuntang parking lot habang iika-ika. Makakapag-drive naman siguro ako kahit ganito ang paa ko ‘di ba?Malapit na sana ako sa parking lot ng may bigla akong narinig na sumigaw, rather dumaing. Parang sinasaktan ito sa way ng pag-daing nito. Nangunot ang noo ko. Hala ano yon?  May mumu ba? Yayks!! Jusmiyo! Matapang ako, oo pero may kinatatakutan din ako at mumu iyon! Waaahhh! Nakarating na ko sa parking lot at palakas ng palakas yung pagdaing na naririnig ko. “T-tama n-na….”May narinig akong isang boses ng lalaki na para bang hirap na hirap. Wtf?! Ano ‘yon? Sinundan ko kung saan nang-gagaling iyong boses na dumadaing at nagma-makaawa. Hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa sa isang madilim na lugar sa dulong bahagi ng parking lot. Doon ay may nakita akong dalawang lalaki. Ang isa ay naka-hundasay sa sahig at duguan na ang katawan samantalang ang isa ay naka-tayo lang habang naka-tingin doon sa lalaking naka-handusay. Naka-talikod sa’kin iyong lalaking naka-tayo kaya hindi ko makita ang mukha niya. Pero familiar ang boses niya sa’kin. Narinig ko na ang boses niya, hindi ko lang matandaan kung saan. “Who ordered you to kill me?” Saad nung lalaki sa isang napaka-lamig na boses. Nakakatakot… Parang nanindig ang mga balahibo ko sa paraan ng pagkaka-sabi nung lalaking naka-tayo. “H-hindi k-ko s-sabihin--- Urg!” Nanlaki ang mga mata ko ng tadyakan nung lalaking naka-tayo yung lalaking naka-handusay. Halos mamilipit yung lalaki sa sakit. What the hell! Anong meron dito? Bakit may ganito? Wala bang guard?? “I repeat, who ordered you to kill me?!” Ulit nung lalaking nakatayo sa tanong niya kanina. Siryosong-siryoso ang boses niya na hinaluan pa ng lamig. Literal tuloy na nanindig ang mga balahibo ko. “H-hindi k-ko s-sabihin…. K-kahit p-patayin m-mo p-pa k-ko n-ngayon d-din….” Saad nung lalaki. “If that’s what you want, dude. Then it’ll be my pleasure to grant your wish..” Sagot nung lalaking nakatayo at nanlaki ang mga mata ko ng may ilabas na matalim na bagay yung lalaki. Kuminang yung kutsilyong hawak nung lalaki. Fuck! Ayoko ng ganito! Live show ba ‘to?! “Any last word?” “P-patayin m-mo n-na l-lang a-ako….” And that bigla na lang nanlaki ng husto ang mga mata ko ng biglang itarak nung lalaking nakatayo yung kutsilyo sa dibdib nung lalaking naka-handusay. I startled as my hands begin to tremble. Biglang umihip ang malakas na hangin kasabay ng pag-daing nung lalaking sinaksak. Kumabog nang malakas ang dibdib ko at bigla akong natakot. Ano ba ‘to! Sa sobrang pagiging chismosa ko, napunta ako sa ganitong sitwasyon! Kainis! Nangilid ang luha ko ng saksakin muli nung lalaki yung isa pang lalaki. Ayokong makakita ng ganito pero hindi ko magawang iiwas yung mga mata ko. Natatakot ako at mukha magkaka-trauma pa ata ako dahil dito! “Goodbye. Tss.” Narinig kong sinabi nung lalaki sa lalaking ngayon ay patay na. Iniwan nitong nakatarak ang kutsilyo sa dibdib nung lalaking patay na at bago pa ito humarap sa kinatatayuan ko ay mabilis na akong tumalikod at nagtago sa pinaka-madilim na bahagi kung saan ako naka-pwesto. Ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa kaba at takot. Lalo na ng maramdaman kong naglalakad yung lalaki patungo sa direksyon ko. Nakakainis! Ayoko pang mamatay! Ni hindi ko pa nga nakikita ulit sila mama at papa eh! Tapos hindi pa ako nakaka-uwi ng Korea ulit! Hindi pa ko nakaka-pagtapos ng pag-aaral! At higit sa lahat hindi pa ko nagkaka-boyfriend!Gusto ko man lang maranasan ang mga bagay na iyon bago ako mamatay! Huhuhu! “How’s the show, lady? Did you enjoy watching me killing that bastard?” Isang malamig na boses ang nag-salita mula sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko at biglang tumulo ang mga luha ko. Oh Jesus! Save me! Ayoko pa pong mamatay! “H-huwag n-niyo p-po a-akong p-patayin….” Nanginginig na sabi ko. Nagsisisi na talaga ako kung bakit dumaan pa ako sa locker room! Una nakulong ako tapos ngayon naman naka-panood ako ng live show na murder. Ano pa bang mangyayari sa’kin ngayong araw?! “Harap.” Maawtoridad na utos nung lalaki. Napa-iling naman ako at napa-kuyom ang mga kamao ko. Ayokong humarap baka suntukin niya ko eh! Sayang yung maganda kong mukha kung masisira!! “Harap sabi eh!” “A-ayoko!” Hala nakuha ko pang mag-matigas!! “Haharap ka o papatayin kita?!” Nanlaki ang mga mata ko sa banta niya kaya hindi na ko nag-dalawang-isip na humarap na.Pero sana hindi ko na lang ginawa! Because the moment I turn around, nakita ko ang isang mukha na hindi ko inaasahang makita. “Oh my God!” “Hi.” He greeted as he smirks at me.Lumakas ng sobra ang t***k ng puso ko at parang lalabas na sa ribcage ko. Killer ‘tong lalaking ito?! Yung arogante na naka-bunggo sa’kin ay isang mamatay-tao?! K-killer ‘tong lalaking ‘to na nagngangalang Rain?! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD