KABANATA 1

2056 Words
[Louise Jadelyn’s POV] “Lj nasaan ka na? Don’t tell me late ka na naman sa first day!”Sigaw ni Claire sa kabilang linya. Napa-simangot ako. Grabe talaga itong babaeng na ‘to sa akin. Kasalanan ko ba kung late na akong nagising dahil napuyat ako kaka-stalk sa i********: ni Shawn Mendez. “Paalis na ko Marie Claire! Wag kang atat makita ang kagandahan ko! Baba ko na, kita na lang tayo sa school. Babush!” Asik ko sa kaniya at bago pa siya mag-salita binaba ko na ang tawag. Rude ba? Ayos lang yan. Rude din naman siya sa’kin. Hakhak Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at inayos ang bangs ko. Pati na rin ang suot kong uniporme ng St. Claire University ay inayos ko din at pinagpagan.  Ang cute-cute talaga ng uniporme naming ito. College na kami pero mukha kaming highschool dahil sa uniform namin. Para kasing pang-japanese ang uniform namin sa SCU.  Pagkatapos kong pasadahan ng tingin ang itsura ko sa isang life-size mirror na nasa gilid ng kwarto ko ay kinuha ko na ang backpack kong naka-patong sa couch at lumabas na ng kwarto. I turn off all the electricty bago ako umalis at bumaba sa parking lot ng tinutuluyan kong condo unit. This unit is a gift to me of my Ate Ihna and her husband, Kuya Christian. Kaya alaga ko ang condong ‘yon. Baka bawiin kasi ni Ate once na pabayaan ko at pabalikin ako sa Mansion namin na nasa QC. Ayoko naman doon kasi ang laki-laki masyado para sa’kin. May sarili na kasing pamilya si Ate at syempre may sarili na rin itong bahay. Nakaka-lungkot tumira mag-isa sa isang malaking bahay. Pag-baba ko sa parking lot ay agad ko nang sinakyan ang mini scooter ko na regalo naman sakin ni papa noong grumaduate ako ng high school. Mahal na mahal ko tong mini scooter kong ‘to kahit medyo luma na ito. 3 taon na kasi sa’kin ‘to. 1st year college ko nakuha ang motor na ito mula kay papa at ngayon ay nasa 3rd year college na ako. Pagka-saksak ko ng susi ay agad ko nang pinatakbo palabas ng parking lot ang mini scooter ko. Waaahh this is life. Papasok ako sa school sakay ng mini scooter ko then pagka-uwian kakain kami ni Marie Claire sa favorite naming coffee shop tapos uwi na. Yun lang ang cycle ng buhay ko sa tuwing may pasok ako at kapag wala naman sa condo lang ako o kaya dadalaw ako kala ate at sa mga pamangkin ko.  Ang cute-cute pa naman ng triplets na anak ni Ate. Hihihi Anyway, close na close ako kay Ate kasi since I was 5 years old, si Ate na ang nag-alaga sa’kin. Sa kaniya ako lumaki until bumukod si Ate dahil sa may asawa na siya. Yung parents kasi namin nasa Korea, handling our business there. Pag-aari namin ang ilang chains of restaurant sa Korea kaya andun sila mama at papa. We’re half Korean half Filipino. Korean ang father ko at Filipina ang nanay ko. Pero dahil dito ako lumaki sa Pinas, hindi ako fluent mag-salita ng Korean. Iilan lang ang alam ko. Dalawa lang kami ng ate ko na anak ng parents namin kaya sunod kami sa luho. But we are not what you think we are. We’re not a brat. Alam namin, especially me, alam ko kung hanggang saan ang kayang ibigay ng mga magulang namin. At hindi ako nahingi ng sobra-sobra.  Madalang nga lang ako humingi ng allowance eh. Sila ang kusang nagpapa-dala. “Good morning, Ms. Min!” Bati sa akin ni Kuya guard pagka-park ko ng motor sa parking lot ng school namin. Ngumiti ako ng malapad sa kaniya pagka-baba ko ng motor.  “Good morning din Kuya!” Bati ko kay Kuya Guard.  Halos lahat ng staffs dito sa school namin kaibigan ko. Ewan ko ba, mas trip kong kausapin ang mga staffs dito kesa makisalamuha sa mga estudyante dito sa school namin. Mga bratinella kasi at mga mayayabang. Hays. Prestigious school kasing itong SCU. Para lang sa mga mayayaman kaya ganito ugali ng mga estudyante dito. Pero hindi naman lahat. Yung iba lang. May mga matitino naman pero mas madami yung hindi. “Kanina ka pa iniintay ni Ms. Clemente.” Saad nito. Napa-ngiwi naman ako. Patay na! Huhuhu malamang beastmode na naman sa’kin ang isang iyon.  “Hehehe sige kuya! Mauna na ko ha? Babye!” At nagtata-takbo na ako papasok. Yare na talaga ako kay Marie Claire! Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko at emeged leng!! Late na kami ng 15 minutes. 8 ang klase namin sa unang subject namin at 8:15 na. Waaahh! “Clairrreee!” Sigaw ko ng makita ko siyang nakaupo sa isa sa mga pakalat-kalat na bench dito sa loob ng school namin. Masama ang tingin na tumayo siya. Napa-peace sign naman ako ng maka-lapit ako sa kaniya. “Louise Jadelyn Min!!” Naiinis na banggit nito sa pangalan ko at napa-hawak na lang ako sa ulo ko ng batukan niya ako. “Ouchy naman bessss!”Reklamo ko. Pero hindi nagpa-tinag si Bess, masama pa din ang tingin niya sa’kin. Kitang-kita ko yun kahit na ang kapal ng eyeglass niya. Galit na naman ang nerdy na ito. Yeph! Nerd si Claire kaya ako lang ang kaibigan niya. Since elementary mag-kaibigan na kami. Nakita ko kasi siyang binu-bully nun kaya naging mag-kaibigan kami. Since then, natuto na rin lumaban si Claire kaya natigil ang pambu-bully sa kaniya. Kaso hanep ‘tong si bess! Nagka-sungay! Sumungit ng sobra! Times 10 ang kasungitan. Jusmiyo! “Tse! Makakatikim ka sa’kin mamaya kapag napagalitan tayo ni Ms. Sandubang!” Angil nito sa’kin. Napa-ngiwi na lang ako pagka-rinig ko sa pangalan ng masungit na professor namin. Duh! Lagi kayo akong pinag-iinitan ng matandang dalaga na iyon! Kaasar! Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya! Simula ng pumasok ako dito lagi na lang akong pinag-iinitan! Kayamot! “Sorry na bess! Si Shawn Mendez kasi pinuyat ako. “ Naka-hagikhik kong sagot kay Claire. Pero ang loka sinapok lang ako. Waahhh battered best friend na ako dito! “Ouchy naman bess! Nakakadalawa ka na ah!” Reklamo ko ulit. Inirapan naman ako ni Claire. “Tse! Umayos ka! Inaagaw mo pa sa’kin si Shawn! Inggiterang ‘to! Halika na!” At hinigit na niya ako papunta sa classroom namin. Kinahuhumalingan namin ngayon na mag-kaibigan ay si Shawn Mendez. Yung kumanta ng Stitches. Ang gwapo-gwapo naman kasi nun tapos ang ganda pa ng boses. Hayssssss! Nakaka-inlove! Sana makita ko siya in-person at makapag-pa-picture and autograph na din. Hihihi “Hoy babae! Nawawala ka na naman!” Sabi ni Marie Claire at inirapan niya ako. Sa sobrang pagde-daydream ko kay Shawn Mendez ay hindi ko namalayang naka-hinto na pala kami sa tapat ng class room namin. “Kumatok ka na.” Utos nito sa’kin. Tignan mo ‘tong nerd na ito! Alam niyang mainit ang dugo sa’kin ng matandang dalaga na iyon tapos ako pa uutusan niyang kumatok. “Ikaw na bess! Baka bugahan ako ng apoy niyan ni Ms. Sandubang eh!” Saad ko. Sinimangutan naman ako ni Claire. I wonder kung sa sama ba ng loob pinag-lihi itong si Claire. Laging naka-simangot eh. “Ikaw na Lj! Tutal ikaw naman ang may kasalanan kung bakit tayo late!” Singhal niya sa’kin. Napa-nguso ako. Edi ako na! Wala na akong nagawa at sinunod ko na lang ang utos sa’kin ni bess. Bumuntong hininga muna ako bago kumatok ng tatlong beses. Nahinto sa pagdi-disscuss si Maam at napa-tingin sa’min ni Claire. Ganon din ang iba naming classmates sa subject na ito. “Nakaka-takot talaga yung mukha ni Ma’am. Ang sungit ng dating. “Bulong ko na mukhang narinig ni Claire dahil siniko niya ako. Napa-daing ako sa sakit. Grabe na talaga ‘tong si bess. Napaka-panakit. “Louise Jadelyn Min! Itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong mapahamak.” Banta nito sa’kin. Sa aming dalawa, si Claire ang pinaka-disiplinado. Di tulad ko na napaka-maloko. At madalas napapa-galitan niya ako dahil sa kalokohan ko. Pero kahit ganiyan yan si Claire, alam kong mahal niya ko at syempre love-love ko din itong si bess. Hihihi. Napa-ayosi ng tayo ni Claire nang bumukas ang pinto at tumambad samin ang naka-kunot noong si Ms. Sandubang. “Ms. Min, Ms. Clemente! Why are you late! First day of class for this semester and yet you two are late!” Galit na saad nito sa amin. Humakbang naman paunahan si Claire at inayos ang nerd glass nito. Ganda sana nitong si bess eh. Manang lang. Tsk tsk. “We’re so sorry Madam. We will not do this again. Right Lj?” Anito at bumaling sa’kin. Napa-maang naman ako at napa-tango na lang. “Sorry po.” “Hay nako! Sige na at pumasok na kayo!” Pag-suko nito sa’min. Pumasok na si Claire at akmang susunod na rin sana ako ng bigla akong tawagin ni Ms. Sandubang. “Lj!” “Yes ma’am!” Natawa naman ang mga kaklase ko sa ginawa kong pag-saludo kay Ms. Sandubang. Nakaka-gulat naman kasi ‘to si Ma’am eh! “Unang araw mo at late ka na agad! Nako ipapa-tawag ko talaga ang parents mo.” She said frustratedly. Napa-ngiwi naman ako. Ako na naman yung nakita niya huhu. Late din naman si Claire pero bakit ako lang yung special mention! Sabagay ako naman kasi madalas yung nale-late sa’ming dalawa eh. “S-sorry po. Hindi na po mauulit.” Kinakabahang sagot ko. Naningkit naman ang mga mata ni Ms. Sandubang. Mas lalo tuloy lumawak ang pagkaka-ngiwi ko. Nakaka-takot si Maam! “Ilang beses mo na rin yan sinabi! Hindi ka na talaga nag-tanda!” She said as a matter of fact. Humirit tuloy ng tawanan ang mga kaklase ko.  Tumingin ako kay Claire na para bang nang-hihingi ako ng saklolo sa kaniya ngunit napa-iling-iling lang siya sa’kin. Waaah! “This time, it’s a promise.” Alanganing saad ko na may kasama pang alanganing pag-tawa. Muling nag-tawanan ang mga kaklase ko. Ano ba yan! Nagmu-mukha akong joker sa mga ‘to. Napa-buntong-hininga na lang si Ms. Sandubang habang stress na stress siyang napapa-iling sa’kin. “Sige na. Umupo ka na sa upuan mo.” Pag-suko ni Ms. Sandubang. Nag-bigay lang ako ng isang pekeng tawa at mabilis na akong pumunta sa upuan ko. Naka-hinga ako ng maluwag nang maka-upo na ako habang si Claire naman ay napa-iling lang muli. Mwhehehehehe what a first day of school for me. … Free time namin ni Claire kaya naman napag-desisyunan muna namin pumunta sa sa library. Actually, nagpapa-sama lang si Claire sa’kin pumunta doon dahil wala naman akong matatambayan. We’re making our way to the library when someone suddenly bumped into me, causing my drink to spilled over me. “Eh?” Napa-maang na lang ako sa gulat habang naka-tingin lang ako sa uniporme kong basang-basa na at mantiyado pa. “Lj okay ka lang?” Rinig kong tanong ni Claire sa’kin. “Tss. Look where you going.” Saad lang nung lalaking naka-bangga sa’kin at bago pa ako makapag-react ay nilagpasan na niya kami ni Claire. He even bumped my shoulder. What an arrogant! Inis na sinundan ko ng tingin yung lalaking naka-bunggo sa’kin. Nasabi ko na ba sa inyo na ayoko sa mga ganitong klase ng lalaki? Napaka-arogante! Akala mo kung sino. Siya na nga ‘tong naka-bunggo, siya pa ‘tong may ganang magalit. Hindi ba’t ako dapat ang mag-sabi nung sinabi niya?! Urg!! “Lj.” Pigil ni Claire sa’kin. Alam na niya kasi kung anong balak kong gawin. Pero siyempre hindi ako nag-papigil. Kailangan maturuan ng leksyon ang unggoy na ‘yon. Umuusok ang ilong na hinubad ko yung sapatos na suot ko. Wala naman ‘tong takong kaya hindi siya mabubutasan ng ulo dito. Mabubukulan lang. Pwumesto na ako para batuhin yung lalaking arogante. Inasinta ko siya at binato ko na yung sapatos ko sa kaniya. And there you go, baby! Bullseye! Napa-hinto ang lahat sa ginawa ko, miski si Claire ay napa-singhap din.  “Lj!” Hindi makapaniwalang reaction ni Claire sa’kin. Unti-unting lumingon yung lalaki sa’kin at kahit medyo na-starstrucked ako sa kagwapuhan niya ay hindi pa din ako nagpa-sindak sa matatalim niyang tingin sa’kin. “Serves him right.” And I smirk at him. “Stupid,” I shout in frustration. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD