5- "The initiation."

2005 Words
Pinaghalong gulat at tuwa ang naramdaman ni Sabrina sa pahayag ng kausap. "Talaga? Ang ibig sabihin ay pasok pa rin ako?" Masaya ring tumangu-tango si Brielle. "Yes, definitely! Are you free at 4:00 PM?" "Opo. Free po ako." Actually, regular morning sched lang talaga ang pasok ni Sabrina. From 7 AM to 11 AM, and then afterwards, wala na. Pero may part-time job siya sa hapon. Cashier sa cafeteria sa labas malapit lang din dito sa paaralan. From 1 PM to 5 PM ang duty niya pero puwede naman siyang magpaalam ng, at least, one hour ahead kasi importante naman ang pupuntahan niya't understanding ang may-ari ng cafe na pinagtatrabahuan niya. Sayang din kasi ang maghapon kung tutunganga lang siya sa kanilang girls' dorm at walang gagawin. Mas mainam nang may trabaho siya at ng kumikita kahit papaano para may maipangtustos sa iba pang pangangailangan sa school expenses at hindi inaasa lahat sa scholarship na ang tanging cover ay ang free tuition fee. "Sige, hihintayin ka namin dito, ah? 4 PM sharp. May mga guidelines kaming idi-discuss sa new members at pag-uusapan namin ngayon sa committee kung anu-anong first tasks ang ipapagawa namin sa inyo. Don't be late, please." Determinadong umiling-iling siya. "Hindi po 'ko male-late. Early pa lang mamaya ay nandito na po ako. Magpapaalam ako na maaga akong mag-a-out ngayon sa part-time job ko." "Good. See you then." "See you, Miss Brielle!" Tulad ng inaasahan, wala nga namang naging problema at pumayag din agad ang boss niya nang ipaalam niya ang tungkol sa early out mamaya. Nasa kalagitnaan siya ng trabaho sa kanyang puwesto nang may pumasok sa cafeteria at lumapit sa harap niya. "Good afternoon. Ano pong order nilaㅡ" Nabigla siya't hindi inaasahan kung sinong makikita pagkaangat ng tingin sa kadarating na customer. "Hello, Sabrina. Kamusta na? It's been over a week nang hindi mo na nire-reply-an ang mga text messages ko sa 'yo," kaswal at tila mahangin na sinabi ni Miko. Her recent ex-boyfriend for the last two months. Kahit kailan naman! "Kung wala kang bibilhin, makakaalis ka na." "Woah! What's with the coldness? May bibilhin, siyempre, ako. Ako pa ba!" Sinabi nito ang flavor ng milktea na gusto nito at saka naglabas ng pera mula sa wallet nito. Mahangin nga! Kinuha niya ang papel na inabot nito at binuksan ang kahera upang kumuha ng sukli mula roon. "So, ano? Kamusta ka na nga? Ba't hindi mo na ako nire-reply-an?" Sandaling nag-angat siya ng tingin dito. "Break na tayo, 'di ba? Kaya wala na akong obligasyon sa 'yo. Either mag-reply ako sa 'yo o hindi, nasa sa akin na 'yon. And remember? Ikaw itong nakipag-break sa akin." "Ah, kaya ba bitter ka pa din?" Ang kapal ng mukha! Halos pabagsak na nilapag niya ang sukli nito. Hindi siya bitter. Sadyang ayaw lang niya ng involvement sa exes niya after break-up. Para kasi sa kanya ay para ano pa na magpatuloy siya sa pakikipag-communicate sa mga dating nobyo? Eh, nakaraan at tapos na nga! Most of her exes, sila naman talaga itong nakikipag-break sa kanya sa kung anu-anong rason, excuses, o minsan nga'y lame na mga palusot just to leave her. Yes, aminado siyang marami na siyang naging karelasyon. One after one, hindi siya nawawalan ng manliligaw at sinasagot naman niya. Ganoon talaga, sadyang lapitin siya ng mga lalaki sa hindi rin niya malamang kadahilanan. Ngunit kung ganoong lapitin siya ng mga ito ay ganoon din kabilis na nakikipagkalas sa kanya. Ewan ba niya. Hindi niya maintindihan kung sa sarili ba niya ang may mali at pagkukulang o sadyang mga ungas lang ang mga naging ex niya. Isa na rin sigurong factor ay dahil maganda siya, masipag at masigasig, pero 'yon nga lang, siguro'y madalas na natu-turn off sa kanya ang mga nakakarelasyon dahil may pagkamahina talaga ang utak niya. Hirap na hirap siya sa kahit na anong subjects niya, pero nagsisikap naman siya, eh. Kasalanan ba niya kung ipinanganak siyang mababa talaga ang lebel ng kukute! Hindi nagtagal ay matagumpay din niyang naitaboy si Miko. For all she cares, may pinopormahan na ang isang 'yon ngayon, at ayun ba sa mga naririnig niya'y may pangalan at campus queen ang babae. Nakasanayan na nga lang din ni Sabrina 'yung cycle, eh. May manliligaw sa kanya, sasagutin niya, makikipag-break ang mga ito tapos mababalitaan na lang niyang may ibang nililigawan na. No'ng mga unang beses na nangyari 'yon sa kanya, apektado siya. Pero ngayon? Halos wala na lamang epekto sa kanya. Kiber ba! Kung may umaalis kasi, may mga dumarating namang bago. mga magpapahangin sa kanya tapos sasagutin na naman niya at magiging boyfriend. And the cycle goes on and on. Hindi na nga rin lingid sa kanyang kaalaman na halos bansagan na siyang ‘girlfriend ng lahat’ dahil every year ilang beses na nagpapapalit-palit siya ng boyfriend. ‘Bobo pero may kalandian,’ sabi pa nga ng iba. Pero keri lang. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga tao dahil hindi naman siya lubos na kilala at pangalan lamang niya't mga hearsay mula sa iba. Isa pa'y kasalanan ba niyang ligawin talaga siya kahit pa na mahina kukute niya, hindi naman siguro? Narinig niya ang muling pagbukas ng glass door ng cafe at pumasok ang isang matangkad na lalaki. Mga nasa six-feet siguro ang tangkad nito. Katulad ng karamihan ay nakauniporme din ito ng unibersidad na pinapasukan nila. Nang makalapit ito dito sa counter ay saka niya narekognisa kung sino ito. "Classmate, ikaw pala 'yan!" kaswal na bungad niya rito, like her usual friendly approach. "Anong order natin?" Bahagyang nag-unat lamang ito ng noo bilang pagtugon sa friendliness niya. As always, Vito Martinez, the man in front of her, is a silent type. Hindi naman sa shy pero sadyang snob yata ito. Paano kasi'y wala nang ibang ginawa at pinagkaabalahan kundi puro mga libro nito at ang tanging sports na sobrang galing nito sa paglalaro—ang football. 'Ni minsan yata ay hindi niya nabalitaang nagka-girlfriend man lang ito, pero hindi din naman niya sure kasi guwapo kahit papaano ito. May pantay na morenong balat, may katangusan ang ilong, makapal ang labi na namumula, katamtamang hugis ng mga mata, at hugis puso ang mukha. Pagdating naman sa trunks, natural talaga ang katangkaran nito at katamtaman lang din ang katawan, hindi mataba at lalong hindi rin payat. "One latte macchiato," anito. "What else, sir?" "Wala na." Pagkabigay ng order ay naupo ito at pumwesto sa bakanteng table malapit sa glass walls saka binuklat ang dalang science fiction na libro at nagbasa habang iniinom ang latte macchiato na in-order. Bookworm. 'Yon ang naririnig niyang madalas na bansag dito ng mga kaklase nila at ilang mga kaibigan nito. Kung gimik kasi hilig ng karamihan sa kapwa nito lalaki, puwes ibahin ito dahil mga librong koleksyon nito ang laging kasangga. Hindi na magtataka pa si Sabrina. Mula first year ay classmates na sila pero never yata niya naalalang naging close o kahit na naging magkaibigan man lang sila ng binata. Well, differences, maybe. Si Vito kasi ay saksakan at ubod ng talino, kaya bababa ba naman ito sa kagaya niyang may mahinang utak? For all she knows, running for c*m Laude ito ng batch nila. Wala pang alas kuwatro ng hapon ay naroon na si Sabrina sa meeting room ng SMBMA. Wala pa ngang ibang estudyante, eh. Siya pa lang mag-isa. Ganoon talaga, nais niyang magpabango at ipakitang punctual siya, nang sa gayon ay makita ni Miss Brielle na seryoso at determinado siyang mapabilang sa organisasyon. "Hi, Sabrina! Hindi ka nga na-late!" Brielle greeted her with a chuckle nang dumating na ito at may kasama itong tatlo pang mga babae. Siguradong mga miyembro din ito ng samahan at mga kaibigan na ni Brielle. Kaka-alas kuwatro pa lang nang sumilip siya sa wall clock. "Siyempre, Miss Brielle! Inagahan ko talaga!" "Very good, Sabrina. Ngayon pa lang ay na-impress mo na ako, kami." At lumingon pa ito sa mga kasama. Ngumiti ang babae at tumango, sang-ayon sa sinabi ng leader. "Okay. Let's start. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Harika, kindly assign to Sabrina her respective initiation to test her kung kaya ba niya ang ipagagawa natin at fit ba siya to be one of us, girls." The girl named Harika smiled and looked at her. Na-excite siya. Wow! Initiation? Parang sorority lang, ah! Astig! Ngunit napansin niyang bigla ang tila pag-iisa niya't wala yatang dumarating na ibang participants? "Uhm, excuse me po, ako lang ba? Wala po yata akong nakikitang dumarating na mga kasama ko?" Nagtinginan ang apat at pagkatapos ay nagngitian. The other lady in a curly hair explained, "Isa-isa naming pinatatawag ang napipili naming bigyan ng konsiderasyon dahil personal naming sinasabi sa bawat isa sa inyo ang magiging initiation, walang ibang dapat na nakakaalam. Parang secret task, kumbaga." Tumangu-tango siya. Kaya naman pala! "Anyway, bago tayo mag-proceed, hayaan mong ipakilala ko muna sa 'yo ang mga kasama ko. This is Harika," pakilala ni Brielle sa babaeng may hanggang balikat ang buhok at mestiza ang dating ng kagandahan. "This is Asha." Tinuro naman nito 'yung babaeng may kulot-kulot na buhok. "And lastly, this is Lizzy." Si Lizzy nama'y black beauty stunner. "They are members of SMBMA." Mas lalo tuloy na-excite si Sabrina. Ang gaganda ng mga makakasama niya't looking forward talaga siyang maging kaibigan ang mga ito saka makilala at makasalamuha pa ang ibang members. "Hello! Nice to meet you all!" "Nice to meet you, Sabrina! And we're so looking forward to you finally becoming one of us," ani Lizzy. "Harika," Brielle signaled Harika to finally speak to her about the initiation. The latter turned to her. "Alright. This is what we want you to do, Sabrina; Make Vito Martinez notice you." Nagulat siya sa sinabi nito. What?! Si Vito?! "Ha?" tanging nasambit niya. Marahang nagkatinginan at nagkangisihan ang mga babae tapos ay umiling-iling. "Tagalugin mo kasi, baka hindi niya maintindihan kasi English," nakatawang sinabi ni Asha. Gusto sanang umiling ni Sabrina at sabihing naintindihan niya pero ang logic lang talaga ng pinapagawa sa kanya, 'yon 'yung gulong-gulo siya. "Alright. Uulitin ko para mas maintindihan mo. Ang gusto naming ipagawa sa 'yo ay ang makuha mo ang atensyon at loob ng isang Vito Martinez." "Si Vito Martinez na classmate ko? As in 'yung bookworm na walang ibang ginawa kundi ang mag-aral, magbasa, at maglaro ng football sa hapon?" "Uh huh!" Masiglang tumangu-tango pa nga si Harika. Ganoon din sina Brielle. "Pero bakit?" kunot-noong tanong niya. "Hindi ko maintindihan kung anong logic nito para sa samahan. Anong makukuha ko? Anong makukuha ng SMBMA kapag napansin ako at nahulog ang loob sa akin ni Vito?" "I'm glad that you're asking, girl. Hindi ka katulad ng iba na basta-basta na lang tumatanggap ng challenge na hindi mo naman alam kung para saan. I love that you are asking questions," tila naaaliw na papuri sa kanya ni Brielle. Hindi siya nakapagsalita. Dapat ba siyang mag-thank you o ano? Ma-overwhelmed? Naguguluhan kasi siya sa initiation, eh, at kung para saan iyon! "Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na si Vito Martinez ay may magandang reputation dito sa school. He's a smart guy lalo na't pagdating sa klase, at napakagaling niya sa sports niyang football." It was Lizzy who spoke to her. So? Hindi pa rin niya matanto kung anong konek! "Not to mention, he's also so good-looking," dugtong pa ni Asha na may nakakalokong ngiti sa mga labi. Tumangu-tango si Sabrina, sang-ayon naman. "Kita ko nga 'yon." "So…" si Brielle. "So?" confused pa ring aniya. Oo nga kasi at totoo namang guwapo si Vito, pero hindi niya type ang mga tipong gano'n. Pakiramdam kasi niya'y masyadong seryoso at walang fun sa buhay. Walang adventure, kumbaga. Masyadong nakatutok sa pag-aaral. Brielle smiled more. "Aren't you attracted to him?" She shook her head. "Sorry to disappoint you, pero hindi tipo ni Vito ang type ko. Masyado siyang tutok sa mga libro niya at feeling ko walang thrill kung siya ang makakasama ko." Nagpapakatotoo lang si Sabrina sa opinyon niya. Nagkahalakhakan ang mga babae sa aliw sa kanya. -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD