4- "How it all started."

1571 Words
DALA ang determinasyon at kagustuhang maging isa sa miyembro ng isang sikat na asosasyon ng mga kababaihan sa kanilang unibersidad, pumasok si Sabrina Salazar****** second year college student na kumukuha ng kursong Business Management*** loob ng meeting room kung saan gaganapin ang orientation ng recruitment for new members ng grupong Samahan ng Mga Babaeng May Adhikain. Last year pa, actually, niya naririnig na talk of town ang nasabing grupo dito sa paaralan nila. May nabasa din siyang isang page sa kanilang school paper nang minsang tumambay sa library at nai-feature ang SMBMA. Maganda at promising ang grupo kasi maliban sa sisterhood, tinutulungan din umano ng asosasyon ang mga kapwa nila babae at nabibilang sa grupo nila na mapaangat ang performance sa eskuwelahan. Kunwari sa academics, kapag mahina ang isa ay tutulungan siya ng kanyang mga kasama. Kung may hindi alam sa mga bagay-bagay, magtutulungan hanggang sa maging maalam. Kung sa extra curricular naman, kunwari may ambisyon ang isa sa mga miyembro na makasali sa cheerleading team o kaya sa anong uri ng sports, the group’s connection will make one’s dream come true. Tulung-tulong, kumbaga. Naupo si Sabrina sa pinakaunahan. Ilang minuto lang ay marami nang mga nagsidatingang mga kagaya niya’y nais na mapabilang sa organisasyong ito. “Good afternoon, girls.” Lahat sila’y napatingin sa babaeng pumasok sa pinto at binati silang lahat. May dala-dala itong isang libro at white board marker. Napakaganda nito. Matangkad, makinis ang balat, balingkinitan. Ang suot nito’y polo shirt na may logo at tatak ng SMBMA sa harapan at sa likod nama’y ang famous patented quote ng mga ito, “Women are not just plain women. We are not women for nothing!” Ito na marahil ang kasalukuyang presidente ng asosasyon. Si Miss Brielle Raya Pineda. “Good afternoon, Miss Brielle!” tugon nila, halata ang excitement sa kani-kanilang boses. “I believe you’re all gathered here today because you want and are interested in becoming one of us and being a part of this family,” pauna nito. Kahit na tila nakapaskil ang leadership sa aura at itsura nito, kaswal at friendly pa rin ang tinig at approach nito sa kanila. No pressure or intimidation, kumbaga, but still, very convincing. Mukhang ito ‘yung tipo ng babaeng mayumi ngunit napakaalam. “Gano’n na nga po, Miss Brielle!” sagot no’ng isa sa mga attendees. Brielle smiled. “Natutuwa naman ako at marami pa rin talaga kayong interesadong mapabilang sa aming sisterhood dito sa SMBMA. Each year we do screening and recruitment for new members, we receive a lot of applications from women coming from different departments expressing their interests upon joining us.” Nabasa nga din iyon ni Sabrina, at kaya nga umpisa no’n ay naging curious na siya sa samahan. How they work, operate, and extend helping hands. Tuloy tuwing pupunta siyang library, kumukuha talaga siya ng school-produced articles at hinahanap ang pages kung saan fini-feature ang SMBMA. Pati sa social media, naka-follow din siya sa page ng organization kaya madalas lumalabas sa feed niya ‘yung iba’t-ibang interesting activities na ginagawa ng mga ito na lalo pang nakadagdag sa pagkakabukas sa interes niyang mapasama sa mga ito. “Before anything else, gusto ko munang ipakilala ang sarili ko sa inyo. I’m Brielle Raya Pineda, mas kilala sa tawag na Miss Brielle. I’m currently third year college taking up Architectural course.” Mas lalo pang namangha si Sabrina. Architecture. Ang alam niya’y para sa matatalino at matiya-tiyaga talaga ang ganoong uri ng kurso. Siguro’y napakagaling nga nitong si Brielle at hindi na nakapagtataka kung bakit kuwalipikadong-kuwalipikado ito sa pagiging Presidente ng isang malaki at kilalang organisasyon ng mga babae dito sa kanilang unibersidad. “I’d been expressing great desire since I heard about SMBMA the first time, senior high school pa ako no’n, eh. Pero dahil hindi pa puwede ang senior high school no’ng time na ‘yon, what I did to show my high interest was attend and join different seminars and workshops that SMBMA conducted for girls of sixteen to twenty-one. I became officially their member nang tumuntong ako ng first year college. I was elected and became my department’s representative for Student Supreme Council in my second year. And just recently, three months ago, I was chosen by the heads of this sisterhood to be the President to lead and guide the entire SMBMA members.” “Wow!” Hangang-hanga na talaga si Sabrina sa affiliations ng miyembro at kasalukuyang leader ng SMBMA. “Not to mention I am also a member of different school-related organizations like Tunog ng Masa: Artikulong Pampaaralan. I’m a news writer and junior editor there. Talking about sports, I’m a badminton player, and I compete in inter-school competitions representing our University. Currently, I’m an appointed Secretary for Responsible Individuals on Environmental Concerns, an organization held and founded by mostly Science major students, pero may iba namang nanggaling din sa other departments tulad ko na galing Architecture, some are from Education and Social Work, concerning taking good care of nature. My past involvements and other active participations are many to mention, hindi ko na iisa-isahin pa.” “Nakakabilib talaga! Pangarap kong maging katulad mo din, Miss Brielle!” dagdag na komento ni Sabrina. “Oo nga! Grabe! Ang dami mong activities, Miss! Paano mo napagsasabay-sabay lahat ng ‘yon?” “I guess it’s a matter of time-management mixed with passion and love for what you do.” The way she answered was articulate. “Going back to the main topic, which is the SMBMA. Gusto kong ipaalam sa inyo na this organization welcomes everybody who has a desire to join us, but of course, only few and qualified ones will be chosen. Bale, sasalain naming maigi at mabuti kung sinu-sino ang talagang karapat-dapat na mapabilang at maging parte ng aming samahan. Just want to remind you, girls, that once you belong to this group, kaakibat nito’y responsibilidad na dapat na gampanan ng mga babae sa ating society. You’re not here just for fun.” Tumangu-tango sila. Hindi na rin naman lingid sa kaalaman nila na medyo mataas ang standard ng SMBMA sa pagpili ng magiging mga miyembro kasi nga hindi naman ito basta-basta lang na samahan. May sinusunod ding procedure at right screening kung papasa sa qualifications ng mga ito ang magiging mga kasama. “First, you need to take a personality test for us to determine a lot about you. Next, we’ll have academic screening. Hindi na rin lingid sa kaalaman ninyo, ‘di ba? Na may mini-maintain tayong grades para mapanatiling pasok sa standard ang mga members. And then, lastly, your given actual assignment and initiation kung kakayanin niyo ba ang mga hamong ipapagawa namin.” Sabrina took notes and listed down everything. “Dito kasi sa Samahan ng Mga Babaeng May Adhikain, ‘yung focus ng group hindi lang companionship, friendship sa kapwa mga babae o plain sisterhood. Ang hangarin ay maitaas ang bandila ng mga babae sa kahit na anong langarangang hangarin ng mga miyembro. Nagtutulungan, nagkakaisa, suportahan. Next to take down notes, ang grupong ito ay nagkakawang-gawa din. Every Sunday, you have to commit at least a half day to participate with our charity programs. Kung hindi makakasama o makakarating, one should have a valid reason at required na bumawi sa next sessions.” After the discussions, Sabrina and the other interested participants took both the personality test and the IQ test. Okay naman ang personality test kasi wala namang maling sagot doon at kailangan lamang magpakatotoo upang masalang maigi kung anong klaseng personality ang mayroon ang isang tao at kung fit ba ito physically and mentally to join the group. Sa IQ test, do’n siya nahirapan dahil aminada naman siya at alam niya sa kanyang sarili na hindi siya ganoon katalino. Actually, mahina talaga ang utak niya, kaya nga din nagkainteres siyang mapasama sa organisasyong ito, eh, dahil ang pinakahabol talaga niya’y ang mga tulong na makukuha sa mga kasamang kapwa estudyante na mapataas kahit papaano ang grades niya. Besides, may kailangang i-maintain na grades sa Business Management at may kailangan ding i-maintain sa SMBMA base sa kursong kinukuha ng isang miyembro. Sa gano'ng paraan ay mas magkakaroon siya ng motibasyon kaya hindi siya babagsak at malalaglag. A week later, pinatawag silang muli, and sadly, hindi naipasa ni Sabrina ang IQ test. Average lang din ang kanyang academic grades, hindi ganoon katataas, so, hindi siya pumasa sa pamantayan ng organisasyong nais sanang salihan. Out of almost fifty takers, only seventeen made it. At hindi nakasama ang pangalan ni Sabrina. Bagsak ang balikat at malungkot na lumabas siya ng meeting room. Ganoon talaga, acceptance is the key. She didn't make it. Edi move on na lang. "Uhm, Sabrina Salazar?" Napatingin siya sa tumawag sa kanya. Bahagya pa nga siyang nabigla nang makitang mukhang hinabol talaga siya ni Brielle hanggang dito sa labas. "Miss Brielle, bakit po?" Ngumiti ito. "Sabrina, right? Your name?" Tumango ang dalaga. "Just wanted to inform you na may mga hindi man nakapasa sa IQ test, mataas naman ang nakuha sa personality tests, and we're making consideration because we believe that aside from academic standards, attitude and behavior in joining SMBMA also matters." Nakasilip siya ng munting pag-asa. "Ano pong ibig ninyong sabihin, Miss Brielle?" "Okay. Hindi na 'ko magpapaliguy-ligoy pa. Isa ka sa mga hindi nakapasa sa IQ test pero sobrang bawi at swak naman sa personality test para mapabilang sa amin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD