Asha continued speaking to Sabrina, "Well, dear, you may never know unless you try, kaya nga gusto naming mapalapit ka sa kanya.”
"Pero ano nga kasing makukuha natin kung mapapalapit ako sa kanya?" patuloy namang tanong ng clueless na dalaga.
"Simple lang. Hindi ba't isa sa ultimate goals ng SMBMA ay makilala bilang organisasyong may remarkable reputation dito sa paaralan? Kapag napadikit ka sa isang studious na kagaya ni Vito, and eventually, naging kayo, edi maganda! Maitataas mo ang bandera ng ating samahan kasi maipagmamalaki ka ng grupo sa lahat bilang miyembro ng SMBMA na may boyfriend na kilala sa pagiging magaling academically at sa sports na rin. Plus points pa kapag naging c*m Laude nga si Vito ng batch ninyo. Tataas ang tingin sa 'yo, sa atin ng mga kapwa estudyante because there's a member of the organization na ang boyfriend ay c*m Laude."
Gano'n?! 'Yon naman pala! Ngayon ay naiintindihan na rin sa wakas ni Sabrina at malinaw na sa kanya ang purpose ng initiation na ito.
But honestly, she doesn't like the idea. Bakit kailangan pang dumikit sa pangalan ng ibang tao para sa magandang reputation? Eh, dati nang kilala sa buong school ang organisasyong ito, hindi ba? Kaya nga naengganyo siyang sumali at maging parte ng samahan.
"Ano? Kaya mo ba?" Harika challenged her. "Kasi kung hindi mo kaya puwede ka namang umayaw at ibibigay na lang namin ang initiation na ito sa ibang interested members who are also aiming to join our organization."
Naalarma tuloy siya. Mamaya baka bawiin pa ang consideration sa kanya!
"Kaya ko! Kakayanin. Gagawin ko na."
Bahala na si Batman!
"Great!" natutuwang komento ni Asha.
Nagtanguhan pa ang mga babae na tila bilib sa ipinapakitang determinasyon niya.
Bakas naman kasi sa mukha niya ang pagdadalawang-isip lalo pa't hindi rin madali ang gagawin niya. 'Ni hindi nga siya sigurado kung magtatagumpay man lang siya, eh. Pero heto siya, susubukan pa rin niya ang kanyang makakaya! Girl power!
"If you don't mind me asking, Sabrina. Gusto ko lang malaman, bakit gustong-gusto mong mapabilang sa organisasyong ito? I can see that you're so determined na kahit anong ipagawa sa 'yo gagawin mo lahat basta makakuha lang ng sure slot to become an official member for SMBMA," Lizzy asked, amazed.
Marahang napangiti siya sa tanong ng babae. "Alam niyo kasi, wala akong mga kaibigan, eh. Ewan ko din kung bakit hindi ako lapitin ng mga kaibigan o kung sadyang ayaw lang nila sa akin at iniiwasan, nilalayuan nila ako. Basta hindi ko din talaga alam kung bakit. Kaya naisipan kong sumali sa grupong 'to kasi nagbabaka sakali akong makakahanap ako ng true friendship at sisterhood for lifetime kapag nasali ako rito at naging isa ako sa inyo."
Na-touched ang mga ito. "Oh!"
"Don't worry, Sabrina, because from now on you have us, and the other members. You would not feel alone dahil makakasama mo kami at lahat tayo sa samahang ito ay pantay-pantay at magkakaibigan. You have a problem? No worries because we got your back. We'll be uplifting each other here," Brielle promised.
Siya naman ang labis na na-touched sa napakagandang sinabi nito. "Talaga? Grabe! Mukhang ngayon pa lang nakikinita ko nang magiging masaya at kumpleto na talaga ang college life ko dahil sa inyo!"
"Hindi mo sure. Marami pang puwedeng mangyari," Harika teased jokingly.
"Isa pa'y hindi na rin ako magpapakaipokrita, nagustuhan ko din kasi 'yung mga naririnig ko tungkol sa samahan ninyo na nagtutulung-tulungan talaga ang lahat kahit sa anumang aspeto ng usaping pampaaralan. Medyo mahina kasi utak ko, eh, lalo na sa Math subjects. Ay, talagang blags!" Natawa pa nga si Sabrina sa sarili. "Kaya umaasa akong kapag nadikit ako sa inyo, hindi na ako masyadong mahihirapan kasi may mga magiging katuwang ako't magpapaturo ako kung may hindi ako maintindihan o kung may mga naguguluhan ako sa lessons."
"Sure, dear. Tulad nga ng sinabi namin, maghihilahan tayo pataas dito, at walang sinumang male-left behind sa SMBMA," Brielle assured.
If only Sabrina could hug the four of them right now! Pero hindi na muna. Nahihiya pa siya. Saka na siguro kapag may sapat na lakas ng loob na siya't close na talaga siya sa mga ito at may napatunayan na. Sa ngayon, mas mabuting mag-focus na muna siya't pag-isipang maigi kung paano ang gagawing pagpapapansin para makuha ang atensyon ni Vito sa hinahangad niyang tagumpay sa initiation na ibinigay sa kanya.
Inumpisahan niya ang paggawa ng kanyang initiation sa paraang alam niya…
Naglalakad siya sa corridor at papasok sa classroom nila nang sumunod na umaga nang makita niyang papasalubong si Vito. Mukhang lalabas saglit ito dala ng isang bago na namang librong hawak nito at hindi niya alam kung saan ito pupunta. Magliliwaliw siguro dahil mayamaya pa naman ang umpisa ng klase.
Sa pinakaunang pagkakataon kahit na hindi naman niya ito ginagawa dati at wala naman siyang pakialam kahit na masalubong niya ito kahit na saang sulok ng paaralan, nginitian niya ito at binati.
"Hi, Vito."
Blangkong tumingin ito sa kanya.
She smiled even sweeter. "Good morning."
Kung hindi lang talaga kailangan, nunkang gagawin niya ito!
Halata namang hindi ito interestedo sa kanya. At siya rin naman! Hindi ganito ka-cold na lalaki ang tipo niya, 'no!
"Good morning," simpleng tugon lamang naman nito na walang kangiti-ngiti at nilagpasan na nga siya.
Medyo nakita pa nga niya sa mukha nito ang pagtataka dahil sa pagbati niya dito na dati-rati ay hindi naman niya ginagawa.
Napasunod siya ng tingin sa likod nito habang nagtutuluy-tuloy na ito sa paglalakad.
Suplado! Snub! Cold!
Bakit ba kasi ganito kahirap na initiation ang pinagagawa sa kanya!
Kung ibang lalaki siguro 'yan na hindi kasing cold ni Vito Martinez, hindi siya gaanong mahihirapan!
Marami namang iba diyan na mas interestedo, eh!
Bakit kasi si Vito pa!
Nais tuloy niyang pumadyak sa inis at pagkabagot. Mukha talagang hindi magiging madali ang challenge na ito! Ngunit oo naman, hindi siya susuko! Wala sa bokabularyo niya ang dapat na sumuko kapag nahihirapan! Dapat pa nga siyang ma-motivate lalo na magtagumpay kung alam niyang hindi magiging madali ang lahat!
Kinatanghalian nang matapos ang klase ay dumiskarte siyang muli…