Madaling umupo sa bakanteng silya si Sabrina katabi ng upuan ni Vito na nag-aayos na rin ng mga gamit at naghahanda na sa paglabas ng classroom nila.
"Vito!" kalabit niya rito.
Tumigil ito sa ginagawa at tiningnan siya. "Anong ginagawa mo rito?"
"Uhm, nahihirapan kasi ako sa Calculus, eh. Puwede ba akong magpaturo sa 'yo?" suyo niya.
Sandaling nagtagal ang mga mata nito sa kanya tapos ay muling bumalik sa pagligpit ng mga gamit papasok sa backpack nito.
"Wala akong balak na maging tutor. Sorry. Sa iba na lang."
Konti na lang talaga ay gusto nang magmura ni Sabrina sa gigil at inis! Sobrang hard to get naman ng lalaking ito!
"Please, Vito! Ikaw kasi 'yung nakikita kong pinakamagaling sa Math, eh, kaya sa 'yo ako lumapit. Besides, 'yung ibang classmates natin, busy sila sa iba't-ibang priorities nila outside school."
"As you can see, I'm also a busy person, Miss Salazar."
"Pumayag ka na, Vito, please!" Pinagsalikop na niya ang kanyang palad para lang halos pagmakaawaan ito. "Uhm, babayaran ko 'yung time na mako-consume natin sa pagtuturo mo sa akin. Sige na kasi."
"Sorry, but I'm not interested."
Tahimik na umismid si Sabrina na hindi nito makikita.
Kapag talaga ako napuno sa 'yo!
But instead of voicing that out, she chose to smile more and give him puppy eyes to be more persuading.
"Ganito na lang, kapag natuto ako sa 'yo you can ask me anything. Kahit ano, gagawin at ibibigay ko sa 'yo. Kung gusto mo nga bilhan pa kita ng books, eh! Kahit na ano pa 'yan basta ba pumayag ka lang na turuan ako sa Math!"
Tumigil ito sa pinagkakaabalahan at tila may naging guhit ng munting interes sa mukha nito dahil sa kanyang sinabi.
Halos makahinga siya nang maluwag dahil sa nasilip na pag-asa. Sa wakas!
"Talaga? Puwede kong hilingin ang kahit na ano?"
Sunud-sunod ang naging pagtango niya. "Oo, kahit na ano pa 'yan! Name it! At sagot ko na!"
Naghimas ito ng baba na tila ba'y pinag-iisipan na ang kanyang suhestiyon.
Sabrina was all praying and hoping for finally a positive answer from him!
Bumagsak ang kanyang mga balikat nang muli itong magsalita.
"Naalala ko pala na may practice pa 'ko ng football sa hapon right after my duty sa Supreme Student Council Office. So, I don't really have the free time. Sorry."
Halos masapo ni Sabrina ang kanyang noo sa pinaghalong pagkadismaya, inis, at impatience. Yes, nag-uumpisa na talagang maubos ang kanyang pasensya!
Speaking of SSC, Vice President kasi si Vito ng nasabing pamunuan kung kaya't may mga responsibilidad nga ito sa paaralan at sa kapwa mga estudyante.
"Hintayin kong matapos ang practice ninyo!"
"Talaga?" Natawa ito. "Eh, halos alas sais na kami kung matapos. Minsan nga'y inaabot na kami ng dilim bago nakakauwi."
Pumikit ng mariin si Sabrina at pinanindigan na ang pahayag. "Alright then. I'll be patient enough. Hihintayin ko hanggang sa matapos ka sa practice ninyo."
Tinitigan siya nito na tila naaliw ito sa kanya. "Sigurado ka? Gagawin mo talaga 'yon?"
"Oo naman! Ano? Game na ba?"
Sa wakas, ang pinakahahangad niyang tugon mula rito ay nakamtan na rin nang tumango at pumayag na ito.
"Sige, payag na 'ko. Sabi mo naman, eh, na handa kang maghintay. Kung gano'n ay sige."
She smiled in relief and success. Finally talaga!
"Asahan ko 'yan! Salamat, Vito!"
Pinanindigan ni Sabrina ang napag-usapan nilang dalawa, ngunit nang sumapit ang hapon ay hindi niya alam kung matatawa siya o maaasar na hindi niya matindihan lalo pa't nang oras-oras ay panay ang sulyap niya sa suot na relos. Gabi na't sobra alas sais na, tapos na rin naman ang mga sports players sa practice, ngunit ang tagal lumabas ni Vito mula sa boys room. Kanina pa nga siya nilalamok kahihintay dito sa labas!
"Buti naman at nandito ka na!" Hindi na niya napigilan ang inis sa tinig nang sa wakas ay namataan ito.
Isa-isang nagsikanya-kanya na ang mga kasama at kapwa players nito. Nagsikawayan at tumangu-tango.
Nang tingnan siya'y ngumiti ito. "Hinintay mo nga talaga ako, ah!"
Umiwas siya ng tingin. Hindi niya alam kung bakit biglang may naramdaman siyang kung ano sa dibdib dahil sa ngiti nito. Siguro ay dahil presko ito ngayon. Mabango. Kaliligo lamang kasi nito at kapapalit ng damit, kaya ganito.
Usually, ganito ang players, eh. Nagsha-shower na sa school after practices before going home para kain saka diretso tulog na lang pagkarating kasi pagod na nga.
"Siyempre naman, 'no! 'Yon ang napag-usapan natin! Tumutupad lang ako sa kung anong napagkasunduan."
Magiliw na tumangu-tango ito.
Sabay na naglakad na sila palabas.
"Sabi mo alas sais lang, eh! Anong oras na't mag-quarter to seven na nga!"
"Sabi ko naman kasi sa 'yo I'm a busy person," katwiran ng loko habang nakangisi. "Ano? Ayaw mo na ba? Umaatras ka na ba ngayon? Sabihin mo lang!" At hinahamon pa nga siya!
Madali pa nga sa alas kuwatrong umiling-iling siya. "Wala akong sinabing gano'n, 'no! Nandito na tayo at hindi ko sasayangin ang paghihintay ko ng halos tatlong oras sa 'yo at mangalay-ngalay pa ang puwet ko kauupo sa bleacher na matapos ka sa football practice mo para lang sa wala!"
"Ayos kung gano'n. Halika na't ilibre mo 'ko ng dinner. Gutom na rin kasi ako, eh!"
Nauna na itong maglakad sa kanya. Napabuntong na lamang siya. Sana lang ay tama at magbunga naman ng tagumpay itong mga pinaggagagawa niya! Aba'y mahirap ito at sakripisyo din 'to para sa kanya, ah!
Imbes na 'yung tatlong oras na ginugol niya sa paghihintay na matapos sa practice si Vito ay itinulog na lang sana niya't ipinagpahinga doon sa kanyang boarding house!
The good thing was hindi naman maarte si Vito sa pagkain kasi kahit na sa simpleng kainan lang sa labas ay wala naman siyang narinig na pagtutol o protesta mula rito, bagkus ay ito pa nga ang unang nagturo ng mga ulam na nais nitong kainin.
Pagkatapos nilang kumain, doon na rin siya nagpaturo ng lessons sa Calculus na nahihirapan siya, saka sumagot na rin sila ng assignment na ipapasa sa susunod na araw.
"Bakit gano'n? Kung ikaw nagtuturo sa akin, madali lang naman at gets ko naman, pero kung teacher sa classroom, sobrang hirap parang jumbled lagi utak ko!"
Vito confidently tilted his head like it was a piece of a cake. "Ang ibig sabihin lang nu'n, magaling at effective akong magturo."
Genuine na tumango siya, sobrang sang-ayon. Hindi lang dahil sa pinagagawa sa kanya kundi dahil totoo din talaga ang bagay na 'yon. Magaling itong magturo at madaling sundan.
"Kaya nga ikaw ang gusto kong magturo sa akin, eh, kasi alam kong matalino at magaling ka talaga!" hirit niya.
Marahang humalakhak lamang naman nito.
She couldn't help but look at his eyes the way he laughed and smiled. Naisip niyang kung tutuusin ay hindi naman pala itong kasing cold and hard to reach na inaakala niya, marunong din pala itong ngumiti at sumakay sa trip!
Sumunod ang mga araw at natagpuan na lamang ni Sabrina na nai-enjoy na niya ang sarili sa nakagawian na ring paghihintay lagi kay Vito na matapos ang practice nito.
Nag-a-out siya sa kanyang duty sa hapon by 5 PM tapos diretso na siya sa oval field to watch the football's practice kung saan naroroon si Vito. Ganoon na ang naging routine niya sa halos araw-araw, and it didn't feel like a challenge any longer, kasi nai-enjoy na nga niya ang ginagawa.