"Go, Vito! Galingan mo!" Sabrina was cheering Vito from the top of her lungs sa bleacher kung saan siya nakaupo lagi.
Wala siyang pakialam kung pagtinginan o pagtawanan siya ng mga kapwa estudyanteng nanunuod dahil sa ingay ng cheer niya basta ba full support siya sa kanyang manok!
"Wala!!! Yes!" Kahit nga ang pag-cheer na hindi maka-score ang kalabang team ng kina Vito ay ginawa na rin niya.
"Vito, kaya mo 'yan!"
Nang saglit na bigyan ng water break ang mga players ay dumiretso sa kanya ang lalaki at naupo sa kanyang tabi dito sa bleacher.
"Naks! Galing mo talagang maglaro, ano!"
Abot hanggang tenga ang ngiti nito habang nakatitig sa kanya. "Lucky charm ko yata ang mga pagsigaw at cheer mo sa akin kaya namo-motivate lalo akong ipanalo ang mga games sa practice."
Magiliw na napangiti din siya sa sinabi nito. Puwede na pala siyang maging cheerleader niyan sa galing niyang magpapanalo ng athlete!
Naging magaan ang mga loob nila sa isa't-isa at naging magkaibigan nga naman ang dalawa. Sa lagi ba naman nilang pagkakasama ay talagang magkakalapit sila!
"Sab!"
Napalingon siya sa tumawag sa kanya isang umaga ng Lunes at papasok pa lang siya ng main gate ng University.
It was Vito, slowly running to her.
"Vito, ikaw pala! Kadarating mo lang din?"
Tumangu-tango ito. "Oo, eh. Ikaw din?"
Tumango din siya.
Ngumisi ito at nag-amba ng high five na nakangiti niyang pinaunlakan.
Sabay na rin silang naglakad papasok ng classroom nila.
Gradually, they were really becoming close, and Sabrina started to feel so comfortable around Vito.
Hindi akalain ni Sabrina na isang hapon, habang masaya siyang nagchi-cheer kay Vito at nasa laro ito ay may tatabi sa kanya na isang babae.
Pagtingin niya'y nabigla pa siya nang mapagtantong si Brielle pala ito. Nakangiti ito habang nanunuod din sa practice.
"No doubt. He's really a good player, isn't he?" she spoke, pertaining to Vito.
Kinabahan si Sabrina sa hindi niya mawaring kadahilanan.
Nang tingnan siya ng katabi ay nuon lamang siya mailap na tumango saka umiwas ng tingin. "Oo nga. Magaling si Vito."
"I heard nagkakalapit na raw kayong dalawa? So, how's the progress sa pinagagawa naming initiation sa 'yo? Any update?"
"Uhm, okay naman, Brielle."
Marahang tumawa ito. "How okay is that okay of yours?"
"I mean, magkaibigan naman kaming dalawa at sa tingin ko naman magtatagumpay ako kasi nagkakalapit na kami. Close na, kumbaga."
"Alright then." Tinapik nito ang kanyang balikat. "Good luck. Sana talaga ay magtagumpay ka. I'll be so proud of you kapag nangyari 'yon."
Pinanuod niya ito nang tumayo na ito at naglakad na palayo.
Bakit sa pagkakataong 'to ay nakaramdam bigla siya ng guilt? Tama pa rin ba 'tong ginagawa niya? Paano na si Vito na walang kaalam-alam sa lahat ng mga nangyayari at parte lamang ng initiation niya…
Sa pagkakatanda niya, simula nang maging magkaibigan sila ng lalaki ay wala naman itong pinakitang hindi maganda sa kanya. Sa katunayan pa nga’y sa palagian nilang pagkakasama ay naging mas malapit pa sila sa isa’t-isa at mas nakilala niya ito nang lubos, na hindi naman pala talaga ito totally snub nerd bagkus ay may kabaitan side din naman pala ito.
Isang araw pa nga’y nalagay sa alanganing sitwasyon si Sabrina at naglalakad siya sa campus nang bigla ay may humarang sa dinaraanan niya…
Mula sa makintab na mamahaling school shoes na suot ng lalaki ay nag-angat ang kanyang mga mata sa mukha nito… Para lang ma-disappoint nang makita kung sino ito.
“Warren?”
“Hi, babe! It’s so nice to see you again! Kamusta ka na? Tagal na nating ‘di nagkikita at nagkakausap, ah!”
Para bang nasira na araw niya sa presensya ng ex-boyfriend na sadya talagang may hangin yata sa ulo. Obvious naman!
“It’s so not nice seeing you again, Warren. Heto at okay naman ako. Life’s actually so much better magmula nang maghiwalay tayo,” pang-aasar niya.
This j*rk here is just one of those son-of-a-b*tch ex-boyfriends of hers na nakipag-split sa kanya nang wala man lang formal break-up basta nalaman na lang niya noon na nakipag-h00k-up ito sa isang babaeng mula sa freshmen, and then that was it, they were over. Ang disrespectful lang, ‘di ba? At least they should have told her face to face kung ayaw na sa kanya, as if namang hindi pa siya nasanay na palagi siyang inaayawan in the middle of her relationships kasi nakakahanap ng mas better sa kanya ‘yung mga loko-lokong ‘yon!
Tumawa ito sa sinabi niya. “Grabe! That was harsh! Ang harsh mo sa akin, babe!”
“It’s because I don’t feel the need to talk and to see you, kaya ba-bye na!”
Nilampasan na niya ito at akmang tatalikuran na nang may kalakasang hinawakan nito ang kanyang siko upang pigilan siya.
“Kinakausap pa kita kaya huwag mo ‘kong talikuran! Huwag kang bastos!”
“Bitawan mo nga ako!” napipikon nang asik niya rito.
At ang loko’y ngumisi lang naman.
May kahigpitan ang hawak nito sa kanya kaya parang babaon ang mga kuko nito sa balat niya at kapag hindi pa siya nito binitawan ay mamamaga ang parteng ‘yon ng balat niya.
“Ano ba, Warren! Nasasaktan na ‘ko! Bitawan mo ‘ko!”
She tried to fight him and freed her elbow from his tight hold, pero sadyang malakas ito at ayaw nitong bitawan ‘yon.
“May problema ba dito?”
Kapwa silang napalingon sa tinig na nagsalita.
Sabrina sighed and somehow she felt relief in Vito's presence.
Para bang pakiramdam niya’y magiging mas ligtas siya ngayong nandito na ito.
Nakapako ang mga mata ng binata sa ex niyang may hawak pa rin sa siko niya at nang bumaba ang mga tingin nito sa pagkakahawak sa kanya, nuon sa wakas pinakawalan ni Warren ang braso niya.
“Aray ko naman! Ano ba kasing problema mo, Warren!” daing niya saka marahang kinapa at tiningnan ang siko, inuusisa kung nagmarka roon ang kuko nito.
Bw*set na bw*set siya, sa totoo lang!
“Ginugulo ka ba niya, Sab?” Vito asked seriously as he was never breaking his warning glare on Warren.
Nuon nakakitaan ng pagkatinag ng kayabangan ang huli.
Marahil ay kilala nito si Vito. Hindi basagulero at walang record ng trouble o nakaaway sa campus, pero alam malamang nitong maimpluwensya ang running for a latin honor na schoolmate na ito kaya isang salita lang nito at isang gamit lang ng koneksyon, maaaring maraming pupuwedeng mangyari kay Warren lalo pa’t alam nito sa sarili na hindi na iilan ang naging records at pagpapabalik-balik nito sa dean’s office, sa prefect, sa guidance counselor kaya isang gamit lang sa mga ‘yon, magiging alanganin ang pagmartsa nito sa darating na March graduation.
“Vito, hindi naman sa ginugulo ko siya. Nag-uusap lang kami,” paliwanag ni Warren.
“May nag-uusap bang nagiging bayolente?! Ikaw lang yata ang kilala ko, Warren!” inis pa rin sabi ni Sabrina dito.
“Mukhang may mapapatawag na naman yata sa dean’s office nito, ah? Pang-ilang warning mo na nga? Hindi ba’t magmamartsa ka na next year? O gusto mo na namang ma-delay na naman ng isa pang taon? Mahal mo yata masyado itong university kaya hindi mo pa gustong iwanan?” sunud-sunod na chill lang na pagbabanta ni Vito.
“Vito pare, huwag namang ganyan—”
Vito turned to her. Inakbayan pa nga siya.
“Sabihin mo lang ulit sa akin kapag ginulo ka pa niya, alright? Akong bahala sa kanya.”
Nuon kakikitaan ng takot ang mukha ni Warren. Simple at cool lang si Vito pero alam nilang mapanganib ito at kapag nagbanta ay tinu-totoo talaga.
“Dude, I promise, hindi ko na siya guguluhin ulit. Huwag mo lang akong isumbong sa heads. Ayoko nang ma-delay sa pag-graduate, mayayari na naman ako’t mabubugbog na naman ako ng dad ko kapag nagkataon. I beg you, please.”
Vito looked at Sabrina. “Ano, Sab? Anong gagawin natin sa kanya? Ikaw ang magdesisyon at ikaw ang pakikinggan ko. Patatawarin at palalampasin na lang ba natin? O pa-kick out na kaya natin?” he even suggested.
Para nang maiiyak ang ex-boyfriend niya sa banta ng kaibigan niya. “Vito, huwag naman! Please! Malalagot ako sa tatay ko!” And then he turned to her, begging. “Sab, please. I promise, hindi na kita guguluhin ulit, huwag niyo lang akong isumbong.”
Sabrina sighed as she spoke to her saviour, “Mapapalampas ko naman ito.” She turned to her ex, too. “Huwag mo na lang akong pestehin ulit o kaya kausapin o tingnan man lang. Kapag nagkasalubong tayo, at least pretend as if we don’t know each other. Can you guarantee that? Ayoko lang ng gulo, ayoko rin namang ma-expel ka o hindi ka maka-graduate, I just want my peace of mind, kaya lubayan mo na lang ako, Warren, ayos ba sa ‘yo ‘yon?”
Tumangu-tango si Warren. “Yes, Sab. That’ll be great. Pangako, hindi na kita guguluhin ulit.”
“Tatandaan ko ‘yan, Warren,” Vito swore.
“Makakaasa kayo.”
Nang makalayo na si Warren sa kanila at nagpatuloy na rin sila sa paglalakad, saka nagpasalamat at nag-open-up si Sabrina kay Vito ng tungkol sa mga naging ex niya.
“Salamat, Vito, ha? Sa pagdating at sa pagsalba sa akin. Kung hindi ka siguro dumating, baka kinaladkad na ‘ko ng lokong ‘yon sa kung saan! Ang sakit pa naman ng kamay niya!”
“So, why did he do that?” Vito asked.
“Ang totoo niyan, si Warren kasi isa siya sa mga naging ex-boyfriends ko kaya hayun. Hindi ko alam kung anong gusto niya, eh, matagal naman na kaming break at hindi na nga nag-uusap, ‘ni wala na ring anumang connection, kaya hindi ko rin inaasahan ang bigla niyang pagsulpot at pagharang kanina sa paglalakad ko para pestehin na naman ako.”
“He was one of your exes?”
She nodded. “Oo, ang totoo niyan, nakakahiya man pero ang dami ko na kasing naging ex, eh,” naiilang pero matawa-tawang pag-aamin niya. “Ang totoo’y halos hindi na mabilang sa kamay ko mga naging ex-boyfriends ko pero lahat sila puros waley! Hindi nagtatagal! Ewan ko nga ba kung bakit! Basta nagigising na lang ako isang araw na umaayaw na sila o kung hindi man may mas nakikita nang better na ipapalit sa akin! No’ng una, aaminin kong medyo masakit, pero kalauna’y para bang nasanay at namanhid na lang din pakiramdam ko kaya parang hindi na bago sa akin na hinihiwalayan at iniiwanan.”
Pagkatapos ng kanyang mga sinabi, hindi na niya narinig pang nagsalita si Vito bagkus ay nagpatuloy na lamang ito sa tahimik na paglalakad.
When Sabrina looked at him, she saw that his face was serious. And was there any hint of something more there… like, some disappointment?