Lalo pang sumama ang luhaang mga mata ni Sabrina. "Anong sinasabi mo, Brielle?"
"Kung inaakala mong naisahan mo si Vito, puwes nagkakamali ka dahil ikaw ang naisahan niya. Naming lahat, actually. Vito was aware about everything all this time. Actually, magkasabwat talaga kaming dalawa simula pa noong una."
Umiling-iling siya. Hindi makapaniwala. Nagsisinungaling lang naman si Brielle, 'di ba? Paanong mangyayaring aware si Vito at kasabwat pa nina Brielle? Hindi! Imposible ang bagay na 'yon!
"This man named Vito Martinez here has always liked, wanted, and loved one woman. At ako lang 'yon. I promised him that once he do me a favor, I'd advance our relationship to something more and deeper kaya pumayag siyang sakyan ang palabas natin at papaniwalain kang napapaniwala mo siya sa pekeng pagmamahal mo–"
"Huwag mong sabihing peke dahil kahit kailan hindi ko pineke ang pagmamahal ko kahit na kanino man!" And weakly, Sabrina turned to Vito. "Lalong-lalo na kay Vito. Hindi kailanman naging peke ang nararamdaman ko para sa kanya."
Wala siyang narinig na anumang pagtugon mula sa nakatalikod pa ring binata ngunit tanaw niyang nagtataas-baba ang mga balikat nito.
Luhaang lumapit siya rito. "Vito, sabihin mo sa akin na hindi totoo ang sinasabi niya. Ikaw ang paniniwalaan ko."
"Sabi mo mahal mo 'ko, 'di ba?"
"Oo naman, Brielle!"
Naagaw ang pansin niya ng biglang video footage na nag-play sa screen. Halos pigil-hininga ang lahat sa nasasaksihan.
Naroon sina Brielle at Vito sa loob ng isang bakanteng classroom…
Brielle was sitting on one of the desks while Vito was standing in front of her.
"Kung gano'n, puwede ba akong humingi ng favor sa 'yo?" Napaka-angelic ng tinig ni Brielle sa video.
"Kahit na ano, Brielle. Alam mo namang wala akong hindi gagawin para sa taong mahal ko."
She smiled her sweetest. Napaka-pretty na babae!
Brielle started to narrate to Vito about the initiation na pinagawa kay Sabrina.
"Gusto kong sakyan mo 'yung trip na pinagagawa ko kay Sabrina. Papaniwalain mo siyang gusto mo rin siya at nahuhulog ka sa kanya. Ligawan mo, maging kayo, tapos hiwalayan mo na lang kalaunan kapag sinabihan na kita."
"What?! No, Brielle," Vito smirked like it was the biggest joke he had ever heard. "Bakit ko naman gagawin 'yon? That's crazy. 'Ni hindi nga kami nagpapansinan nu’n sa classroom kahit na magkaklase kami. She's not the woman I'm seeing myself falling in love with, not even worth it. Palagi siyang lutang sa klase at hirap na hirap sa lessons kahit na napakadali lang naman! In short, ayoko sa bobo at naturingan pang 'ex-girlfriend ng lahat' kasi ligawin at madaling bumigay sa kung sinu-sinong manliligaw niya."
Brielle grinned at what he just said.
The way Vito said it all stabbed Sabrina right straight in the heart because aside from the hurtful words alone, ang pagkakasabi nito ng bawat kataga ay para bang iwas na iwas at disgusted ang binata just by the thought pa lang na ia-approach siya nito.
"Besides, you know me. I'm running for c*m Laude, Brielle. I don't want my image to be stained dahil lang nadikit ako at ang pangalan ko sa babaeng wala namang ibubuga. A very opposite of what I am."
Brielle held Vito's hand para lalo pang maglambing at mapapayag sa nais. "I know, pero please, Vito, for me? Sabi mo nga wala kang hindi gagawin para sa akin kaya pumayag ka na."
Pumikit ng mariin at naghilot ng sentido si Vito bago tuluyang pumayag ngunit halatang alanganin at napipilitan lang sa pagtango.
"Alright. If it will make you happy, then fine. I'll do it for you, Brielle."
Parang batang matagumpay na niyakap ng babae si Vito. "Yiee! Thank you, Vi! Sabi ko na nga ba, you’ll do anything for me!"
And the man embraced her back.
Ngayon ay malinaw na kay Sabrina ang lahat. Hindi nagsisinungaling si Brielle. At ang pinakamasakit pa sa lahat ay pinapaniwala siya ni Vito sa walang katotohanang pagmamahal umano nito sa kanya, when all along he is actually in love with Brielle na handa itong gawin ang kahit na ano para sa dalaga!
Kuyom ang mga kamao at mariing nakatitig siya sa likod ni Vito.
"Bakit?"
Unti-unting humarap sa kanya ang binata at halos manayo ang kanyang mga balahibo nang ngumisi ito sa kanya.
Wala siyang pakialam kung inuulan na siya ng kanyang mga luha!
Tuluyan siyang sumabog at walang pakialam na nagtaas ng boses saka tiningnan din ang mga babae sa stage lalo na si Brielle. "Anong ginawa ko sa inyo para gawin niyo sa akin 'to?!" She turned to Harika. "Alam mo din ba ang tungkol dito?" And she also looked at the two girls. Asya and Lizzy. Alam na kaagad niya ang sagot sa sariling tanong. "So, alam niyo nga! Pare-pareho kayong aware at pinagkaisahan ninyo akong lokohin!"
Nanlilisik ang mga matang binalingan muli niya ang reyna-reynahan ng lahat ng kalokohang nangyayari. "Bakit, Brielle? Tiningala kita, inidolo, ginawang inspirasyon! Gustong-gusto kong maging katulad mong role model at student leader ng school pero ganito pala ang ginagawa mo sa taong napakataas ng tingin sa 'yo? Ang lokohin ako at saktan ako!"
"It was also because of you why I did such a thing, Sabrina!" maemusyon na ring sagot ni Brielle sa kanya. Wala na ang plastik na ngiti sa labi bagkus ay tila mula sa puso na ang mga sinasabi nito. "Sa tingin mo ba gagawin ko 'to nang wala akong mabigat na dahilan!"
Nuon siya naging curious kung ano bang dahilan ang sinasabi nito. Baka nga naman may nagawa siya na hindi lang siya aware kaya malaki ang galit ni Brielle sa kanya.
"You remember Hanns Fernandez? One of your many exes, Sabrina!"
Si Hanns? He was one of her ex-boyfriends last year!
Naglandas ang luha ni Brielle. Alam ni Sabrina na hindi 'yon peke kundi nanggagaling talaga sa pusong-sugatan ng babae.
"Alam mo bang mas nauna ko siyang makilala kaysa sa 'yo! We were very close back then and he was always there for me! I liked him! Have always been in love with him! He said the feeling was mutual. Nagkakagustuhan na kami, lume-level up na ang friendship namin into something more, at liligawan na sana niya ako when all of a sudden you came into the picture and then you ruined everything! Literally!"
Hindi nakapagsalita si Sabrina.
Nagpatuloy naman si Brielle. "He set an eye and so much interest for you! Mula nang makita at makilala ka niya, wala na siyang ibang bukambibig kundi puro pangalan mo! Palagi ka niyang kinukuwento sa akin! And to him, you were almost perfect! And then nalaman ko na lang isang araw that he pursued you, at naging kayo! Samantalang ako? Naiwan akong mag-isa! Ako na laging nandiyan para sa kanya at nasa tabi niya pero sa 'yo siya tinamaan ng pag-ibig!"
"Dahil lang do'n?! Kasalanan ko ba talaga 'yon?! Really, Brielle? You were blaming me for everything that happened, especially for your loss! Kung gano'n pala'y sana lumapit ka sa akin at kinausap mo ako! Hindi itong wala akong kaalam-alam na may nasasaktan pala akong ibang tao indirectly dahil nililigawan ako ng isang lalaki! At 'ni wala ka pa sa buhay ko no'ng mga panahong 'yon! Hindi pa kita kilala kaya paano kong malalaman ang tungkol sa damdamin mo para kay Hanns?! You revenged on me and toyed me sa paraang hindi patas para ibalik sa akin 'yung naramdaman mo nang maging kami ni Hanns! If you were fair from the very first place, you wouldn't resort to something as wicked as this, Brielle!"
Hindi nakasagot si Brielle at matigas ang mukha na nakaiwas lamang ng tingin sa kanya, maybe realizing na tama lahat ng sinabi niya. Kung naging patas si Brielle, hindi nito magagawa ang ganito!
Nanghihinang bumagsak na lang ang mga balikat ni Sabrina habang walang pakialam sa paghikbi.
She turned to the other girls.
"Tinuring ko kayong parang totoo ko nang mga kapatid! Akala ko nang mapabilang ako at mapasama sa grupo ninyo, nakahanap ako ng tunay na mga kaibigan." Pagak siyang tumawa sa isang malaking ilusyon. "Ang akala ko ba walang iwanan? Walang dapat na maiwan? And then we lift each other up? Hindi ko akalaing ang mga taong buong-buo kong pinagkatiwalaan ay sila rin palang manghihila sa akin pababa! Akala ko layunin ng organisasyong Samahan ng mga Babaeng May Adhikain ang tulungan ang kapwa babae pero bakit kayo, ganito ang ginawa niyo sa akin? Pinaikot-ikot niyo ‘ko sa mga kamay ninyo na parang isang uto-uto, at pinaglaruan pa!"
Hindi na makatingin sa kanya sina Harika, Asha at Lizzy. Pare-parehong nakayuko na lamang ang tatlo at tila bigla ring tinablan ng hiya nang natauhan sa kanilang malaking kalokohan.
She directed her eyes to Brielle for the last time. "Kung nasaktan kita nang hindi ko nalalaman, I'm sorry. Gayunpaman ang laki ng pagkakaiba natin, Brielle. Wala akong alam tungkol sa inyo ng ex-boyfriend kong si Hanns, samantalang ikaw? Nanghakot ka pa talaga ng ibang tao para lang tapakan ang puso ko."
Lastly, Sabrina exhaustedly looked at Vito. Wala na siyang sapat na lakas, pakiramdam niya'y lahat ng kanyang energy ay kinain at hinigop na ng lahat ng masasakit na nangyari.
"Ikaw naman, Vito, parehas lang pala tayo! Niloko natin ang isa't-isa pero ang kaibahan nga lang, ako totoong minahal kita. Eh, ikaw? Pinaniwala mo ako sa pag-ibig na walang katotohanan para lang mapagbigyan ang kapritso ng babaeng totoong gusto mo!"
Kung napakasakit ng ginawa sa kanya ng mga babaeng tinuring na kaibigan, mas lalo naman ang ginawa ni Vito na buong akala talaga niya'y totoo din siyang minahal!
Sabrina smiled helplessly and nodded. "Alam mo, I regret the day I have fallen in love with you."
'Yon lang at tuluyang nilagpasan niya ito saka tumakbo na siya palayo. Kahit na saan basta malayo sa lahat! Malayo doon sa mga taong akala niya'y kakampi niya pero all this time, magkakakasabwat palang ilalaglag siya!
Sa may ground floor, dumiretso siya sa rest room at nagsarado ng sarili. Tiningnan niya sa salamin ang luhaang mukha.
She should have known! Sa una pa lang dapat ay hindi na siya nagtiwala pa! She should have listened to her instinct lalo na nang sabihin nina Brielle ang initiation niya. It was very skeptical.
Anong matinong organisasyon na ang pino-promote ay women empowerment pero ang ipagagawang initiation sa kanya ay kuhanin ang atensyon at loob ni Vito Martinez? Dapat doon pa lang ay nakinig na siya sa kanya sarili!
She must have run as fast as she could!
Sumigaw siya at sinabunutan ang sarili. Ang tanga-tanga mo, Sabrina! You're nothing but a plain stupid para kumagat sa pain ng mga taong nagiging masaya kapag nakakapanakit ng damdamin ng iba!
Sa huli ay nilabas niya mula sa dalang purse ang isang bagay na balak na sana niyang ipagtapat kay Vito ngayong gabi kung hindi pa sana niya nalaman ang lahat.
Sa totoo lang ay kasabay ng ipagtatapat sana niya ang tungkol sa initiation ay sasabihin din niya ang para sa kanya'y isang magandang balita at blessing sa kanyang buhay. Noong mga nakaraan pa siya nagkaroon ng kutob tungkol dito nang makaranas ng mga sintomas lalo na tuwing gigising siya sa umaga. She really set this date, after the night of the ball, to tell him about her condition.
Tinitigan niya ang hawak na pregnancy test. Dalawang pulang linya na nagsasabing positibo siya sa ipinagbubuntis sa kanyang sinapupunan. Ito rin ang dahilan kung bakit pasimpleng tinago niya kanina ang purse sa kanyang likuran dahil baka pilitin siya ng mga babae na buksan iyon at makita pa ang tinatago niya.
Hinding-hindi mo malalaman ang tungkol sa baby, Vito. Never. She promised herself.