Nagdalawang-isip si Sabrina kung re-reply-an niya o ipagpapaliban na muna, but too late to ignore and pretend as if she hadn’t seen or read it kasi nabuksan na nga niya ang nasabing group chat at nag-appear na na na-seen na niya ang message ni Brielle.
Ayaw naman niyang magtaka ito at ang ibang mga kasama nila kung bakit ni-seen lang niya’t hindi ni-reply-an ang chat ng kasalukuyang leader ng organisasyon ng SMBMA.
Sabrina: Malapit na, Brielle. Sandali na lang talaga…
She bit her lower lip. Sa totoo lang, walang assurance talaga ‘yang sinasabi niyang malapit na lang pero bilang konsolasyon, ‘yan na lang muna ang masasabi niya sa ngayon bilang tugon sa pangungulit ng grupo sa kanya.
Harika: Time’s ticking, Sab. Ayaw naming pinaghihintay kami ng matagal.
Lizzy: Oo nga naman. Malapit na kaming mainip, Sab…
Sabrina: Huwag muna kayong mainip, please. Saglit na lang talaga, girls, at pinapangako ko sa inyo, one of these days, magiging kami ni Vito Martinez. Bigyan niyo lang ako ng konti pang panahon. I’m almost on it already.
May ni-reply pa si Brielle na ginatungan ng isa pang si Asha pero nag-decide si Sabrina, for the sake of her peace of mind, na huwag nang buksan pa ang GC para hindi na mag-appear na nag-seen siya sa messages ng mga ito. She decided to log out her chat account para hindi na muna mag-notify ang mga bagong messages, and instead, she focused on answering her assignments.
Sa mga sumunod na araw na nagdaan, mas naging intensive ang ginawang pagre-review nina Sabrina at Vito sa bawat subjects nila, ‘cause examinations were approaching. Either nasa canteen at kumakain o nasa library, palaging kapwa dala-dala nila ang kanilang mga notes, handouts, and books para mag-review. When it was freetime, wala silang pinalalagpas upang mas makapag-aral pa’t intindihin ang mga di-niscus ng subject teachers nila sa klase.
No more tamad days for Sabrina or even a room for such dahil bukod sa determinado siyang makapasa at makakuha ang matataas na mga grado this semester, magaling din kasi ang tutor niyang si Vito sa pagtuturo at pagpapaintindi sa kanya ng mga bagay-bagay. Para bang ang dali lang ng lessons kapag ito na ang nagturo at nag-explain sa kanya, parang nag-e-expand ang knowledge niya.
Bukod pa roon, siyempre, mahihiya din naman siyang hindi maging attentive at hindi magseryoso sa discussions nila kasi ma-effort at patient naman ito sa pagtuturo sa kanya hanggang sa matuto siya kaya dapat lang na suklian niya ang efforts nito at ipakita rito na hindi sayang ang iginugugol nitong oras upang turuan siya.
Examination days came, and Sabrina could almost thanked heavens dahil sa mismong exams ay hindi niya nakalimutan ang mga inaral at ni-review nila ng lalaki. Lahat ng mga tinuro nito sa kanya ay tumatak sa kanyang isip kaya nasagutan niyang maigi ang bawat mga katanungan sa test papers. It didn’t turn that bad and Vito’s efforts to teach her never went to waste.
“How’s it? Nasagutan mo ba nang maayos lahat ng questions?” tanong nito nang matapos ang exam nila at naglalakad na sila sa corridor para magpahinga na muna’t mag-chill sa canteen for an hour vacant.
Sa susunod kasi na oras pagkatapos ng bakante nila ay panibagong laban na naman sa ibang major subject nila.
Sa katunayan kanina pa natapos sa pagsagot ng test nito si Vito, but he stayed outside their room para hintayin talaga siya hanggang sa matapos din siya at sabay silang igugol ang vacant period nila sa canteen.
“Oo. Miraculously, ‘di ko nakalimutan mga tinuro mo. In fairness, gumana’t nakisama ngayon utak ko sa akin!” biro pa ngang sagot niya.
Ngumisi lang naman ito saka marahang umiling. “You studied and worked hard, you reviewed your lessons seriously, kaya magre-retain talaga sa utak mo at maaalala mo lahat ng mga inaral mo.”
“Ng mga inaral natin,” she corrected him. “Kung ‘di naman dahil sa ‘yo, hindi ko mage-gets ‘yung ibang lessons. Ba’t ba kasi ang galing mong magturo? Kung ikaw nagtuturo sa akin, pakiramdam ko ang dali lang ng mga inaaral ko pero kapag subject teachers na natin, hirap talaga akong makasunod.”
Magiliw na napangiti ito sa tinuran niya.
Sa totoo lang ay natutuwa ito sa progress niya, and he appreciated it how she appreciated his tutoring skills. Mas lalong nadadagdagan ang tiwala nito sa sarili knowing na may kakayahan pala itong makatulong sa ibang tao kahit sa simpleng paraan ng pagtuturo.
“One of the factors siguro ay dahil ikaw lang naman ang tinuturuan ko, kaya mas nakakapag-focus ako at ganoon ka rin. Unlike sa teachers natin, marami tayong tinuturuan niya sa loob ng klase natin kaya hindi tayong lahat kaya niyang i-cater at i-assess isa-isa.”
Tumangu-tango si Sabrina, sang-ayon. “Tama ka. Siguro nga.”
Nagpatuloy sila sa paglalakad.
Examinations were over and finally, magaan na ulit ang mga bagay-bagay kina Sabrina at Vito, at hindi na sila ganoon ka-pressured or intense sa kanilang pagre-review. Pa-relax-relax na ulit.
Unexpectedly pa nga, habang nasa part-time work niya’t on duty si Sabrina isang tanghali, binisita siya’t pinasyalan ni Vito sa coffee shop.
“Yes. Good afternoon. Ano pong order nila—” Naputol siya sa sasabihin sa pinaghalong tuwa at pagkasurpresa nang pag-angat niya nang tingin ay hindi niya inaasahan ang tatambad na nakangiting guwapong mukha sa harapan niya. “Vito, ikaw pala ‘yan!”
No nodded cooly. “Yeah.”
She laughed a bit. “Anong ginagawa mo rito?”
“Uhm, to take a sip of cold coffee, maybe? Init kasi ng panahon ngayon, eh.”
She nodded dearly. “Alright. So, what’s your order, Sir—”
“And also to see you, of course,” he added.
Mas lalong lumawak ang pagkakangiti sa mga labi ng dalaga.
There was something inside her that felt overwhelmed by Vito’s presence. Para bang kinikilig siya na hindi niya maintindihan… But anyway, she wanted to embrace this feeling while it lasted.