“Ano na ngang order mo?” patuloy ni Sabrina sa pagtatanong habang kunwari naka-focus ang mga mata sa screen ng computer, but truth was ngiting-ngiti ang mga labi niya.
And of course, Vito wasn’t blind not to see those smiles and grins on the corners of her lips.
He grinned, as well. “The usual. Latte Macchiato.”
She nodded. “Noted, Sir. What else?”
“You. Puwede ba?”
Tiningnan na niya ito saka sabay silang natawa.
“Sira ka talaga kahit kailan! Mahal ako at ang oras ko kapag binili mo. I’m afraid I will not be worth your money.”
“You’re always worth it, my dear.” He winked.
Mas lalong humalakhak si Sabrina. “Pero seryoso, ano pa nga iba mong order?”
“Ikaw nga, kung puwede ka, saka seryoso ako,” patuloy nito sa pagiging playful.
“Sira!” Umiling-iling siya saka bumaba ng tingin sa computer niya para ilista ang order nito. “Take out or dine in?”
“Ng ano? Ng coffee o ikaw?”
“Vito!” tatawa-tawang saway niya dito.
Nanatiling magiliw ang ngiti sa mga labi nito. “Dito ko lang iinumin ang coffee.”
“Order received, Sir. Repeat ko lang po order nila, ha? One cold latte macchiato. Right, Sir?”
“And the cashier herself.”
Nakangising umiling-iling na lamang siya.
“Sige na. Five to ten minutes to serve your order, Sir. Ihahatid ko na lang sa table niyo.”
“Alright.”
Nang maglabas ito ng wallet para magbayad ng order nito’y nagsalita siya. “Huwag na, Vito. Keep it.”
Nagtatakang tiningnan siya nito.
“Sagot ko na. Libre ko sa ‘yo. Ako nang bahala. Huwag mo nang bayaran.”
He was about to protest but she didn’t let him, and she instead insisted na huwag na itong pagbayarin.
“Kumpara naman sa lahat ng mga naitulong mo sa akin, ang liit lang na bagay nito, kung tutuusin para makabawi ako sa ‘yo kaya hayaan mo na akong ilibre kita ng coffee. Sige na, please?”
Wala itong magawa kundi ngumiti na lang at umiling-iling sa pagsuko. “Tutal ay mapilit ka naman, alright then. Thank you sa libre, Sabrina.”
Natutuwa siyang tumango.
Pinanuod ito ni Sabrina nang naglakad at naghanap ito ng bakanteng table na mapagpupuwestuhan at ang pinili nito ay ang usual favorite spot nito sa pinakadulong mesa sa may bandang glass wall ng shop.
Nang makapuwesto at nakaupo na ito doon ay muli itong sumulyap ito sa gawi ni Sabrina. He smiled at her and she did the same.
Kumpleto na araw ng dalaga. Pakiramdam niya’y ganado siya sa pagtatrabaho.
Mayamaya lang ay may mga nagsidatingan pang ibang customers kaya kailangan niyang asikasuhin at i-cater ang bawat order ng mga bagong dating.
Habang abala sa patuloy na pagtatrabaho, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili sa maya’t-mayang pagsulyap sa kinauupuan nito.
Nai-serve kalaunan ang coffee nito sa table nito at he started to enjoy sipping it while gazing on the busy street outside.
Vito almost looked like a magazine cover without trying. Ang pagkakapuwesto nito sa inuupuan nito, ang natural confidence at tindig saka kakisigan nito, idagdag pa ang tangkad at magandang katamtamang laki ng pangangatawan nito at siyempre ang guwapong mukha nito. He was making such a beautiful view though he wasn’t aware he did.
Naisip lang niya bigla, grabeng pasalamat nito sa simpleng hindi niya pagpapabayad ng kapeng in-order nito na kung tutuusin, kung mayroon mang dapat na mas magpasalamat sa kanilang dalawa, siya dapat ‘yon kasi binigyan nito ng chance ang kagaya niya na maging kaibigan ito at mapalapit dito. Hamakin ba naman niyang hindi siya ganoong sinusuwerteng magkaroon ng female best friends, pero heto at nagkaroon saka napalapit naman siya sa isang Vito Martinez na top student pa ng klase sa batch nila! Aba, napakasuwerte niya!
A few days later, exam results came. Laking tuwa ni Sabrina na sa unang pagkakataon yata sa college life ay matataas na scores ang nakuha niya. Sobra pa sa passing score.
“Grabe! Nagawa ko ba talaga ‘to? Ako ba talaga nag-answer ng test papers ko! Ba’t ang tataas yata ng scores ko?!” tuwang-tuwa at halos hindi siya makapaniwala habang hawak ang bawat test paper na na-check na ng teachers nila.
Nginisihan nga siya ng katabing si Vito. “You couldn’t believe you made it?”
Overwhelmed na tumango siya.
He gently pat her head like she was a little girl. “Remember, you worked hard for these high marks and you reviewed your materials so well, so deserve mo ‘yan, ano ka ba! Cheer up!”
She looked at him and nodded with happy pure eyes. “Tama ka, Vito. I worked hard for it. We worked hard, you helped me.”
“I just guided you, pero ikaw pa rin ang sumagot sa test papers mo kaya pasalamatan mo hindi lang ako kundi ang sarili mo din for having been able to make it.”
“Sigurado akong kung wala ka’t kung hindi mo ‘ko tinulungan, hanggang ngayon pasang-awa mga scores na nakuha ko.”
“Hssh. Don’t say that and stop being so hard on yourself. Tulad nga ng sabi ko, gi-nuide lang kita. Ikaw pa rin ang naupo sa seat mo during exam day at sumagot sa test papers mo, kaya huwag mo ngang dina-down ang sarili mo.”
She nodded. She was so grateful for Vito and for his words to cheer her up, as always.
“Hindi mo kailangang i-down ang self mo para purihin ako. Puwede namang pareho tayong mag-improve ng sabay, eh. Hilahan pataas, kumbaga. Hindi hilahan pababa at lalong hindi pababaan ng tiwala sa sarili.”
She smiled and tilted her head. Stirred with great emotions. “Sorry, nao-overwhelm lang, Vito. Alam mo na. But anyway, I can’t thank you enough. Pa’no ba ‘to? Pa’no kita pasasalamatan sa lahat ng mga nagawa mo para sa akin? Sa lahat ng tulong at patience mo sa pagtuturo sa akin? Hindi ko man alam kung paano pero gusto ko lang sabihin na sobrang salamat, Vito Martinez.”
“Ako, alam ko kung paano, Sab…”
She looked at him in the eyes. He was staring at her seriously.
Hindi niya alam kung bakit pero para bang pakiramdam niya’y biglang kumalabog ang kanyang puso…
“Be my girlfriend, Sab. If you’re so grateful and you want to thank me for the things I contributed on you, then be my girlfriend.”
Para bang hindi siya nakagalaw kaagad at hindi nag-sink in sa kanya ang mga sinabi nito.
“Hindi ba’t sinabi mo noon, pinangako mo pa nga, na kapag tinulungan kita, pagbibigyan mo ako sa kahit na anong kahilingang hihingin ko sa ‘yo. Kahit na ano. Now, this is what I want. This is the thing I want to ask from you in return of having been a tutor to you. I ask for nothing expect you becoming my girlfriend. Pumapayag ka ba?”