10- "Chat."

1207 Words
“Anyway, napadaan lang naman kami kasi nakita namin si Sabrina,” Brielle continued explaining and even glanced at Sabrina. The latter forcefully smiled and nodded, supporting Brielle’s untrue statements. “Oo nga.” “We gotta go now. Harika, let’s go?” she tilted her head to her fellow. Harika nodded, following. “Tara.” At nagpaalam na rin sa lalaki. “Mauuna na kami, Vito.” Vito responded with just a plain nod and his serious eyes remained looking at Brielle, kahit pa nga noong nakatalikod na ang mga ito at naglalakad na papalayo. “Uhm, nagkakausap pala kayo ni Brielle, ‘no?” Ang tinig ni Sabrina ang tila nagpabalik kay Vito sa kanyang presensya na halos nakalimutan nitong siyang kasama pa nito… He glanced at her and then sighed gently and nodded. “Close kayo? Magkaibigan? ‘Di kasi natin napag-uusapan, eh…” His look at her remained for few seconds, and she couldn’t look back in his eyes. Mayamaya pa’y napangiti na ito nang may bahid ng kapilyuhan. “Not really that friends, but yes, nagkakausap kami. Remember, I’m the SSC President while she’s the Vice. Nasa iisang students’ committee kami kaya talagang magkakakilala at magkakausap kami.” Halos masapo ni Sabrina ang kanyang noo. Oo nga pala! Ba’t ba hindi niya naalala ang tungkol doon! Parehong officers ng SSC ang mga ito kaya hindi ganoon kalaki ang mundo. “Eh, ikaw, hindi mo nga nabanggit sa akin na close pala kayo ng Vice President ng SSC at kasalukuyang leader ng SMBMA,” balik pasaring nito sa kanya, though pabiro lang naman ang tinig nito. Siya ang tila naging mailap. Guilty kasi siya dahil siya itong may itinatago… “Ah, oo. Friends kami nina Brielle,” simpleng tugon lamang niya, halatang iwas. “But how come? Paano kayo naging magkaibigan? I mean, you were never from the same department, not classmates. Maybe there’s an organization or club you’re both in kaya nagkakilala at naging magkaibigan kayo?” patuloy nito sa kaswal na pagtatanong. No pressure naman kasi nakangiti lang naman ito at casual lang talaga sa pagtatanong, like it’s nothing for him and doesn’t really mind whether she answers or not. “Uhm…” Pa’no ba ‘to? Paano niya sasabihin dito na sumali siya sa organization nina Brielle at ang inititation pa ngang binigay sa kanya ay may kinalaman dito… To get his attention and win his heart… Nag-iisip pa lang siya ng isasagot nang may naisip na ito at nag-conclude. “Ah, alam ko na, member ka ng SMBMA?” Kinabahan si Sabrina ng bongga. Aaminin na ba niya? Paano kung magkaroon ng hint si Vito about sa initiation niya? She found herself shaking her head. “Hindi pa but how I wish. May fishball stalls pa palang nagbebenta do’n sa labas ng school, gusto ko kumain. Gusto mo din ba ng fishballs?” Iniba na lang din kaagad niya ang topiko para ma-divert na ang pinag-uusapan at hindi na humaba pa o umabot sa kung saan-saan ang mga itinatanong nito. Nagtagumpay naman siya dahil tila nakalimutan na kaagad nito ang pinag-uusapan nila at kinakitaan ng excitement at craving ang reaksyon ng mukha nito nang makabanggit siya ng gustong kaining streetfoods. ‘Yon na nga ang ginawa nila. Soon as they walked outside the school’s gate, dumiretso sila sa stall ng nagbebenta ng fishballs at magkasamang kumain doon. A day past and the next morning, Vito was one of the class presenters sa isang task na binigay ng teacher nila sa isa sa mga subjects nila. And as usual, as expected, Vito never failed to deliver the presentation excellently. He was really never a running for a latin award for nothing. He could always prove himself and make people around him proud, especially si Sabrina. Na naging number one fan and supporter na din yata ng binata magmula nang maging magkaibigan at maging close sila. Bilang magkaibigan na nga ang dalawa, siyempre, kung todo support si Sabrina kay Vito, ganoon din naman ang binata sa kanya. They have become each other’s backbone and support system, ika nga. Nang minsang may graded recitation kasi sa isang subject nila sa klase at tinanong si Sabrina ng guro nila, muntik na siyang hindi makasagot. Ewan ba kasi niya sa kanyang sarili at minsan din ay nakakaasar na ang short-term memorization ng kanyang utak. “Yon bang kontodo study at review na nga siya a day before the graded recitation pero sa actual class, nakakalimutan pa rin niya ‘yung mga pinag-aralan niya. Dala na rin marahil ng kaba din niya kaya nara-rattle ang utak niya’t nakakalimot siya sa mga binasa at minememorisa pa nga. Buti na lang talaga at nariyan si Vito. Siyempre, pasimple lang para hindi mahuli, but he really coached her secretly para may maisagot siya, kaya hayun na nga, nairaos at nakakuha siya ng mataas na score sa graded recitation nila. “Vito, thank you talaga ha? Buti na lang talaga at nariyan ka. Ang suwerte ko na kaibigan ko ang running for c*m Laude na kaklase kasi kita mo naman, nakaligtas ako sa pagkaligwak sa graded recitation,” ani Sabrina nang naglalakad na sila sa corridor pagkatapos ng klase. “Wala ‘yon. Huwag mong intindihin. Ikaw nga din naman, supportive ka lagi sa akin lalo na sa mga football practices ko, lagi kang nariyan para i-cheer ako.” “Of course, it’s the least thing I could do sa pagtu-tutor mo sa akin sa napakahirap nating Math subjects, ‘no! Ano ba naman ‘yung sasamahan at hihintayin kita ng ilang oras kumpara sa free services mo ng pagtu-tutor para ma-gets ko ‘yung tinuturo sa atin.” Magiliw na ngumiti ito. “Ewan ko nga ba kasi dito sa utak ko at sadyang napakabobo ko! Ang dali-dali kong makalimot sa mga ni-review ko!” inis na aniya at halos gusto na lang pukpukin ang ulo dahil nga sa low memorization skills niya. Bahagyang seryosong tiningnan siya nito. “Hindi ako naniniwalang may bobong tao. Siguro kulang ka lang talaga sa effort pa.” Kulang sa effort? Kung kulang pa rin sa effort ang tawag sa pagre-review ng halos buong magdamag at hindi na matulog para lang may maisagot pero nakakalimutan pa rin ang mga pinag-aralan sa actual recitation, oh, eh, siguro nga’y kulang lang siya sa effort! Kinagabihan sa kuwarto niya sa boarding, abala siya sa pagre-research at sa pagsagot ng assignment para sa isang klase nila nang biglang tumunog ang chat application niya. Somebody messaged her. Nang tingnan niya ang chat icon, mula sa group chat ng SMBMA ang nag-send ng message. Nagdalawang-isip pa nga siya noong una kung bubuksan ang chat box o ipagpapaliban na lang, pero pinili niya ang nauna… The latest chat was from Brielle. At kinakamusta siya. Brielle: Hello, Sab! Kumusta ang progress sa pinagagawa naming initiayttion sa ‘yo? Sana sooner ay may maganda ka nang ibabalita sa amin. Most of the other girls were already done accomplishing their tasks. Ikaw yata pinakamahuhuli sa inyong batch… The familiar anxiety bothered her again. Nagtipa siya ng ire-reply pero sa totoo lang, hindi pa talaga niya alam ang isasagot o sasabihin… Mukhang minamadali na siya ni Brielle sa pag-accomplish niya ng initiation niya…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD