"Vito?" untag ni Sabrina sa binata.
May nasabi kaya siyang mali o hindi maganda at hindi nito nagustuhan?
It was as if he forced a casual smile and shook his head, for he was no longer interested in what she was opening up about her past relationships.
"Huwag na nating pag-usapan. Anyway, may pupuntahan ka ba ngayon?"
Umiling siya. "Wala naman. Bakit?"
Kinubli na lamang niya ang naramdamang medyo pagka-off sa pag-iiba kaagad nito ng pinag-uusapan nila. Ganoon ba talaga ka-uninteresting ang previous experiences niya para ayaw nitong pakinggan?
Anyway, inisip na lang niyang ayaw na siguro nitong manliit siya o i-down niya ang kanyang sarili dahil sa mga hindi magagandang karanasan sa pakikipagrelasyon.
He smiled, this time a genuine one again. "Samahan mo 'ko sa canteen. Nagugutom kasi ako, eh. Okay lang ba sa 'yo 'yon?"
"'Yon lang ba? Oo naman! Tara na!"
Naglakad na sila. Bahagyang inakbayan pa nga siya nito.
"Libre mo 'ko?" biro niya.
"No. Ikaw manlilibre sa akin."
"Ay, may pupuntahan pa pala ako!" tawa niya.
Humalakhak ito. "Biro lang! Sige, libre kita, pero huwag kang ma-spoil, ha? Ako dapat ang ini-spoil mo tutal ikaw naman ang may kailangan at nakikinabang sa akin, eh, lalo na sa tutorial services ko sa 'yo."
"Oo na! Yabang mo din talaga minsan, eh, 'no!"
Sa muli ay natawa na lang ito.
Ganoon lang. Mood turned lighter again. Parang wala lang nangyaring gulo kanina basta masaya at parang nakakalimutan ang kahit na ano basta magkasama silang dalawa.
Kinahapunan, katulad ng nakagawian, pagkatapos ng part-time job ni Sabrina, balik siya sa campus para manuod ng practices nina Vito at i-cheer ito.
"Vito, galingan mo! Kayang-kaya mo 'yan sila! Sus! Sisiw 'yan sila kumpara sa galing mo!"
'Yung mga ka-team ni Vito natatawa na lang sa mga sigaw at pag-cheer niya, and at the same time natutuwa ang mga ito kagaya ng binata na nagigiliw sa presensya niya sa bawat practice niya.
Tuwing practice yata, walang mintis at wala siyang pinalalampas, nanunuod talaga siya't palagi siyang present. Hindi pupuwedeng wala. Walang motivator at taga-cheer si Vito kung a-absent siya.
"Salamat, my number one fan!" hiyaw din nito sabay flying kiss pa nga sa kanya.
Kinantiyawan at inasar tuloy ito ng mga kasama.
"Iba talaga ang karisma mo, Martinez!"
"Naks! Ang supportive ng girlfriend mo, Vito!"
"Ingay!"
"Kulit!"
Kahit 'yung tagakabilang team, natutuwa na nangingisi na lang din sa panunukso.
Sabrina didn't mind at all kung inaakala at binibigyang-kulay man ng mga schoolmates nila't mga nakakakita sa kanila ang pagiging close nila ni Vito at ang palagiang pagkakasama sa school's premises, ang mahalaga lang naman alam niyang magkaibigan sila at okay naman pala talaga si Vito… and of course, 'yung tungkol sa initiation niya…
Akala nga niya noon, napaka-out of her league nito, 'yon bang parang ang hirap o hindi talaga niya kayang abutin, 'ni hindi nga siya pansinin man lang, eh, pero ngayong nabigyan siya ng pagkakataong mapalapit dito, mas nakikilala niya ito at mas nakikita niya ang good sides nito na hindi niya nakikita dito noon.
Kung tutuusin, kahit papaano pala'y may magandang naidudulot naman 'tung initiation na ito na binigay sa kanya. She just had the chance to get to know more and be friends with someone na hindi talaga niya inaasahan noon na magiging ka-close niya. Aba! Masuwerte yata siya't close niya ang running for c*m Laude sa section nila!
Taga-hiyaw at sigaw niya na matalo ang kabila at kalabang team nina Vito, may ibang players na napipikon at naaasiwa na sa ingay ng kasisigaw niya.
"Tumahimik ka nga, ang ingay mo diyan! Kanina ka pa!" inis na sabi ng isa.
Pero hindi siya nagpatinag, parang mas lalo pa nga siyang ginanahang mang-asar, eh. Si Vito nama'y nakikita niyang maya't-maya ang pagsulyap sa kanya dito sa kanyang kinaroroonan at nginingisihan, kinikindatan pa nga siya na ikinatatawa lang naman niya.
She loves this friendship. This kind of friendship that is unexpected na natagpuan niya sa isang Vito Martinez.
"Go, Vito! Takbo! Bilisan mo pa! Go!"
She was busy yelling and cheering for him, when suddenly a familiar voice stopped her…
"Game na game sa pagchi-cheer, ha? Supportive 'yan?"
Hindi kaagad siya nakagalaw o nakapagsalita. She really knew that voice. She could recognize.
Kinakabahan siya na hindi niya mawari…
When she looked at the girl who just sat beside her, nuon niya nakumpirmang hindi nga talaga siya nagkamali ng hinala. Si Brielle nga ang tumabi sa kanya.
"B-Brielle? A-anong ginagawa mo dito?" She tried her very best not to sound awkward and uncomfortable.
"Napadaan lang kami tapos nakita ka namin kaya we decided to stop by muna para lapitan at kamustahin ka," sabi naman ni Harika na nuon lang din niya napansing nakasunod din pala sa likod ng kaibigang si Brielle.
"Harika, nariyan ka rin pala!" She chuckled forcefully.
"Well, of course. Why? Did we really surprise you, dear?"
"Uhm, hi-hindi naman. Hindi ko lang talaga siguro inaasahan na makikita ko kaya rito. I mean, parang wala naman kayong hilig na manuod ng sports practice."
Nagtinginan lang ang dalawang magaganda at sosyalerang mga babae bago tila parehong naaaliw na marahang tumawa saka umiling-iling.
"So, kamusta ka na, Sab?" Brielle asked.
"O-okay naman ako. Kayo? Kamusta kayo?"
"We're fine. Kamusta ang initiation na binigay namin sa 'yo? We're anticipating for a major progress, Sabrina…" pagpaparinig ni Brielle.
Tumangu-tango siya. "O-oo naman. Alam ko't hindi ko nakakalimutan 'yon. Hayaan ninyo at malapit na. Hindi magtatagal, masasabi ko na rin sa inyo ang magandang balita na kami na…"
She bit her lower lip. 'Ni hindi pa nga niya alam sa ngayon kung papaano gagawin 'yon, eh, kasi what if hindi naman pala talaga siya type ni Vito? Paano kung friends lang talaga ang tingin sa kanya ng lalaki at close sila pero wala pala talaga itong planong ligawan siya!
"Oh, sana nga. You know, we're really looking forward to that day to come, Sab."
"Oo nga, Sabrina. Please don't make it too long, alright? Remember, time is ticking…" makahulugan pang gatong ni Harika.
Nakaiwas na tumango lamang siya…
"We can't wait to hear the good news from you. Hope to get it so sooner!"
"Get what?"
Sabay-sabay silang napalingon sa baritonong tinig na nagsalita.
Pare-pareho pa silang nagulat sa presensya ni Vito na hindi nila namalayang narito na rin pala sa bleachers area.
Nang tingnan ni Sab ang field ay nakitang nagsisiayos at ang karamihan ay nagsikanya-kanya nang alisan ang mga players. Tapos na malamang ang practice.
"Vito, ikaw pala! Kanina ka pa ba riyan?" Brielle asked, a bit tense.
Sabrina looked at the beautiful girl.
Vito kept a serious face while looking at Brielle. "Ganoon ba kaimportante at confidential ang pinag-uusapan ninyo para dapat wala ako dito?"
Nagkatinginan ang tatlong mga babae. Kinakabahan sila. Paano na lang kung narinig ni Vito ang tungkol sa initiation at nabuko sila?
Brielle laughed awkwardly to shrug his question off. "Ano ka ba! Girls thing, siyempre, Vito! Alam mo na! Kung may mga chika kayong mga boys na kayu-kayo lang dapat nakakaalam, what more pa kaya kaming mga girls, 'di ba!"
Pilit na tumawa sina Harika at Sabrina at tumangu-tango pa nga ang huli upang gatungan ang pagpapalusot ni Brielle. "Oo nga, Vito. Tama si Brielle. Girls thing pinag-uusapan namin, alangan namang i-chika pa namin sa 'yo, 'di ba? For sure, 'di ka naman makaka-relate!"
Nagpabalik-balik lamang ang tingin ng binata sa kanila ni Brielle. Skeptical at first, pero kalauna'y marahang nagbuntong lang naman ito saka tumango.
Pare-parehong nakahinga nang maluwag sina Brielle, Harika, at Sabrina.
Buti na lang at 'di sila nabuko ni Vito…
Pero teka lang pala, biglang may napagtanto si Sabrina… Nag-uusap sina Brielle at Vito na para bang kilala ng mga ito ang bawat isa. Close din pala ang mga ito? Magkaibigan din? Ba't parang ngayon lang yata niya nalaman at parang hindi naman nababanggit nina Brielle sa kanya?