CHAPTER 01-PART 03; Presenting, King Julien!

738 Words
"Okay. Now, what?" Kanina pa nakarating si Chastity sa destinasyon niya-- ang bahay ni Juan Oliver. Kaya lang hindi naman niya napaghandaan kung paano niya ito maiuuwi ng matiwasay. Mahigit kalahating-oras na silang nakatambay sa labas ng bahay nito sa isang kilalang subdivision. Kaagad naman siyang pinapasok ng gwardya nang makita ang sticker ng kotse ng binata. Nang mapagmasdan niya ang kabuuan ng bahay ay sigurado siya na may kaya sa buhay ang lasing na estranghero. Napakalaki ng bahay nito at napakataas pa ng bakod. Iyong tipo na nakikita sa pelikula o kaya ay drama sa TV. Naisip niyang bumaba na lang at mag-doorbell pero bago pa niya magawa iyon ay tumunog ang cellphone na nasa dashboard. Kinuha niya iyon at binasa ang pangalan ng tumatawag. "Julien?" Nagdalawang-isip pa siya kung sasagutin ba niya iyon o hindi. Pero naisip niya na maaring makatulong ang caller na iyon sa problema niya kaya naman bandang huli ay sinagot niya ang tawag. "Hello, Uno? Where are you? For goodness sake, it's already midnight and I haven't heard from you since seven. Ang sabi mo kanina pauwi ka na. I called you for over a hundred times pero bakit ngayon ka lang sumagot?" Sunod-sunod na wika ng nasa kabilang linya pagkapindot na pagkapindot niya sa accept button. Hindi pa man siya nakakasagot ay muli na naman itong nagsalita. "Hello, Uno? Are you listening? Nandiyan ka pa ba? Uno--" "Hello po. Magandang gabi, ay, ahm, magandang umaga? Ah, good midnight?" aniya at hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin. "Uno? Ah, no. Sino 'to?" Mas naging alerto ang boses ng nasa kabilang linya nang marinig ang kanyang boses. "Chastity po ang pangalan ko," sagot niya. "Okay? At bakit ikaw ang sumagot sa cellphone ni Uno? Nasaan siya?" "Si Juan Oliver Salonga po ba ang tinutukoy ninyo?" "Yes, where is he?" "Eh, nasa kotse po," tugon niya sabay sulyap sa mahimbing na natutulog na binata. "Bakit ang labo mong sumagot?" "Po?" naguguluhan niyang sagot. Ako ba talaga ang malabo sumagot o ikaw ang malabo magtanong? Kulang na lang ay kagatin niya ang kanyang dila upang hindi masabi iyon sa kausap niya sa telepono. "Nasa labas po kami ng bahay ni Mr. Salonga, hinatid ko lang po siya dahil naparami po yata siya ng inom," paliwanag niya. Hindi na sumagot ang tao na kausap niya at basta na lang nito tinapos ang tawag. Tinitigan niya ang hawak na cellphone at kung sa kanya lang iyon ay baka ibinagsak na lang niya iyon sa kung saan. Nabaling ang kanyang atensyon nang bumukas ang malaking gate ng bahay at mula roon ay lumabas ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng pajama at puti na T-shirt. Bago pa ito makalapit ng tuluyan sa kotse ay bumaba na siya upang salubungin ito. Lumapit siya rito at iniabot ang cellphone na pagmamay-ari ni Uno. "Chastity, right?" anito nang makalapit siya. Tumango siya at nagpakilala naman ito sa kanya. "I'm Julien, Uno's older brother." "Nice to meet you po," magalang niyang sagot. Nilapitan ni Julien ang nakababatang kapatid nito at pagkatapos niyon ay binalikan naman siya nito. "Maraming salamat sa paghahatid mo kay Uno," anito sabay hilamos sa mukha nito. "Ah, that kid. Saan mo siya nakita?" "Sa ospital po," saad niya. Kumunot ang noo ni Julien at kaagad naman niyang dinugtungan ang nauna niyang sagot. "Sa rooftop po ng ospital." "What hospital? Saint Catherine Medical Center?" Nagulat man siya nang sabihin nito ang buong pangalan ng ospital ay hindi na siya nagtanong o nagkomento pa. Tumango na lang siya bilang sagot. Tumango-tango ito at muli siyang tinitigan. "Saan ka pala nakatira at paano ka uuwi?" "Malapit lang naman po ang bahay namin atsaka sasakay lang po ako ng jeep." "No way. It's too dangerous. Besides, it's already midnight. Ihahatid na kita," anito sa kanya. Mabilis naman ang ginawa niyang pag-iling at pagtanggi. "Naku, hindi na po. Ayos lang naman po 'yon sa akin," saad niya. Hindi nga yata siya normal sapagkat hindi niya magawa na tumanggap ng tulong ng ibang tao. Hindi siya komportable na siya ang tinutulungan o siya ang binibigyan. "I insist." "Nakakahiya naman po atsaka--" "Pumili ka na lang; gigisingin ko ang driver namin para ihatid ka o ako mismo ang maghahatid sayo? Wala naman kaso sa akin alin man ang piliin mo," puno ng determinasyon nitong wika sa kanya. Atubili siyang ngumiti at ang tipo ni Julien ang hindi basta-basta natatanggihan. Kung ang kapatid nito ay tila anghel, ito naman ay tila isang hari kung magsalita. At para matapos na ang dilemma niya minabuti na lang niya na pagbigyan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD