CHAPTER 05-PART 01; Yeah, you got that yummy, yummy, yum.

791 Words
Wala silang kibuan ni Uno sa loob ng kotse hanggang sa makarating sila sa bahay kung saan niya ito inihatid at kung saan niya unang nakilala si Julien. Nang sabihin niya na sa uuwi siya sa bahay na iyon ay hindi siya nito pinaniwalaan at dali-daling tinawagan ang nakatatandang kapatid upang kumpirmahin kung totoo ang sinasabi niya. At kung hindi lang siya likas na mabait ay baka inupakan na niya ang lalaki. Mabuti na lamang at kaagad na sinagot ni Julien ang tawag nito dahil kung hindi ay baka riot ang abutin nilang dalawa ni Uno kapag hindi siya nakapagpigil. Nauna na itong bumaba ng kotse at hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Tahimik na lang siyang sumunod dito at iginala ang paningin sa kabuuan ng bahay upang ibaling ang kanyang atensyon sa ibang bagay. Napansin niya na tahimik ang buong kabahayan. May bahid ng karangyaan ang bawat sulok ngunit wala iyong buhay. Bigla niyang na-miss ang maliit ngunit punong-puno ng ingay at tawanan nilang bahay dahil doon. Ngunit sa kabila niyon ay hindi pa rin niya maiwasan na mainis siya sa naging reaksyon ni Uno kanina bago tawagan ang kuya nito. Mukha ba akong hindi kapani-paniwala? Ang lakas ng loob ng unggoy na 'to na pagdudahan ako, asar niyang sambit. At dahil hindi siya nakatingin sa kanyang dinadaanan ay napahinto siya sa paglalakad nang mabundol ang isang matigas ngunit mabango na bagay. It turned out that it was Uno's body. Ang mga palad niya ay awtomatikong napahawak doon. Minsan na niyang nadama ang tigas ng braso nito ngunit hindi naman niya inaakala na ganoon din pala ang dibdib ng binata. Mabilis siyang lumayo rito nang pagtaasan siya nito ng kilay. "Sorry," nahihiya niyang wika rito. "Look where you're going," anito sa malamig na tono. Napalunok siya at pilit na kinakalma ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Katulad noong unang beses niyang nasilayan ang magaganda nitong mga mata, tila nanlalamig ang buo niyang katawan at hindi niya mawari kung dahil ba iyon sa kalamigan na ipinapakita nito sa kanya. "Hindi ko alam kung ano ang sinabi o ipinakain mo kay Kuya at bakit ganoon na lang ang pagtitiwala niya sayo. As far as I know, never ka pa niyang nabanggit sa akin," ani Uno sa kanya. Heto na naman po kami, aniya sa sarili. "Pero ibahin mo ako sa kanya. I don't trust people easily. I don't like outsiders." Ngumiti siya ng pilit at buong tapang na sinagot ito. "Hindi ko naman po kailangan ang tiwala ninyo, Sir. Ang kailangan ko po ay siguraduhin na kumakain kayo ng wasto at sa tamang oras." Nakita niya ang pagbuka ng bibig nito ngunit kaagad niyang dinugtungan ang sinasabi upang unahan ito sa pagsasalita. "Because as far as I remember, iyon po ang napagkasunduan namin ni Sir Julien. Bago ko po kayo naging amo ay ang kuya ninyo ang amo ko. Siya rin po ang magpapa-sweldo sa akin." "Whatever," sagot nito atsaka na siya tinalikuran. Nakakadalawang hakbang pa lamang ito nang bigla siyang may maalala. "And one more thing, kailangan ko rin po na siguraduhin na hindi na po kayo magpapakalunod sa alak. Baka magkasakit pa kayo sa atay. Alam ba ninyo na--" Mabilis itong pumihit at nakalapit sa kanya. Itinapat nito ang isang daliri sa kanyang bibig upang pigilan siya sa kung ano pang sasabihin niya. "Enough. You talk too much," suway nito sa kanya at kahit pa halata na iritado na ito ay hindi pa rin nabawasan ang kagwapuhan nitong taglay. "I'm starting to get annoyed." Hindi niya alam kung bakit natutuwa siya na makitaan ito ng iba't ibang emosyon. Hindi naman pala ito tila robot na iisa lang ang nararamdaman. Gusto tuloy niyang ngumiti ngunit alam niya na hindi iyon magugustuhan ng binata. Baka nga itapon pa siya nito sa labas ng bahay kung sakali. Inalis niya ang daliri nito na pumipigil sa kanya na magsalita. "Anong oras po kayo kumakain ng hapunan?" tanong pa niya rito. Napailing na lang ito sa kulit niya gayunma'y sumagot pa rin ang binata. "I don't eat dinner." Then starve, sagot niya sa kanyang isipan. Kung maaari lamang niyang isagot kay Uno iyon ay ginawa na niya. Pero syempre joke lang 'yon dahil labag iyon sa trabahong tinanggap niya. Hindi siya maaaring magpatalo sa binata. Matira ang matibay sa kanilang dalawa at nasisiguro niya na siya ang magwawagi. "Ay, hindi pwede iyon, Sir. Mapapagalitan kasi ako ng boss ko." "I don't care," balewalang sagot nito. Muli siya nitong iniwan sa napakalawak na sala pagkatapos. Halata nga, sang-ayon niya sa isip sa sinabi ng binata ngunit hindi pa rin siya susuko. "Tatawagin ko na lang po kayo, Sir Uno, kapag handa na ang hapunan!" pahabol pa niya. Kahit ang malapad na lang nitong likod ang nakikita niya ay hindi pa rin niya magawa na dedmahin ang angkin nitong karisma. "Yummy nga, masungit naman. Hmp."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD