CHAPTER 04-PART 03; Si Hades.

613 Words
PAGTINGIN ni Chastity sa orasan na nasa mesa niya ay napansin niyang alas-singko na pala ng hapon. Sa ilang oras na pananatili niya sa mesa na iyon ay hindi man lang niya nakitang lumabas si Uno mula sa opisina nito. Hindi rin siya tinawagan nito mula sa intercom upang utusan siya. At natatandaan niya na sinabi sa kanya ni Julien na kailangan niya na paalalahanin ang kapatid nito sa oras ng uwian sapagkat madalas na makalimot ang binata. Kung minsan pa raw ay inaabot na ito ng kung anong oras dahil sa labis na pagtatrabaho. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at pinagpagan pa ang suot na damit. Pati ang kanyang buhok ay mabilis niyang sinilip sa salamin. Para siyang timang na gustong maging maganda sa paningin ni Uno. Hoy, gaga. Anong maganda ang pinagsasabi mo riyan? Feelingera ka, suway niya sa sarili. Kumatok siya ng tatlong beses at binuksan ang pinto kahit na hindi pa siya pinapapasok ng binata. "Hi, Sir. It's already five," nakangiti niyang bungad dito. Tila hindi inaasahan ng binata ang kanyang pagsulpot sapagkat mabilis nitong ibinaba ang hawak na pinture frame. Napadako ang tingin niya roon at hindi niya maintindihan kung bakit kating-kati siya na tingnan kung ano o sino ang nasa larawan na iyon. Kitang-kita niya ang pagsalubong ng mga kilay ni Uno na halatang hindi nagustuhan ang ginawa niyang iyon. "Sinabi ko ba na pwede ka ng pumasok? Bakit kumatok ka pa kung hindi mo naman pala hihintayin na papasukin kita?" Kulang na lang ay bumuga ng apoy ang binata at sa sobrang taas ng boses nito ay nakita pa niya na tila ito mapuputulan ng litid sa leeg. Nakaramdam man siya ng takot ay hindi niya ipinakita iyon dito. Nagtataka siya kung bakit nakalimutan yatang banggitin ni Julien na masama pala ang ugali ng kapatid nito. Nakuha niya na malinlang noong unang pagkikita nila dahil sa mala-anghel nitong mukha. May nalalaman pa siya na mukha itong Greek god. May Greek god ba na masama? Si Hades yata 'yon, sagot din niya sa sariling tanong. Nakuha pa niya na kausapin ang sarili sa gitna ng lahat ng 'yon. At dahil doon ay parang gusto na niyang magsisi kung bakit pa niya tinulungan ang hinayupak na lalaki. "Dapat palagi ka na lang lasing para hindi ka nagsasalita," bulong niya pero nakangiti pa rin siya sa binata. "Were you saying something?" asik ng binata. "Po? Wala po akong sinasabi," pagmamaang-maangan niya. Lalong lumalim ang gatla sa noo nito ngunit hindi na nagkomento pa. Muli nitong binuksan ang nakasarang laptop at hindi na siya tinapunan ng tingin. "What do you want?" Bakas pa rin ang iritasyon sa boses ni Uno nang muli itong magsalita. Napansin marahil nito na hindi siya natinag sa kanyang kinatatayuan. "Five o'clock na, Sir," simple niyang sagot. "And?" tila walang pakialam na tugon nito. "Kailangan na po natin na umuwi." Napahinto sa pagtipa ang binata dahil sa sinabi niyang iyon ngunit mabilis lamang iyon at kaagad itong nakabawi. "Umuwi ka na," pagtataboy nito sa kanya nang hindi pa rin siya tinitingnan. "Wala po akong susi ng bahay ninyo, Sir Uno, kaya kailangan ko po na sumabay sa inyo," paliwanag niya. Mabilis na lumipad ang tingin ng binata sa kanya matapos niyang sabihin iyon. "What in the actual f**k?" Kung kanina ay halos bumuga na ito ng apoy, ngayon naman ay halos kainin na siya ng buhay ni Uno dahil sa sinabi niyang iyon. Ang mga mata nito ay punong-puno ng pagkalito nang mga sandaling iyon. Ngumiti na lang siya matamis nang mapagtanto niya na hindi sinabi ni Julien dito na mananatili siya sa bahay ng mga Salonga sa loob ng isang buwan. Ano ba itong pinasok mo, Chastity? Patay kang bata ka, aniya sa sarili. Humingi ka na lang ng hazard pay kay Sir Julien pagbalik niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD