CHAPTER 05-PART 02; The reigning queen. Bow.

776 Words
NAGING hobby na yata ni Uno ang hindi pagsagot sa tuwing kumakatok siya. Alam naman niya na iniinis lamang siya nito at siya namang si gaga, mas natutuwa pa. Alam naman kasi niya na mas pikon ang binata kaysa sa kanya kaya mas nilakasan pa niya ang pagkatok. "Sir, papasok na po--" Nabitin sa ere ang kung anuman na sasabihin niya dahil nang binuksan niya ang pintuan ng silid ng binata ay talaga namang nag-malfunction ang utak niya. Si Manang Martha ang mayordoma sa bahay ng magkapatid na Salonga ang nagturo kung nasaan ang kwarto ni Uno. Hindi naman pala totoo ang sinasabi ng binata na hindi ito naghahapunan dahil ang sabi sa kanya ng matandang ginang ay bumababa pa rin ito para kumain. Iyon nga lang ay hindi madalas. Kumbaga kapag napagtripan lang nitong kumain ay doon lang ito kakain. Kung minsan naman daw ay late na itong nakakauwi mula sa trabaho. Napalunok siya at napansin niya ang pagtaas ng gilid ng bibig ni Uno nang mapako siya sa kanyang kinatatayuan. Muntik pa siyang maduling kaya naman kumurap siya ng maraming beses upang ibalik ang kanyang katinuan na pansamantalang nawala. "You like what you see?" patuyang tanong ng binata sa kanya. Kung kanina ay naramdaman niya ang matigas na hubog ng dibdib nito ngayon naman ay kitang-kita na ng dalawa niyang mga mata ang tila nililok na katawan ni Uno. Wala itong suot na pang-itaas at tanging boxer shorts lamang ang saplot nito sa katawan. Nakasampay ang ginamit nito tuwalya sa isang balikat at may hawak itong isang T-shirt. This man should be in a cover of a magazine but he wasn't. Ang akala niya ay sa billboard lamang siya makakakita ng isang perpektong katawan ng isang lalaki ngunit nagkamali siya. Heto nga't nasa harapan na niya ang isa sa mga lalaki na iyon. Chiseled abs, bulky biceps. You name it, he has it. "That is why you need to wait until I say 'Come in'," saad ni Uno. "What if nadatnan mo ako ng walang suot na kahit na ano? Anong gagawin mo?" "Ginagawa ninyo iyon Sir?" bulalas niya. Mabilis niyang tinakpan ang kanyang bibig at nanlaki pa ang kanyang mga mata sa gulat. At huli na ang lahat dahil hindi na niya mababawi pa ang sinabi niyang iyon. Kulang na lang ay lumuhod siya at magmakaawa na kainin na siya ng lupa nang mga oras na iyon. "What?" tila hindi makapaniwala si Uno sa tinuran niyang iyon. Kahit siya ay hindi pa rin maka-move on sa kagagahan niya. Bigla tuloy niyang naramdaman na tila napakainit sa loob ng kwarto nito. "What?" pag-uulit niya sa tanong nito. "Ah, s-sorry po. Ahm, ano kasi, ahm--" "What? Nakalimutan mo na rin ba kung paano magsalita?" iritadong wika nito. "Dinner's ready," mabilis niyang tugon. "And I already told you that I don't eat dinner. Bakit ba gusto mo ng paulit-ulit tayo?" "Eh, Sir, kayo naman po ang mas makulit sa ating dalawa. Sinabi ko na sa inyo na mapapagalitan ako ng kuya ninyo kapag hindi kayo kumain," paliwanag niya rito. "Then tell him I did," anito bago tinanggal ang nakasabit na tuwalya sa balikat nito at nagsimulang suotin ang T-shirt na hawak nito. Talaga naman na sinundan niya ang bawat galaw ng binata at kaagad din na binawi ang kanyang tingin bago pa siya mapansin nito. "Sir, masama raw po ang magsinungaling," sagot niya. Nang dumako ang tingin nito sa kanya ay muli niyang napagtanto na mali na naman ang ginawa niyang pagsagot dito. She closed her eyes and nervously tapped her right foot. She was patiently waiting for his next remark. "Sino naman ang nagsabi sayo niyan?" "Ang nanay at Tita Lorna ko po," mahina niyang tugon. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata upang tingnan ang reaksyon nito ngunit tanging ang likod ng binata ang nakita niya. Pumasok ito sa isa pang pintuan na katabi ng banyo at paglabas nito ay nakita niya na nagpalit ito ng suot na shorts. Nauna na itong lumabas sa kanya at nahagip ng kanyang ilong ang amoy ng sabong panligo na ginamit nito. Sinundan niya ito ng tingin at nagtama ang kanilang mga mata. "May balak ka bang gumalaw? Are you just going to stay there?" "Ha?" "I thought you said dinner's ready?" kunot-noong tanong nito bago bumaba ng hagdan. "Ah." Noon lang siya kumilos at sinundan ag papalayong binata. Napakamot na lang siya ng ulo sa lahat ng kapalpakan na ginawa niya. Matalino naman siya noong nag-aaral pa siya pero bakit ang dali niyang maging bobo kapag kaharap niya si Uno? Siya na nga yata ang reyna ng sablay dahil hindi pa man siya nakaka-recover sa mga naganap ay natisod siya kung kailan nasa huling baitang na siya ng hagdan. Pilit niyang inabot ang barandilya ngunit huli na ang lahat. "Sir Uno!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD