"Miss, nakikinig ka ba sa akin?"
"Chastity," saad niya. "Pwede mo akong tawagin sa pangalan ko. Mas prefer ko 'yon kaysa sa 'Miss'."
"To tell you frankly, Chastity, I don't need a nurse. Alam mo ba kung ano ang kailangan ko?" Umiling siya bilang sagot. "Secretary-s***h-assistant. You came in handy, by the way. Kailangan ko 'yon dahil kailangan ng magpahinga ni Esmeralda. She'll be here around lunch. Siya na ang bahala na i-brief ka sa magiging trabaho mo," paliwanag nito sa kanya. It felt like he was dismissing her when he turned his back and sat on his swivel chair.
"Eh, Sir, hindi po 'yon ang trabaho na ibinigay sa akin ng kuya ninyo," kontra niya sa binata. Mula sa laptop ay dumako ang tingin nito sa kanya. Napalunok siya nang makita na hindi nito nagustuhan ang pagkontra niya sa nauna ng sinabi nito.
"Wala akong balak na ulitin ang sinabi ko na. Kung gusto mo na walang gawin sa buong araw, fine, umupo sa isang gilid ng opisina na ito at tumitig ka sa kawalan sa lahat ng oras. Is that what you want?"
Napakurap siya ng maraming beses sa sobrang bilis nitong nagsalita. Daig pa niya ang nakinig sa isang rap. At malapit na yatang mawalan ng pasensya sa kanya si Uno. Unang araw pa lang ninyo. Isang buwan, Chastity. Isang buwan kayong magkakasama kaya umayos ka, kausap niya sa sarili.
He smirked when she didn't answer. "Well, I guess may mga ganoon talagang klase ng tao, ano? Iyong walang gustong gawin pero binabayaran."
Nagpanting ang kanyang tainga at sa buong buhay niya ay hindi pa niya naranasan na gusto niyang sigawan ang isang tao. Ngayon pa lang. "With all due respect, Sir, hindi ako ganoong klase ng tao." Pigil na pigil niya ang pagtaas ng kanyang boses nang sabihin iyon. "Gusto ko lang gawin ng maayos ang trabaho na ibinigay sa akin ng kuya ninyo."
"Look, Chastity, let's help each other out. You need a job that's why you're here. Am I right?" Technically, that's not true. May maayos naman siyang trabaho bago siya napadpad sa Wings Aerospace Industries. Hindi na lamang siya nagkomento sa tinuran ng binata. "And I need to fulfill my duty as an obedient younger brother. Ayoko lang na idagdag pa ang sarili ko sa mga iniisip ni Kuya kaya pumayag ako na magkaroon ng personal nurse. At uulitin ko, I don't need one. Secretary ang kailangan ko sa mga susunod na araw. Nandito ka na rin lang , let's hit two birds with one stone, okay?"
Hindi na siya nakahuma pa sa dami ng sinabi nito na pawang katotohanan naman lahat. Binigyan na lang niya ng sariling paliwanag ang ipinakita at sinabi ng binata kanina upang makalimutan niya ang ngitngit niya rito. Maybe Uno's not bad at all. It's just that his choice of words were not just as gentle as his brother's.
His words were always accurate. Kumbaga hindi ito mahilig mag-sugar coat ng mga salita. Sadyang hindi lang siya sanay sa ganoon sapagkat sa mundo na ginagalawan niya noon ay hangga't maari ay kailangan niyang gumamit ng magagandang salita upang mabuhayan ng loob ang kanyang kausap lalo na kung isa itong pasyente.
"Yes, Sir," sagot niya matapos ang ilang sandali. Wala na siyang iba pang maisagot kundi iyon. Muling binalikan ni Uno ang ginagawa nito at tila may pakpak naman ang kanyang mga paa habang papalabas sa opisina nito. It's going to be a long day for her and she's certain of that.
"KAILANGAN nandito ka na bago pa dumating si Sir Uno, Chastity."
Iyon ang huling paalala ni Esmeralda sa kanya. Sa dami ng itinuro nito sa kanya tungkol sa pansamantalang magiging trabaho niya ay hindi na niya napansin ang paglipas ng oras. Nalaman niya na kailangan pala nitong umuwi ng probinsya sapagkat malapit na itong manganak. At ngayon lang niya naintindihan ang sinabi ni Uno kanina na kailangan nitong magpahinga.
Hindi naman niya masabi rito ang magiging set-up nila ni Uno. Paano niya sasabihin dito na magkakasama sa iisang bahay sa loob ng isang buwan? Hindi rin naman niya gustong ipagkalat na kinuha siyang personal nurse ng kuya nito. Baka may makarinig na iba at kung ano pa ang isipin ng mga iyon.
Tumango na lamang siya sa sinabi ni Esmeralda. "May iba pa akong dapat malaman? Mga do's and don'ts?" tanong niya.
Tahimik naman siyang naghintay sa magiging sagot nito. "Wala ka naman dapat na alalahanin. Hindi lang palakibo si Sir pero mabait siya."
"Pero bakit parang ang mahal ng ngiti niya?" saad niya sabay tingin sa nakasarang pintuan ng opisina ng binata.
"Ganoon naman talaga siguro kapag may napagdaanan ka na sobrang nakasakit sayo, 'di ba?" makahulugan na sambit ni Esmeralda na talaga naman na hindi niya inaasahan.
"Ha?" naguguluhan niyang tanong dito.
Bakas sa mukha nito na tila hindi nito sinasadya na masabi iyon sa kanya. Nagmamadali itong nag-ayos ng gamit at isinukbit sa balikat ang bag atsaka na nagpaalam sa kanya. "Naku, may dadaanan pa pala ako. Mauna na ako sayo, Chastity. Good luck!"
Atubiling tumango na lamang siya at nagpasalamat. Ilang sandali na ang nakalilipas nang umalis ito at siya naman ay tulala na nakatingin sa sarado pa rin na pintuan ng opisina ni Uno. Nangalumbaba siya at pilit na inaalam kung ano ang ibig sabihin kanina ni Esmeralda.
"Anong nangyari sayo? May nanakit ba sayo? Kaya ba malungkot ang mga mata mo?" sunod-sunod niyang tanong na animo'y naririnig siya ng binata. She knew it was not a part of her job. But something inside her was curious about it. She wanted to know what it's all about and if it's possible, she wanted to make the pain in his eyes disappear.
Napaisip siya. Ito na ba ang tinutukoy ni Empress na maaring maging purpose ng buhay niya? Ang tulungan si Uno na muling ngumiti? Pero bakit ako? tanong niya sa sarili. Because deep inside you, you know you care, sagot naman ng isang munting tinig sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang siya at minabuti na tawagan na lamang si Joy upang kumustahin ang kalagayan ng kanyang tiya sa ospital. Baka maloka pa siya kung patuloy niyang kakausapin ang sarili.