CHAPTER 06-PART 02; Bipolar ka, sixxzzz?

1145 Words
TATLUMPUNG minuto bago mag-alas siyete ay nasa Wings Aerospace Industries na si Chastity. Naalala niya ang huling bilin ni Esmeralda na dapat ay mas maaga siyang pumapasok kaysa kay Uno. Hindi rin naman siya nakatulog ng maayos kagabi kaya nang sumapit ang alas-sais ng umaga ay tumayo na siya. Sumasakit na ang kanyang panga sa kakahikab dahil sa bagal ng pagpatak ng oras. At para masiguro niya na kakain ng agahan ang binata ay kinuntsaba niya si Manang Martha. Hiningi niya ang cellphone number nito upang kumpirmahin kung kumain ba ang binata o hindi. Kung sakali man na hindi ito kumain ay siya na lamang ang maghahanda ng almusal nito sa opisina. Hindi niya hahayaan na makalusot ito sa kanya. Daig pa niya ang nagbabantay ng kinder sapagkat mas matigas ang ulo nito kumpara sa mga bata. Hinihintay na lang niya ang pagdating nito at ang habang ginagawa iyon ay kinumusta niya ang kanyang tiya. Natutuwa siya sapagkat napakasigla ng boses nito at nalulungkot rin siya sapagkat matagal-tagal pa bago siya makauwi. Hindi naman niya itinago rito ang kanyang sitwasyon at humingi pa ito ng paumanhin sa kanya sapagkat ito raw ang dahilan kung bakit tinanggap niya ang trabaho na iyon. But she told her aunt not to worry. Hindi naman kasi mahirap ang trabaho niya. Wala naman talaga siyang ibang ginagawa kundi ang bantayan sa pag-inom ng alak si Uno. Hindi naman niya kailangan na halughugin ang kwarto nito sapagkat sinabi na ni Julien at Manang Martha na hindi naman ito nagtatago ng alak sa sariling silid. Mas hilig daw uminom ng binata sa ibang lugar at iyon ang mas inaalala ng nakatatanda nitong kapatid. So far, hindi pa naman talaga siya nahihirapan sa kanyang trabaho. Hindi lang talaga madaling kausap si Uno pero napansin niya na may itinatago naman pala itong kabaitan sa katawan. Sadyang hindi lang madali para rito ang maging malapit sa mga tao na nasa paligid nito. And that made her wonder why. Naikwento na sa kanya ng ilang mga kasambahay na malayong-malayo raw ang personalidad ni Julien sa kapatid nito. While the older brother treats everyone as a family, the younger brother prefers to be civil around them. Hindi naman daw ganoon si Uno noon ngunit nagbago ang lahat dahil kay Ada. Kung hindi lang dumating si Manang Martha ay hindi mapuputol ang pakikipagkwentuhan niya sa dalawang kasambahay na naninilbihan sa magkapatid na Salonga. Her curiosity about Ada made her awake all night. Hindi niya mapigilan ang mag-isip kung sino ba ito sa buhay ni Uno at kung bakit ganoon na lang ang naging pagbabago nito. Hindi naman niya maaaring tanungin si Julien dahil personal na buhay pa rin ng kapatid nito iyon at natitiyak niya na hindi nito magugustuhan ang pakikialam niya roon. Nawala ang nararamdaman niyang antok nang basta na lamang sumulpot si Uno sa kanyang harapan. Nakangiti niya itong sinalubong ngunit kaagad din na nabura iyon nang tila hindi maipinta ang mukha nito. He looked really mad and it was obvious that he was mad at her. "Follow me in my office," anito sa malamig na tono. Heto na naman po kami. Ano na naman ang ginawa ko? Umagang-umaga badtrip si Pogi, aniya sa sarili pagkatapos pumasok ni Uno sa opisina nito. Ang akala pa naman niya ay close na sila sapagkat kagabi ay tinulungan siya nito na ilipat ang dala niyang gamit sa guest room na malapit sa sarili nitong kwarto. Ito pa ang nagbitbit sa kanyang bag na naglalaman ng kanyang mga damit. Hindi niya maisip kung ano ang nagawa niya na ikinagalit na naman nito. Hindi naman siguro ito magagalit kahit pa nalaman nito na kinausap niya si Manang Martha. Hindi si Uno ang tipo na maiinis sa mababaw na dahilan kagaya niyon. Bago pa siya balikan ng binata ay kaagad na siyang sumunod dito. Hindi pa man niya naisasara ang pintuan ay umalingawngaw na ang malakas nitong boses. "Bakit nandito ka na?" halos pasigaw nitong tanong sa kanya. Nakapamaywang ito at hindi niya alam kung bakit iritadong-iritado ito. Even though he seemed really pissed off, that didn't change the fact that he looked so good in his plum three-piece suit. Ito pa lang ang lalaking nakita niya na may suot ng ganoong kulay ng damit na talaga naman na bagay dito. Kahit yata basahan ang suotin ni Uno ay magmumukha pa rin iyong maganda sa kanyang paningin. O kaya naman kahit costume pa ni Tarzan, natitiyak niya na babagay sa binata. "Did you hear what I said?" wika ulit nito na siyang dahilan kung bakit natigil ang pag-iisip niya ng kung ano-ano. "Tinatanong kita kung bakit nandito ka na." "Eh, Sir, bilin po kasi ni Miss Esmeralda kahapon dapat daw po mas maaga akong dumating sa inyo," malumanay niyang sagot. Nakita niya ang unti-unting paglambot ng ekspresyon ng binata dahil sa kanyang naging tugon. Hinintay niya na palabasin na siya nito pero nanatili lang itong tahimik na nakamasid sa kanya. Pero hindi niya mapigilan na tanungin si Uno kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon nito. "Sir, bakit po parang galit kayo sa akin?" matapang niyang tanong. Tila hindi inaasahan ng binata ang tanong niyang iyon sapagkat bakas sa mukha nito ang gulat. She saw him swallowed before answering her question. "Nasa poder kita at sa oras na may mangyari na masama sayo, sigurado ako na ako ang may kasalanan." Bahagyang nagsalubong ang kilay niya dahil sa pagtataka. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may iba pang kahulugan ang naging sagot ni Uno pero hindi na niya magawa na usisain ito. "Hindi mo naman kasi sinabi sa akin kagabi na wala ka pa lang balak na sumabay sa akin papunta sa opisina," dugtong nito. "Pasensya na po kayo, Sir Uno," nahihiyang sambit niya. "Sumabay ka na lang sa akin bukas ng umaga. You can leave now," pagtatapos nito sa usapan nilang dalawa. Paalis na sana siya nang biglang may naalala "Sir, last na lang," hirit pa niya. Akmang uupo na si Uno at muling pumihit paharap sa kanya. "Ano na naman?" paangil nitong tugon. "Nag-almusal na po ba kayo?" Ngunit bago pa makasagot si Uno ay dinugtungan na niya ang kanyang naunang pahayag. "Bawal kayong magsinungaling sa akin, Sir Uno. May CCTV ako sa bahay ninyo." "CCTV?" kunot-noo nitong tanong. "May mga mata ako na nakakakita sa inyo kahit hindi ninyo ako kasama. Kapag nagsinungaling kayo, malalaman ko kaagad." "Bakit hindi mo na lang subukan na hulaan?" hindi nagpapatalo na wika nito. "Sir, hindi naman po ako manghuhula." "Fine," he said. Mukhang sumuko na ito sa pangungulit niya. "No, hindi pa ako kumain." Ngumiti siya ng matamis at kulang na lang ay sumayaw siya sapagkat pakiramdam niya siya ang nagwagi. Hindi rin siya sigurado kung bakit nagpapatalo si Uno sa sagutan nilang dalawa. Pero sa kanyang palagay ay ginagawa lang nito iyon upang matapos ang usapan nila. Oh well, masarap naman iyon sa pakiramdam kaya kahit ano pa ang rason nito ay hindi na siya magrereklamo. "Wait lang , Sir. Ipaghahanda ko na po kayo ng breakfast," ngiting-ngiting sambit niya bago iniwan ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD