CHAPTER 06-PART 01; Ang atay.

882 Words
"Now. Bago pa ako mawalan ng pasensya sayo." Kaagad siyang tumalima at nabigla pa siya nang ito pa mismo ang naglagay ng pagkain sa plato niya. Tahimik naman itong nagsandok ng sariling pagkain at nagsimulang kumain. Nanginginig pa ang kanyang mga kamay nang hawakan ang mga kubyertos at panay pa ang sulyap sa binata na nasa kanyang harapan. Walang ibang maririnig kundi ang pagtama ng kubyertos sa plato nang mga oras na iyon. Iyon na yata ang pinakatahimik na hapunan sa buong buhay niya. Kung sa bahay lang nila ay natitiyak niya na kung hindi sila nagpipikunan ay nagtatawanan silang magpipinsan. Iyon ang dahilan kung bakit kahit nagyaya minsan na kumain ang mga kasamahan niya ay mas pinipili pa rin niya na umuwi upang makasabay sa hapag-kainan ang mga makukulit niyang pinsan at upang matikman ang masarap na pagkain na inihanda ng kanyang tiya. Hindi niya napigilan ang mapangiliran ng luha nang maisip ang mga naiwan niya sa bahay. Lalong-lalo na ang kanyang Tiya Lorna na nasa ospital. Tinawagan niya kanina si Joy at nalaman niya na maari ng lumabas ang ina nito sa ospital bukas. Sinabi na niya na hindi siya makakauwi bukas upang samahan ang mga ito dahil sa kanyang bagong trabaho at sinigurado naman ni Joy na wala siyang dapat na ipag-alala. Naramdaman niya na tila nakatingin sa kanya si Uno nang mga sandali na iyon at hindi nga siya nagkakamali. Nang mag-angat siya ng tingin ay huling-huli niya itong matiim na nakatitig sa kanya. Hindi maiwasan na makaramdam ng hiya. Nakita kaya nito ang pamumuo ng kanyang mga luha at ang pagpipigil niya upang hindi kumawala ang mga iyon? "Where did you put your things?" basag nito sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tumikhim siya bago sumagot. "Sa maid's quarter po," tugon niya. "Maid's quarter?" nagtatakang tanong nito. "Hindi ka naman katulong pero bakit doon mo nilagay ang mga gamit mo?" "Eh, Sir, kasi po iniwan lang ninyo ako kanina sa sala. Si Manang Martha po ang nakita ko pagkatapos kaya sa kanya na lang po ako nagtanong," paliwanag niya. Nakita niya ang tila paglambot ng ekspresyon ng mukha nito dahil sa sinabi niyang iyon. Na-guilty yata ang kumag. "You'll use one of the guest's rooms." "Sir?" "Sigurado akong magagalit si Kuya kapag sa maid's quarter kita pinatuloy," wika ng binata. "Naku, Sir Uno, ayos lang po iyon sa akin. Wala naman problema," tanggi niya. "Okay lang sayo na mapagalitan ako ni Kuya? Then, it's not fine with me," masungit nitong sagot. "Hindi naman po iyon ang ibig kong sabihin," natatarantang saad niya. It seems like he misunderstood what she said and that caused her to panic. "Whatever. Just do what I said," pinal na wika nito. "Bakit ba ang hilig mo na kontrahin ang mga sinasabi ko?" Yumuko na lang siya at inubos ang kanyang natitirang pagkain. "It's a tie," bulong niya pero hindi niya akalain na malakas pala ang pandinig ng binata. "What did you say? Stop mumbling." Nang muli siyang tumingin dito ay bakas ang inis sa gwapo nitong mukha. Kung hindi lang niya napigilan ang sarili ay baka umismid pa siya kahit na kaharap niya ito. Ikaw din naman kaya? Ang hilig mong kumontra sa mga sinasabi ko, piping sagot niya sa tanong nito. At hindi niya maaaring sabihin iyon sapagkat alam niya na hindi iyon magugustuhan ni Uno. "Atay, Sir. Atay at balunbalunan. Gusto kong kumain ng adobong atay at balunbalunan," palusot niya. She didn't even know if he would buy it. Pero ang mahalaga hindi sila matuloy sa pag-aaway. Hindi raw maganda na mag-away sa harap ng biyaya ng Diyos. "Whatever." Tumayo na ito at sinundan niya ang bawat galaw ng binata. "Kailan ka magre-report kay Kuya?" tanong nito sa kanya. Napaisip siya sa tanong na iyon ni Uno. Kailan nga ba? Wala naman sinabi si Julien na kailangan niyang tumawag para ipaalam dito ang lahat ng nangyari sa pagitan nilang dalawa ng kapatid nito. Pilit niyang inaalala kung may nabanggit ba ito ngunit kahit anong klaseng piga ang gawin niya ay wala talaga siyang maalala. "Ahm," atubili siyang ngumiti at suamagot. "Mamaya po, Sir," pagsisinungaling niya. "Hindi ka pa ba tapos na kumain?" tanong nito sabay sulyap sa plato niya na said na ang laman. "Tapos na po," sagot niya sabay tayo. Sinimulan na rin niyang iligpit ang kanilang pinagkainan ngunit pinigilan siya ni Uno. Hinawakan nito ang kanyang pulsuhan at inilayo siya sa dining table. "That's not your job. You aren't getting paid to do that," suway nito sa kanya. "Pasensya na po. Nakasanayan ko lang po na gawin 'yon. Sa bahay kasi wala naman kaming kasambahay," aniya rito. Gusto niyang bawiin ang hawak nitong pulsuhan niya pero may munting tinig na nagsasabing huwag niya iyong gawin. Ayaw man niyang aminin ay gusto niya sa pakiramdam na magkadaiti ang kanilang balat. Her heart didn't slow down since they fell down the stairs. It was weird but not in a bad way. She couldn't find other words to describe it. She found herself being comfortable with him despite their countless brawls. Masama yata talaga ang bagsak niya kanina. Baka nababaliw na siya kaya kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya. "Let's go get your things para makalipat ka na ng kwarto," gising ni Uno sa kanyang diwa na naglakbay sa napakalayong lugar. But her poor heart, when it would stop hammering inside her chest? Baka cardiac arrest ang kahinatnan niya kapag hindi pa bumalik sa normal ang pagtibok niyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD