Chapter 2: Kinabukasan

2018 Words
        Mabigat pa rin ang mga nagmamagandang talukap ni Jia nang magising siya kinabukasan. Pero dahil naiihi na siya, pinilit niyang magmulat. Mabilis na nangilala ang kanyang mga mata sa loob ng silid na kinaroroonan niya. Wala ang pamilyar na vase ng pink roses malapit sa coffee table. Mahilig kasi sa pink si Ms. Alexa kaya siniguro ni Json na lahat ng mga rooms sa hotel na pinagtuluyan ng mga guests ay may pa-roses na pink.        'Baka nalanta agad, may lakad or gaya mo nagparteh-parteh kagabi hanggang masenglot!' sermon ng lohika niya.         Kumibot ang labi niya. Iyon kasi ang unang beses na sumobra talaga ang inom niya at ngayon nga meron siyang hamover (hangover). Umirap siya.        Minsan lang naman 'yon, 'di na talaga siya uulit.        Sinubukan niyang mag-inat ng katawan, kaya lang hindi siya na-success. Nag-inarte kasi ang kanyang toes, knees, shoulders at head. May pa-slight na reklamo ang mga ito na 'di niya knows kung ano. Basta nananakit ng ibang leveling. At sa kanyang pagtataka, pati ang kanyang precious kabibe naki-join din sa pagrereklamo!        Juskolerd! Ano bang ganap kagabi bakit pakiramdam niya nakipag-jombagan siya sa sampung echoserang froglets?        Natigilan siya nang maramdaman niya ang bahagyang paglundo ng kama. Nakatagilid siya sa bandang kaliwa ng kama, paharap sa malaking salamin na dingding na natatabingan ng kurtinang may burda ng sakura. Kaya hindi niya ma-kanfirmed (confirmed) kung totoong may katabi nga siya.        May gumalawa ulit nang very very slight. Magkasabay na nanlaki ang mga mata niya at naglaglag ang kanyang panga. Juskolerd! May kasama siya sa bed of roses! Haw haw de karabaw, e mag-isa lang siya sa hotel room niya!        Hala! May mumu akong katabi sa bed of roses! Juskohan talaga!        Napangiwi siya sa naisip. Nagsitayuan na rin ang mga balahibo niya sa katawan. Bakit ba kasi 'di siya nakisiksik na lang kina Albie at Aleli? Afraidful pa naman siya sa mga dabarkads ni Sadako. Tapos nandito pa talaga siya sa Japan Japan, sagot sa kahirapan!        Maya-maya pa, may narinig siyang mahinang hilik mula sa likuran niya. Truli, may kasama nga siya! Lalo siyang nanginig sa takot. Lalong lumakas ang kabog ng puso niya sa nerbiyos. Nanginginig niyang nakagat ang kumot.        Ilang minuto rin siyang nakatagilid lang sa kama bago siya nakaipon ng lakas upang lingunin kung sino man ang katabi niyang dabarkads ni Sadako.        Kaso...        Isang singhap at kalahati, 'yan lang ang nakayanang gawin ni Jia nang masilayan niya ang katabi niya sa kama. Hindi dabarkads ni Sadako o sinumang klaseng mumu, kundi isang gwapo ang nag-lay down sa bed of roses niya! h***d ang kalahati ng katawan nito, at ang kalahati, nababalutan ng kumot na... Ginalaw niya ang kumot na hawak niya upang mapatili lamang ng walang sounds dahil ang kumot ng gwapo, kumot din niya!        Share sila? Bakit?        Doon umeksena ang braincells niyang nagmamagaling. Hindi gaya kagabi, malakas ng pick-up ng signal! Malinaw ang reception. Mukhang nagpapakitang gilas at sobrang linaw na ini-replay ang mga ganap nang nagdaang gabi. Ang Englishan game na bog chenes siya sa lahat ng sagot; ang pagsanib ng espiritu ng tunay at purong tama ng shalang alak sa isip niya, ang pakikipag-angilan niya sa guwapong katabi niya ngayon to the tune of her senglot self, ang pagyakap niya rito at ang pagkapit naman nito sa beywang niya tapos... tapos...        "Jia."        "Hmm?"        "Can I kiss you?"         Wala sa sarili niyang hinaplos ang kanyang mga labi bago siya napapikit ng tuluyan. Lalong luminaw sa isip niya ang mga naganap matapos ang unang halik na pinagsaluhan nila ng lalaki. May sunggaban, tukaan at... sinilip niya ang sarili sa ilallim ng kumot.        Juskolerd! Nagawa niya ang ritwal ng pag-aalay ng kabibe! Nagpa-haverst siya ng perlas sa guwapong tukmol na reklamador!        Napatili na si Jia sa puntong iyon at parang kinuryenteng napaupo agad sa kama.        "Hush, babe. You'll wake up the whole town!" reklamo ng lalaki sa paos na tinig. Sinilip siya nito sa isang bukas na mata nito.        Natataranta niyang hinila ang kumot upang itapi sa katawan niya. Kaso, mali pala na hinila niya ang kumot, may bumati na hindi dapat bumati. Ang El Banana Kapitan ng lalaki!        Awtomatiko ang pagtayo ni Jia sa kama. Hindi niya malaman kung saan babaling. Ang mga braincells niya gustong iadhika ang pagiging Dalagang Pilipina. Kaso, ang mga hormones niya gustong tumingin sa­...        Tyrone. Tyrone San Miguel. Ipinaalala ng windang na isip niya ang pangalan ng lalaki. Napangiwi siya. Tunog artista ang pangalan. Artistang elitista.        Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Juskolerd talaga! Nakailang susmaryosep siya.        "What the­— " Bumangon na ang lalaki, sapo nito ang ulo nito, singkit ang mga matang tumingin sa kanya.        "M-mag-hunos-dili ka koya! W-wiz dapat pa-exposure ang banana este ang k-kapitan! Ay! El Banana Kapitan!" nauutal na sabi niya bago inihagis sa lalaki ang unan.        Napatalikod si Jia, ang dibdib niya panay pa rin ang taas-baba. Hindi niya alam kung anong emosyon ang uunahin niya. Abala ang mga braincells niya sa pagproseso ng gulat, takot, taranta at pag-aalala.        Sa paanan niya, naroon ang mga hinubad nilang damit ng lalaki. Lalo siyang napangiwi. Truli! Nag-versace-on-the-floor nga sila!         Nasapo na niya ang ulong nananakit. Ano ba na naman itong nagawa niyang kashungahan? To the highest level of all levels na 'yon! Masyadong mali!        Alam niya, para sa ibang tao, wala sa kabibe ang dangal ng isang babae. Pero para sa kanya, mahalaga ang pag-iingat yaman sa perlas ng silanganan dahil dapat binibigay lang 'yon sa lalaking itinakda ng langit.        Lalaking itinakda ng langit.        Lalo siyang nag-panic. Paano na kapag dumating na ang truli na lovelife niya? Tapos wala palang blood donation sa kama sa gabi ng kanilang kasal?        "W-what's your name again, babe?" pukaw ni Tyrone sa tarantang huwisyo niya.         Hinigpitan niya ang hawak sa kumot sa banda niyang dibdib. Masakit, Kuya Eddie! Matapos nilang mag-chukchakan, ni pangalan niya hindi matandaan ng lalaki!        "Miss?" si Tyrone ulit nang nanatili siyang nakatalikod dito.        Nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilin ang kanyang pag-iyak. Kinalma niya ang sarili bago humarap sa lalaki. Nagpapasalamat siya na nakatayo na ito sa kabilang bahagi ng kama at nakasuot na ng puting roba. Kaso hindi rin nagtagal ang pagtitig niya sa lalaki dahil naagaw ang atensyon niya sa ebidensya sa kama ng kashungahan niya kagabi.        Pumatak ang na nang tuluyan ang luha niya. Galit siya. Galit siya sa sarili niya. At bago pa man makapagsalita ang lalaki, tinakbo na niya ang CR at doon itinuloy ang pagmumukmok. *****        "Dammit!" anas ni Tyrone. Inis niyang naisuklay ang kamay sa buhok. Tatlumpong-minuto na ang babaeng kasama niya kagabi sa loob ng banyo. He even used the floor's common comfort room to relieve himself because the woman won't open the damn door even if he begged!        Napabuga siya ng hininga nang masulyapan ang kama.        A virgin, eh? he thought.        He never had a virgin before. A drunk virgin, to be specific.        Alam niyang mali, pero hindi niya mapigilan ang makaramdam ng kaunting yabang. Why, the woman is pretty! Not the likes of the other girls he'd dated and worked with in the fashion industry but for him the woman is pretty. Stunningly simple, that's the word that best describes the woman he had shared the night with. And what's her name again?        Pumikit siya, may pilit na inalala. Blangko. Hindi pa rin niya talaga maalala ang pangalan nito. For a while he felt like he's that tumble-in-the-bed-then-go kind of guy, and he felt awful. Hindi niya gawain 'yon. Ni minsan, hindi rin siya namilit ng babae. He was raised to be a gentleman. Also, he's usually good with names but the amount of alcohol he took last night made him forget her name and not to mention, his senses.        He's not supposed to have s*x with her!        Heck! He's not supposed to have s*x, period!        He was there purely because of his business connections with the dela Vegas. Aside from his advertising agency and thriving modelling career, he co-owned, thanks to his late father, Primebuild-RMM Builders with Rob Mendoza, the husband of supermodel and one of his closest friend Sophie Benitez. Who in turn is one of the bestfriends of the the bride yesterday, Alexa Reyes. Small world ain't it?        Last night he's supposed to drink to his heart's content and sleep early. Social obligation is social obligation. He was trained to never miss any of it. So, he flew straight from Paris after another runway gig just to make it in time for the wedding. But then he bumped into the woman who messed up his newly tailored customized D&G white coat! He was pissed, tired, angry and very much drunk. He lashed out at her, he could clearly remember that. But after that, everything went hazy. For now, he's not even sure how or why did the two of them end up in bed. He can just recall the first time they kissed.        And now... He sighed in frustration.        Mabilis niyang niligpit ang mga nagkalat na gamit nila sa carpeted floor. Inayos niya rin ang kama at inilatag doon ang blush pink na gown na suot ng babae nang nagdaang gabi. An idea crossed his mind when he had a glimpse of the woman's purse. At first he hesitated but in the end he gave in. He slowly opened her silver purse and looked for any of her identification. Napakunot siya nang makita niya ang cellphone nito na may sticker sa casing na Jia.        Right! Jia. That's her name.        Tumunog ang doorbell. He rushed to the door and welcomed the trolley of brunch he had ordered. Again, he is playing gentleman even if he's unsure if Jia would welcome his invitation to eat with him.        Matapos niyon, mabilis siyang naglakad patungo ulit sa pinto ng banyo. Marahan niya iyong kinatok ng tatlong beses bago, "Jia. Miss Jia, I don't know what you are thinking right now but I want you to know, I'm kind of confused too. So, it's better if we talk this out. You can come out whenever you're ready. I promise not to do anything that will scare or disrespect you. I swear—"        Natigilan siya nang marahang bumukas ang pinto ng banyo. Mugto ang mga mata ng babaeng sumalubong sa kanya. Mahigpit ang hawak nito sa buhol ng kumot sa bandang dibdib nito. Matapos humikbi, nagsalita ito. "T-tagalog lang. P-paki-tagalog na lang."        Napakunot noo siya pero ginawa na rin niya ang hiling nito. "Jia ang pangalan mo 'di ba?"        Marahan itong tumango.        "Jia, puwede tayong mag-usap tungkol sa..." Nagbuga siya nang hininga. Sa unang pagkakataon sa buhay niya hindi niya mabanggit ang ginawa niya— nila ni Jia. He took Jia's innocence. At base sa itsura nito ngayon, she regretted what happened last night. Big time. He cleared his throat as his conscience started to fill his head.        "Nag-order ako ng agahan. Pag-usapan natin yung... yung nangyari."        Hindi ito sumagot. Malalaki lang ang mga mata na nakamasid sa kanya. Kumibot ang mga labi nito. Halata ang pag-aalinlangan sa sinabi niya.        "Hindi ako gagawa ng hindi mo gusto, Jia. Mag-uusap lang tayo. Promise." Itinaas niya ang kanang kamay bago alanganing ngumiti.        Nagyuko ito nang ulo bago tumango-tango. "P-puwede bang maligo muna ako or magpalit ng damit—"        "We can order at the boutique downstairs," mabilis niyang suhestyon kaso mabilis din itong umiling.        "Mahal do'n e," mahinang sagot nito. "Poorita ako ngayon. Waley budget."        Napangiti siya, naaliw sa lenggwaheng gamit nito. "You don't have to worry. It's on me."        "H'wag! Nakakahiya naman."        "Really, you don't have to worry. No biggie," aniya.        Nangunot-noo ito. "Piggie? Ba't may baboy?"        Marahan siyang natawa, ipinaalala ng isip niya na kagabi pa lang, kakaiba na ang pananalita nito but he didn't find it annoying at all, it's cute. She's cute. "Ang ibig kong sabihin wala talagang kaso sa akin na ibili ka ng damit sa baba." Ibinigay niya ang purse nito. "Here's your purse. I'll have your gown dry cleaned and send someone to buy you a more comfortable dress. Anong gusto mong kulay ng damit?"        Umiling ito. "K-kahit na ano na lang."        Tumango-tango siya. Nagpasalamat naman ito bago muling ipininid ang pinto ng banyo. ### 2040words ed 2007 /5:31pm/06232019
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD