Tumawag sa boutique sa ibaba ng hotel si Tyrone at umorder ng tatlong klase ng bestida, isang coat at isang pares ng flat shoes. Mayroong sleeveless na kulay kape— hugis V ang neckline at may cloth belt sa bandang beywang. Mayroon din bestida na forest green ang kulay, simple at disente ang tabas, at may bulsa sa magkabilang gilid. At ang pinakahuling damit ay isang yellow chiffon, wrap around flowy dress. Una niyang nakita iyon sa Summer Collection ng kaibigan niyang designer sa Paris. Tiyak bagay 'yon kay Jia, naisip niya.
Nang lumabas sa banyo si Jia, agad na ipinakita ni Tyrone ang mga pinamili niya na galing sa boutique sa ibaba. Nagpaalam siya na magsa-shower lang din muna. Masakit na rin kasi ang ulo niya dahil sa hangover pero pinipilit niyang balewalain 'yon dahil mas mukhang nasa huwisyo siya kaysa kay Jia. Nang matapos siyang maligo, sa banyo na siya nagpalit ng sport shirt at pantalon.
Paglabas ng banyo, nadatnan niya na nakatanaw si Jia sa labas ng glass wall panel, suot-suot ang dilaw na bestida. Napangiti siya. Tama siya, bagay nga 'yon sa dalaga.
"Jia." Napaigtad ito bago siya nilingon. "Sorry. Did I startle you?" dugtong pa niya habang tinatawid ang distansiya sa pagitan nila.
Awtomatiko ang reaksyon ng dalaga, umatras ito ng ilang hakbang bago nagyuko, kinutkot ang laylayan ng damit nito.
"Kagabi... s-sorry," umpisa nito. "'Yong suit mo, babayaran ko na lang at saka itong damit sa susunod na sweldo ko."
"Really, Jia you don't have—"
Nag-angat ito ng tingin. "Gusto ko! Kailangan ko 'yong gawin," pagmamatigas nito bago muling yumuko.
Napabuntong hininga si Tyrone. A part of him wanted to console her, but he is not sure if she'd allow him to do that. He's the stranger guy who took her innocence.
"Okay, I'll let you pay half of the price for my suit—"
"Magkano?"
"The coat costs around 3,000 because it's customized. I'll let you pay 1,500 if that's ok with you?"
Lumunok ito, umiwas ng tingin bago bumulong. "1,500 lang pala... Nag-harvest pa ng perlas! Jusko!"
"Excuse me?" aniya nang 'di niya gaano maintindihan ang sinasabi nito.
Imbes na sumagot, kinuha nito ang purse nito at naglabas doon ng dalawang libo.
"I-ito na. Keep the change." Inabot nito sa kanya ang pera.
Napakunot-noo si Tyrone, pero kinuha na rin niya. Baka kasi mainsulto ito o anuman, mag-iiyak na naman ito at kasalanan na naman niya.
"Thank you. Iaawas ko na lang 'to sa bayad ng coat."
"Anong sabi mo?" Malalaki ang mga mata nitong tumitig sa kanya kapagkuwan'y umirap. "Sabi mo1,500 ang bayad ng damit mo. Dalawang libo 'yan, kyah! May sukli pa nga dapat ako e. Pero deadma na lang." Namaywang ito. "Are you parenting me?"
"Parenting?" Nangunot ang noo niya. Iprinoseso niya ulit ang sinabi nito gamit ang mga key words. Then, it dawned him. "Sorry, my bad." Napakamot siya ng batok. "The price of my coat is in dollars. It's Dolce, babe. So it means, you owe me $1,500."
Suminghap ng malakas ang babae at pagkatapos ay natatarantang inilabas ang cellphone nito. Tumipa roon nang mabilis bago nito dahan-dahang inangat ang namumutlang mukha nito sa kanya. Bumuka ang bibig nito, parang may gustong sabihin, pero hindi makabwelo. Ilang beses nito iyong ginawa.
"Ayos ka lang?" Hindi na siya nakatiis na tanungin ito maya-maya.
"T-Tubig," nauutal na sabi nito sa wakas.
Tinakbo niya ang pitsel ng tubig at baso sa trolley bago iyon ibinigay sa dalaga. Inilang lagok lang nito ang dalawang baso sa loob ng sampung segundo bago, "Seriousness ka kyah? 75k pesopesoses ang jutang ko?"
Bahagya siyang natawa sa sinabi nito. "Well, you insisted on paying the half—"
"Pero wiz ko naman knows na ganern pala kashuhal ang outfit mo kagabi! Juskolerd!" Nagsalin ulit ito ng tubig sa baso. Inilang lagok ulit 'yon bago ibinalik sa kanya ang baso at pitsel.
Ilang sandali pa, tuliro itong napaupo sa kama bago bumunghalit ng iyak. Hindi na siya nakatiis at tinabihan ito. Nagulat pa siya nang biglang siya nitong niyakap habang patuloy sa pag-iyak.
Nagsasalita ito habang umiiyak. Ang problema, hindi niya alam kung nagpapaliwanag ito o kinukwentuhan siya ng pelikula. May nabanggit itong Tiyang Bebang, Skyflakes, Coke litro, utang na load, pagkembot sa ekonomiya, JM, warla at toyo. Mukhang favorite words din nito ang kabibe at perlas. What ever she meant by any of those, he didn't have any idea. But he didn't say a thing. He just allowed her to cry until she finally calmed down and let him go.
"Mr. Tyrone, poorita lang talaga ako," umpisa nito sa pagitan ng pagsingok. "Ang meron lang sa akin slight na ganda, ginintuang heart, puri, dangal at nag-uumapaw na kashungahan. K-kaso 'di ko naman puwedeng ipambayad 'yon sa 'yo. Lalo na ang aking purity kasi nai-givesung ko na 'yon sa 'yo kagabi." Singhot. "So please, 'wag niyo po akong ipakulong. Keri ko naman bayaran 'yon in the futuristic future pero hindi ko keri ang one time big time." Nagpunas ito ng luha. "Puwede bang hulugan na lang? Kahit everyday kung gusto mo. Para the more entries you send, the more chances of winning."
Tumitig ito sa kanya, mugto ang matang naghihintay sa isasagot niya. Pero imbes na maawa siya, hindi niya napigilang tumawa.
"Ay, happiness lang kyah?" komento nito, seryoso ang mukha.
Tumikhim siya at pinilit magseryoso baka kasi isipin nito pinagtatawanan niya ito pero ang totoo naman talaga naku-cute-an siya sa mga mali-mali nito— sadya man o hindi.
"Jia, gaya nang sinabi ko kanina, you don't need to pay anything. Napilitan lang akong magsabi ng price kasi namimilit ka. But really, you don't need to pay anything," aniya sa mababang tinig.
Kumurap-kurap ito bago nagbuga ng hininga. "Truli?"
"Anong truli?" takang tanong niya.
"Ay, 'di mo knows? Sa true. True. Totoo."
Muli siyang napangiti bago, "Truli."
Ngumiti ito nang bahagya. Kinuha niya ang pagkakataong 'yon para yayain itong kumain. Nag-alangan ito sa una pero pumayag din.
"So, whose side are you from? Json or Alexa?" ani Tyrone habang kumakain sila.
"N-Nagta-trabaho ako sa DLVDC," sagot nito pagkatapos humigop ng kape. "Ikaw?"
"Wala."
Napanganga ito. "Ay, hindi ka imbitado?"
Napangiti siya, nagsisimula na naman siyang maaliw dito. "I am, actually. Pero I'm not related to either of them. I am a business acquaintance."
"Ah, business friends."
"Yes, you could say that," aniya.
Tumango-tango siya bago pinagmasdan ang babae. Maingat ang kilos nito, parang ayaw magkamali. Mula sa pagbitiw nito ng kubyertos sa bowl hanggang sa paglalapag nito ng tasa sa platito, lahat walang ingay. Kung siya ang tatanungin mas mukha itong robot sa kilos nito kaysa babaeng mahinhin.
"Jia, you can relax. Walang nagbabawal sa 'yo na kumain." Nag-angat ito ng ulo, halatang nagulahan sa sinabi niya. "Para ka kasing natetensyon habang kumakain ka," paliwanag niya.
"Ay, wiz! Nakaka-stress lang kasi baka makabasag ako, problema ko na naman ang pagbabayad. Napaka-clownsy ko kasi talaga," paliwanag nito bago marahang binitawan ang kutsara.
"Clownsy?"
"Truli! 'Yon bang konting galaw, puwede maging dahilan ng pagkawasak ng sangkalupaearth."
Napangiti siya. "You mean, clumsy," aniya.
Napatitig sa kanya ang babae, namumula ang mukha. Yumuko ito, pinagdiskitahang haluin ang soup na nasa harapan nito. "'Y-yon nga. C-clumsy. Clumsy ang ibig kong sabihin." Bumulong-bulong ito pagkatapos.