"Ma! Pupunta kami mamaya sa concert ng Dark Angels ah! Doon narin po ako makikitulog kila Marie." Sigaw ko kay Mama habang nag susuot ako ng sapatos.
"Ok anak. Mag ingat ka doon ah. Wag malikot." Sigaw sakin ni Mama mula sa kusina.
"Ma hindi na kaya ako bata." Pag papacute ko kay mama habang nakatingin sakanya.
"Ok sabi mo eh. Basta! Wag ka munang mag bo-boyfriend. Saka dapat pakilala mo muna samin." Malambing na sigaw ni Mama habang tumatango si Tita Sally.
"Ma! Aattend lang ako sa concert." Angal ko kay Mama habang umiiling.
"Oh? Jeremy. Sabay na tayong pumasok." Ngiti ko sakanya pero nag patuloy lang siya sa pag lakad. Kaya naman hinabol ko na siya at nag flying kiss nako kila Mama at Tita. Tumango naman sila sakin at pinag madali din ako.
"Jeremy namiss ko talagang makasabay ka!" Tuwang tuwa kong yakap sakanya habang nag lalakad kami.
Agad niya kong inalis sakanya at tinignan ng masama.
"Wag mo kong yakapin. Wag mo kong sabayan. Wag mo kong kausapin. Ok?" Masungit niyang sabi sabay irap. Kaya naman napabusangot ako. Para naman siyang ibang tao.
"Teka lang! Napaka sungit mo naman." Sabi ko sabay pout. Pero di niya ko pinansin at diretsiyo lang ang kanyang tingin.
"Sige ganyanin mo ko. Mamimiss mo rin ako pag nag sawa na kong humabol sayo." Asar na bulong ko habang nag tatamputapuhan para pansinin niya.
Huminto naman siya kaya napangiti ako at bumalik ulit sa pag busangot ng tumingin siya.
"Alam mo, magiging masaya ko pag nawala kana sa buhay ko." Malamig niyang sabi sakin. Kaya naman parang nawasak ang puso ko sa sinabi niya. Tapos kitang kita pa sakanyang mga mata na seryoso siya sa kanyang sinasabi. Umalis na siya sa pag kakahawak at nag patuloy sa pag lakad.
Nanginig ang aking katawan at halos tumulo ang aking luha sa narinig ko mula sakanya. Para kong pinapatay ng paulit ulit sa kanyang sinabi.
"Jeremy..." Bulong ko nalang habang nag pupunas ng luha. Hindi ko maialis ang tingin ko sakanya habang lumalakad na siyang palayo sakin. Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa sinabi niya.
Habang tinitignan ko siya. Bumabalik sakin ang magaganda naming alaalang dalawa.
Magandang alaala na ayokong burahin. Pero kusang nag lalaho dahil sa sinabi niya.
Yung mga panahon na may kulay pa ang lahat. Yung panahon kung kailan masaya pa kami.
Unti unting nawawalan ng kulay at nag lalaho...
Ngayon ko lang narealized na wala na talaga kaming pag asa. Na wala na pala talaga yung matagal naming pinag samahan. Na hindi na kayang mabuo pa. Dahil ayaw niya na.
Sana lang ganun din ako sakanya. Na kaya nalang kalimutan ang lahat ng ganun kabilis. Na parang hindi niya ko nakilala o parang isa nalang akong multo ng nakaraan niya. Isang multo na patuloy na nag paparamdam sakanya.