WHG 01: The Beginning
November 22, 1996 - Yan ang pinaka importanting date sa lahat. Yaan ang araw kung kailan kami sabay ipinanganak. Hindi ba astig? Our mother's were bestfriend. Kaya naman ng sumakit na ang tiyan ni Mama sumabay na si Tita na ipabiyak din ang tiyan niya.
Simula baby mag kasama na kami. Sa gutom at iyak sabay kami. Sabi nga ng iba dinaig pa namin ang mag kambal sa sobrang dikit naming dalawa.
Hanggang sa pag laki namin. He's my ugly prince and I'm he's lovely princess. Madalas kaming mag laro, syempre di namin naiiwasang mag kapikunan. Yan tayo eh. Pag talo laging pikon and that's him. Kahit pa ganun I really love the feeling when he's around. Ramdam ko na ligtas ako. Kahit pa kung minsan ay ang baho niya na dahil ayaw niya sa lahat ang maligo.
Alam ng isa't isa ang bawat sekreto. Syempre dikit kami at walang makakatalo don. Maski sila Mama hindi kami pwedeng pag hiwalayin. Iiyak kasi ang isa samin. Dahil narin sa nangyari napag kasunduan nila Mama na lumipat sa isang maganda at malaking bahay kung saan mag kakasama kaming lahat. Si Papa, si Mama, si Tito, si Tita, si Jeremy at ako. Masasabi kong isa kaming One big happy family.
Hanggang sa tumagal ang panahon at lumaki na kaming dalawa. Isa na kaming ganap na dalaga at binata. Pero syempre lagi parin kaming mag kasama at nag kukulitan. Para sakin siya na ang pinaka sweet na kuya sa lahat at ako ang pinaka makulit at crybaby niyang bunso. Mas nauna kasi siya ng ilang oras na ipinanganak kesa sakin.
Kahit pa sira ulo siya dahil lagi niya kong pinag sasabihan ng "Tanga." Ayos lang. Pag dating niya naman sa bahay pinapasalubungan niya ko ng gusto ko at nag so-sorry din siya. Para sakin 'yon ang pinaka importante sa lahat.
Wala kaming hiya hiya sa isa't isa. Kahit nga umutot ako sa harap niya ayos lang eh. Mas madalas naman kasi siyang umutot kesa sakin.
Ganito lang kaming dalawa. Sweet pero walang malisya. Maski mga parents namin ayos lang sa kanila ang nakikita nila saming dalawa. Kahit pa duon ako matulog sa kwarto ni Jeremy ay ayos lang din.
Lagi kaming nanjan para sa isa't isa at walang iwanan kahit pa malaking problema yan. Kayalang...
May nangyari na hinihiling ko na sana hindi nalang nangyari. His dad left them because of another woman. At yuon na ang naging simula ng pagiging pasaway ni Jeremy. Even ako or his mom hindi niya na sinusunod. Pero ayokong sumuko. Alam kong nanjan parin ang Jeremy na kuya ko.
Dahil nararamdaman ko. Kahit pa layuan niya ko.
Kahit pa di niya narin replyan ang mga text ko.
Kahit mawala na ang kulitan naming dalawa at maging isang nakaraan nalang.
Naniniwala ako. Na darating ang oras na babalik siya sakin...samin.
Mag hihintay ako. Kahit pa tumagal 'yon ng mahabang panahon.